Perlas

Posted: March 21, 2010 in Pansarili
Tags: , ,
 

Sino nga ba ang perlas na napakamahal?

Gayundin naman, ang paghahari ng langit ay katulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng magagandang perlas. Nang makatagpo siya ng isang mamahaling perlas, umuwi siya. Ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik at binili ang perlas.

 Ang kalimitang isasagot ay ang ating tagapagligtas. Pero hindi siya ang mamahaling perlas at hindi rin ito ang ipinaparating ng mga sipi sa itaas.

Ang perlas ay nagmula sa oyster, itinuturing na isang maruming hayop. Ang perlas na nabanggit ay nangangahulugang dahan-dahang hinugasan sa mainit na tubig o di kaya sa kemikal dahil sa kanyang pinagmulan.

Ang parabula ay tumutukoy sa isang mangangalakal (Ama) na nakakita ng isang perlas na napakahalaga at ibenenta ang lahat ng kanyang pag-aari para ito ay mabili. Ang tagapagligtas (Anak) ay hindi ang perlas; 1. Siya ay hindi ipinagbibili at 2. ang kaligtasan ay libre; walang bayad. Ang ating planeta at tayong mga nakatira dito ay napakahalaga sa paningin ng mangangalakal (Ama) at ibinenta ang lahat, nilimas ang kalangitan sa pamamagitan ng kanyang Anak na tagapagligtas, bilang kabayaran sa katigasan, kasalanan at rebelyon ng mundong ito. Ang mundo at ang mga nakatira dito ang mga mamahaling perlas. Tayo ay tinubos at ang dakilang bayad ay naibuhos na sa krus ng kalbaryo.

 

 

Comments
  1. J. Kulisap says:

    Salamin sa lagaslas ng tubig.
    Perlas na hinugasan ng daang taong agos o milyong taon pa.
    Ganito rin ang paglilinis ng mga taong pisikal lamang ang nililinis muna.
    Saka na kapag ako’y nanghihina at iginupo na ng pagsuko.

    Saka na.

  2. anne0829 says:

    nakakarefresh evrytime na binibisita ko ang bahay mo…

    Salamat🙂

    • themizpah says:

      ako din po mam, kapag bumibisita ako sa ibang mga bahay, minsan ang mga iniisip ko at nararamdaman ko ay nababasa ko sa iba, at maganda itong senyales para sa isang magandang pakikipagtalastasan. Maraming salamat po!
      Pagpapala po ang suma inyo!

  3. bipolarsisa says:

    wow. pambalanse ‘to sa’kin.

    Kuya, una, salamat sa pagbisita sa blog ko. pangalawa, i really appreciate yung last comment mo. yung may prayer. i badly need it now.

    napakagandang parabula. tama, kahit gaano pa tayo kasama, patuloy nya tayong hihintayin at mamahalin. iniligtas nya tayo, at kahit paulit-ulit man Nyang gawin, magpapako Sya para sa atin.

    • themizpah says:

      salamat sa pagdaan kuya sows. tama perlas ang tingin nya sa atin, inaalagaan at binibigyan nya tayo ng halaga, naghihintay sa atin. dami kong sinasabi noh. eheheh

  4. duking says:

    ang daming pwedeng pakahulugan ng parabula,pero napaglilinawan kapag may nagpapaliwanag.sabi nga ni hesus: ‘makinig ang may pandinig’ pero dahil sa ilang taong gaya mo,naaakay na rin pati ang mga bingi at nagbibingi-bingihan.siguro,dahil marami ang napapagaan mo ang loob,sapat na itong dahilan para ituloy mo lang ang pagsusulat.

    • themizpah says:

      Salamat kuya duking, tama ka sapat na itong dahilan para magpatuloy ako. Sapat na ding dahilan na nakilala ko kayo dito sa blagosphere na pumupuri sa karunungang ibinigay NYA sa atin. God bless kuya!

  5. StuntThug says:

    I’m looking forward to getting more information about this topic, don’t worry about negative opinions.

  6. StuntThug says:

    You have to express more your opinion to attract more readers, because just a video or plain text without any personal approach is not that valuable. But it is just form my point of view

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s