Wakas at Simula

Posted: February 27, 2010 in Kuro-kuro
Tags: , , , , , ,
Bughaw, pula at puti
Mga dayuha’y nagapi
Tatlong bituin at araw
Kalayaan ang isinisigaw
Mga dayuha’y nawiwili
Sa iyong bughaw, pula at puti
Saan na nga ba ang alingawngaw ng iyong sigaw?
O iyong mga bituin at araw
Noo’y mga dayuhan ang kalaban 
Ngayo’y kapwa Pilipino’y nagpapatayan
O giliw kong bayan
Ang Diyos lamang ang matatakbuhan
Sa pagsikat ng araw
Hayaan mong maiwagayway
Ang iyong tindig at kisig na taglay
Hinding-hindi na mawawalay
Aming Diyos na gabay
Kaawaan ang iyong ibigay
Pagpapala ang aming samo
Sa aming Bayang palalo

Malapit na naman magtapos ang buwan ng Pebrero, Buwan ng mga Puso kung ituring. Madaming nangyari sa buwang ito na kung saan may mga wakas at simula.

Winakasan ng 2nd Division ng COMELEC ang matagal ng hihintay na desisyon sa pagka-gobernador ng Pampanga at hinirang na nanalo noong nakarang 2007 Eleksyon si Mrs. Pineda. Nagsimula na ang pakikibaka ng mga Kapampangan (kabilang ako) sa pakikipaglaban (sa panalangin) sa katotohanan na hindi nandaya si Among Ed Panlilio.

Magwawakas na rin ang Administrasyong Arroyo  sa darating na Mayo 2010 at magsisimulang muli ang kanyang paghayo sa Kongreso (kung papalarin).

Nagwakas na ang pagdiriwang ng People Power I. Ito ay ang paggunita sa laban ng masang Pilipino laban sa pamamalakad ng dating Pangulong Marcos. At nagsimulang muli na mag-alab ang damdaming maka-Pilipino, maka-Bayan at maka-Diyos sa muling paggunita sa makasaysayang pangyayari.

Maraming kaganapan ng wakas at simula. Maaring maganda o pangit na balita man ang mga ito. Mga bagay-bagay na minsan nakakagulat, hindi katanggap-tanggap at maging kakila-kilabot sa iilan ngunit sa iba naman ay kaaya-aya at kanais nais naman.

Sa pagwawakas ng Buwan ng Pag-ibig, ibig kong magwakas at masimulan ito sa isa sa mga pinakagusto kong tala sa libro ng mga libro:

“Higit sa lahat magmahalan kayo, sapagkat ang pagmamahal ay tumatakip sa maraming kasalanan.” 

Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins.”

Tunay nga na ang pag-ibig ay tumatakip sa lahat ng uri ng kasalanan. Ang Diyos ay pag-big at siya ang may-akda nito. Nawa ang pagmamahal ang mamayani sa bawat Pilipino.

picture taken from: http://tagadavao.wordpress.com
Comments
  1. J.Kulisap says:

    At natagpuan ko na naman ang aking lahi sa kutang ito.

    Mga salitang umiibig, nagmamahal at nagpapatunay na ang wikang taal ay mas kaibig-ibig, subalit ito ay parang isang babaeng mayumi sa panahon ng modernisasyon, napag-iiwanan.

    Ang dami kong sinabi…hahaha.

    Nagsisimula at nagwawakas. Makaramdam ng pagmamahal at manghawa ng pagmamahal..sana ang mga maykapangyarihan…marunong nito…disin sana’y ang nasasakupan hindi na kailangang utuin pa.

    • themizpah says:

      Maraming salamat iniirog naming lakan sa iyong pagdaan sa kutang aking iniingatan. Katulad ng iyong nabanggit na ang ating sariling wikang bukal ay mayumi na sa pagpapalit ng mga araw at daang taon ay nabahiran ng wikang dayuhan, subalit sa aking paniwala ay napagyaman ito sa maraming bagay.

      Sa pagmamahalan lahat ay pantay-pantay, sa pag-ibig walang talunan, at sa tunay na pagmamahal ay may wagas na kapayapaan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s