Pangarap Sa Bayan

Posted: June 14, 2010 in Pansarili
Tags: , , ,

Sapat na nga bang pamantayan ng edukasyon na makabasa at makasulat lamang ang mamayang Pilipino?

Kailan nga ba naipatupad at natamasa na ang edukasyon ay para sa lahat; ito’y karapatan at hindi pribilehiyo ng iilan (Education for all)?

“Sa 100 na mag-aaral ay 66 lamang ang nakakatapos ng mababang paaralan (elementary education), 42 sa mataas na paaralan (secondary education), at 25 ang makakatuntong sa kolehiyo (tertiary education).”  — Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)

Hindi mangmang/bobo/walang alam ang mga Pilipino. Sa katunayan kabilang parin naman tayo sa mga tinitingala sa larangan ng pagalingan at tagisan ng talino. Maaring dahil na rin sa mga pinagsanib pwersa ng mga genes ng Washington DC, Tokyo, Madrid, Shanghai at mga Katutubo. Pero, ang angking galing ng Pilipino sa anumang larangan ay likas at hindi matatawaran.

Nakaka-bahala, nakaka-alarma, nakaka-takot at nakaka-lungkot ang mga nabanggit na datos sa itaas. The Department of Education (SUCs) is crying out for more/bigger budget. The public school principals are crying out also for more teachers and classrooms. The parents are crying out for free education. And worst, the classrooms are wailing for students.

Kung ilalagay natin sa script ay ganito ang kalalabasan:

DepEd/CHED: Administrasyong Aquino nagsusumamo po kami na taasan ninyo ang alokasyon para sa edukasyon.

Public Schools Principals/Administrators: DepEd/CHED, kulang ang aming mga guro, mga silid-aralan, at maging ang sahod ay kulang.

Parents: Public Schools Principals/Administrators, e bakit sabi ng DepEd ay libre ang matrikula, bakit may singilan pa rin?

Classrooms/Schools: Nasaan na kayo mga mag-aaral (panaghoy at hikbi)?

In reality, yes, a bigger/additional budget for education will help. A higher salary will give motivation to the teachers as well as new school buildings, textbook supplies and modern teaching instructions. A true free education for all is absolutely beneficial for both parties. But the irony, where are the Filipino students?

Of course the case and scenarios are far different from well-to-do-family and private schools. Do they feel the need for free education? I don’t know.

Kung nasaan sila ay marahil matatagpuan sila sa kalsada: naghahanapbuhay, nagpapalimos, nangangalkal ng basura, nagbebenta ng katawan. Marahil, siguro, posible.

Sa bansang (lugar) kinalalagyan ko bawat (literal) kanto ay may paaralan. Hindi ito exaggeration. Sa gawing kanan ng aming tirahan mga 10 meters ay may paaralan. Sa gawing likuran naman mga 10 meters din ay may isa pang paaralan. I thought it’s just a coincidence. Sa bawat pagbibiyahe ko at pagjo-jogging ay ganun ang mga pagitan ng mga paaralan. Libreng edukasyon para sa lahat. Ang mga pamantasan at unibersidad dito ay sinlalaki ng isang siyudad. Libreng edukasyon para sa lahat. At bawat mag-aaral ay may allowance na galing sa kanilang gobyerno (housing, transportation, food at iba pa). Libreng edukasyon para sa lahat. Ang kanilang gobyerno mismo ang nanghihikayat na sila ay mag-aral mapa loob at labas ng bansa. Libreng edukasyon para sa lahat.

To compare the Philippine Educational System as a whole (from the government to the lowest level of learning institution) is a bad thing to do. But to emulate, study, and implement it in the Philippines is something to be think about and worth waiting for. Maybe a law, implementation, executive order, I don’t know. Just maybe, because we have a process for it, due process, but still, it is worth waiting and am looking forward to happen it before my very own eyes in more than 7, 000 islands. In a populace such as the Philippines, it will surely be fruitful and beneficial, in both ways.

Ito ang PANGARAP KO PARA SA BAYAN ang TUNAY NA LIBRENG EDUKASYON PARA SA MAMAMAYANG PILIPINO.

Maari naman itong mangyari. Magaling ang Pinoy. Itanong natin sa Pinoy. Pwede naman nating subukan. Ang battle cry ng mga naglalakihang kumpanya. Applicable yun.

ABS-CBN  2 – Kapamilya, In the service of the Filipino.

GMA 7 – Kapuso, Where you belong.

TV 5 – Kapatid.

BDO We find ways. Consistency earns trust.

SMWe got it all for you.

DepEd/SUCs: FREE EDUCATION FOR ALL “Kapamilya, Kapuso at Kapatid: You belong here. We’re at your service 24/7″

Philippine Government: STUDY NOW PAY NO MORE “We find ways for your education. You can trust us. We got it all for you. Saan ka pa?”

Ang sulat sa ibaba ay sadyang ginawa para sa kaarawan ng isang mabuti at magaling na Guro na si Teacher Nalaine. SALAMAT, PATAWAD, PANGAKO

I do believe the government is doing its part so as the teachers and parents. What we need is to work hand-in-hand. One step at a time. In return, out of love, we could render service to the people. No reciprocity rule: the service and love rule.

Ang katuparan ng pangarap kong ito ay siguradong magdudulot ng kaginhawaan para sa mamayang Pilipino at bansang Pilipinas na ating minamahal.

 —

Postscript:

Isang malaking sampal sa akin ang artikulong ito sapagkat minsan sa buhay ko ako’y naging guro. Madaming pangarap para sa bayan. Sa loob ng sampung buwan ako’y babalik na sa ating bayan. Susubok muli para sa Pangarap Para Sa Bayan. Sa tulong ng Diyos, ang mumunting adhikain na makapagtayo ng isang Free Learning Center ay matutupad. In God’s perfect time. A three-year target will do, to make this happen. In His own perfect time. Salamat, Patawad at Pangako.

Ang artikulong ito ay aking suporta para sa Libre Lang Mangarap T-Shirt Season 2 ni Kaibigang Otep

 P.S.

Hindi po ako masyadong eksayted sa mga kontes. Perstaym ko po kay Kuya Kulisap at itong kay Kaibigang Otep. At naniniwala ako na ang kanilang mga adhikain ay dapat suportahan. Vision is important for it will fulfill a mission.

Comments
  1. J. Kulisap says:

    base?
    Tsup ten times ten times ten raise to the nth power.

    Basa mode

  2. Len says:

    2nd base! ;-)

    • Pong says:

      kungrats mam second base ka.
      pero pwedeng mapakiusapan si kuya kulisap na hati kayo sa 1st base.

      @kuya kulisap
      payag ka ba?

      • Len says:

        ahaha, si kulisap? nako hamo na siya.. hehehe, not bad nadin ang 2nd.. :-)

        • Pong says:

          ahahahhaha
          yan kuya kulisap okay na daw si mam len sa 2nd base.

        • Len says:

          yup, yup.. NP pong.. :-)

        • Pong says:

          eheheeh,
          talagang mapagbiro lamang si kuya kulisap mam.

        • Len says:

          hahaha, yup iknow pong, kung nagbago sya ,hindi sya si kulisap.. hehehe

        • Pong says:

          may punto ka mam
          pero mahal natin si kuya kulisap
          lumiliwanag ang sambablog dahil isa siya sa nagpapasaya
          natapos mo na ba ang entry mo sa kanya?

        • Len says:

          malapit ng matapos pong, kaya by this week mapopost kona siya.. :-)

          teka, close kayu ni jkul, matagal naba kayung magkakilala?

        • Pong says:

          sa blog lang kami nagkakilala ni kuya kulisap
          mabait naman siya
          bago pa lang mam wala pang six months mga 3 months palang sa blog

          yehey matatapos mo na rin ang entry mo
          madaming magagaling

          nag-iisip kaming taga disyerto na magpakontes din

        • Len says:

          uu pong, at mejo madamdamin yung story ko, wala lang, gustu kolang ipahayag ang gustu kong sabihin kaya meju madamdamin.. hays.. heheh

          ahh, ok.. kala ko kilala nyu isat isa personally.. :-)

        • Pong says:

          hindi kami magkakilalang personal
          malapit na pag-uwi ko

          mukhang kaabang-abang yan mam ha
          mukhang lablayp ba ito?
          aabangan ko nalang
          mahirap manghula eh

        • Len says:

          ahahha, hindi pong, hindi ako nag popost “muna” ng story about lablyp.. hehehe..

          sige matatapos na. :-)

        • Pong says:

          ahahaha

          o sige mam aantabayanan namin yan

        • Len says:

          sige pong.. sure.. :-)

  3. Len says:

    shaks, etu nabayun pong? grabeh sa so much!

  4. J. Kulisap says:

    Napakahusay Pong.

    Otep, bigyan mo siya ng limang sakong damit na may tatak na LLM. hahaha.

    Wala na akong maidadagdag pa Pong, basta pagdating sa edukasyon.

    Matutupad ang iyong nais. Mangyayari ‘yon.

    • Pong says:

      Salamat kuya ko.
      Napakadami naman limang sako, pwede na rin. eheheh

      At sama-sama tayong tuparin iyon. Nasa planning stage na siya kuya.

  5. goyo says:

    ako anong base na? Haha. Sige basetos na lang ako.lols.

    -napakagandang pangarap sa bayan. :D

  6. meliza catedral says:

    3rd base!ahahahaha andito na ko pong..
    ang ganda ng post mo pongzz… at ang galingng pagkasulat
    tama ka sa lahat na cnabi mo..libre ang mangarap as long gusto mong abutin…

    ngapala pong may kulang ata sa atin dito sa kulitan.. late ata c bunso jason…

    • Pong says:

      yehey congrats ate mel, 3rd base ka
      oo nga wala pa si bro jason
      kanina dumaan siya sa naunang post ko ngayon wala pa siya baka busy lang ehheheeh

      salamat naman mam nagustuhan mo ito.
      libre lang naman di ba.
      at ang katuparan ng mga ito ay posibleng maabot dahil magaling ang Pinoy at kung tulong-tulong tayo.

      yehey! anong meryenda ate mel?

    • Pong says:

      @bro jason
      namiss ka din namin

  7. Len says:

    bakit wala ata si jason at tito? at sis?

  8. Len says:

    oki pong, nyt! ingats.. ;-)

  9. bertcontrol says:

    hindi ko pa mabasa ng husto Boss Chief, killjoy kasi connection ko ngayon. Babalikbalikan ko ‘to.

    GodBless Always..

  10. ysae says:

    yup, talgang naging busy. na-miss ko nga rin talaga… balik din ako

  11. ngob says:

    galing talga pongpong., ehehe., wala ako masabi., pray ko matupad ung vision u., God bless you :)

    • Pong says:

      salamat ngob sa mga panalangin.
      kumusta naman sa LA-PAC?
      musta buhay diyan sa Pampanga?
      sa kapitolyo
      kumusta mo ako kay Elaine.

      God bless!

  12. toni says:

    pano ba un, sa dami ng iniwang utang ni gloria arroyo sa bagong presidente……. stop.

    magdasal tayo sa katuparan ng pangarap ni Pong.

    • Pong says:

      salamat sa pakikiisa ate toni. kailangan talag natin ng panalangin.
      yan din ang panalangin namin kagabi sa bs.

      Be blessed po.

  13. etchosera says:

    base as in ilalim hahaha

    musta pong. napadaan lang.

    God Bless U Bro

  14. kuhracha says:

    pong. nagskip read ako. di ko kinaya. ang seryoso. minsan na natin napagusapan ang edukasyon sa pilipinas at sa ibang bansa. (oo, ikaw ata yun ka-chat ko non) nalungkot ako noon, nalulungkot pa rin ako ngayon.

    sana pag nag-allocate na sila ng budget, pagtuunan nila ng pansin ang edukasyon. nakakasama ng loob. karamihan sa mga botante, mangmang. at karamihan naman sa mga nakapagtapos, sa ibang bansa nagta-trabaho. ayoko na magsalita. hanggang dito na lang muna.

    nakita ko pichur ng dotcom ko dun sa bandang taas. at salamas sa pagkilala.

    • Pong says:

      kahit nagskip read ka mam kuhrach isa ka sa mga nagkomento ng buong puso.
      salamat naman.

      oo ako yung nakachat mo about sa edukasyon (close tayo di ba?)
      oo kagaya ko nasa abroad ako na dapat sa Pilipinas ako haaaist.
      malapit na din kaming bumalik mam kuhrach
      malay na tin one time na ang mga dayuhan na ang pupunta sa atin at kukuha ng mga labor visas (pangarap)

      oo salamat naman dahil tunay kang mabait at matulungin kaya andun ang pichur mo.

      • kuhracha says:

        alam ko naman na kahit nasa ibang bansa ka, di naman pagsisilbi sa mga dayuhan ang priyoridad mong rason baket ka nagpunta jan. di ba. pasensya na pong kung tinamaan ka sa sinabi ko. hehehe.

        • Pong says:

          salamat naman mam kuhrach, oo nga pala nakwento ko na sa iyo yun
          ikaw ba kung bibigyan ka ng pagkakataon na mangibang bansa para tuparin ang mga pangarap mo na sa tingin mo ay makatutulong sa bayan gagawin mo ba ito?

          malalaman po natin ang sagot ni mam kuhrach pagkaraan ng mga ilang patalastas.

        • kuhracha says:

          pong. ayoko magsalita nang tapos. pero sa ngayon, kung pera lang ang dahilan ng paglayo ko sa mga minamahal ko para lang magpa-under sa mga banyagang mas magaling pa ko mag-english, hindi na lang. di malaki ang kinikita ko sa pinas, pero masaya ako at napagsisilbihan ko din naman ang bayan ko sa maliit na paraang nalalaman ko. inuulit ko, maaaring mag-iba ang pananaw ko pagdating ng araw. di natin masasabi. pero sa ngayon… masaya na ko dito.

        • Pong says:

          ang ganda ng sagot mo mam kuhrach tagos sa kaibuturan ng aking puso at kaluluwa. sigurado akong malaki ang naiiambag mo sa ating pamahalaan. saludo din ako sa mga taong tulad mo. ang misyon ko naman ay patapos na rin. konting tiis na lamang. salamat sa iyo mam kuhrach

  15. kayedee says:

    kuya pong give me 20 secs.. post ko na :) ahhaha

  16. ladyinadvance says:

    very well said kuya pong..like your post. :D

    dagdag comment: we can help them in our own little way and hindi natin kelangan magexpect ng kapalit……….

    • Pong says:

      salamat ms. lady
      Glory to God.
      oo kailangan din nating gawin ang part natin.
      hindi naman kaya ng mga namamahala sa atin ang lahat.

      salamat po sa pagdaan. kumusta ang pagsasayaw para sa Kanya?

      • ladyinadvance says:

        true..kaya nga dapat tapusin na natin ang pagrereklamo, time na para may gawin. :D

        weehh grabe super blessed!..habang sumasayaw ako walang patid ang kaligayahan ko at kahit ako lang magisa sumayaw (kac ung ibang dapat kasama ko may kanya kanyang struggles at hindi sumipot nung friday :sad: ) okey lang sken bsta para kay Lord…. :D

        • Pong says:

          oo naman ganun talaga sa ministry tyaga lang sa paghihintay sa mga kasamahan kasi tayo ay pinagtiyagaan ni God. Nakakabless ka naman ms. lady.

          oo kilos na dapat tayo!

          yehey!

  17. Tutubi says:

    kahanga hanga ang adhikain mo Pong.
    saludo ako sa iyo.

    naniniwala akong you’ll be blessed with more pa, sa dami ng iyong matutulungan.
    good luck.

    ganda ng entry. :)

  18. Sphere says:

    God Bless sayo Pongkie sa lahat ng pangarap mo nawa ay matupad lahat ang bawat naisin ng puso mo :-)

  19. beeftapa says:

    ang haba pong! teacher ka nga. sana matupad ung free learning school na gusto mo pong. :)

    • Pong says:

      nagpahaba lang yung sulat.eheheh
      naikwento ko na din pala yan kuya.
      oo nasa planning stage na siya
      inform ko kayo kapag okay na lahat

      salamat kuya davin.
      God bless…

      wait lang… si waling anini hindi pa din ba nakakabalik galing bakasyon?

      • beeftapa says:

        bukas pa pong. holiday sa kanila ngaun :)

      • beeftapa says:

        saludo ako sayo pong, hindi man matugunan ng gobyerno agad ang mga pagkukulang sa larangan ng edukasyon dito sa pinas, sana dumami ung sa private sector na handang tumulong. gaya ng pangarap mong FREE learning center para sa mga bata. simulan naten ang pagtulong sa mga bata, itanim sa puso nila ang tamang pag-iisip at pagpapahalaga. para sa susunod na henerasyon madaming “pong” ang mabubuo at handang tumulong sa bayan. :)

        • Pong says:

          salamat kuya davingusto ko ang sinabi mong simulan natin sa mga bata na itanim sa puso nila…

          maganda yun
          sa simula palang ay mabubuting binhi na ang maitanim at ng sa pamumunga nila ay kabutihan ang aanihin.

          salamat kuya davin.

  20. J. Kulisap says:

    Mahal kong Pongkie.
    Hindi ako makasali sa harutan dahil patay-buhay ang kuryente dito, bunsod ito ng pabugso-bugsong pag-ulan at pagkidlat kasama na ang panty na nakakalat.

    basta ganyan.

    paumanhin

    • kuhracha says:

      san galing ang panty? panty mo?

    • Pong says:

      naintindihan ko yan kuya. dito walang patay-buhay na kuryente parating may kuryente (electricity).

      sige kayu pahinga ka muna pero babalik ka, may inexplain sa itaas si mam len para sa iyo.

  21. rm says:

    don’t lose hope

    • Pong says:

      salamat kaibigang rm. tama yun h’wag dapat tayong mawalan ng pag-asa.
      malapit ka ng umuwi sa Pinas.
      yung pamana mo sa akin ha!

      God bless kaibigan!

  22. flattopsatcurlytops says:

    nakakainggit naman dyan sa bansang kinalulugaran mo ngayon. sana dito rin maging ganyan. gandang gabi nga pala! hehehe kakauwi ko lang galing school.. ;)

  23. Dorm Boy says:

    Lagi ko naririnig ang mga sinulat mo sa bahay namin kasi parehong guro ang aking mga magulang. Simula bata pa ako nililitanya na ang mga hinaing at kakulangan ng tulong para iayos ang edukasyon sa bansa natin…

    Sana Si P-Noy ay pro-education!!!

    • Pong says:

      salamat kuya dorm boy.
      natutuwa ako na guro ang mga parents mo at naibubulalas nila sa iyo ang mga inahing patungkol sa edukasyon

      oo sama-sama nating idalangin na magiging mas mabuti ang edukasyon ng Pilipinas ni P-Noy paunti-unti

      salamat kuya

  24. ysae says:

    okay, i’m back.
    Nice one bro…. i sense your patriotism….. khit noon pa…
    anyway….
    not to be negative or anything on the government…. they already have too much in their hands. although i’m also aware that if they get rid of corruption we can have a better education. but this is not a perfect world… it’s fallen…. we can’t always get what we want.

    but here’s the good part… or probably challenging…. KAYA NGA TAYO NANDITO! The power that resides in us can accomplish greater things. It’s not exactly on our hands, but whenever we try to do our part even in the most little way… things happen… and probably the government will follow…

    like i already said, we will support your free learning center.
    God loves the dreamer especially when He dreams great things for God.

    and PONG…. sometimes, God shatter OUR dreams so God can give us a BETTER dream…

    • Pong says:

      “sometimes, God shatter OUR dreams so God can give us a BETTER dream…”
      I’ll take it from the man of God, salamat po pas.
      kaya talagang namimiss kita.

      I agree po, kumbaga the plate of the government is very full. And it’s like God asking Moses, “What do you have in your hands?”
      “A staff,” said Moses.

      Now, what do we have in our hands?
      Salamat po pas.
      pasyal po ako sa blog mo.
      thanks for the support. God bless po!

  25. geylii says:

    kahanga hanga . tunay at tapat na motibo para sa ikauunlad ng bayan sa laranga ng edukasyon .. wala na akong maikkumento pang iba .. nasabi na marahil nila . pero kuya kung sakaling matupad ang iyong mga pangarap, pede ba akong mag volunteer teacher ?:)
    dpa kasi nagrereply si efren peñaflorida nun nag email ako .. pangarap ko kasi ang mga ganung bagay :)

    kasama ng aking pagsaludo sa pangarap mo para sa ating bayan , ang aking mga panalangin na matupad ang iyong hindi makasariling mithiin .. :)

    GLORY AND PRAISES BE TO GOD, sa pag gamit Nya sa buhay mo :)

    • ysae says:

      helo geylie. sumulat din kami kay efren pero parang di na active ung website nya.

      we admire people who really want to make a change in this country even if it means using their own resources. May I interest you in a link? This is what we do as our share to help our country.

      http://www.psycheasy.com/pasa-love-after-election-helping-the-school-in-the-clean-up/

      God bless!

      • geylii says:

        hi :) uhmm mejo d maayos iview un site po na binigay nyo sakin, may web protect po kasi dito sa office so may mga sites na d magandang iview and sometimes blocked.. blog mo po ba un ? kung oo add po kita ayos lang po ?

        • Pong says:

          @geylii
          salamat at Glory to God.
          yep blog site yun ni pas.

          http://www.psycheasy.com/

          alam ko naiintindihan mo ako dahil teacher si mama mo and besides same faith tayo nina pas. pero ang importante dun is we have a common goal of serving others regardless ng paniniwala natin. we will start from the common denominator di ba?

          oo naman ikagagalak ng aking puso na makasama ka sa free learning center na iyon. in God’s perfect time.

          @pas
          salamat po ng marami!

        • geylii says:

          *hug.you.both* spread the Word! :)
          na add ko na po sya^^

          yey! volunteer teacher na ko heheh.. sana pag natupad ko ang pangarap kong maging psychologist makasama ko kayo :)

          para kay Lord :)

        • Pong says:

          @geylii
          oo kasama ka namin

          Be blessed!

  26. kkbbenilde says:

    thank you po for sharing.
    Godbless!

  27. Vajarl says:

    Eto nanaman ako, manggugulo dahil alam kong may mang aaway nanaman sakin sa sasabihin ko.

    Malaking problema ang budget sa edukasyon, sabi mo nga sa taas. Kaya hindi na ko mag rereact further don dahil sang ayon ako sayo.

    Pero para sakin, marami tayong kapwa Pilipino na matatalino. Marami ring tatanga tanga. At marami sa kanila, pinili talangang maging tanga dahil kumportable sila sa pagiging tanga.

    Karamihan sa mga nagrereklamo na hindi sila katalinuhan at di sila nakapagtapos ng pag aaral ay sinisisi ang kakulangan sa pera. Na pwedeng totoo naman. Pero ang ilan sa kanila, pag tinanong mo kung nag aral ba silang mabuti nung nag aaral pa sila, puro kagaguhan ang pinaggagagawa. Ang sakin lang, maraming nagrerest sa pagdadahilan. Maraming willing matawag silang walang pinagaralan dahil sa tingin nila pag wala silang pinag aralan eh pwede na silang manumbat sa pamahalaan na sila ang may kasalanan.

    Hindi natin sila masisisi dahil hindi sila makakaunawa ng rason, dahil marami nga sa kanilang tatanga tanga by choice.

    • Pong says:

      Sinong nang-aaway kay kuya vajarl? *head flip side by side*

      maganda ang point mo kuya vajarl actually naisip ko ng idagdag yan ang paninisi sa pamahalaan. parang ang pagiging inosente na papunta sa arogante ay hindi rason. maging ang kakulangan sa pera. sense of responsibility ba. maganda ang punto mo kuya. lahat ng sinabi. dun din siguro papasok ang role ng bawat isa maging ng pamahalaan partikular, sa libre (maging allowance) ng mga gustong mag-aral kahit sa mga SUCs lang di ba. but then again it’s a long process. tsaka yung ngang sense of responsibility ng bawat isa.

      yung rason naman nila ay sila din naman talaga ang nakakaalam.

      Be blessed kuya!

  28. orville says:

    gud day pong..

    wow.. tindi ng pagmamahal mo sa bayan natin..

    ang pinakamaganda nating gawin ay ipanalangin natin ang ating mga leaders na maging maayos ang pamamalakad nila sa bayan natin.. gaya nga ng sabi ni ptr ysae, this is a fallen world at hindi perpekto kaya gawin lang natin ang magagawa natin.. kahit maliit lang yan pero magsisilbing ilaw yan sa lahat ..

    God bless you pong sa mga plans.. dito lang kami ready na sumuporta..

    • Pong says:

      wow kuya orbil napadaan ka ulit. namiss ko ang servolution team ha!

      salamat po sa support. sa tamang panahon na ibibigay niya matutupad iyon kuya.

      tama ka po, just ask ourselves what we can do/act of service sa ating bansa and not what the country do for us, lalo na sa transition na magaganap sa ating new administration.

      be blessed kuya!

      • orville says:

        thanks din pong .. at excited din kami sa plano nyo.. we will never know kung ano ang posibleng mangyari.. let’s just try and try and try at magugulat tayo.. like what happened between us and project pearls.. God bless..

        • Pong says:

          @kuya orbs
          oo nga hindi natin alam ang mangyayari
          still his will will prevails.
          salamat din po.

          God bless!

  29. Sphere says:

    Sa totoo lng wag sana magagalit sakin ang mga makabayan dito sa akin lng po ito – Nawawalan na ako ng gana sa Pilipinas kagabi habang nanonood ako ng balita tpos nakikita ko ang daming mga studyante na walang mga silid aralan nawawalan nako ng pagasa na magiging okey pa ang Pilipinas kahit siguro sinong maging presidente natin wala na sya lubog na lubog na ang Pinas napakasimpleng problema hindi mabigyan ng solusyon yaon pa kayang malalaki? masyadong inaasa ng mga Pilipino ang mga buhay nila sa Gobyerno dapat magumpisa muna sila sa mga sarili nila. tulad ng basurero ka magaanak kapa ng sampu nasan ang disiplina at pagmamahal mo sa sarili mo at sa mga iaanak mo napapainit ulo ko sa mga taong walng pakialam basta anak ng anak wala namang maipapakain kawawa naman ang batang biktima ng kawalan ng disiplina ng kanilang mga magulang sa mga magulang naguumpisa ang ikakaunlad ng Pilipinas sa bawat pamilyang Pilipino.

    Ang hirap mangarap para sa ibang tao lalo na kung ayaw tumugon mismo ng pinapangarap mo. nangangarap ka tapos hinihintay lng na ikaw mismo ang gumawa at subuan sila at kung pwede inguya mo pa para lulunok na lng sila. masakit pero yan ang katotohanan!

    • Sphere says:

      Tama ka sa Libre lng Mangarap…mangarap ka na lng dahil wala ka na ring magagawa kundi ang mangarap:-(

      • Pong says:

        ate anne
        totoo naman din ang sinabi mo
        kaya naman maganda din sa pamamagitan ng edukasyon ay maipamulat at maisanay ang mga Pilipino sa sense of responsibility. kasama na sa edukasyon yun, package deal kumbaga.

        alam ko nagkakaintindihan tayo na talaga naman ang buong mundo ay palubog na kabilang ang Pilipinas, pero may pag-asa parin. Sa pamamagitan ng edukasyon ay matuturuan ang bawat Pilipino ng mangisda at hindi puro bigyan at maghintay lang ng isda.

        salamat sa napakabangis mong kumento ate anne ko!

      • J. Kulisap says:

        Pwede akong mangialam?
        Sabi ng simbahan bawal daw kitilin ang mga nasa sinapupunan, ano ba ang gagawin sa titi at pukeng gutom? Ikaskas sa pader para di mabuo? O magsalsalan na lang magdamag para hindi mabuo?
        Kung sasabihin mong tanga ang mga tao dahil sa kapabayaan niya at siya ay mahirap, parang hindi tama, subukan mo munang maging mahirap para masabi mo ang lasa ng bagoon at steak, trip lamang…saka mo sabihin na mahirap talagang maging tanga ang mga mahihirap.

        Ako’y umaasa na sa pamamagitan nating mga “nakakaintindi”, isasama natin ang mas mababa/mahirap ang lebel ng pamumuhay, ilusyon ko ito pero ang tamang paggabay at kaalaman mo para sa mga tangang tinatawag ng ilan, malaking tulong ‘yan.

        Wala akong partikular na kinakagalitan, ay meron, sarili ko pala.

  30. kayedee says:

    kua pong.. gandang araw! :)

  31. sows says:

    so panu, panalo na to, otep. pa berger ka pong ha. hihintayin ko yan! :wink:

  32. taga-bundok says:

    Comment… LOL

    (ayan ah, nag-comment na ako…)

  33. sows says:

    teka pala pong, ung entry mo ba eh wlang link papunta kay otep bukod sa badge sa baba? concern lng…

  34. nalaine says:

    mabuhay ang mga GURO! :) pamilyar ang entry mo. hehe. mahusay, magaling!

  35. jason says:

    Sabi na eh may something sayo Pong. Nung na kachat kita sa FB weeks ago, eh ikinukuwento mo saken ang mga adhikain mo para sa mga bata. Ang learning center. Tulad nga ng mga nabasa ko sa taas, ang mga layunin mo ay nakaka pang saludo. Oo. saludo ako sayo katotong Pong. Nakakalungkot lang na kaunti lang ang mga kagaya mo.

    Tara, spread the word.

    Ipopost ko tong entry mo sa fb.

    Shaks.

    nakakamiss dito ah

    • Pong says:

      oo yan yung kentuhan natin weeks ago.
      salamat naman at nagbalik ka namiss ka namin ng ubod miss
      kami ng sambablog.

      actually small step lamang yan bro jason.
      para kahit papano makatulong sa ating bayan.

      salamat naman.

      shaks

  36. jongskie721 says:

    infairness, ang ganda ng post na ito… bat di ko kayang sumulat ng ganito? lolz

  37. yhen says:

    dami mo pangarap sa bayan…

    lahat ng yan maisakatutuparan kung sisimulan mo sa sarili mo ang pagbabago…

    • Pong says:

      salamat po ate yhen
      dapat nga talagang magsimula sa sarili ko.

      salamat po.
      at magsisimula na iyon sa mga susunod na panahon.

  38. Ravy says:

    dalawang gabi kong unti unting binasa itong artikulong ito…

    bukod sa sobrang haba…

    ay dahil ayokong may makaligtaan na kahit isang salita sa mga binabasa ko…

    pong… naniniwala ako sa iyong magandang pangarap…

    pangarap para sa bayan natin..

    naniniwala rin ako na, kaya nating gumawa ng pagbabago…

    at itong pagbabago, ay hindi naman talaga magmumula sa mga nakatataas…

    nais kong isipin… na kung ang pagbabago ay magmumula ng bukal sa puso ng bawat isang pilipino…

    sa aspetong ito, ang pagbabago ay magmumula sa mga guro, at sa mga mag-aaral (ng gusaling paaralan, o mag-aaral ng paaralang kung tawagin ay “buhay”…)

    hmn…

    napakagandang artikulo…

    patawarin mo ako, nuong inisip ko nuong una na hindi ko ito magugustuhan…

    • Pong says:

      salamat sa makabuluhan mong kumento kuya, wala na akong maidadagdag pa. hindi mo kailangang humingi ng tawad.

      mabuhay ka.

  39. aninipot says:

    ngayon ko lang nabasa to kuya, pero wow! saludo ako sa adhikain mo.

    remember, nasabi ko dati gusto ko ring magturo kaso nga naiba ang ihip ng hangin, pero alam ko someday babalik ako sa academe para magturo.

    we shouldn’t lose our hope…darating ang panahon marerealized din ang pangarap mo, malay mo sa pamamagitan nito maraming tao ang magbubukas ng isip sa sitwasyon ng edukasyon sa pilipinas.

    • Pong says:

      oo nga pala napagusapan din natin yung pagtuturo mo.
      salamat naman at naibigan mo waling anini
      oo dapat hindi tayo manghinawang mangarap at gumawa para sa bayan
      naniniwala kasi ako na ang tamang edukasyon ang isa sa mga susi ng pagbubukas sa kaisipan ng mga Pilipino.

      sama-sama tayong magtulong-tulong para sa Bayan.

      yehey!

  40. sows says:

    pongskie! aw. baduy.
    hehe.

    gandang hapon! :lol:

    • Pong says:

      kumusta naman po ate sows?

      magandang hapon din diyan sa iyo

      • sows says:

        eto ok lng. mjo nggagala. haha. hnd ko kc alm mag pingback sa blogspot. tpos nung tsineck ko ung site ni otep naka deactivate. pati ung wordpress ko, ni father fiel, ni ate pink, ni hamster. ay ewan. naasar nako.

        hehe :wink:
        kw usta?

  41. sows says:

    e2 halos gumapang na ung cursor ko sa mg wp na sites nio. hays.
    pano ba mag pingback sa blogspot…

    anyone?

  42. yhen says:

    pwede magtanong? born again ka?

  43. taga-bundok says:

    THIS IS A COMMENT.

  44. otep says:

    hi po! maraming salamat sa pagsali.

    paki email na lang po yung detalye kung paano ko po maibibigay sa inyo yung t-shirt
    zef_21@yahoo.com

    real name:
    address:
    contact number:
    size ng t-shirt:

    yun lang po. salamat

    -otep

  45. aww. thank you sa suporta sir! will do my best. this post made me realze how lucky I am to be in college. Pero sabi niyo dito, 10 months at balik na kayo… andito na po ba kayo? this is almost a year ago.
    miss you sir! God bless po! c:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s