Di Nagbabago

Posted: March 13, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags: , , ,
puso’t balintataw
iisa ang isinisigaw
pagkasabik, pangungulila
pagkalungkot ‘di makakaila
 
luha’y di napipigilan
ito lamang alam na paraan
mapawi itong nararamdaman
maibsan lamang kahit panandalian
 
napakahirap na malayo sa ‘yo
maging sa mga malalapit sa puso
bawat oras, minuto o segundo
parang sasabog yaring ulo
 
subalit tunay ka sa iyong mga pangako
mga luha’y pinahiran at t(in)uyo
ikaw na sandigan na totoo
kailanma’y kasama ka sa paghayo
 
ikaw na gabay sa disyerto
sa lamig at init nito
ikaw na hindi nagbabago
simula pa lamang sa unang hakbang ko.
 

 

 

Comments
  1. duking says:

    fan ako ng poetry.ang ganda nito,sir!

    keep on writing,from the sound of it,mukhang nasa middle east kayo.ingat lagi and all the best!

  2. aksoriyalmo says:

    Ang tulang ito ay puno ng pag-irog at pagkadakila para sa Panginoon.. at totoo lahat ng nasabi mo sa tula.

    Lagi siyang nandiyan, at minsan tayo ang nakakalimot.
    😉

    Have a blessed weekend!

    • themizpah says:

      kuya ax salamat sa kumento, yep puno ng pag-irog sa Kanya at tunay nga na madalas (hindi man minsan) tayo ang nakakalimot!

      Pagpalain ka ng ating Maykapal!

      A blessed weekend din sa iyo. (dito kasi weekend namin ay huwebes at biyernes)

  3. aninipot says:

    wow! kinurot ako ng iyong tula ginoo, sinalamin nya ngayon ang aking saloobin…

    ganda…keep on writing sir.

    • themizpah says:

      maraming salamat po, ako din po ay ganito din ang aking nararamdaman, gusto ko ng lumipad pabalik sa Bayang mahal at aking mga minamahal!

      Salamat po sa iyong pagdaan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s