Personal: Para Sa Aking Matalik Na Kaibigan

Posted: April 19, 2010 in Personal

Hayaan nyo pong ang espasyong ito ay maibigay ko sa araw ng aking bestfriend na babae. 

Sa araw na ito ay kaarawan ng aking pinakamatalik na kaibigang babae. Madalas naming ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan sa resort kasama ang barkada at kanyang pamilya ngunit hindi sa dalawang taon na nakalipas. Madalas din kaming magpunta sa prayer tower kapag ganitong okasyon. Magkaklase kami noong nasa kolehiyo. Naalala ko pa na paskong-pasko ay isinasagawa namin ang swabbing para sa kanyang thesis sa Micro-Lab sa aming paaralan. Madalas din akong magpaluto ng munggo, galunggong at manggang hilaw na may bagoong sa kanyang mama. Sa tagal at dami na ng aming pinagsamahan masasabi kong subok na ito at matatag. 

Kagabi ikapito ng gabi dito (12:00 hatinggabi sa Pilipinas) ay tinawagan ko siya at sabay ng pag-awit ko ng happy birthday to you. 

Ang Resibo

Siya rin ang kaantabay ni nanay noong pumanaw ang aking kapatid. Araw at gabi siyang nandoon sa amin. Nagleave pa siya sa paaralang kaniyang pinagtuturuan. 

Thank You Fren!

Nakasama din siya sa Food Basket Activity noong nakaraang Pasko bilang pag-alala sa aking kapatid. 

Salamat!

Sa dami ng ating pinagsamahan nais kitang pasalamatan mahal kong kaibigan. 

Bb. Elaine D. Pamintuan

Sa araw ng iyong kapanganakan
Hayaan mong ikaw naman ang paglingkuran
Kahit sa salitang salamat lamang
Ngunit punong-puno ng kahulugan… aking Kaibigan.

Salamat sa lahat at ang pagpapala ng ating Panginoon at sa iyong buong pamilya ang aking dalangin araw-araw. 

Miss na miss da naka fren, mikit-ikit tana kanyan next year. Balumu naman na palagi ka kareng prayers ku at ing pamilya ku ampo aku is very thankful for having you in our lives. Kaluguran daka at miss da naka. 

Ang iyong matalik na kaibigan,

Pong

At kanina bago siya umuwi ay ito ang reply niya.

E-mail

About these ads
Comments
  1. kayedee says:

    ahh xa pla c elaine?? hmmmm… nice! gus2 q din magka best fren ng guy, kso puro gurl lng bbf q! nakaww pagnagkataon lulunurin q rin s pagmmhal ang mgiging guy bff q! ehehehe

  2. aninipot says:

    wow! sweet mong kaibigan kuya.

    • themizpah says:

      salamat, madami na akong atraso sa kaibigan kong iyan eh,

      babawi nalang ako pagbalik ko ng pinas, ayaw din naman niyang pumunta dito sinabi ko nga sa kanya na may open ng international hiring para sa research assistant, ayaw niya…ehe.

  3. J. Kulisap says:

    Kaluguran daka Elaine.

    Sapagkat sa buhay mo may isang uunawa sayo ng walang kapalit. -J.Kulisap

  4. jason says:

    di ako base?????

    >.<

  5. jason says:

    huwaw! ang sarap naman maging matalik na kaibigan ni mizpah! nakakataba ng puso.. naipakita mo na ba sa kanya itong post mong to??

    huwaw!! pakibati na lang ako sa kanya hah!!!!!

    • themizpah says:

      in-email ko na sa kanya ang link, nagtu-tutor pa ngayon yun 4 pm palang free time niya sa summer class sa school na pinagtuturuan niya.
      mababasa niya ang pagbati mo mamaya pero sasabihin ko mula kay jasonhamster maligayang bati.

      iba talaga kapag may matalik kang kaibigan diba.
      si sili diba kababata niya si ponkan?

      • jason says:

        yehey!!! happy bday sa bespren mo!!!

        kababata nga ni sili si ponkan pero nagkaroon ng kumplikasyon..

        di natin masiguro kung maibabalik pa ang dati…

        si siling makati. bow. haha!

        • themizpah says:

          yung pics mo nag-iiba may red shirt at iba pa…

          bakit ang sa akin kapag Pong ang gamit ko yung pic ko ang lumalabas kapag themizpah yang gravatar na may salamin…

          sasabihin ko mamaya ang pagbati mo.
          sana maibalik pa ang kanilang friendship.

        • jason says:

          kaya nga. kahit dito sa pc ko paiba-iba… naguguluhan na ko baka makalimutan ko na original kong muka..

          teka singit ko lang,.

          medyo lang.. ano.. namula mata ko nung nabasa ko yung kinantahan mo sya ng happy bday sa phone. pag ako kasi iniiisp ko kantahan ako sa phone ng kahit kapatid, nanay, tatay, kaibigan sa phone, iiyak ako. lalo na kung malayo.

        • themizpah says:

          ako din 2 gravatar na insect like at parang figure like, tapus 2 totoo kong pic minsan ang lumalabas… sana huwag natin makalimutan ang tunay nating peys.

          nabasa ko nga na close ka sa nanay mo.
          sinabi niya sa akin na masaya siyang marinig ang boses ko sa buong abril kasi ay 2 times ko palang siyang tinawagan.
          nagkakaiyakan din kami nun.

          isa kang mapagmahal na tao jasonhamster.

  6. ??? says:

    happy birthday kay miss elaine.. :-D hehehe..

    nakakatuwa naman to…

    mabuti kang kaibigan kuya pong…

    kipitipop…

  7. duking says:

    eto lang tol mizpah:

    uyyyyyyy!!!

  8. Sisa. says:

    hahaha. yahoo! happy birthday kay ‘best friend.’ hehe. kaapelyido nya ang thesis partner ko na Kapampangan din. :)

    ikasa na yan! haha.

  9. ang swerte naman ni ms. elaine me best friend syang gaya mo, themizpah. naalala ko tuloy yung isa sa favorite movies ko “when harry met sally”. ang ganda ng ending nun. uyyyyy.. hehe.

    hindi ako nagkaron ng best friend na guy. yung pure friends lang talaga. lagi kasing nagkakamalisya sa huli. hehe.

    paki-sabi po happy bday mula ke miss greenbellpepper dito sa SG :)

    ingats..

  10. J. Kulisap says:

    Base ako ngayong araw. Walang nangingialam

  11. Ax says:

    Happy birthday to her! Natuwa naman ako dito. Wala lang! Hehe. Yay.

    More powers sa BFF relationship niyo! ;)

  12. J. Kulisap says:

    Bakit hindi na lamang siya ang iyong idambana ng higit pa sa kaibigan?

    Hindi pwede?

    Bakit?

    Ay kakalungkot naman.

  13. yiN says:

    Ngayon lang ata ko naligaw dito, padaan, at babalik. Pibertdey sa kaibigan mo! Di ko mabasa gaano kasi mobile ako pero hala ka e-mail add ba niya yun??? LOL.

  14. mtoni says:

    yay nagabsent ung kowment ko kagabi.

    bukod sa maganda at sexy ay napakabait pa.
    baket bff lang?

    maligayang kaarawan bb. Elaine D. Pamintuan.

  15. chevybo says:

    bakit ngayon ko lang ito nabasa. nalungkot ako nung nabasa ko yung tungkol sa pumanaw mong kapatid. isipin mo na lamang na may isang anghel na nagbabantay sa’yo. gagabay, aalalay at magbibigay ng lakas. ‘san ka man magpunta. yan din kasi ang inisip at iniisip ko hanggang sa ngayon buhat ng mawala ang kapatid ko.
    (nakuwento lang, naiyak na rin hahah)

    pero dahil birthday ito ng matalik mong kaibigan. mula dito sa Pangasinan. Happy birthday Bb. Elaine Pamintuan! hehehe

    Magandang araw sa’yo at GOdlbess!

    P.S. gaya ng sabe ni haring “du”, uyyyyy! ;)

    • themizpah says:

      salamat chevybo, pasensya na kung napaluha kita pero siguro tayo ng nararamdaman dahil pareho nating naranasan ang mawalan ng kapatid.

      salamat sa pagbati, nabasa niya ito.

      Maraming salamat, mula dito sa disyerto, magandang umaga!

      • chevybo says:

        Siguro nga pareho tayo ng nararamdaman. Bata pa yung kapatid ko nung namatay siya, komplikasyon sa puso.(Maikuwento lang)Mag tatatlong taon siya nun. Ako naman nasa grade three. May dal’wang butas ang puso niya. “blue baby” kung tawagin dahil sa nangingitim ang mga labi’t mga dulo ng daliri ng paa’t daliri niya. Naalala ko pa sa tuwing uuwe ako galing skul. Bibilhan ko yan ng chokolateng gawa sa harina. Yung may bulak lak na design, minsan naman parang choc’lit bars. Maglalakad ako pauwi mabilhan ko lang siya nun. Tapos sasalubungin na nia ako, tatakbo yan kahit hingal. Tapos tatawagin nia ako’ng “kuya”. Ang sarap sa pakiramdam, naalala ko pa yung unang mura na narinig ko sakanya. Mura pero tuwang tuwa kame habang pinapaulit namen sakanya. Tapos isang araw, naglalakad ako pauwe. Me dala pa akong matatawag na pasalubong nun. Nakita ako ng pinsan ko’ng babae. Bumaba ng tricycle papunta sa’men. Naiiyak siya habang kinakausap niya ako, hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba nun. Pagdating ko ng bahay, madaming tao, umakyat ako sa balkonahe at nakita ko’ng nakaratay ang walang ng buhay ng kapatid ko isang mahabang upuan. Bumuhos ang parang hindi maubos ubos na luha ko nuong araw na iyon. ayshyet, naiiyak ako nanaman ako. pasensya na ha. Ang haba ng comment ko.

        Magandang araw!

        • themizpah says:

          Magandang umaga din kaibigang chevy,

          At least you showed how much you love him and how beautiful life is even it’s just short lived for your brother.

          Glad to know that the comfort taht God gave you and your family is enough to surpassed the agony and pain brought by the death of your brother.

          Surely he is in heaven.

          Kaya be joyful!

          Be blessed, magandang umaga!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s