Kung ikukumpara ko ang aking Friendster Account at Facebook Account mas gusto kong binabalik-balikan ang nauna. Dahil napipintahan ito ng mga kuhang larawan na puno ng ngiti at pag-asa. Madalas naitatanong sa akin kung bakit wala akong mga kuhang larawan sa bansang aking kinalalagyan at walang photo-update sa aking FB. Marahil, naghahanap sila ng tipikal na larawang OFW sa akin na naka-pose sa mga tourist spots, malls at iba pang magagandang tanawin.
Wala.
Lumaki ako sa isang pamilyang hindi salat at ‘di rin naman nakaka-angat sa buhay: may maayos na tahanan, buong pamilya na nagmamahalan at nakapagtapos ng pag-aaral. Sakto kumbaga, kung may kakulangan man ay napupunan ito ng pagmamahal at ang patuloy na bigkis ng panalangain. Gumuho ang lahat ng magkasakit si tatay at sa hindi malamang dahilan ay may iba pala siyang nakasama maliban kay nanay, may iba pa pala siyang pamilya, hindi lang isa kundi dalawa. Sa kanyang pagkakasakit at pagpanaw ay nagpatuloy parin ang ikot ng aming buhay. Sa mga pagkakataong mga iyon ay gumapang ang aking pamilya para muling makabangon; sama-samang nanalangin at walang iwanan.
Hindi sapilitang ipinasa sa akin ang mantel at responsibilidad bilang haligi ng aming pamilya sa pagkawala ni tatay. “Abe-abe bang matibe” (sama-sama para matibay) pa rin ang laban namin. Sa pakikipagsapalaran ko bilang isang guro sa Angeles City sa loob ng tatlong taon ay nakatulong ito ng malaki sampu ng pagsasakripisyo ng bawat miyembro ng pamilya. Nang mga panahong nakakatayo na ang aking pamilya mula sa paggapang ay saka naman iilitin na ang lupa na kinatitirikan ng aming tahanan, tahanang saksi sa isang masayang pamilya. Sa mga pagkakataong mga iyon ay muling gumapang ang aking pamilya para muling makabangon; sama-samang nanalangin at walang iwanan.
Kaalinsabay ng aking misyon ay kinain ko ang aking mga sinabi na kailanma’y hindi ako mangingibang bansa at lalung-lalo hindi sa bansang Saudi Arabia. Heto ako ngayon buo ang loob, baon ang pangakong ginto ng disyerto at sa paniwalang ginto din ang maipapadala sa pamilyang naiwanan sa Pilipinas.
Sa unang araw ko palang dito ay gusto ko nang umuwi dahil kung dati ay isang tahanan ang aking inuuwian ngayon ay hindi. Kung dati hindi hinaayaan nina nanay at tatay na madapuan ng lamok ang aking balat dito’y surot ang pumapapak.
Sa sumunod na limang buwan ay mas ninais kong umuwi dahil namatayan ako ng kapatid. Kung dati ay buo ang aking pamilyang naiwanan ngayon ay kulang dahil hindi ako pinayagang umuwi.
Sa mga sumunod pang mga buwan ay gusto ko lalong kumawala dahil maraming BAWAL. Kung dati ay on time sa ATM ang sahod ngayon ay hindi; delayed na ang sahod minsan may kaltas pa. BAWAL magtanong kung bakit. Kung dati’y pwedeng lumiban sa trabaho ngayon ay hindi; walang sick leave, may kaltas pa ng dalawang araw at BAWAL magkasakit. Kung dati kapag tapos na ang kontrata ay malaya ka na ngayon ay hindi; tengga ng isang buwan, wala iyong sahod o food allowance man lang. BAWAL ang madalas magfollow-up dahil wala naman mag-aasikaso at madami silang dahilan.
Sa paglipas ng isang taon ay mas umigting ang kagustuhan kong umuwi. Kung dati ako ang nagpapadala ng pera ngayon ay ako ang pinadadalhan para may maipadala sa pamilya.
Sa mga pagkakataong mga iyon ay inakala kong ako nalang ang muling gagapang para sa aking pamilya para muling makabangon; mag-isang nanalangin at walang iwanan pero mag-isa sa kasalukuyan.
Mali ako! Hindi ko man itago sa aking mahal na nanay ay alam kong ramdam niya ang paghihirap at pagbabata ko bilang anak na OFW dito sa gitnang silangan. Madami siyang tanong sa akin, tanong kung bakit hindi ako nakapagpapadala sa tamang araw, tanong kung kumusta ang mga allergies ko sa balat dahil sa init. Mga tanong na hindi ko sinasagot ng tahasan na siya na din ang sumagot kalaunan.
Mali ako! Dahil siya na mismo ang nagsabi na sa tuwing mananalangin sila sa bahay ay dinadalangin nila ang aking kaayusan dito at maging ang pasahod ng aming kumpanya. At di bale nang hindi sumahod sa oras basta pauwiin lamang ako.
Mali ako! Dahil nakaligtaan ko na may pamilya/grupo ng mga mananampalataya na nagpapalakasan, nagpapanalanginan at nagdadamayan dito.
Mali ako! Dahil may pamilya akong nauuwian sa aking TAMBAYAN na kung saan iilan sa kanila ay tumulong na sa mga panahong ako’y nangangailangan.
Mali ako! Dahil may mga kaibigan ako sa mga bahay-panambahan sa Pilipinas na nananalangin para sa kaayusan ng aming kumpanya.
Mali ako! Dahil ang sinumpaan naming “Abe-abe bang matibe” ng aking pamilya ay siya pa rin palang laban naming mag-anak, laban na patuloy na idinudulog sa Maykapal.
Gold undergoes test of fire to achieve its pure state and for higher market value. Sa palagay ko, higit pa sa ginto ang aking bibitbitin pag-uwi. Bibitbitin ko ang pangako ng Diyos na kanyang pinatunayan simula pa man nung una na kailanman hindi niya ako/kami pababayaan o iiwanan.
Heto ako ngayon buo pa rin ang loob, isang tao’t kalahati ng nakikibaka sa disyerto at sa aking pag-uwi sa loob ng anim na buwan ay puno pa rin ng pag-asa na makauwi sa itinakda ng aking kontrata. Muli akong susubok. Ngayon pa na ang pamilyang sama-sama kailanma’y hindi nag-iiwanan bagkus nagtutulungan, nagkakaunawaan, nagsusuportahan at nagmamahalan.
“Abe-abe bang matibe – anggang mate” (Matibay ang samahan kung sama-sama, kahit pa sa kamatayan).
Marahil sa mga susunod na araw ay maari na akong mag-upload ng mga larawan sa FB. Mga larawang sisimulan ko pa lamang na pintahin at buuin.
Ito ay pakikiisa at pakikibahagi sa taunang Pinoy Expats / OFW Blog Awards. “Pagtibayin ang Pamilyang OFW: Mas Matibay na Tahanan Para sa Mas Matibay na Bayan”.
***
Kung nagustuhan niyo po ang lahok na ito, maari niyo pong ipakita ang inyong suporta sa pamamagitan po ng pagboto.
CLICK & VOTE : MIZPAH’S PERFECT PICTURE #18
Para basahin at iboto ang iba pang mga lahok, CLICK & VOTE.
Maraming, maraming salamat po!








Isang pagpupugay sa pamilyang Pilipino. Pagpupugay para sa mga OFW na laan ang buhay para sa kanilang minamahal na pamilya.
mabuhay ang Pamilyang Pilipino!
salamat po kuya!
Hindi sakripisyo ang dahilan kung bakit nandiyan ka. Pagmamahal na siyang matibay na panangga nating mga Pilipino. Kung bakit pamilya ang turing sa atin at hindi lamang umusbong na mga tao sa mundo. Tayo ay Pilipino- may pusong mapagmahal at may namamayaning pag-ibig sa ating kapuwa.
Nadala ako Pongkie. Naiiyak ako dito.
Cut.Cut
Salamat po kuya at isa kayo sa aking naging pamilya sa TAMBAYAN KO.
Masasabi kong dito sa disyerto may dalawang uri ng ng OFW at isa ako sa mga mukha nito.
Maraming salamat kuya. Cut!
Be blessed po!
Mayrong mas mapalad, meron namang sinusubok. Ang mahalaga, ang bawat araw ay pagkakatuto.
opo kuya
natuto na po ako ng madaming madami.
Agyu pa ini (kaya pa ito)
Saludo ang lahat ng Pilipino sa mga OFW na syang bagong bayani ng ating bayan..
salamat kaibigang sean!
God bless!
Nowadays, I don’t usually have the convenience of doing some bloghopping… But today, the Unfathomable God has led me to the blogosphere, to different blogs to affirm His unending and unconditional Love…
I believe He is singing over me today… And I am in awe…
This is the nth blog that I have visited today that have re-affirmed His message: I am with You…
I am blessed by reading this entry Pong… And please don’t call me “sir”. I am Mark…
Pagpalain ka ng Panginoon kapatid!
salamat po Mark. Thanks for God’s confirmation and PTL!
Yes I do believe that God is with you always.
Try to look for the song With You — Hillsong kung hindi niyo pa po napakinggan.
Salamat po sa declaration of blessings!
God bless you all the more din po!
meron ka din ako wala
hnd ko pa nbbsa. bbsahin q mmya sa cp kase mas masaya magbasa dun pag mahaba ahaaha..
elow kuya!! ^_*
waling kayedee gawa ka din dapat.
sige mamaya basahin mo sana makpasok nga eh.
ngop., makapagbagbagdamadamin ya ing keka gewa., grabi kapagsubukan pin dadasan pin., claim u ing blessing na nang GOD keka., padatang na!
wapin ngob eh, e bali milabas mu din ini. eneman matutud ing Guinu.
God bless bro! continue to pray for me.
Pong, maraming salamat sa pagbabahagi mo ng ilang karanasan sa buhay. Isang karangalan ang lalo ka pang makilala kahit sa pamamagitan lang ng blogging. Patuloy kong ipananalangin na lalo pang pagtibayin ang iyong loob at ang iyong pananampalataya sa bawat hamon na haharapin mo saang lugar ka man Niya itanim.
Good luck sa entry mo na ito.
Salamat po sa mga panalangin Ms. N.
kailangan ko po ang mga iyan.
Isang karangalan din po ang makilala po kayo.
opo walang iwanan at tuloy ang laban.
Salamat po sana nga po makapasok bilang opisyal na entry.
Be blessed po!
Bumalik lang to wish you a great weekend, Pong.
salamat po ms. n
first day of work na po dito. God bless po sa iyo!
yan si kuya pong!
wag mawalan ng pag-asa kahit malayo sa pamilya,
sila ang inspirasyon sa bawat araw kahit mahirap..
saludo ako sau!
salamat po ate arny ko.
may pag-asa pa!
susubok pang muli!
be blessed po
saludo din ako sa mga nasa UAE.
Pong congrats! nabasa ko na po, alam kong masaya ka at masaya rin ako para sa iyo. Basta kung ano ang nasa puso ko sa mga oras na ito alam mo na yun. Ingatz ka parati diyan and keep mo posted hokei?
@kulisap
Ang arte mo may cut cut ka pang nalalaman. Ikaw na ang best actor at most flirtatious ahahaha
WP.
Tatalunin ko si Boyet De Leon at Nora sa kaartehan. Pramis
@sir wp
salamat din po sa palaging pagkumusta mo.
i’ll keep you posted po.
ingat din po dyan.
@kuya kulisap
maarte din ako minsan, hindi pala nag-iinarte
ahahah
@kuli
bakit ka nawala nitong mga nakaraang araw? sabi ni pongkie busi ka raw. Musta na?
Sasali kasi ako sa IT’S MY TIME. Benetton ekek.
Naggi-gym ako. Wark.. Ahahaha
@kuli
Ahahaha sira ka talaga.
naks naman… reading your entry ano.. ammm
nakakatouch sya. ramdam ko yung pasaning dinadala mo mula nong malaman mo ang behind the scenes kay papa mo, hanggang sa pagswesweldo ng delayed.
basta kapag nalulungkot ka at walang makausap, isang buzz lang kami sa ym. oha oha at lagi pa rin tayong magkukulitan sa net.
ikaw na ngayon ang halos padre de pamilya sa inyo kaya hanga ako sayo.
mamahalin ko lalo ang aking mga magulang, at hindi ako mag-aaksaya ng panahon
nakakainspire ka
salamat bro jason
lalo na sa kulitan atsaka sa palaging pangungumusta.
salamat din at itinuring niyo akong kapamilya sa blog world.
be blessed sa iyo!
tama love love love mo parati mga parents mo
kumusta mo ako kay kerots at cocoy.
Kuya. bago ko pa man nabasa ‘to, sa mga palitan palang natin ng mga emails, kumbinsido akong isa ka sa pinakamatatag na taong nakilala ko. pananampalataya at positibong pananaw ang armas mo. patuloy kang maging matapang. bahagi yan ng paglilingkod at misyong buong puso mong niyakap.
Ang Dyos na nagdala sa’yo dyan ang Dyos na mag-aalis din sa’yo dyan.
Sabi mo nga, paguwi mo, pagtatawanan nalang natin ang lahat.
Mahal ka ng pamilya mo kung paanong minamahal mo sila.
haaaaaaaaaaaaaist teacher, salamat lang gusto kong sabihin sa mga exchange of emails natin lalo na you really make time na kumustahin mo ako at maging kung ano na balita sa akin.
salamat kasi nakikinig ka parati sa akin lalo na yung mga times na hindi ako nakaktulog.
keng muli ku mikit kata mexico ne, kwentuhan kata at pikalyan tana mu yan.
=)
Salamat talaga!
God bless. Ikaw din matapang ka at kaluguran nakang tatang at mama mu!
Kahit pusong na hinubog sa asero ay maantig at lalambot habang binabasa ang salaysay ng iyong buhay na inilahad sa pamamagitan ng blog. Sa isang OFW na katulad ko, nauwaan ko ang bawa’t titik at damdaming nakapaloob sa iyong panulat, ang bawa’t sakripisyo at pagtitiis ng isang anak sa paghagilap ng katuparan sa mga pangarap para maibsan ang kahirapan na nararanasan ng iniwang pamilya sa sariling bayan.
Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong buhay sa pamamagitan ng blog at paglahok sa PEBA 2010, nawa’y magbigay inspirasyon ang iyong panulat sa nakararaming pamilyang OFW at nawa’y kalugdan ka at pagpalain ni Bathala sampu ng iyong mga mahal sa buhay.
salamat po sir sa iyong komento,
sapat na pong palayain ko ang aking sarili sa mga bagay na bumabagabag ng matagal ng panahon sa paglalagi ko dito.
nagkalakas loob akong ibahagi ito sa kahailanang ang aking pamilya ang aking kahinaan at sila din ang aking kalakasan,
katulad ng sinabi ni nanay kanina, makauwi lamang ako ng maayos ay sapat na.
Salamat po sa inyo at sa PEBA.
Sa Diyos po ang lahat ng kapurihan!
oo mali ka. hehe,,,
be blessed sir.
tama ka sir bulakbulerosasg ko ang mali ahahahah
salamat sir, alam ko kahit papano ramdam mo ako (parang mar roxas lang)
mabuhay tayong mga OFW!
be blessed sir!
ingat diyan sa sg!
I cried. Perhaps because I feel the same way as you did, perhaps because you so eloquently express in a language we all understand the depth of the hardships of the many, oh so many – hundreds of thousands of Filipino here in the Middle East.
Thank you for joining PEBA 2010. I personally salute you for the inspiration to join!
you made my day sir, i mean your comment made me cry also.
alam ko hindi ako/kami ang worst case scenarios dito pero I do believe i represent in one way or another the other face of an OFW.
salamat po sir at sa PEBA sana pumasa.
to God be all the Glory!
naks! ganyan nga ang attitude dapat…
God Bless…
naks! salamat sir!
Be blessed!
hello pong, musta na??
ui, balik nalang ako para basahin entry mo, nag HI lang.. heheh
be blessed!!
hi mam len, musta na po mam?
tagal niyo na pong hindi nga nadalaw.
salamat po sa pagdalaw mabuti naman po ako.
Be blessed din po!
ayy kasad naman =(
bkt? bkt? mrming bkt akong tnung s post nato pero ayw kong itanong eheheh..
hugs nlng kuya!
malalagpsan mo dn laht ng iyan.
manalangin lang at magtwla sa knya..
be blessed!
wahhhhhhhhh wag ka ng magtanong ahahaha
salamat waling kayedee
God bless!
ang ganda nito. lalo na kasi naka-relate ako para sa tatay ko at sa iba ko pang kamag-anak na OFW. pagpupugay para sa kanila kuya Pong
salamat jec.
saludo din ako sa tatay mo at sa iba pang mga OFW.
God bless!
kuya, binoto na nga pala kita
salamat jec.
Be blessed!
kuya..T.T grabe namn po pala dyan.. ang hirap… Buti na lang,palagi Siyang nandyan para sa’tin…
Kuya ang ganda po nung entry niyo, merong tuwa,lungkot,tsaka aral..:)
medyo napapdalang pag-bloghop ko kasi medyo busy. hasit..
Kuya, kaya mo yan kuya,kung hindi na, kaya Niya para sa’yo.
magandang araw kuya pong!
p.s. may request po ako sa fb para sa’yp.
heheh. paki-confirm kuya para fb friends na tayo.
yey!
ahahah yung fb walang fb sa opis eh
pero nareceived ko naman pati message mo
soge kapag may pagkakataon accept ko sorry naman ahahah
kaya mo yan, pagbutihin ang pag-aaral.
kaya din ito kasama natin SIYA isama mo kami sa prayers niyo sa church niyo ha.
Be blessed!
walang problema.
sinasabihan ko nga friends ko na isama kayo sa prayers.
heheh
anyway kuya, naka-vote na ako.
nilagyan ko po rin po yung blog ko na sinusuportahan ko po kayo.
go,fb na!
heheh
yehey! natuwa naman ako sa pagsuporta mo kat!
salamat naman ng maraming maraming thanks
higit sa lahat salamat sa mga prayers!
be blessed =) smile ka lang kahit pressure ka!
ikaw at ang iyong katapatan ay isang patibay sa amin kapatid.
maraming salamat!
hugs!
salamat sa hugs ate toni ko.
salamat sa pagtambay mo din dito.
be blessed po!
everybody has their story… it’s just how they presented their tale makes it a PERFECT PICTURE… you nailed it! =)
salamat po sa pagdaan ms. ro-anne.
Glory to God po!
maganda din po entry niyo.
Be blessed po!
“Abe-abe bang matibe – anggang mate”
tiis-tiis lang parekoi. pasasaan ba’t magbubunga rin ‘yang pagsasakripisyo mo para sa pamilya.
mabuhay ang mga panalong tinapay na tulad natin!
haberdei ulit parekoi boss sir lio!
kaya pa ito boss lio!
gusto ko ang panalong tinapay na yan boss lio!
be blessed sir!
:-’(
=)
pong!
malapit ka ng umuwi, sabi mo nga hindi lang ginto ang bitbit mo pagbalik mo. baunin mo lahat ng magandang alaala, mga taong nakasalamauha at mga aral. higit yan sa ginto na maipasasalubong mo sa iyong pamilya.
kuya davin!
salamat!
be blessed!
voted.
thanks po.
=) God bless!
Hi, pong congrats for being a nominee sa PEBA. Read your entry yesterday pero di ako naka-comment. Dalangin ko ang higit na pagpapala sa iyo ng Diyos, pagpapalang di mo lubos akalain.
Amen po!
salamat po ms. chin!
Be blessed po!
sabi nga wag bibitiw, dami pa nian bago NIYA tayo yakapin sa finish line…
pamilya ang nagpapatatag sakin at alam ko sau na rin pong,
keni kami mu,pagpray daka always.mingat ka ken!
bisa ka banta makaganti ka maghostage kung bumbay keni? ehehehe
salamat cabalen
alinaka manghostage ahahahha
wapin, IYA mu talaga ing akapitan tamu.
salamat sa suporta! God bless!
Pumapagaspas ang pampukaw.
Wahhhhhhhhhh
salamat sa suporta kuya!
mwahhhhhh!
May kalandian ka na rin sa katawan. Mwahhhh ka diyan. Nasa Batha ako Pong. Nagtitingin ng mga dumadaan.
wahhhhhhhhh sige kita tayo sa Batha, wait bakit mo alam ang Batha?
Ingat ka diyan ha, maraming nanghuhuli diyan.ehehe
Ako ay mananaliksik Pong.Hindi nagtatapos sa pagtatanong lamang ng saan ka nagtatrabaho, kasama na rito, ano ang iyong ginagawa, saan ka pumupunta.
Ito ang hudyat na ang interes mo sa bawat nakakasalamuha mo ay hindi basta pagpapakilala lamang kungdi kumukuha ka ng koneksiyon.
sinubukan kong humabaol sa Batha kaso hindi na kita nadatnan.
sana man lang napakain kita sa mga resto dun na pang-masa
nalibot mo naman ba ang buong Batha kanina kuya?
Oo, nalibot ko na. Madalas akong may katagpo doon. Friendly ako kaya.
ganun ba ako kasi kapag sahod lang nakakayapak sa Batha kuya at talagang nakipag friendly friends ka dun ha.
Sa kabila ng impresyon ko sa mga karamihan ng pilipino na tamad, muli niyo ho iyong ibinaligtad.. Ang mga katulad ninyong binabata ang paghihirap, kalungkutan na bumabalot hanggang sa talukap, ang sumisimbolo ng pag-asa sa pilipinong nag-aapuhap. Buo ang loob para maabot ang pangarap.. Kahit ang pang-sariling kaligayahan tuluyan ng isinalampak. Bayani hong gaya niyo ay ang masarap makausap. Puno ng eksperiyensya at tapang na nakakapalakpak. Mabuhay po kayo at Goodluck sa Contest na ito! Maasahan mo rin ang suporta ko..
Salamat Met. Gustong gusto ko sinabi mo.
Be Blessed.
Nang-agaw ng eksena. Huwag kayong nangingialam.
ahahaah
salamat sa inyong dalawa, sir M at kuya kulisap
makabuluhan po ang komento niyo!
be blessed!
bomoto na ako POng!
good luck ha! pero bukod doon ay nakaka-inspire talaga ang iyong kwento. napakahirap talaga na mangibang bansa kahit di ko pa nagagawa. lima ko kasing kapatid ay nasa iba’t ibang bansa para makipagsapalaran. iba talaga ang journey kapag nasa ibang lupa ka.
kaya ingat at may God be with you always!
mabuhay ka Pong!
salamat sa boto yehey!
salamat sa suporta sa mga OFW!
salamat!
ganun ba pati pala mga siblings mo OFWs sila, mabuhay sila!
salamat po talaga.
be blessed!
@ Pong..!
good luck..!
salamat sir daniel.
God bless!
“sama-samang nanalangin at walang iwanan.”
Ibat-iba ang ating pagsubok ngunit binigyan tayo ng lakas at kapangyarihan na nahahawig sa Maykapal…kaya natin Pong malagpasan ang lahat at magiging isang buhay ito na nagpupuri sa kabila ng mga pagsubok…para sa ating Panginoong Diyos.
Bumoto na ako at nangangapanya para sa iyong tagumpay Pong. God Bless!
salamat po superlo, salamat din po sa pahinang ginawa niyo para sa entry na ito at support sa PEBA 2010, ang sarap po ng pakiramdam na may pamilya ako sa blog world at tunay nga namang nakakataba ng puso ang maging nominado.
salamat po superlo! God bless po!
Galing
Life away from the family is truly a tough challenge..
mihoko salamat,
pagbutihin mo pag-aaral mo regards sa mga mates mo sa academy at sa pag-aaral mo now sa college.
give my regards also kina chio at sato.
be blessed!
hi pongz.. ang tagl ko rin di comment sa iyong blog..hehehe. nmiss ko rin to/
well massabi ko sa iyo pongz.. is saludo ako saiyo.. kasi lahat ng hirap sa buhay ay nakayanan dahil sa pagmmhal mo sa pamilya mo. cgurado ako na proud ang pamilya mo sa iyo na may pong mattag at mapagmahal na anak
ate mel salamat po sa suporta.
matagal na nga po kayong hindi nadadaan at nakikipagkulitan sa amin dito sa sambablog.
salamat po ng marami, God bless po!
dati,ang inaabangan ko sa mga kamag anak na OFW eh yung package na may lamang chocolates,laruan at sapatos.
mali ako.kalaunan,sa pag edad ko,ngayon ko naisip na higit sa materyal na bagay,sila pa rin pala ang dapat kong laging hinihintay.
mali ako.inaakala ko kasing masarap ang buhay sa abroad.
mali ako. nakikita ko lang kasi yung kasiyahan sa mga mukha nila pag umuuwi at hindi ko nakita yung mga nangingilid na luha nila kapag umaalis.
mali ako. noon kasi,tamad na tamad akong sumulat at magsalita sa voicetape. yun pala ay dagdag na lakas loob sana at ligaya sa kanila.
mali ako. dahil mali ako ng naiboto.number 18 ka pala samantalang 17 yung naboto ko.joke.hindi muna ako boboto dahil hihintayin ko kung sino ang magpapadala sa akin ng toblerone.oo na…ako na ang mahilig sa pasalubong.bwahahaha!
ang ganda ng mga sinabi mo kuya duking
para itong mutual feeling/sagutan ng mga damdamin ng nasa abroad at naghihintay na mahal sa buhay sa Pilipinas, realization ng buhay abroad at buhay naghihintay.
ahahaahha
sige pag-iipunan natin ang pasalubong
be blessed po salamat kuya duks!
nivote na kita kuya pong.
na inspire ako, nahaluan ng takot dahil balak ko din mangibang bayan. pero tulad mo. kakayanin ko para sa pamilya..
Mabuhay ka kuya Pong!
salamat joan, wag kang matakot, sulong laban lang. kaya mo yan.
salamat sa suporta!
God bless!
Just voted you parekoy! Goodluck!
salamat po sir jag!
haberdei sa iyong KALEIDOS!
be blessed po!
wala na kong friendster account eh. haha three years na.pero yeah, it holds more cutesy memories than facebook.
sayang naman bakit nawala na fs mo?
be blessed sir!
“Gold undergoes test of fire to achieve its pure state and for higher market value.” – Sir Pong
Everytime I visit this page, really makes me more encouraged everytime, hmn, you really makes me proud to become a Christian…
lahat ng mga maskara nagiging kulay “Lila” dahil sa mga blogs mo eh…
tsk…
salamat po Mineas,
ganun ba magiging kulay lila lahat?
miss ko nga si Maskarang Kulay Lila eh
Glory to God po
at boto niyo po kami ha, si kuya anjong 16 siya at ang iba pang Entries ng PEBA.
haha! done sir pong!
ganda ng post mo… nakakadala..
salamat po kaibigang mineas. God bless po!
Pumapagaspas pa rin si Boy Batha. Ahahaha.
From: Mutaawen Buster
mag-ingat po sa pagpagaspas kuya. ahahah
Be blessed!
Siguro kung medyo mas matanda ako ngayon ng ilang taon mas pipiliin ko ren dalawin ang Friendster account ko. Feeling ko lang naman kase feeling ako. Haha.
Nakakatuwa naman na matibay ang pamilya nyo sa kabila ng nangyare. I mean, nalaman nyong may ibang pamilya ang ama nyo. Tingin ko kase karamihan sa mga pamilya eh nagkakagulo after malaman yan. Tapos may bonus pang scars ng kasinungalingan na nangyare.
Bawal magtanong kung bakit delayed ang sahod? Naknampocha.
Pongkers, sa totoo lang, hanga ako sa mga OFW. Lalo na sa mga OFW na mahal na mahal ag pamilya nila. I mean, kung ako ang OFW eh parang wala lang dahil madalas siguro mga kababata at friends ko lang ang mamimis ko. Pero iba sa inyo, doble sa hirap. Sa tingin ko kase mahirap gumising araw araw sa foreign na lugar. Yun bang hindi mo nakikita yung mga nakikita mo ilang years back dahil hindi ka don lumaki. Yun bang mas maliit ang time for meeting someone in your past na matutuwa ka na nakita mo by mere chance. Naiisip ko lang na ganun. Tas mainit pa! Haha.
Alam mo kuya vaj sa koment mong ito ay proud akong nakadaupang palad kita dito sa blog world.
Salamat po ng marami sa pakikiisa sa mga OFWs.
Basta makahulugan ang koment mong ito sa akin at sa iba pang OFW.
Isang Mapagmahal na Kuya Vaj ang aking nasilayan.
God bless po!
hanga ako sa pagtanggap mo sa mga nangyare. kc kung sken ngyare yan hnd ko alm kung kakayanin ko. tho yoko rin magsalitype ng tapos.
ingats and congrats pong!
binoto ko kau ah, good luck!
salamat ate sows. salamat din sa suporta, ganyan siguro talagakapag may pamilyang sumusuporta.
be blessed po!
ang hirap naman pala talaga ng nararanasan ng isang ofw. pero tama nga po kayo, sa kabila ng lahat ng hirap na dinaranas niyo, God is really faithful. at isa ring malaking bagay ang panalangin. nakakatuwang isipin at alalahanin na may mga taong kaisa mo sa pananalangin at mga taong nananalangin para sayo.
Amen God is ever faithful.
Salamat sa suporta!
Be blessed!
kaway back lang kuya!! slip mode na
be blessed..
sige kaway lang ng kaway
bumoto ka na ba?
sleep ka na sige.
be blessed!
Smile Pong….Klick!!!
:p
hi kuya pong.. musta na kayo? mejo busy po eh.. nakakainspire and nakakatouch tong post.. salamat po sa pagshare.. susuportahan ko po kayo.. di na ako nakakapagblog hop.. huhuhu… ingat po kayo lagi.. God bless po
salamat nhix sa iyong suporta.
oo nga mukhang busy kayo nina pas,
regards mo ako sa kanila.
Glory to God!
salamat nhix.
Iboboto ko ang masterpiece mo bro. Strive hard and I know you and your family will be blessed.
salamat po ng marami kuya DB.
Amen po!
Be blessed din po!
mabuhay lahat ng OFW… lalong lalo na kay mama ko na nanjan sa Pakistan.. love you mama… ahehehe.. GOD bless po sa inyu…
Salamat missbroken!
God bless!
pwede copy paste nalang ang comment?..hehehe, sige wag nalang.
basta! kaya mo yan kuya pong..kaw pa!..
balik ako mamaya..hehehe, hindi na seryoso ang comment kasi tapos ko nang sabihin..
ahaahah pwede naman copy paste waling anini
kumusta naman ikaw?
oo kaya pa naman ito.
be blessed po!
hahaha. ok lang kuya.. magkumustahan nalang tayo dito..hahahaha
Panalo na ga? Agandahan mong maige.
wahhhhhhhh
kumusta po kuya?
GALING! Two thumbs up! Ramdam ko na its from the heart talaga. Continue to write pa sir, and continue to inspire Filipino peole. Mabuhay la reng Pilipino! MABUHAY!
salamat gev,
salamat din sa boto.
things will be fine at ing Guinu naman aliya matudtud.
Be blessed at salamat, thanks for updating me with your blog sa tumbler.
bro…yoyo…whatever life has come and become to you away from your family…one thing is sure: God will never take/turn you down!i firmly believe it is faith that keeps you/us to live more despite the fact that life seems against your normal desires and intents.God is good and He can prove how willing He is to sustain you when you begin to realize that ‘apart from Him, nothing you can do.’keep the faith on fire and refresh yourself with the inspiring insights that the Holy Scriptures alone can provide.i’m sure all the things that follow will become a lot easier when you entrust everything to the mighty king!!!God bless.i’m praying for your success and triumph even against the greatest odds that you’ve never asked for in this life of challenges….feedback me.
koy dakal pung salamat keng encouragements.
it’s so refreshing na atin pangaralan daku.
i’ll get back to you for the developments.
Salamat pu koy, God bless pu ken keng Almarain.
God bless pu!
di pa pala ako nakapagiwan ng komento dito…
salamat sa suporta sir berl.
God bless po sa iyo!
My friend in Jeddah told me something about a church being built there na me isang part na kahit anong gawin hindi magiba kasi ang mga sumubok ay napapahamak. At that point, I decided, GOD will never abandon us kahit tayo na ang panghinaan ng loob.
Kaya mo ‘yan. Isasama rin kita sa mga dasal ko. Hindi mo ako kapamilya pero basta kababayan pareho lang un di ba? ^_^
Amen po mam, when God is with us who can’t be against us? Wala di ba,
madami akong natutunan sa mga nangyari, at times kailangan ko lang ng outlet, and many times kailangan ko lang ng may mapagsasabihan.
Maraming salamat po sa mga prayers.
Be blessed po!
goodluck pong! nice story! kapit lang! marami tayo dito sa saudi arabia kaya masasabi kong HINDI KA NAG IISA! pasasaan ba’t magkakaroon din ng totoong ginhawa! =) enjoy your stay here in Saudi! acceptance lang tapos dasal! ^^ isipin mo nalang nasa isang camping ka hehe!!
cheers!
GOD BLESS!!
cheers kuya bons!
salamat po!
ngayon ko lang po naeenjoy ang stay ko dito maging ang fb naeenjoy ko na din.
sige iisipin ko na lang na nasa camping po ako, sabi nga ni Psalty – the singing song book, “We’re going camping now, we’re on our way. I’m gonna climb up the mountain, Amen!”
sa dulo’y kikislap din
Be blessed po kuya bons!
nandito uli ako! nagbasa! =) goodluck joseph
sana nga matupad na ang iyong mga pangarap, pati na rin ng iyong pamilya…
salamat po sa pagdaan at sa encouragements. be blessed po!
there is a time for everything, ang sabi ng bibliya.
pana-panahon kung saan maaaring ngayon ay may pagsubok at maraming problema, samantalang bukas ay panahon naman ng pagkamit ng ating mga pangarap.
ang maganda lang dito, mahirap man ngayon o masarap man bukas, sa bawat oras, sa bawat pagkakataon at sa bawat panahon, kapiling nating ang Panginoon.
salamat po sa makabuluhang kumento, salamat din po sa pagdalaw sa aking munting tahanan.
tama po ang sinabi niyo all we need is God! be blessed po!
Hi Pong. You won din pala Friendster blog award. Congrats.
salamat po Ate Chin, Glory to God po!
congrachuleyshens naman, late na late ako sa balita. haha
[...] na andito na rin tayo sa topic ng pakonteshit, ikinakampanya ko ang mga lahok ni Pareng Anjong, Pareng Pong, Ser No-Benta, at sa paboritong apo ni Lolo na si Karen sa Pinoy Expat Blog Awards. I-click ang [...]
Ang bawat responsibilidad ay may kaakibat na sakripisyo, ang bawat sakripisyo ay kabayanihan. Ikaw ang bayani sir pong! kayo ang bayani. Tayo ang bayani.. Ngayon alam ko na kung bakit bayani ang OFW.