Death is the great equalizer. In fact, there are over 150,000 people die every day. This is 1.78 deaths per second, 107 deaths per minute and 6,390 deaths per hour.
Isa ang kamatayan sa common ground nating mga tao. Setyembre 04, 2009, isa sa mga 150,000 na namatay nung araw na iyon ay ang aking kapatid. Walang anumang sakit na kaniyang ikinaratay para maging dahilan ng kaniyang pagpanaw. O kaya nama’y aksidente na posibleng umutas ng kaniyang hininga. Walang pasabi. Walang paalam. Walang paghahanda.
Sa loob ng dalawampu’t tatlong taon ay nalampasan niya ang 1, 255, 800, 000 kalawit ni kamatayan. Pero hindi ang itinakdang 1, 255, 800, 001. Kung babalangkasin ang buhay natin bilang tao, araw-araw ay nakikipagbuno tayo sa kamatayan. Nakikipagbuno para makipagbuno ulit kinabukasan, hanggang sa mga susunod pa bago tuluyang katukin ni kamatayan. Paulit-ulit bawat araw. Pabalik-balik. Nagkakatalo lamang kung para kanino at saan tayo nabubuhay.
Sa araw na ito ay ikalawang taon ng kaniyang kamatayan. Ang tanging ipinagkaiba ay wala na siya pero patuloy pa rin kaming nakikipagbuno sa sayaw ng kamatayan.
Sabi nila, “when you’re in bed, you’re dead” at biyaya na lamang ng Dakilang Lumikha na muling maidilat ang mga mata kinabukasan. Para saan? Para sa susunod na araw pero parehong pakikipagbuno – kamatayan.
Ito siguro ang dahilan kung bakit nasabi ni Apostol Pablo, “…die daily.”
…figuratively and literally.
Ang pinakamahalagang common ground nating mga tao – kapanganakan.
***
Para sa patimpalak ni Pareng Lio Loco. At para sa marami pang makabuluhang kapanganakan: Same Shit, Different Day!







Dude, naguumapaw pa ang sabaw sa utak ko ngayon na sinahugan ng sinigang mix gagawa ako bago matapos ang araw na ito =)
poi =)
dahil lahat tau ay nabuhay at mamamatay…
isa na namang kalahok sa SSDD! Good luck po
Pong Murit!
Parang bagyong ondoy lang ah, great equalizer!
goodlack pareng pong…
heartfelt ito.
alam kong nami miss mo pa rin ang kapatid mo lagi, sir pong. marami akong post mo na nabasa na rin na halos tumatalakay sa nangyari sa kanya.nakikiramay ako.
goodluck sa entry, magandang araw!
Weather weather lang maging sa usaping kamatayan. Just keep fighting the good fight of faith.
Sir Pong maiampormasyon to ah. Mala-MATH eh. Sumakit ulo ko. Mehehe~
Ang pinakamahalang common ground nating mga tao – kapanganakan.
itong post na to e nagpapakita kung anong kinalaman ng BUHAY sa tao.
Kahapon nga rin pala ang death anniversary ng kapatid mo…two years pa lang ang lumilipas kaya talagang sariwang sariwa pa sa alaala mo…hindi ko rin naman sasabihing malilimutan mo rin, dahil yung alaala niya ay masarap pa ring mabuhay na kasama natin…atsaka kasi sa katotohanan, hindi ganun kadali ang lumimot. alam mo naman ako di ba, thirteen years na pero sa tuwing sasapit ang araw ng kamatayan ng kapatid ko, ganun pa rin, parang bumabalik nang automatic kung ano ang mga nangyari nung araw na yun…pati yung mga sana, at what ifs, kusa ring nagbabalikan…
ang tanging magagawa na lang natin talaga ay ang ipagdasal sila na saan man sila makarating, sila ay mapayapa at masaya na. May your brother rest in peace…God bless you and your family, Pong.
[...] 14. Pong [...]
Goodluck kuya P! Na-touch ako dito. Proud na proud si kapatid sayo. Sure ako dyan.
Sabi nga ni Pareng Drake sa kanta ni Nicki Minaj na Moment for life…
“everybody dies but not everybody lives.”
Iba ang gawang may pinaghuhugutan talaga. Ramdam na ramdam.
Sa buong konsepto ng PAGPANAW ay nakakakabit rin ang konsepto ng salitang HIRAM
…ganon ata talaga may dadating at aalis din pero di ibig sabihin titigil na rin ang mga buhay natin. magpatuloy lang tayo, nauna lang sila sa finish line
hello pong!
Well written piece Pong…
Tama ka, bawat araw tayo’y nakikipagbuno kay kamatayan… Ika nga sa Psalms, ang mga araw ng ating buhay ay nakatakda na bago pa tayo ipinanganak sa mundo…
Kaya bawat paggising ay dapat ipagpasalamat… Bawat araw ay biyaya…
Exactly, ganyan lng tlaga ang buhay!
Pag may dadating siguradong may aalis.
Nice ng blog mo!
Pong,
Kamusta na?
D
ngayon na lang pala ulit ako nakadalaw dito… anyway, medyo dark ang itong post mo pero talagang realistic. condolence sa iyong kapatid, Si Lord naman na bahala sa kanya at tiyak na okay na siya.
and yes, death and birth ay ating common ground. yung journey lang sa buong buhay natin ang pinagkakaiba. nasa sa bawat isa kung anong direksyon ang tatahakin natin.
mabuhay and God Bless, hope okay ang standing ng entry mo na ito.
Pong,
Tagal na nitong post na ito ha! Merry Christmas po.
D
Happy New Year kuya Pong, kahit busy ka na!
Sana ay okay ka lang dyan!
Hey Kuya!!! what happened?.. parang hindi ko na kau nakikitang active?..
anu pong balita?…
Alam kong ako’y sobrang huli na. Ako’y nakikiramay din. Ang bilis lumipas ng mga araw, pati taon. Sana sa paglipas nito’y lagi parin natin silang maalala. Kamusta ka na Kuya Pong? Ingat ka lage. Be blessed! =)