Pasamantalang Bagong Bahay

Posted: February 22, 2010 in Pansarili
Tags: , ,

“The only permanent things are changes.”

From simple cell to an organ system. From simple union of parental gametes (sex cells) to human life. From infancy to adulthood. From adulthood to manhood. From here to eternity. 

Ang mga nabanggit na mga kaganapan ay iilan lamang sa pagbabagong naganap, nagaganap at magaganap. Kung susumahin ay iisa lang ang ating matutunghayan, proseso. Lahat ng bagay ay dumadaan sa proseso. Prosesong pisikal, emosyonal, sikolohikal, physiological, maging ispiritwal ay bahagi na ng buhay ng tao. Magkagayon, maging ang mga iba pang may buhay dito sa mundo ay may mga proseso ding pinagdadaanan. Sino nga ba ang makakalimot sa pinakatanyag na metamorphosis ng isang paru-paro o kaya ng lamok? Maging ang mga nakalakihang mga cartoons or superhero ay dumaranas nito. Andiyan ang pagpapalit ng anyo ng mga Bioman, Superman, Batman, at ang aking paborito na si Mask Rider Black. Oooops maging ang mga gadyet na sa pangkasalukuyang panahon ay nagpapabago-bago dala ng makabagong teknolohiya. Evolution, modification o improvement ang tawag dito ay iisa lamang ang nais iparating sa atin;  na ang lahat ng bagay ay proseso.

Napaka-ironic kung tutuusin, sapagkat maging ang mga pagbabago sa mundong ito ay nagbabago. Samakutuwid maaari kong sabihin na walang permanente sa mundo. Pero, may isang bagay na hindi nagbabago. Ang mga Salita ng ating Panginoon. Maging ang ating Panginoon ay hindi nagbabago sapagkat siya ang Panginoon noon, ngayon at magpakailanman (=cool=). Tama! Siya lang at wala ng iba pa.

At isa sa mga pagbabagong aking dinaranas ay ang aking pansamantalang bagong bahay, ang wordpress. Sa madaming kadahilanan ay mas pinili kong itigil ang pagbablag para na rin sa aking seguridad. Pero aking napagtanto na akin na itong ipagpapatuloy sapagkat gusto ko at mahal ko talaga ang pagsusulat at mahal ko ang tawag sa akin ng Panginoon. At isa pang pagbabago ay sa wikang Filipino (Actually, I’m not good in English) ko na isusulat ang aking mga blag lalo na kung ito ay tungkol sa ating Panginoon. Sa palagay ko natagpuan ko na ang aking pansamantalang bagong bahay.

Sa Diyos ang Kapurihan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s