Ako at Ang Aking Blog ay Maglilingkod sa Diyos

Posted: April 3, 2010 in Pansarili
Tags:
“Ang makilala ka’t paglingkuran
hangad ng puso ko, salamat po o Diyos
ako’y inibig mo.”

Sa mundo ng blog ay may kanya-kanyang layunin ang bawat tao o grupong lumikha nito. May blog na sadyang ginawa para sa isang partikular na adhikain. Masasabi kong may mga blog na ginawa upang ipahayag ang nararamdaman ng isang tao at kanyang mga pangarap sa buhay. Ang iba nama’y isa itong daan upang kumita. Para sa iba, isa itong pagsasalarawan kung ano ang nais nilang mangyari sa sarili, bayan o maging sa panghinaharap na buhay. Ang iba nama’y sadyang ginawa upang maipamalas ang kanilang angking galing sa pagsusulat. Kanya-kanyang rason, paraan o kalakaran upang maisakatuparan ang layunin sa pagba-blog. Kanya-kanyang atake kung paano pukawin ang mga damdamin ng mga mambabasa. Kanya-kanyang laban upang magkaroon ng tinatawag na “niche” sa mundo ng blog.

Katulad ng nabanggit sa pamagat ng siping ito, “Ako at aking aking blog ay maglilingkod sa Diyos.” Dahil ito ang buhay ko at  isa ito sa mga alam kong paraan ng paglalaan ko sa mga dakilang ginawa at ginagawa Niya sa buhay ko. Minsang sinabi ng aking naging guro, “earn their right and respect; in everything you do or say.” Patuloy akong magsusumikap para magampanan ko ang nais kong maging papel dito sa mundo ng blog. Patuloy akong makikipagtalastasan sa mga pananaw ng kapwa blagista ng may respeto at pagmamahal. Patuloy akong magiging bukas sa pagkakatuto at magpapalinang sa abot ng aking makakaya. At paninindigan ko at pagiibayuhin ang papel na ginagampanan ko at alam kong dito ako magaling…ang papel ng isang anak ng Diyos.

   

Comments
  1. Animsè says:

    as for me and my household… we will serve the LORD… – Joshua 24:15 (I will ever say this verse with conviction)

    natutuwa ako sa mga blogger na katulad mo: alam mo ang iyong layunin…

    ipagpatuloy mo lang ang maganda mong adhikain..

    nasa panig mo ang Maskarang Lila…

    • themizpah says:

      Salamat maskarang Lila at alam ko kabahagi kita dito sa adhikain kong ito at sa mga taong nasasalamin pa ng lila mong maskara. Posibleng maraming magagalit, magtatanong at magtataas ng kilay, maiinis, matutuwa, magagalak o mabubwisit pero sasabihin ko din ng buong puso: Joshua 24:15 Ako at ang aking buong sabahayan ay maglilingkod sa Diyos… lahat ng kadugtong ng buhay ko maging ang blog na ito.

  2. J. Kulisap says:

    Ito na ang iyong “press release”.

    Bukal sa iyo ang paglilingkod kung kaya’t anumang pagbabalatkayo, masasalamin ng iyong kaluluwa.

    Magpatuloy

    • themizpah says:

      ikaw talaga ang inaasahan kong magkukumento dito, dahil napag-isipan ko ng maayos ang iyong tagubilin sa akin (realization) kumbaga kuya. Mas naiintindihan ko na ang iyong pinupunto sa akin simula pa noon. Ang pagkakaiba ng bawat isa, pwedeng may matuwa, magalit, mainis, pumuri at iba pang mga damdamin: na dapat magkaroon ng malawak na pananaw at respeto sa bawat isa. Ang pakikipagtalastasan ay isnag paraan ng pagkakaunawaan o maging ng mas malawak pang usapin. Sabi ko nga, ito ang galing sa puso ko (sa paglalaan – pahina ng blag na ito) na kabahagi na ng buhay ko ang maglingkod sa Diyos at sa tao. Maraming salamat mula sa kaibuturan ng aking puso, kuya ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s