Ano ang Iskor?

Posted: March 28, 2010 in Kuro-kuro
Tags: , , ,

Madaming naganap sa Pilipinas noong nakaraang linggo. Nariyan ang paglindol na hindi natin kayang pigilan. Andiyan din ang paglilipatan ng mga pulitiko sa mga partidong kinaaaniban. Kasalukuyang nakaratay ang kabiyak ng pangulo ng Pilipinas. Nagsimula na rin ang mga debate at kampanya ng mga pulitiko. May mga kabataang mag-aaral sa PUP na dinakip dahil sa protestang ginawa nila. At ang mga tinatawag na midnight appointments sa ating gobyerno. 

Noong nakaraang Biyernes ay maluwalhati naming naidaos ang pananambahan habang wala ang aming mga pinuno at nakabakasyon sa Pilipinas. Ang inyo pong lingkod ang tumatayong tagapagturo. Hindi ako sanay magsalita sa matatanda sa akin lalu na kung ang pagbabasehan ang agwat ng aming mga edad at maging ng mga karanasan sa buhay. Sa kabila ng aking pagiging guro at nakakatayo sa aking klase (noon) ay may kaba parin ako, marahil dahil ang bitbit ko ay ibang timpla, ibang plantilya, iba ang sangkap… pagkaing pambusog sa kaluluwa. At marahil isa pang kadahilanan ay mas gamay ko ang magsalita sa mga kabataan dahil doon ako nahubog. Sa madaling salita ay tinanggap ko ang tungkulin dahil mahal ko ang Lumikha.

Nais ko lamang ibahagi ang ilan sa aming napag-aralan.

Ang mga manlalaro sa basketbol ang unang layunin nila sa laro ay hindi ang manalo. Ang paniwala ko ang unang layunin nila ay maipasok ang bola doon sa net at makapuntos. Sekundarya nalang ang manalo, sapagkat kung puro banda at sala ang resulta sa bawat hagis nila ng bola ay hindi sila makakapuntos at hindi rin sila mananalo. Ang mga manlalaro ng volleyball ang unang layunin nila ay hindi rin naman manalo. Ang sa aking opinyon ang layunin nila ay maidala o maibalik ang bola sa kanilang kalaban at kung papalarin ay makapuntos at manalo.

Lahat tayo ay may layunin, may tinatahak na finish line o maging hinahangad sa buhay. Lahat tayo ay may goal kung tawagin. Kung ating tutunghayan ang finish line na itinakda sa atin ng Lumikha ay ating mauunawaan na higit sa lahat ng ating mga balakin, hangarin at layunin sa buhay ay mas nakahihigit ang kanyang naisin para sa atin.

Not that I have already obtained all this, or have already been made perfect, but I press on to take hold of that for which Christ Jesus took hold of me. Brothers, I do not consider myself yet to have taken hold of it. But one thing I do: Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus. All of us who are mature should take such a view of things. And if on some point you think differently, that too God will make clear to you.

1. Panghawakan natin kung paano tayo pinanghahawakan ng Panginoon. Kasi alam niya na madalas tayong nadadapa, sumusuko, nahihirapan, nagrereklamo at nagkakasala. Sa kabila noon ay pinaghahawakan Niya tayo sa kanyang pag-ibig, awa, gabay at habag. Hindi niya tayo tinitingnan bilang lampa, matigas na ulo, makasalanan, talunan at walang pag-asa.  Kung makaranas man tayo ng mga nabanggit sa ating laban o laro ng buhay patuloy nating panghawakan sa kung papaano nya tayong tinanggap at inaalalayan. Sa tuwing tayo ay nagkakasala ay ito ang tingin sa atin ng Maykapal. Nagnakaw ako, titingnan Niya ang kanyang anak sa krus at sasabihin niyang, “ito’y tapus na.” Sa tuwing namumuhay tayo sa kadiliman ay tinitingnan lamang Niya ang Kanyang Anak at hindi ang pagkatao natin o mga kasamaan natin. Tunay nga ang pag-ibig ng Maykapal ay wagas.

2. Kalimutan ang nakaraan at sumulong sa dapat patunguhan ang goal na ibinigay Nya sa atin… kalangitan napakaganda sa wikang ingles heavenward. Isang paghahalintulad: Bibigyan ka ng isang maleta, ilalagay mo ang iyong mga damit, computer, sala set, kotse, at maging ang iyong buong bahay at subukan mong buhatin at pumanhik ng bundok. Mabigat, sa una posibleng kaya mo pero sa kalaunan ay susuko karin. Kaya nga gusto ng Maykapal na kalimutan natin ang mga nakaraan. Iwanan ang ating mga dalahin na masasama, nakakabigat at hindi nakakatulong. Mas magiging kumportable tayo kung wala tayong bitbiting sagabal. Kaya nga ginawan ng paraan ng mga supermarket at mga mall na magkaroon sila ng baggage counter at sa mga paliparan at maging pier. Nakaraang punong-puno ng galit, panibugho, pangangalunya, sakit ng loob, sama ng loob, hinanakit at iba pa. Maari mo akong tanungin imposible naman iyan. Posible! Balikan mo ang unang punto sa taas. Alalahanin mo na kapag tayo ang nagkakamali ay may pinanghahawakan sa atin ang Panginoon. Most of us, we were driven by emotions. Emotion is the greatest tool that Satan is using. Also, most of us nurture those ill emotions to the extent we let them grow into a huge monster called grudge. Ang salitang PATAWAD ay hindi mahirap sabihin. Ang pagpapakumbaba ay napakadali kung ang titingnan natin ay ang ating Lumikha at hindi ang ating sarili. Ang kabayo ay nilalagyan ng dalawang takip sa tagiliran ng kanilang taenga at busal sa bibig para maiwasan Niya ang tumungin sa maaring makasagabal sa kanyang pagtakbo. Ganun ang nais ng ating Lumikha, mapalad tayo sapagkat hindi binubusalan ang ating bibig o di kaya’y piniringan ang ating mga mata. Ang tanong sa atin handa na ba tayo sa ating heavenward?

3. Ninanais ng ating Maykapal na maging mature tayo. Sa madaling salita tumanda tayo ng may pinagkatandaan lalu na sa kanyang mga turo. “Grow old” is very different from “Grow up“. Para din akong nagmamagaling di ba? Sa biyaya ng ating Maykapal ay ipapaunawa nya sa atin ang mga bagay na hindi malinaw. Ipapakita nya sa atin ang mga pagkakaiba. Ang mamuhay ng matuwid o mamuhay sa kalikuan. Ang mamuhay sa liwanag o sa dilim. Hindi naman nagmamadali ang Panginoon sapagkat siya mismo ang nagsabi na ang mga may pandinig ay makinig. At sa tama at takdang panahon na kanyang ibibigay ay mauunawaan natin ang mga bagay na nais nyang iparating sa atin.

Mabuti at maluwag ang ating Maykapal. Nakakaranas tayo ng mga bagay na masasakit at masasaya sa buhay natin sapagkat sa pamamagitan niyon ay  maitatanghal ang kanyang kadakilaan. Gaano ba siya kaluwag sa atin?

Ganito Siya Kaluwag!

Ganyan kaluwag sa atin ang Maykapal. Hindi niya tayo pinipilit. Basta pinakikita niya sa atin ang mga bagay na dapat nating makita. At tayo na ang huhusga kung alin ang dapat gawin: ang tama o mali, ang matuwid o baluktot.

Ang atleta sa larangan ng pagtakbo (track and field) at maging sa swimming ay napakagagaling. Kapag sila ay nasa kumpetisyun ang tanging layunin nila o goal ay makatawid sa finish line. Kung hindi man sila palarin at sila ang pinakahuli ay tatapusin parin nila hanggang finish line. Hindi ko alam kung iyon ay regulasyun nila lalu na sa Olympics. Basta ang alam ko; gumagapang, lumalakad, lumulundag o tumakbo man ang paraan natin ng pagtapos ng ating finish line ay tapusin natin. Ang mga nararanasan natin sa buhay ay kabahagi lang iyan ng ating pag-eensayo upang sa bawat pagkakadapa ay nakakatayo tayo. Sa bawat pananakit ay natututo tayong humingi ng tawad. Sa bawat bitbitin natin ay natututo tayong iwan at magpatuloy sa paglakad patungo sa itinakdang heavenward ng ating Maykapal. Magkikita-kita tayo sa finish line. Sigurado iyon.

Malapit na ang eleksyon, ibang panibagong laban na naman ang kakaharapin ng bawat Pilipino. Marami pang patutsadahan ang magaganap, pulitiko sa pulitiko, Pilipino sa Pilipino. Ang mga kabataang nadakip: alam ko sa puso ko sila’y palalayain. Malayu-layo pa ang kanilang laban tungo sa makabuluhang edukasyon. Ang mga pagyanig ay tanda na may mga kagamitan man tayo na mai-detect ang mga ito pero wala sa atin ang solusyon para pigilan ang mga ito. Magpapatuloy parin ang adhikain ng Earth Hour sa buong mundo kada taon. Sa kabila ng ating mga ginagawa at anumang kaabalahan huwag sana nating limutin na tayo ay nabibilang lamang sa iisang malaking bahay. At dalangin ko sa bahay na iyon lahat tayo ay maka-iskor!

Ngunit sa isang malaking bahay, hindi lamang mga kasangkapang gawa sa ginto at pilak ang naroon, subalit may mga kasangkapan ding gawa sa kahoy at putik. Ang ilang kasangkapan ay ginagamit sa pagpaparangal, ang iba ay ginagamit sa hindi pagpaparangal. Kaya nga, kung nilinis ng isang tao ang mga bagay na ito na nasa kaniyang sarili, siya ay magiging kasangkapang kagamit-gamit sa pagpaparangal, pinaging-banal, kapaki-pakinabang siya sa kaniyang panginoon at nakahanda para sa bawat mabuting gawa.

Comments
  1. anne0829 says:

    Salamat Mizpah, sobrang narefresh ako🙂

  2. J. Kulisap says:

    Ang galing na pampukaw Pongkie.

    Maluwag nga Siya.

    “yon nga lang pakiramdam ko abusado ako.

    • themizpah says:

      ako din kuya ganyan din pakiramdam ko, abusado ako. pero tinapos na lahat sa Krus, at iba ang pagtingin Niya sa atin. kung gaano Nya tayo kamahal ay walang sukat!

  3. Animsè says:

    Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus. –

    Isa sa mga pinanghahawakan kong Salita, tuwing ako ay nadadapa, ito ay may pangako, ngunit may kaakibat na pangako sa mga nakaririnig.

    Emotion is the greatest tool that Satan is using. – Sobrang naiintindihan ko ito: napakarami kong kakilala ang hindi marunong mag parawad: lalo na yung mga taong nasasakatan, (higit pa kung ang mahal nila ang nakagawa na kasakitan sa kanila.

    Sumasang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo.. napakagandang post, Mizpah.

    • themizpah says:

      Salamat kaibigang vary, napagaan mo ang araw ko. kakagaling lang kasi ng boss ko sa loob ng opisina ko dahil hindi ko maintindihan ang memo na pinapagawa niya. At dahil dun i will press on heavenward…

      Salamat sa pagdaan aking kaibigan!

  4. “Ganyan kaluwag sa atin ang Maykapal. Hindi niya tayo pinipilit. Basta pinakikita niya sa atin ang mga bagay na dapat nating makita. At tayo na ang huhusga kung alin ang dapat gawin: ang tama o mali, ang matuwid o baluktot.”

    God is really good. He knows what’s the road for us yet He still gives us free will to choose the road we want.

    Napaka-meaningful ng post mo, mizpah. Thank you for sharing.

    May God bless you more…

    • themizpah says:

      Papuri sa ating Lumikha ms. green bell pepper. And I agree with you that He is so, so good that He has given us the will to decide sa lahat ng bagay.

      Maraming salamat po sa inspirasyong hatid din ninyo!

      Be blessed mam!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s