Aking Kalungkutan

Posted: March 15, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags:
liwanag sa dilim
mahirap nga bang hagilapin?
(na)tukop, balot ng kulimlim
hanggang kailan magpapaalipin?
susi sa tagumpay
mailap ka nga bang tunay?
puting buhok, kulubot na balat
matatapos kaya pagiging salat?
sibol ng tubig
saan hahanapin?
tuyo at uhaw sa pag-ibig
masumpungan kaya bukal mo’t hangin?
daan sa lagusan
malapit na bang masumpungan?
lakad, takbo, dapa, at pasan
hindi ba pwedeng malampasan?
tikok ng puso
papakinggan ba mga bulong mo?
saya, tuwa, lungkot, hapdi, kirot, pagod
manhid ba ng ubod?
kutitap ng mga tala
hindi nga ba sumasala?
sulyap, tingin, tingala
hinihintayin pa ba mga pagpapala?
makikita pa kaya ang liwanag?
o mananatili sa dilim
maabot kaya ang tagumpay?
o aabutin na ng pagdaraop ng mga mata
malalasap pa ba ang tubig?
o mananatiling sabik
mahahanap pa kaya ang daan?
o mananatiling pagod sa pagpapalaboy-laboy
madadama pa ba tibok ng puso?
o magiging matigas na parang bato
maaaninag pa ba mga tala?
o mangangalay sa kakatingala
mga tanong
mga sagot
mga paraan
mga haka-haka
mga kadahilanan
mga duda
sa mga pinagdadaanan ko; alam ko
Ikaw ang sagot, Ikaw ang hinahanap
walang duda, walang pagkukunwari
Ikaw, wala ng iba!
Comments
  1. J.Kulisap says:

    Kapit lamang, hayaan mong mahalikan mo ang tala sa tamang panahon.
    Ang sabi, ang kaligtasan ng iyong kaluluwa ay parang isang panatag na sanggol na hinihele ng iyong payapang ina.

    Pong, ang galing mo.

    • themizpah says:

      Papuri sa ating Panginoon kaibagan kong kulisap
      Sa mga panahong kagaya nito na kailangan ko ng makakusap ay sa pamamagitan niyo ay lumuluwag ang aking dibdib
      Tama ka kaibigan panatag at payapa tayo kung Siya ang ating kanlungan…

      nananariwa lamang sa akin ang aking mga pinagdadaanan.

      • J.Kulisap says:

        Walang iwanan. Kapit.

        Dumarating talaga ‘yan, hayaan mong maging antiseptek ng pangungulila ang mga makukulit na salitang ito.

        May kausap ka pa,’yong iba..hinahayaang magtago sa dilim.

        • themizpah says:

          salamat kuya kulisap, isa kang mumunti ngunit bitbit ay sulong napakaliwanag. mabuhay ka, napatawa mo nga po ako dun sa utot.

          dapat nga ang susunod kong ididkit sa aking pahina ay tungkol sa Kamatayan, pero hindi ko alam kung bakit? ng nabasa ko ang mga post niyo ni aninipot ay nakita ko ang liwanag na ipinapakita sa akin ng Maykapal kaya pinabasa muna nya ang inyong mga post sa akin para ako’y paalalahanin na Siya ang may akda ng lahat, at sa kanya ang kamatayan ay isang presyosang bato at muli nya akong pinatitibay at sa oras na handa na akong i-post ang pag-alala sa aking kapatid (repost ng tungkol sa kanya) ay hindi na ako masasaktan pa.

        • J.Kulisap says:

          Tama.

          Hayaan mong panahon na ang magsabi sayo kung kailan mo na maisusulat ang alaala ng iyong kapatid na hindi ka na masasaktan pa.

        • themizpah says:

          salamat kuya kulisap, bagong araw, bagaong pag-asa ang hatid. iniisip ko nga kayo nina aninipot at iba pa nating mga katoto sa blagosperyo habang binabaybay namin kanina ang daan papasok sa ospital (dito parin ako, 8:35am palang kasi dito) na napakapalad ko dahil sa bago kong bahay sa WP ay nagkaroon ako ng mga kaibigan at kapamilya sa katauhan ninyo!

          salamat po!

        • J.Kulisap says:

          Maglakbay ka lamang.

          Itong blogosperyo parang gubat, iba’t ibang halaman at hayop ang iyong makikita.

          Bahala ka na kung alin ang gusto mo.

        • themizpah says:

          tama ka kaibigan at higit sa lahat matuto at rumespeto sa bawat pagkakakilanlan.

  2. Lubhang napakamakata mo naman – you remind me of King David. Maybe you can compile a book – mga akda ni Mizpah para sa Panginoon. God bless you today.

  3. duking says:

    wala akong masabi sa iyong panulaan.

    yan din ang himig ko kadalasan.mga tanong,walang kasiguruhan.pero ang buhay ay buhay,umiinog sa kanyang paraan.hahayaan ko na lang na isiwalat nya ang lahat sa takdang panahon.

    kinagagalak kong mapasama sa iyong listahan at gayun din ang gagawin ko kung mamarapatin mo.

    maligayang araw!

    • themizpah says:

      maraming salamat kuya duking, oo tayo ay tumatakbo sa isang bilog, walang patid, dugsong-dugsong, sama-sama, pero hindi paulit ulit (para sa akin) dahil sang-ayon ako sa iyong tinuring na ang lahat ay pag-inog sa Kanyang kaparaanan.

      isang kagalakan din ang mapabilang sa iyong natatanging listahan.

      maraming salamat po!

  4. aninipot says:

    the most powerful song i new is “God will make a Way”… since grade school yan na ang kinakapitan ko pag nag-iisa at takot.

    • themizpah says:

      i agree “wali”+ng aninipot = waling aninipot, in kapampangan nakababatang kapatid na aninipot.
      waling aninipot tama ka lubos na napakaganda ng awitin na iyon natatandaan ko pa nung itinanghal namin ito nung ako ay nasa kolehiyo sa isang konsyerto by don moen nag one act kami mula sa mga libro sa bibliya…
      tunay nga na kapag tayo ay nasa dulo na ng ating tali (end of our rope) ay mas natatanghal ang kapangyarihan at pag-ibig ng ating Maykapal.

      mabuhay ka!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s