139

Posted: March 24, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags: , , ,
Simula pa lamang sa sinapupunan ng aking ina
Ako ay iyong itinalaga
Sinaliksik laman nitong puso
Ipinamulat yaring mga turo
Binasag aking pagkatao
Itinuwid sa mga pagpapalalo
Nilimas taglay na kasamaan
Nagt’yaga sa tulad kong basahan
Alam mo mga gawa ko
Kalikuan, kabuktutan, maging gawang di-makatao
Pinulot mo parin sa burak
Ubod ng dumi, maiitim, ni walang kapalak
Patuloy mo akong turuan
Ituwid itong puso’t isipan
Baguhin mo ang iyong nakikitang di-makatarungan
At ng sa walang hanggan iyo akong samahan
—hango sa aking life verse Awit 139
Comments
  1. J. Kulisap says:

    Sapagkat sa pag-amin ng iyong karumihan ay isang malinis na hangarin.
    Kung titingnan mo akong walang bahid, ikaw ay nagkakasala dahil
    sa simula pa lamang, ako ay sadya ng marumi.

    • themizpah says:

      Ang iyong nabanggit ay nasa kasulatan, “walang matuwid kahit sinuman, at kung sasabihin kong malinis ako ay isa itong kasinungalingan.” Maraming salamat kasi tayo ay kanyang pinulot at binihisan; hindi nagsasawa, hindi SIYA…kailanman

  2. Vajarl says:

    Ang ‘Awit 139’ ba ay bible verse? Pasensyamalipiko ah, wala kase akong masyadong alam sa bibliya. Kaya dadaan nalang muna ko para mamigay ng kakanin. Kaen.😀

  3. etchosera says:

    wow ang ganda ng verses🙂

    nagutom ako sa aspetong spiritwal pati tiyan ko nagugutom dahil sa bibingka hehe

  4. Vary says:

    Kumusta?… Ako’y matagal nang nakadaan sa iyong lungga, h\guinoong mizpah…
    Ngunit tulad ng karamihan: sumasakit po ang aking mata sa sobrang maliliwanag na site.. biro lang pero half meant
    Magkakasundo kayo ni Ravy… Sayang nga lang at hindi kayo nag pang abot..
    Ngunit bago ka pa magtampo: akoy mag iiwan na ng aking komento:

    Sa likod ng mga maskara ay may nag-iisang puso: iyon ang pilit nating itiatago: ngunit tulad ng iyong tinuran,

    may isang mata, na nakakita na nakakilala na sa atin, bago pa man mabuo ang ating mga mukha…

    mga matang kaya pa rin tayong mahalin sa kabila ng mga dungis na madaling nakikita ng iba…

    ito rin ang mga matang ipinikit, habang inuusal ang katagang: “Patawarin mo sila pagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa”…

    hmn,.. ayokong maging isang buong post na tong comment ko, kaya tama na yun… (hmn, siguro, tama nang si Ravy ang makipag usap sa yo.. siguro: mga isang linggo mula ngayon..)

    • themizpah says:

      kuya vary,
      aking hihintayin si kuya ravy palagay ko nga ay magkakasundo kami. tama ang sinabi mo aking kaibigan Siya ay mapagpatawad simula’t-simula pa lamang… salamat sa pagdaan at hindi po ako nagtatampo nawala na po iyon sa aking bukabularyo.

    • beeftapa says:

      @vary: si ravy magbabalik? nakalimutan mo bang iniwan mo sya sa bahay ko? kaylangan mo syang tubusin vary. wahahaha! antagal na nya sa bahay ko, bayaran mo ung mga kinain nya. lakas pala kumain nun…

      @pong: tingin ko nga makaksundo mo si ravy, pero mas makakasundo mo ang maskarang kulay lila. ang galing mong gumawa ng tula pong. naalala ko ung kantang “who am i” sa tula mo. all time favorite ko un.

      Who Am I, that the eyes that see my sin
      Would look on me with love and watch me rise again
      Who Am I, that the voice that calmed the sea
      Would call out through the rain
      And calm the storm in me

      • themizpah says:

        Not because of who I am
        But because what you’ve done
        Not because of what I’ve done
        But because of who you are

        I am flower quickly fading
        Here today gone tomorrow
        A wave tossed in the ocean
        Vapor in the wind

        Still you here me when I’m calling
        Lord you catch when I’m falling…

        Tama ba lyrics? Papuri po sa Diyos kuya davin,

        Favorite din yun nung namatay kong kapatid, black light presentation namin yun.

      • Vary says:

        @beef: hala?.. hayaan mo Beeftapa: ganun ba?.. oo nga, naalala ko dyan nga pala siya nakitira ng ilang linggo, habang wala pa kaming mga tahanan.. pero: hayaan mo, since may lakad ako this Holy Week: ipasusundo ko na lang siya kay Esmina.. Siya na lang ang bahalang makipag negotiate sa utang namin..

        @mizpah: at dahil dyan, may nag text: “whom shall I fear?, whom shall I fear?, whom shall i fear?.. I am Yours…” – Animsè (Maskarang kulay Lila)

    • themizpah says:

      @ kuya Vary
      sigurado yun magkakasundo kami, hindi naman po kasi yun lang talaga naging buhay ko nung college, after college until now, passion ko ang magturo kaya siguro ganun, maibahagi ko ang aking mga nalalaman. nung college ako sa Lakas Angkan Ministries base sya sa UPLB at halos lahata ng state college and univ meron pakigoogle nalang kuya
      @etchosera
      gusto ko din yung All of My days

      Proclaim your awesome power
      Tell your mighty deeds
      Declare your future kingdom
      of everlasting peace

      and my eyes they look unto you always
      and i am captured by your majesty

      all of dasy i will sing of your greatness
      all of my days i will speak of your grace
      all of my days i will tell of your wondrous love
      your love in my life….

      whushu you remind me of my younger bro who died. mga fave songs nya kasing kinakanta yun sa simbahan

  5. lee mi says:

    ang liwanag ba ay nakakasilaw? masyadong lumabo ang mata ko sa pagtingin sa maliwanag na bintana eh.., pero guided naman ako para matunton tong bahay mo..,at walang nakarating na hindi napagud, walang nakakita ng di naghanap, walang naging malinis ng di nadungisan,..,

  6. aninipot says:

    haays! may sasabihin sana ako…kaso nakalimutan ko… binasa ko pa kasi lahat ng comment…basta Godbless po kuya…natapos ko rin basahin ang karugtong ng limang oras ang pagitan.

  7. WildCat says:

    Sa galing mo sa pagsulat, naubusan na ako sa sasabihin. Galing!

  8. J. Kulisap says:

    Dami na ng readers ni Pongkie.
    yehey

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s