Laban at Kabuluhan

Posted: March 14, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags: , ,
nakatatak sa isipan
kakayanin bawat laban
sa dagat, lupa o himpapawid man
sugod! walang atrasan
 
nadapa, nasugatan, nakutsa
nadungisan, naapakan, nasalanta
napagal, umayaw, sumuko
nabuwal, nalugmok, gumuho
 
itinatak muli sa isipan
kakayanin bawat laban
salamat sa iyong katuruan
pansariling kalakasan, wala palang kabuluhan
 
itong mga karanasan ay may pinatutunguhan
ikaw lamang ang matatakbuhan, pinagkukunan ng kalakasan
karamay sa kapighatian, sandigan sa oras ng kagipitan
hindi mo iiwan, hindi ni minsan man, hindi kailanman
 
 
 

 

 

Comments
  1. J.Kulisap says:

    Ang lakas ng kapangyarihan mo.
    Suko hanggang sa himpapawid.

  2. Mr. Nonsense says:

    studyante yata ni jkulisap to ah.
    gleng gleng…

  3. aninipot says:

    isama mo din ako sa pag-lipad sa himpapawid, di pa kaya ng mga pakpak ko
    pero susubukan ko…

    galing…ihahanay na kita sa mga matalinghaga kung mga kuya… si kuya kulisap at kuya anjong.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s