‘di Naman Tayo

Posted: March 20, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags: , , ,
mga matang nabulag sa katotohan
labi at dila ang mga usal ay kasinungalingan
mga taengang bingi sa musikang may kapakinabangan
balat na nakuntento sa bigay ng laman
ilong na nais ay halimuyak na masangsang at may karumihan
pusong isinisigaw ibang tao’y masaktan
———————————————————————————————-
‘di naman tayo pisikal na bulag; bakit nasasalamin parin ang kabuktutan?
‘di naman tayo piping isinilang; bakit ang tabil ng bibig puro kasiraan?
‘di naman tayo binging sadya; bakit ang hirap marinig ng katuruan?
‘di naman tayo iniluwal ng walang pakiramdam; bakit pilit pinadadama ang kasakitan?
‘di naman tayo tinanggalan ng pang-amoy; bakit nasasabik sa aroma ng kabulukan?
‘di naman inaalis pusong dalisay at busilak; bakit sigaw ay paghihiganti at kasuklaman? 
———————————————————————————————-
pagkatao nami’y iyong linisin
kasuotang itim ay paputiin
mga parte ng aming katawa’y iyong pag-ugnayin
higit sa lahat kapwa ko’t ikaw ay mahalin
Comments
  1. madami nga beses hindi natin ginagamit sa tama kung ano ang binigay sa tin.
    hindi ko alam kung human nature yun o sadyang suwail na mga Anak tayo.

    nice post po. very inspiring. salamat sa pag-share🙂

    • themizpah says:

      Papuri po sa ating Maykapal.

      sabihin na po nating by nature dala ng origin natin, pero tayo naman po ay kanya ng tinubos at wala ng tatalo pa na mamuhay sa kanyang katuwiran. Pagpalain po kayo ng ating Panginoon!

  2. bipolarsisa says:

    wow. tunay ngang nagrereflect ang papuri mo sa Kanya. nakakagising ang post mong ‘to.

    • themizpah says:

      Sa kanya lahat ang papuri mam. Sang ayon ako na dapat nating pag-ugnayin lahat ng bahagi ng ating katawan, gisingin at pag-ibayuhin at ng ating magawa ang dapat gawin. maraming salamat po sa pagtangkilik!

      pagpalain po kayo ng ating Maykapal!

  3. J.Kulisap says:

    Sapagkat tayo ay TAO.

    Maraming beses ko na ring itinanong ito Pong, at hanggang ngayon
    naglalakbay pa rin ang aking diwa upang masumpungan ang mga sagot na
    sadyang itinago ng tadhana para sa aking makulay na paglalakbay.

    • themizpah says:

      Ang mga tanong na ipinupukol ng ating sarili sa ating lipunan, buhay, pamilya at iba pa ay hindi masasagot kailanman kung patuloy nating hahanapin ang ating sarili. Hanapin natin ang ating Diyos at ating makikita ang ating sarili at ating mababatid ang mga kasagutang sa pang-unawa ng ating kaisipan ay maiilap. Ang katotohanan na tayo ay tao ay tama. Pero ang katotohanang tayo ay tao na kanyang nilikha na hawak natin ang isang hati ng cake na bumubuo sa pangkahalatan. Ang katotohanan na tayo ay tao na bitbit ang sulo na nagbibigay liwanag sa buong mundo. Ang katotohanang tayo ay tao ay tama, pero ang katotohanang tayo ay may ginagampanan na papel bilang anak niya ay madalas nating makalimutan. Ang katotohanang kaya nating gawin ang mga extraordinaryo ay madalas nating binabalewala.

      Ang pagpapala ang mapa sa iyo kuya kulisap.

  4. aninipot says:

    wow! nalulula talaga ako dito…but you always have a very good post kuya…

    ayoko nang magsalita, sapat na ang nabasa ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s