Nawala at Natagpuan (Lost and Found)

Posted: March 9, 2010 in Pansarili
Tags: , , ,

Noong nakarang Biyernes, habang ako ay naghihintay ng oras para ako ay  sunduin, napagpasyahan kong manood muna ng pelikula (DVD). Isang 2005 na panoorin ang aking isinalang na may pamagat na Missing in America (i-klik ang link para sa buod ng pelikula). Isang nakakaantig na pagsasadula o pagsasalarawan ng mga sundalong nakipaglaban noong Vietnam War na piniling manirahan sa kagubatan ng Amerika. Sa nabanggit na pelikula ay dalawang mga “tagline” o linya ang tumatak sa aking puso’t isipan; 1. “It’s never too late to find your way home.” at 2. “If you follow the shadow of raven, you will find light.”

 
 
 

I found my way home!

Natapos ang aking panonood na ang mga linyang iyon ang tumatak sa aking puso at umukit sa aking isipan.

Sa unang linyang “It’s never too late to find your way home.” ipinaalala sa akin ng ating Maykapal ang tatlong uri ng pagkawala, pagkawalay o pagtalikod natin sa Kanya.

1. Ang Parabula ng Nawawalang Salapi (Barya)

Hindi alam ng barya na ito ay nawawala sa kadahilanang wala naman itong pag-iisip.

Found!

2. Ang Parabula ng Nawawalang Tupa

 Alam ng tupa na siya ay nawawala. Paano? Kung ang tupa ay nabibilang sa isang kawan at ito’y biglang napahiwalay ay tiyak niyang malalaman na siya ay nawawala.

Found!

3. Ang Parabula ng Nawawalang Anak na Lalaki

Alam ng anak na lalaki na siya ay nawawala sapagkat pinili nyang kunin na ang kanyang mana at lumayo sa kanyang pamilya at bayang tinubuan.

Found!

Mga Punto ng Tatlong Uri ng Pagkawala (State of Lost-ness)

1. Minsan, sa buhay natin ay naging barya tayo. Nawawala, walang buhay, naghihintay lamang ng kung anong gagawain sa atin.

2. Minsan sa buhay natin ay nawala tayo kagaya ng isang tupa na napahiwalay sa kawan sa hindi malamang kadahilan.

3. Minsan sa buhay natin ay ginusto o pinili nating mawala, lumayo o tumalikod.

Dalawang Pagkakahawig ng Tatlong Parabula

 1. Nawala, nawawala at piniling mawala (wala).

2. Natagpuan:

*Ang barya ay masigasig at masinop itong hinanap ng may-ari. At ng matagpuan ay hindi masukat ang kaligayahan na ito’y kanya pang ipinamalita.

 *Iniwan ng Pastol ang 99 na tupa para hanapin at natagpuan ang nawawalang isang tupa sa kanyang kawan.

*Ang alibughang anak ay bumalik sa kanyang Ama. At ang kanyang Ama ay araw at gabi siyang hinihintay at tinatanaw. Nang makita niya ang kanyang anak ay ipinaghanda niya ito at pinabihisan.

Pagninilay:

Sa buhay natin minsan na tayong naging barya, tupang ligaw at alibughang anak. Huwag na nating hayaan pang mawala tayo sa tamang kawan, sa tamang may-ari at sa tamang Pamilyang dapat kabilangan. Mayroong nagmamay-ari sa atin. Siya ay matiyangang naghanap, nagpapastol at naghihintay sa atin. Tunay ngang hindi pa huli para umuwi sa ating tunay na tahanan.

 

Sa pangalawang linya na “If you follow the shadow of raven, you will find light.” Aking napagtanto ang kwento ng isang dakilang propeta sa kanyang pagtakas. Ginamit ng Maykapal ang isang raven para dalhan siya ng pagkain. Ang raven ay nabibilang sa maruruming uri ng ibon o hayop. Bakit ginamit siya ng ating Maykapal? Dahil sinisimbulo nito na lahat tayo ay makasalanan at pwede Niyang baguhin ayon sa Kanyang nais.

Pagninilay:

Siya ay hindi kumikilala ng isang tao lamang. Maari niyang gamitin ang isang hayop o bagay na ubod ng dumi para maitanghal ang kanyang kapangyarihan. Tayo pa kaya na hinubog sa kanyang mismong wangis. Makasalanan o ubod ng liit man ang tingin natin sa ating sarili ay hindi ito dahilan para tayo ay kanyang gamitin at tawagin. Tunay nga na tayo ay may kani-kanyang bitbit na liwanag na nagsisilbing ilaw sa sangkatauhan. 

 Note: Pagpasensyahan nyo na po kung hindi ko masyadong mahimay ang ibang punto sa kadahilanang personal na pangseguridad. Sa kanya lamang po ang kapurihan!
photo credits: amerika, anak, tupa, barya
Comments
  1. Hello Pong. Napakaganda naman ng iyong sinulat! Nawa nga ay magamit ka (at ang iyong blog) pa Nya lalo upang marami pa ang mawala sa pagiging wala.

    Siyanga pala, nais ko lamang sabihin na hindi tayo nagkakalayo ng kinalalagyan – ikaw bilang OFW, ako naman bilang dependent ng isang OFW. It’s our tinny winny secret. God bless!

    • themizpah says:

      thanks po ms. chin, sa Kanya lamang po ang lahat ng papuri at karangalan. ganun po pala, kaya hindi na po ako nagtataka na kahit sa blog ay nagkakilala po tayo, una sa pananampalatay, pangalawa dahil po sa OFW. pagpalain po kayo ng ating Maykapal, ang iyong asawa, mga anak at ang iyong buong sabahayan po.

  2. Carina M. Pangilinan says:

    Pong, nice ing pepaabot ning Ginu keka. Tune na mayap ya ing Ginu at enakatamu peburen tuluyan. Iya mismo ing mantun kekatamung mawawala para manumbalik kaya. Kanyamang isipan ing Ginu tamu sobrang malugud ya. Nawa ing biyaya nang Lord lalung sumagana at ing kabiasnan a pigkalub na keka lalung magamit king kayang kapurian keti sulip. Eka sasawang magpahayag king amanu ning Ginu atin manayang biyaya keka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s