Sa Iyo

Posted: March 10, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags: , , , , ,
Sa paggising sa umaga
Ikaw ang naaalala
Nasasabik sa iyong presensya
Ikaw ang nais kasama
 
Ikaw ang tanggulan
Sa tuwina’y aking sandigan
Inilalayo ako sa kapahamakan
Sinusupil ang aking mga kalaban
 
Sa paglipas man ng mga oras
Pag-ibig mo’y di kumukupas
Ikaw ang nagpapalakas
Kagaya ng agila na kaytikas at kaygilas
 
Tunay ngang ikaw ay tapat
Sa lahat ng bagay ay sapat
Sa pagsapit ng aking dapit-hapon
Buong buhay ko, sa iyo lamang nakatuon 
Comments
  1. J.Kulisap says:

    Pagkaligaw naring kaluluwa’y di mabanaag
    Sa isang mabuting pastol, hanap ay paglingap
    Walang bukambibig kungdi pagpapasalamat
    Sa biyayang handog ng Poong, dakila at tapat.

    • themizpah says:

      ikaw ay isang henyo aking kaibigan ang pagpapala ng ating Panginoon ang mapa sa iyo!

      • J.Kulisap says:

        Nanliliit ako sa iyong inuusal Ginoo.

        Isa lamang akong ordinaryong mamamayan.

        Mas nais kong ako’y mangmang dahil ang buhay ay sadyang umiikot sa paghahanap ng kaalaman.

        • themizpah says:

          Sa iyong paghahanap ng kaalaman
          Sana ay iyong masumpungan
          Ikaw ay sadyang pinili ng Maykapal
          Upang ipamalas ang husay mo’t pagpapagal

          Nagigiliw sa iyo ang mga tao at making kapwa isekto at kulisap mo
          Namamangha sa angkin mong husay
          Ikaw ay isang tunay na ehemplo
          Dito sa ating ginagalawang mundo.

  2. ROY says:

    Yup, sure, tnx in advance

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s