Ang Mga Ilaw Trapiko

Posted: March 13, 2010 in Pansarili
Tags: , , , ,

Sa araw-araw na ako ay naglalakbay patungo sa aking pinapasukan ay napapansin ko parati ang mga ilaw trapiko. Kagaya kaninang umaga lamang ay muli na namang napukol ang aking mga tingin sa mga ilaw na nagsisilbing gabay ng mga motorista. Dito sa lugar na aking kinalalagyan ay napakalawak ng mga lansangan. Dahil siguro sa dami din ng mga sasakyanng bumabaybay sa mga lansangan. Ang mga kalsada dito ay parang mga expressway na sa atin; ang kaibahan lamang ay sa atin ay nagbabayad tayo, dito ay libre. Sa loob ng bus kanina ay pinagmamasadn ko ang aking mga kasamahan. Halos lahat ay nakayuko at tulog. Siguro ay dahil napuyat sila kagabi o posible din namang kanila lamang sinulit ang oras ng pagbabyahe para makabawi ng lakas para sa isa na namang linggo ng paggawa.

Pag-ukulan natin ng pansin ang mga ilaw trapiko. Pula, dilaw at luntian (berde) na kusang nagsasalit-salitan sa pagpatay at pagsindi sa mga magkabilang daan. Napakapayak ng kanilang nirerepresenta kung tutuusin. Ang luntiang ilaw ay para sa pag-arangkada o “go”. Paghahanda naman o “ready” para sa dilaw at paghinto o “stop” naman para sa pula. Napakadaling intindihin kung tutuusin. Sa ikalawang baitang ng elementarya ay akin pang natatandaan ang aming tulang isinaulo noon patungkol sa batas ng pagtawid. “When you go down the street, red is stop, yellow is ready and green is go. Look to the left, look to the right before crossing the street.”

Ang ating gabay. Siya na ating Ilaw!

Sa aming pagbabaybay sa kaabahan ng mga kalsada at tulay kani-kanina lamang ay aking napagtanto ang mga sumusunod na ipinarating sa akin ng Maykapal:

1. Ang pananalangin at paglakad ng matuwid sa kanyang harapan ay parang mga ilaw trapiko.

2. Sa pagbabaybay o paglalakbay (paglakad, pagtakbo, paggapang) sa buhay ay nangangailangan tayo ng gabay.

3. Kung hindi tayo susunod sa mga ilaw natin sa buhay ay tiyak na tayo ay mapapahamak.

4. Sa ating buhay ay minsan kailangan nating magmasid at tumalima kung kailan lang tayo dapat mag-pula (stop-huminto), mag-dilaw (ready-maghanda) at mag-luntian (go-umarangkada).

5. Na ang Maykapal ay sumasagot sa lahat ng ating mga dalangin ng Oo (Yes) lamang sa pamamagitan ng pula, dilaw at luntian.

 

Analogo:

Sa larangan ng pakikipag-ugnayan natin sa kanya at maging sa ating kapwa tao ay para tayong nasa kalsada na sakop ng mga ilaw trapiko. Ang mga ilaw na ito ay Siya. Siya ang nagsasabi sa atin na kailangan tayong huminto (pula) sa mga bagay na mali nating ginagawa. Huminto muna para manalangin, humnto para magbulaybulay sa mga bagay na ating kailangang desisyunan. Huminto at mag-isip ng makailang beses bago umaksyon sa dapat gawin. He is telling us sometimes that you are in the state of red (stop) to appreaciate the buildings, trees, passersby, roads, vehicles, etc. where you are in a stop mode. Sometimes we do not appreaciate even the birds flying in the air and the colorful flowers on the other side of the road. We are just so focus to where we are heading on.

Siya rin ang magsasabi kung kailan tayo dapat aarangkada. Katulad ng ilaw trapiko na “each has its own turn”. Kapag sinabi nyang arangkada, dapat nating gawin ito. Kapag sinabi niya, hindi siya pwedeng magkamali. Kapag sinabi niyang arangkada hindi kailanman tayo maaksidente sa daang ating tinatakbuhan lalu na kung ito ay para sa kanyang ikakaluwalhati.

Siya rin naman ang magsasabi kung kailan tayo maghahanda. Maghahanda para huminto at para umarangkada. “Pruning stage”, “preparation stage” o “Rest Stage” man ang nais niya. Maging handa tayo sa mga pagpala na hindi natin masukat samantalang maging handa din naman tayo sa kanyang pagtutuwid.

Kailan man sa larangan ng paglakad o pagtakbo sa kalsada ay hindi pwedeng lahat ay berde kasi magbabanggaan tayo. Hindi pwedeng lahat ay pula kasi magiging walang kabuluhan ang buhay natin na nakatunganga lamang, lalu na kung mayroon siyang ipapagawa sa atin. At kailan man ay hindi pwedeng maging dilaw lahat na kung saan lahat tayo ay naghahanda lalo na sa mga walang kwenta at makamundong bagay. “Each one has its own turn,” ng naayon sa kanyang kalooban.

Pagninilay:

Binanggit sa mga tala sa libro na ang pakikipagbaka natin sa buhay ay parang isang manlalaro. Kailangang dumaan sa pageensayo, pagkundisyon sa katawan, pagsunod sa mga alituntunin para makuha ang gantimpala. Kailangan tayong umarangkada kapag kinakailangan. Kailangan din naman tayong maghanda para sa nais niyang ipagawa sa atin at kailangan din nating sundin ang kanyang sinasabi kung kailangan nating huminto para makuha natin ang gantimpala na naghihintay sa atin. At higit sa lahat bilang atleta o manlalaro ang dala-dala natin ay ang kanyang ilaw.

Tatapusin ko ang laban!

Sa kung papaano natin tatapusin ang laban “race” ng buhay, mapa-naglalakad, gumagapang, tumatakbo man ay alalahanin natin na kailangan nating tapusin at marating ang “finish line”, “No matter in which way we will finish the race (crawling, walking and running) for as long as we know when to use each for sure we will be able to finish and cut the end of the line”. Gumapang kung kinakailangan, maglakad kung ito ang kanyang nais at tumakbo sa tamang panahon na kanyang itinakda. At sa huli masasabi nating, “ako ay nakipaglaban at natapos ang hangganan at aking napanatili ang aking pananampalataya.”

 

Note: Hindi po ako makapagsipi ng mga tala sa libro para narin sa personal na seguridad. (to be edited)

 

photo credits: ilaw, manlalaro

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s