O Diyos

Posted: Marso 27, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Mga kataga, , , ,
sa piling mo o Diyos…
ako’y mananahan
ako ay may kabuluhan
may kapanatagan
may kagalakan
sa pag-big mo o Diyos…
ako’y hindi masasaktan
ako ay hihimlay
lahat ay may kasiguraduhan
walang duda at alinlangan
sa yakap mo o Diyos…
ako’y may sandigan
may kalakasan
may tahanan at masasandalan
may matatakbuhan
sa pangalan mo O Diyos…
ako’y may kapangyarihan
lahat makakayanan
may katagumpayan sa sanlibutan
ako’y nabibilang sa iyong kaharian
Advertisements
Mga Puna
  1. Napakaganda. Tunay ngang napakasarap ang manatili sa presensya ng ating Diyos. Salamat sa Diyos sa iyong talento.

  2. superlolongpinoy ay nagsasabing:

    Ang ganda…kumpleto

    kapanatagan
    kagalakan
    pag-ibig
    kasigaraduhan
    sandigan
    kalakasan
    kapangyarihan
    katagumpayan….Praise God!

    Puwede itong gawing isang kanta.

  3. addictedtogreenbellpepper ay nagsasabing:

    very uplifting post.

    wala na talagang mas hihigit pa sa kasiyahang mararamdaman natin sa piling, pag-ibig, yakap at pangalan Niya.

    thanks for sharing, mizpah…

  4. J.Kulisap ay nagsasabing:

    Sa piling Niya, ligtas ang taong nagtitiwala at nagmamahal din sa kaniya.

    Ang lalim ng pagmamahal mo Pongkie, sana ganito sa Makati..

    Juk…sana ganito tayong lahat.

    • themizpah ay nagsasabing:

      Sa Makati pala ang lungga mo kuya kulisap. wala kasi akong alam sa manila eh. pag pupunta ako ng manila may sadya lang. masarap naman tumira sa Makati di ba?

      yun lang kasi ang meron ako kuya na alam ko na mawawala na ang lahat pero yung pag-ibig Nya andun parin. minsan din naiisip ko na mahal ko naman ang Diyos pero ni wala sa katiting kumpara sa ginawa at ginagawa Nya sa buhay ko.

      • J.Kulisap ay nagsasabing:

        Hindi ako taga Makati.

        Uso yan ngayon kasi si Binay ay may infomercial na ganyan.

        Oo naman, kahanga-hanga ka talaga.

        • themizpah ay nagsasabing:

          Pagpasensyahan nyo na ako kuya kulisap kasi hindi ko alam ang infomercial ni Binay. Simula pagdating ko dito April 2009 ay si Villar lamang ang may com ad na lumabas dito sa TFC. Wala pa akong ibang nakita na com ad ng ibang kandidato.

  5. bipolarsisa ay nagsasabing:

    ito pa lang ang nabasa ko ulit..medyo busy kasi…hehe.

    napakaganda..tanging sa Kanya lamang tayo makakahanap ng kapayapaan at pagmamahal na hinahanap natin..

    will do backreading soon. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s