CCEMI ACADEMY: Isang Paggunita 1

Posted: March 1, 2010 in Pansarili
Tags: , ,
 
 
 

  

CCEMI Academy 3rd Year Class (S.Y. 2007-2008)

“March is marching on.” 

Ilang araw na lamang mula ngayon ay magtatapos na naman ang isang taong pang-akademiko. Sariwang-sariwa pa sa aking gunita ang unang pag-apak ko sa paaralang aking minahal ng buong puso.  

Rewind: 

Buwan ng Enero taong 2007 ng ako ay mag-demo sa paaralang ito. Klase ng Ikatlong Taon ang aking dami class sa asignaturang Chemistry: Acid, Salts and Bases. Lumiban ako ng kalahating araw sa aking noo’y pinagtuturuan upang magawa ko ang nakatakdang demo. Tandang-tanda ko pa ang gwardiya, bughaw na tarangkahan at maging ang kabuuan ng paaralan. Ako ay malugod na tinanggap ng sekretarya ng punong-guro at pansamantalang pinaupo sa loob ng silid-aklatan. Habang ako ay taimtim na nagdadasal ay pumasok sa loob ng silid-aklatan sina (ang mga pangalan nila noon ay hindi ko pa alam sapagkat unang pasok ko palang iyon sa Academy) Mam Guy at Sir Jon na siya rin namang pagpasok ng klase ni Mam Mars para sa kanilang research sa asignaturang Integrated Science. Tinawag na ako ni Mam Juvy (sekretarya) para umpisahan na ang demo. Sa loob ng silid-aralan ay tatlo ang aking panel: 1. Si Mam Bell (papalit bilang punong-guro), 2. Mam Weng (kasalukuyang punong-guro), at 3. ang Ikatlong Taon na klase. Tandang-tanda ko pa na napakapassive ng klaseng iyon, malayung-malayo sa klaseng hinhawakan ko sa aking kasalukuyang pinagtuturuan. Marahil hindi ko napukaw ang kanilang atensyon. Marahil din naman ay hindi sila nagalingan sa aking pagtuturo. Posible din namang napwersa sila sa sapilitan kong pagtawag sa kanila para sagutin ang aking mga tanong. O talaga lang na sila ay nasa kategoryang passive class. Tatlong mag-aaral lamang ang aking natandaan noon, sina Peter, Aileen at Janine marahil dahil sa kanilang atensyong ibinigay habang ako ay nagtuturo. Pagkatapos ng aking demo kinausap ako ng aking dalawang panel. Magaganda naman ang kanilang mga kumento. “Pwede mam siyang magturo sa klase ng Chemistry,” turing ni Mam Weng kay Mam Bell. “Lima ang kanyang Chemistry nung siya ay nasa kolehiyo base sa kanyang transcript,” segunda pa niya. (tinama pa ako ni Mam Weng sa isang maling compound na aking tinuring sa katatapos kong demo at akin naman itong itinama din sa kanilang dalawa at inihingi ng paumanhin, marahil dahil sa kaba). Maging ang mga kumento ni Mam Belle ay puro positibo maliban lamang sa aspetong nagkulang ako ng interaction  sa klase. Nagpaalam na ako sapagkat mahuhuli na ako sa aking susunod na klase sa aking tinuturuang paaralan.  

Maluwalhati akong nakarating sa aking pinagtuturuan ng marinig kong magring ang aking celphone. “Congratulations! You are in for the next school year,” bungad ni Mam Belle sa kabilang linya. “Thank you po Mam,” ang aking tugon. 

Natapos ang taong pangakademikong 2006-2007 ay hindi na ako nakadinig pa ng balita sa aking pagtuntong sa Academy. Buwan ng Abril ay nakapirma na ako ng consent to renew contract sa paaralang aking pinagtuturuan sa kadahilanang lumipas ang tatlong buwan na wala akong natanggap na follow-up call or text  sa Academy.  

Buwan ng Mayo ng ako ay naatasang magturo ng Science Summer Class sa aking pinagtuturuan. Ilang araw bago magsimula ang summer class  ay muli akong nakatanggap ng tawag mula kay Mam Belle, “Sir, magkakaroon tayo ng pagpulong sa ganitong araw.” “Mam nakapirma na po ako ng kontrata, hindi na po kasi ako nakatanggap muli ng tawag mula sa Academy,” tugon ko naman. “Ipanalangin natin na ma-release ka para makapagturo ka sa Acdemy,” balik niyang tugon. 

Fast Forward 

Nagbukas ang Taong Pangakademiko 2007-2008. Ako ay naninibago sapagkat bagong mga katrabaho, mag-aaral at paligid na naman ang aking kakaharapin. Nakasanayang untahan ang bungad ng bawat isa sa pagbubukas ng taong pampaaralan mapamag-aaral, mga magulang at kapwa guro. Nagsimula ang aking klase sa Ikatlong Taon sapagkat ako ang kanilang gurong taga-gabay. Hyperactive naman ang klaseng ito. Malayung-malayo sa klase ng ikatlong taon kung saan ako ay nag-demo. Nagkakilanlan ang bawat isa, maging ang mga alituntunin ko sa klase ay kanilang nalaman. Chemistry, Biology, Integrated Science, TLE III, Asian History, World History at Economics ang mga asignaturang natutok sa akin. Lumipas ang mga buwan at unti-unti kong minahal ang Academy, mga kapwa tagahubog at maging ang aking mga mag-aaral. I learn to love teaching and all the stuff. I am taking all the textbooks for me to review them before delivering them in class. I am able to cope up with a class of heterozygous in nature. I am learning step by step the Academy way. 

The Third Year Class is so hyperactive lalu na ang mga boys. I enjoy a lot our Devotion Time/Born Again Time kung tawagin namin. I admire their friendship. The male students are: Reuel, Aldwin, Daniel, Joshua, Marco, Gerald, Moses, Marvin, Aldrin and Fhabs, while Igal, Carmine, Regina, Mary Lynn, Geneva and Aj are the counterpart. You can trust and count the girls while the boys nevermind. They are best with lapses and headaches. I really enjoy this class. Of course, ups and downs are part of communal living lalu na sa loob ng isang klase. 

 I thought Second Year Class is a dull and so so class. Little did I know that it is a class of all trades. Artists, dancers, singers, brains and talents are evident in this class. Most of my frustrations with my advisory class are poured into this class. When my advisory can’t, they can! Simply fantastic! 

  

I know in my heart that some of my students hate me. Some love me and some just mediocre. I admit my teaching loads make me incompetent (for an excuse that some subjects to be taught are not my forte), of course no excuses allowed. Sometimes I just keep quiet when they are very noisy or shouts at them once, twice, thrice or many times just to silence the air waves. The usual cards out, PTC, lesson plans, test paper and other submissions dreaded me for I have seven subjects all in all. 

 School Year 2007-2008 ends. At last vacation is here!  

CCEMI Academy 2nd Year Class (S.Y. 2007-2008)

 

 

Comments
  1. Aw, siiiirrr!!! This post brings back memories. Ah, the good times, good times. i miss the academy days :[

    • themizpah says:

      oo nga mine, those good, good, and best memories. overview lang yan ng first year ko sa academy (Part 1). Part 2 will be the S.Y. 2008-2009 overview. Part 3 ung mga happenings natin (good and bad both SY 2007-2008 and 2008-2009). Tapos Last Part will be what i’ve learned, missed, hope did not do, hope I did, during my stay and leaving the academy mas detailed na dito. ehehehe, thanks for dropping by my dear carmine… how’s UP pala? musta pag-aaral mo? God bless

  2. Carina M. Pangilinan says:

    Uhm your memory is working sharply, sir. Balamu kapilan pa ne atyu ka academy tuturu,mipamiro. ot eme pa sinulat ing pamagkanta mu. Ita ing bage eku akalingwan keka bro. Plus, potang magdecorate mumuling mga bandang alas diyes ning bengi para maayus ing decoration. Palage ku amimiss mune i mars ne, he he he.

    Masyadung mabilis ing panaun king yatu ne.

    • themizpah says:

      thanks mam, wapin napin kabilis lumipas ing panahon neh,i will write about kareng memories ku karin mam ken lang Part 3 ita, wapin madakal naku amimiss ken, ehehehe. God bless see you all soon!

  3. Kim Sarah says:

    hehe…may blog ka pala sir… haha…

    • themizpah says:

      syempre naman BnB lang ba ang may blog, eheheeh, anyways malapit ko ng ipost yung article para sa batch nyo. watch out for it. makabagbag damdamin yun, for sure. ingats and God bless regards sa mga mates mo ha. Godbless, regards din kay mama mo, isasama ko sa part 3 yung tinreat kami ni mama mo sa kfc nung nawala na ako sa academy, syempre mga good memories naman lahat ng ipo-post ko. Kudos and congrats UP girl!

  4. guada manso says:

    Hello Sir,
    Ang galing naman ng blog mo at parang gusto kong maiyak.
    As I”am reading it ay lalo kitang na miss.Cge wait ko ang
    mga susunod
    Regards to you and may the Lord always bless you and keep you…….mwahhhhh

    Tita guads

    • themizpah says:

      teary eyed po tuloy ako sa comment nyo, haaaay cge po within this week po ay mapopost ko na yung Part 2 and 3 about my academy experiences, of course po yung mga good memories lang ang ipo-post ko. Na-miss ko din po kayo lalu na when you have reached and extended your hand to a lowly creature like me. Hinding hindi ko po makakalimutan yun (KFC memory). Pagpalain din po kayo ng ating Panginoon. Regards po kay Kim! Marami pong salamat, Tita Guads!

  5. poink.. : ) says:

    wla ng mga free time ngaun.. dati laging free time, aha..
    dati lagi taung nagkakantahan.. haha, kakatawa ung mga panahon na un.. sir baduy pero nakakatawa lahat, naging masaya kmi na naging teacher ka namin at barkada.. hehe.. GBU

    • themizpah says:

      poinks, wow! hindi ko expect na magco-comment ka, alam ko naman na ayaw mo ang kabaduyan eh! Baduy baduy natin noh! salamat ha, napapaiyak tuloy ako. Sa part 3 ko isusulat ang mga kantahan natin, pati ang lakwatsa natin nina dan2 at ng mga mates mo. I’m also blessed that in my life I have come to know each of you na itunuring kong mga anak, students, barkada, kaibigan at lahat lahat na. Nakakamiss ang kantahan time natin. Abangan mo ang Part 3. remember mo pa ba nung kumain tayo nina dan2 sa fortune at pinanood natin si kuya nya sa isang fiesta. yun yata ang huling bonding natin noh. Basta ingat parati and God bless! see you all soon! kay bro eddie tayo! ehehe

  6. Reuel Chocojao says:

    we still have the video on youtube, the one where we were singing. i miss these times. ntandaan ko pa nung ngalit ka ky bit and dan, akong nagulat kasi nabuhat mo ung upuan ni dan! haha take care sir. these memories will never fade, and they will always remain in my heart til the end of time.

    • themizpah says:

      ahaha, yep i’ll be writing those wacky memories of ours sa Part 3. I’ll be needing that youtube video soon for it. yep kayo lang kaya ang nakakaappreciate ng boses ko!
      I agree walang makaklimot ng mga yun lalu na ang mga kantahan at concert time natin. Never they will fade! ingat at komusta muku kang rein and daddyoh ha!

  7. PiterJankovich says:

    My name is Piter Jankovich. oOnly want to tell, that your blog is really cool
    And want to ask you: is this blog your hobby?
    P.S. Sorry for my bad english

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s