Pong Is Back

Posted: July 15, 2011 in Personal
Tags: , ,
  • July 7 (4:10pm – 6:10pm) – sakay ng Flight EY 318 galing ng Riyadh papuntang Abu Dhabi, UAE. Magkikita sana kami ni Ate Anne dun kaso di pala pwede. Pitong oras ang aming paghihintay para sa transfer flight. Sa UAE walang abaya, kahit naka-shorts ang mga babae sa airport pwede.
  • July8 (2:10am – 3:40pm) – sakay ng Flight EY 424 papuntang Manila. Sa sobrang haba ng biyahe hindi ako makatulog. Dalawang pelikula ang aking natapos, isang series na Big Bang Theory yata iyon.
  • Delayed ang paglanding namin sa NAIA dahil sa malakas na ulan at hindi makita ang runway. Nagpaikot-ikot kami sa ere ng 30 minutes. Lumapag na kami ng mga 4:45pm.
  • Unang ginawa ko ay nagtext sa sundo ko at sa bahay.
  • Nagtagal kami sa immigration lane, baggage counter at sa custom lane.
  • Pagkalabas hinanap ko ang aking sundo – si kuya. Sabay yakap.
  • Ang saya ng pakiramdam kasi ang tagal kong hinintay na makauwi. May nagtext sa akin na ‘wag ko daw laiitin ang bansa natin dahil sa dumi at kitid ng mga daan.
  • Abusado ang mga taxi drivers sa NAIA humihingi ba naman ng $40. Take note dollars ang singil. Ang lapit lang kaya ng pupuntahan namin. Bumaba kami kahit umuulan.
  • Kakaiba na din ang mga pulubi sa atin Dirhams ang hinihinging limos. Dahil kita pala nila sa monitor ng arrival area na galing kami ng UAE. Kainaman talaga.
  • 9:15pm na kami nakarating ng Porac. Si nanay ang sumalubong sa akin. Yakapa, yapos at iyak ang bati niya sa akin. Sabi ko naman tahan na kasi andito na ako.
  • Tilapia at tocino ang inulam namin dahil yun ang request ko.
  • Yakap at halik sa mga kapatid at pamangkin ko.
  • Kinabukasan nagmano sa mga tito at tita. Ang hirap mag-adjust sa pagtulog at pagkain.
  • Noong Linggo ay nakapag-church na ako, nakapasyal na sa puntod ng kapatid ko at nakapunta na sa Angeles City nagmasid-masid lang sa mga pagbabago.
  • Kinakapa ko ang residence permit ko nung nasa Angeles na ako, akala ko kasi nasa Saudi pa ako, baka kasi may humuli sa akin pag di ko dala yun. Lels
  • Kinwento ako ng aking pamangkin na grade 1 sa kanyang teacher na dumating na daw ako at walang pasalubong. Kainaman. xD
  • Nagkita-kita na kami ng mga kaibigan ko sa Campus Ministry. Nakapag-attend nang Tuesday Fellowship.
  • July 14 nag-ayos na ako ng resume at nagpasa ng application sa DOST – Manila at University of the Assumption – Pampanga. Hindi ako pinapasok kasi naka-shorts lang ako at long hair. xD. Married ang status ng OAV ID ko na. Ako na ang bagong kasal.

Maraming nangyari sa akin sa Riyadh maging dito sa mga naiwanan ko dito sa loob ng higit dalawang taon. Nais kong magpasalamat sa lahat ng mga nanalangin sa aking pag-uwi. Maraming, maraming salamat po at sa ating Diyos na siyang gumabay mula sa Riyadh hanggang dito sa Porac.

God bless you all!

Comments
  1. Bino says:

    so kailan ang eb sir? hehehe

  2. J. Kulisap says:

    Pong dapat pala may dala kang lubid, para nakababa ka agad ng eroplano kung hindi nakalanding agad. Lol.

    Kainaman.

    Welcome back.

  3. salbehe says:

    Welcome back Pongskie. :)

  4. Yvarro says:

    Hey !!! kuya pong !!! maraming welcome back!! :-D hahaha!!! saya naman!! sana mapunta ka sa dito sa manila.. :-D

    o kaya.. mag imbita ka sa pampanga!

  5. Chin chin says:

    Glad to know you’re home. Isang bagong yugto…PTL!

  6. WP says:

    Nasa Pinas ka na pala! Ahh ok Welcome back pongkie!

  7. yahjme05 says:

    welcome home pong..

    party!party! na…hehehe

  8. Vajarl says:

    Welcome back Pongkers! Shaaaaks sayted na me! Haha. :D

  9. welcome back Pong and mabuhay!

    Grabe yang mga taxi driver na yan talaga oo. pati ang kababayang POng hindi na pinatawad.

  10. myfilthyroom says:

    sana bumaha ng alak sa porac.. hahaha..

  11. Welcome home, Pong! New chapter ulit sa buhay mo. Good luck and God bless po :)

  12. L says:

    nahuli na ‘ko. maligayang pagbabalik sa lupang sinilangan, kaibigan. shet, makatang-makata. lol!

  13. Sphere says:

    ikaw na ang bagong kasal ahahahaha :-) ang lupet tlga sa Pinas lahat na pwedeng baguhin…
    :-)

  14. bulakbolero says:

    Pagkalabas hinanap ko ang aking sundo – si kuya. Sabay yakap. <— nakakaiyak ang linyang to ser.

  15. -=cuteberl=- says:

    like… like… like… so excited to meet you in person… kelan kaya un… di ako papayag na di makasama sa EB niyo…. Godbless. I am happy nakabalik ka na at nakapagChurch na…

  16. duking says:

    welcome back,pong. good news na marinig na finally, nakauwi ka na katulad ng madalas mong hilingin. sana matagpuan mo ang trabaho at kapalarang nakalaan sayo dito ng buong tagumpay at kapayapaan.

    ingat lagi pong.

  17. Madz says:

    wb sa Pinas ser! Nice meeting you din pala, salamat sa pagrerefill ng tubig. LOL Pasensya na ngayon lang nakadaan dito sa lungga mo :) wb ulet!

  18. pareho tayong theme, maygad.hahaha

    dumadaan lang..muli.:) nabuhay ang patay.:)

  19. Monik says:

    Welkam back sir Pong! :D

  20. God Bless Pong…nasa Pinas ka na pala.

  21. myfilthyroom says:

    update nah! hahaha.. may jet lag pa din??

  22. davmel says:

    Wow, welcome back~ buti naman at nakauwi ka ng payapa at ligtas… ikaw na ang detalyadong magkweto hehehe… ingat at enjoy! :D

  23. Yvarro says:

    walang reply!! panalo!!!

  24. ana_banana says:

    Sobrang sarap ng feeling na umuuwi sa Pinas… pagtapak mo pa lang sa airport ang saya na. Yan din napasin ko nung unang bakasyon ko ang liliit ng daan. Enjoy the rest of your vacation days :)

  25. kaye says:

    matagal ko na tong nabasa pero hindi pala ako nakapagkomento? kainaman nga. sorry naman.

    ano nang balita, pongkie? wala na akong balita mula nung huling pm mo saken sa fb. wala ka pang bagong entry kaya napatanong ako. busy masyado?

    nga pala, paborito ko ang Big Bang Theory,. nakakatawa siya. at damang dama ko ang pagkamiss sayo ni nanay. mabuti na lang at nakauwi ka na. nagbunga nga ang mga dasal. :-)

  26. Ka Loren says:

    huli man ang pagbatiko, sana ayus pa rin. Welkam bak po sa ‘pinas!

    hay, ka miss magblogging…musta na po?

  27. kaputol. musta na ka? mekauli na ka pala neh?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s