Walang Katulad

Posted: March 16, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags:
lima at dalawa ang bilang
maliliit ang pagsasalarawan
liman’ libo ang napagpalang t’yan
labindalawang tiklis nalikom, humigit-kumulang
madilim na kapaligiran, simula pagkasilang
naghihintay, nagaabang; sana’y masilayan!
burak lamang itinapal
namulat, liwanag nasilayan; kahit ipinagbawal
apat na kaibigang mapagmahal
bitbit, katawang nakaratay; walang pagal
bubong ng kapit-bahay; binaklas, binigyan ng awang
nakatayong muli; ‘di na higa, ‘di na gapang
pinahid mga luha ng magkapatid
sa pagkakahimlay ng kaibigang matalik
pagkayao’y buhay ay hatid
hininga ay pinanumbalik
kaybigat pinasang pinagdaop na kahoy
dinuraan, hinampas, kinoronahan: isang kalapastanganan
kapalit ay kaligtasan, paglilinis at maging panaghoy
pag-ibig sa sangkatauhan; kailanman ‘di matatawaran
 
—halaw sa mga iilan na dakilang ginawa NIYA
 
Comments
  1. J.Kulisap says:

    Nakakahiya.

    Wala akong karapatan.

  2. J.Kulisap says:

    Udyo kaluguran daka? Kaluguran sobra sobra.

    Wateber yaya, your such a loser..buhahaha.

    Nabasa ko na at sumagot na ako.

  3. J.Kulisap says:

    Di ba, naririnig ko ‘yong kanta pero pakiramdam ko, maganda kahit hindi ko alam ang ibig sabihin.

    Salamat sa translasyon mo.

  4. Lust says:

    ayos pala mga gawa mo no..=)

  5. aninipot says:

    haays! lumulutanmg talaga ako sa mga sinusulat mo kuya mizpah… ang dami-dami kung naaalala..
    tunay ka ngang alagad ng sining…

    • themizpah says:

      papuri sa Kanya waling aninipot, yan talaga ang katotohan na madami tayong alaala na gustong binabalik balikan at yung iba naman pilit kinakalimutan o di kaya natututo na lamang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s