Pagtatalaga

Posted: June 15, 2011 in Kwentong Disyerto
Tags: , , , , ,

Isa sa magandang nangyari sa pagkakaantala ng aming pag-uwi ay ang makapaglingkod pa sa ating Panginoon. Kasama ang aking mga kaibigan na sina Noel, Vincent, at Roland kami ay naimbitahan ni Tito Solo (Tito ni Engr. Noel) na mag-ministeryo sa pagtatalaga kay Baby Charles sa ating Panginoon noong Mayo 21.

Mga Tambay sa Disyerto

Kumustahan

Salita ng Diyos at Pagtatalaga

Kainan at Swimming

Ang pagtatalaga sa bata o child dedication ay kaiba sa water baptism. Ito ay nag-ugat pa sa panahon ng mag-inang Hannah at Samuel, gayundin sa kapanahunan ng ating Panginoong Hesu Kristo. Ito ay ang pagpapahayag ng mga magulang na ang buhay ng sanggol ay regalo mula sa  Panginoon, pangangako ng pagpapalaki ng maayos sa anak sa lahat ng aspeto, pagpapatibay ng mga saksi na sila ay kabahagi ng pagpapalaki sa bata, at kasamang dumadalangin ang simbahan na sa mga darating na panahon ay lumaking may takot sa Diyos.

Ang pagtatalaga sa regalong buhay sa Diyos ay mahalaga, sa lahat ng oras at pagkakataon.

***

Dalawang buwan na akong naghihintay sa aking pag-uwi, ang totoo nakakainip at nakakalungkot. Maraming mga oportunidad ng nasayang, isa na rito ang makapagturo sa Philippine Science High School – Central Luzon Campus, Clark at makapagsimula ng bagong buhay. Hindi ko man maarok ang mga bagay-bagay at mga sagot sa mga tanong. Maging ang aking mga kaibigan ay naghihintay ng kanilang pag-uwi. Umabot na sa ministry of labor ang kanilang problema. Still, everything is entrusted to our Lord.

***

May be, the Lord is teaching me to see the beauty in waiting patiently, because there is. At ang lahat ng ito, sampu ng aking mga kaibigan at lahat pa ng OFWs na naghihintay ng pag-uwi ay aming itinatalaga sa Diyos.

Comments
  1. LordCM says:

    nakaattend na rin ako sa isang “dedication” dito sa Palau, simple rin lang…yun nga lang may kayabangan ung pastor :D

  2. bino says:

    sabi nga, everything happens for a purpose. kaya may dahilan kung bakit di ka pa nakakauwi. :) God bless po ::)

  3. -=cuteberl=- says:

    napagod si kuya pong kaya ayon tulog sa upuan…

  4. @ Pong..!
    may rason nga..!
    magandang rason..! ;)

  5. Dorm Boy says:

    Reasons, reasons and more reasons. Dapat lang natin intindihan at maghintay ng tamang oras. Nice to read again your blog parang tagal kong nawala sa circulation! Pasalubong sa paguwi!

  6. davmel says:

    kunting tiis nalang po Sir,,, everything will be fine soon… God Bless po :D

  7. kaya mo yan. mabuhay.

  8. cheesecake says:

    hopefully darating din tayo dyan pong

  9. akala ko naman nakuwi ka na kuya pong! akala ko nga, sobrang busy ka siguro kahit hindi ako napapadaan sa 2 blogs mo. anyway, tama naman na magtiwala sa Panginoon. kung ano man ang nakalaan para sa iyo at para sa iyong mga kaibigan.

    parang miembro ka ng boyband sa 2nd picture (right side) sa pinakataas. hehehe

  10. sphere says:

    antay ka lng Poi at ang mportante huwag na huwag magugulo ang BANGS mo yan ang mportante xD

  11. Karya says:

    ngayon na lang po ako ulit napadaan sa bahay mo kuya dahil matagal-tagal ko na ding hindi nabisita ang sarili kong bahay… Laging may dahilan si Lord sa mga circumstances sa buhay natin..asahan mong isasama kita sa aking mga panalangin upang makita mo na ang pleasing and perfect will ni God para sa iyo. Nawa nga ri’y loobin ni Lord na magkita tayo sa National Convention sa elbi sa susunod na taon. God bless po!

  12. myfilthyroom says:

    antagal kong nawala. akala ko nakauwi ka na dito sa pinas at nkabalik na jan sa jabar country. hahaha.

  13. ay, nadelay pala kayo sa pagbabalik dito, sir. miss ka na namen! Stay safe sir! God bless! c:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s