Naisin Ko

Posted: April 3, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon

Bigyan mo ako ng malinis na mga kamay upang lahat ng mga hahawakan nito ay maging daluyan ng pagpapala.

Idako mo ang aking mga panyapak sa lupang tigang na nangangailangan ng tubig na nagbibigay ng buhay.

Busalan mo ang aking bibig at ibigay mo ang mga tamang pananalita sa bawat nilalang na hahasikan ng iyong mga banal na wika.

Linisin mo ang aking isipan upang ang iyong mga katuruan ang maging kaalaman.

Bigyan mo ako ng dalisay na puso na ang wagas na pagmamahal ang siyang maiparamdam sa bawat makakasalamuha.

Nais kong maging alulod ng pagpapala. Nais kong ikarangal mo ako upang maitanyag ang iyong kadakilaan. Nais kong magsilbi akong ilaw at asin sa sanlibutan. Nais kong kalugdan mo ako bilang isang nilalang na umiibig sa iyo.

Comments
  1. WildCat says:

    Hindi ako religious, so ipagpaumanhin mo, wala akong maayos na mai-ko-komento sa panalangin mo.

    Pero…

    Good Luck, sana mangyari ang mga hiling mo.

  2. topexpress says:

    Isang talentong kahanga hanga ang iyong taglay at bigay ng lumikha. Nawa patuloy mo itong hasain at paglinangin tungo sa iyong mabuting adhikain.

    Isang karangalan na mabisita ang iyong bahay blog gayun din ang maihanay ka sa isa sa mga taong nasa blog list ko.

    godbless bro! salamat din sa pagdalaw sa aking bahay

    • themizpah says:

      Maraming salamat sa pagdaan kuya tope. At salamat at isang karangalan ang maisama sa listahan mo. Dalangin ko din na maabot mo lahat ng adhikain maging mga pangarap mo pa sa buhay. Keep on inspiring others, us, your readers! Be blessed!

  3. bonistation says:

    AMEN. ang sarap magbasa ng mga ganitong post… ang gaan sa pakiramdam!

    keep on writing po!

    God Bless!

  4. Napakagandang panalangin! Nais ko rin. Delight yourself in the Lord and He will give you the desires of your heart. God bless you!

    btw, mali ang spelling ng “katuruan”

    • themizpah says:

      salamat ng marami MS. Chin, naitama ko na po.
      Tama po kayo I will continue to delight myself to the Lord (His words and will). God bless you too mam!

  5. Animsè says:

    hmn.. ang ganda.. isang panalangin na hindi na humihiling na ibang bagay.. kundi ang makita ang mukha ng Lumikha…

  6. anne0829 says:

    Keep on writing🙂

  7. bipolarsisa says:

    aww. as usual, very inspiring prayer..pag napupunta ako dito, nababalanse ako.🙂

    musta na Kuya?

    • themizpah says:

      Mayap kumu naman, amiss kudin ing pamamasyal mu kening bale ku (Naintindihan mo ba Kapampangan ko?) Dapat yata dun kita ilagay sa category sa link ko na Kapampangan Ku! ehe

      Mabuti naman heto loaded sa trabaho, hindi ko pa mapublish yung post ko for today kasi hindi ko pa edit…
      Salamat sa pagdaan parati dito alam ko naman busy ka sa iskedyul mo, natuwa ako sa koment mo dun kay kuya kulisap ehe,

      Komusta ing meging Maleldo mu? Minuli ka ba kekayo?
      Mimingat pane ne!

      • bipolarsisa says:

        wa. naintindyan ko. haha. wag na dun Kuya. hehe. ali ku man biasang magKapampangan.

        walang anuman Kuya..

        ali ku minuli keng Mexico eh. keni ku keng Cavite..next week, muli ku.. tuki ka? hehe. mimingat ka rin!

        • themizpah says:

          kagaling mung magkapampangan eh! kulang kamu praktis, bisa nakupin muli eh… amimiss kune ing mt. arayat! eheheh, mimingat din

  8. Animsè says:

    may mga Kapampangan pala dito sa WP, mga Wapeni… hehehe…

  9. Animsè says:

    haha! malati.. basta.. i know some common words in some venaculars.. and language.. haha! pero tagalog lang po ang kaya kong sabihin ng direcho..😀

  10. J. Kulisap says:

    Ikaw ay tagapagpaalala, gabay.

    Wala akong masabi, parang ang bahay ko ay nagliliyab samanatalang ito ay ulap pero nakapasok ako. tulog ba ang bantay?

    • themizpah says:

      hindi sya tulog kuya
      hindi ni minsang segundo man
      sabihin na natin na, “everyone is invited”, lahat ay “welcome”
      walang pinipili
      walang kinikilingan
      pantay-pantay lahat
      ang mga ibon nga himpapawid at isda sa mga karagatan ay inaalagaan niya
      ikaw pa kaya na hinubog niya mismo sa kanyang kamay at wangis ang hindi nya aalalahanin?
      nakapasok ka dahil kapamilya ka, kapatid ka at kapuso ka…

      sana na gets mo.

    • J. Kulisap says:

      Gets ko, dig pa.

      Let’s get..Awww.

  11. duking says:

    tol mispah…hindi rin ako religious eh.pero alam ko at nakikita kong sa bawat sinusulat mo,may mga puso kang nahahawakan.hanga ako na sa bawat pagkakataong sumuslat ka,higit sa lahat ay ang pagpupuri ang naiisip mong topic.marami ang natutuwa at napapanatag sa sulatin mo kaya tuloy ka lang sa pagsulat sa anupamang dahilan ang dumating sa hinaharap.

    ingat lagi at magandang araw kapatid!

    • themizpah says:

      maraming salamat kuya duking, ang iyong kumento ay nakapagpasaya sa akin (mula sa puso ko) na kahit papano ay may naaabot ang mga lathalain ko (alam ko na hindi lahat ng makakabasa ay mauunawaan ang mga ito dahil sa nirerespeto kong mga (individual belief) paniniwala) kagaya ng mga kwento mo at ng bawat blagista.

      Isang mapagpalang gabi sa iyo diyan sa Pilipinas at hapon naman dito sa aking kinalalagyan.

  12. twistedmind says:

    AMEN! wala akong masabi sa ngayon para bang nahigop ng pag-sulat mo ang iniisip ko..

    payapa😀 salamat!

  13. gudo says:

    magaling!!!! komentong saling saling sa iisang kwentong may naisin…

    sa naisin na maraming makaranas ng knyang kagalakan iba’t ibang kuru kuro ang knyang natanggap sa mga taong knyang napagpala!!!!

    pong23 nanu’y ni? comment y b yan? hehehe…. bhala nka!!! gawa ng mknyan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s