Alay

Posted: March 9, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags: , ,
Sa aking pagsamo
Katulad ng isang balo
Ibibigay lahat
Katumbas ma’y buhay; salat
Nalalabing kayamanan
Sa iyo’y ilalaan
Sambahin ka’t paglingkuran
Nais kong kapalaran
Pagsunod sa iyong kagustuhan
Nawa’y aking magampanan
Bigyan mo ng kalakasan
Sapagkat buhay na hiram; kailanma’y di matutumbasan
Comments
  1. J.Kulisap says:

    Pong, labis kong hinahangaan ang iyong pag-ibig sa ama.
    Paano mo nasumpungan ang daan papunta sa kaniyang paraiso?

    • themizpah says:

      Kung ating hahanapin ang ating sarili ay wala tayong mahahanap na mabuti, sapagkat siya lamang ang may gawa ng lahat. Mangyari pa ang mahahanap natin sa ating sarili ay ang ating mga kakulangan, ating tagumpay at kasawian, at iba pa. Kung hahanapin natin siya at aanyayahan natin siya sa ating buhay doon natin mapagtatanto na ang lahat ng ito ay dahil sa kanya. Magkulang man tayo ay siya ang pupuno. Madapa man tayo ay itatayo nya tayo. Magtagumpay man tayo ay atin siyang pasasalamatan. Masugatan man tayo, siya ang maghihilom ng mga ito. Masaktan man tayo ay makakadama tayo ng pag-ibig at yakap mula sa kanya. Talikuran man tayo ng lahat, Siya ay hindi tayo iiwan at mas lalo nating mamahalin ang mga taong nakapaligid sa atin. Sa madaling salita ang daan patungo sa kanya ay ang kanyang Anak. At sa madaling sabi ay hindi na natin titignan ang ating sarili bilang isang Mahina o Malakas, titingnan na natin ang sarili na ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay dahil sa kanyang kagustuhan. Sa pgiging makasarili “self-centered” patungong maka Diyos “God centered” na buhay. —para na akong nangangaral, hindi po ako isang “preacher” ako po ay isang teacher.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s