Kasagutan

Posted: April 5, 2010 in Pansarili
Tags: ,
“Answer my Gethsemane
T’is plight of your dear army
Abandon by the many
 It is not a cop of plea”
 

Marso 3, taong kasalukuyan ay isinulat ko ang apat na linyang nasa itaas. Marahil ito ang sumasalamin sa nararamdaman ng aking puso sa mga araw na nagdaan at maging ang kabuuan ng buwan. Marami ang mga nangyari na aking ikinalungkot noon dito sa aking trabaho. Na-corrupt lahat ng mga dokumentong pinaghirapan ko ng halos isang taon. Ako kasi ang naatasang mag-revise, mag-update at gumawa ng mga IPPs (Internal Policy and Procedure) na sa isang iglap lamang ay nilamon ng isang computer virus. At kaakibat pa nun ang pressure na mula sa aking amo na mahirap pakisamahan.

Iyon din ang mga linggong nagaasikaso ang aming mga pinuno para sa kanilang bakasyon sa Pilipinas at ako ang napaglagakan na tumayong tagapastol sa panambahan. Ito rin ang mga panahon na pinadalhan ang mahal kong ina ng sulat mula sa isang kumpanya ng telekomunikasyon ng isang sulat mula sa kanilang law firm. Sa mga panahong iyon ay isa lamang ang aking tinawagan, ang Maykapal. Humingi ng tulong, umiyak, at nagsusumbong sa kanyang mga bisig.

Naramdaman ko din na gusto ko ng magpalit ng sandals kagaya ni Ms. Green Bell Pepper, ang prosesong pinagdaanan ni Waling Aninipot ng dahil din sa computer virus at ninais ko ding magpalamon sa gabi tulad ni Sisa. Pinili kong hindi magkwento maging sa aking ina, mga kaibigan, kasamahan sa panambahan o sa mga ka-kwarto ko. Nasanay na kasi akong tanawin ang lahat sa positibong aspeto: yung hinahanap parati ang silver lining sa mga makulimlim na ulap, hanapin ang laman ng jars of clay, ang pangako ng bahag-hari at pagsilay sa liwanag sa dulo ng tunnel.

Nagpatuloy ako sa pananalangin at alam ko naman na hindi Niya ako bibiguin. Alam ko din na parati Siyang on time. Para nga siyang nasa military eh, He is always ahead of time. Dahil nga Siya ay tapat sa kanyang mga anak ay ipinakita Niya sa akin ang kanyang mga layunin at mga kasagutan. Na-recover ng mga technician ang aking mga dokumento dahil hi-tech sila ditto ay centralized ang saving ng mga dokumento. Nakaback-up pala lahat sa Information Technology Affairs ang lahat ng mga dokumento. Doon naman sa isyu ng law firm ay humingi ako ng senyales sa Itaas na magpakita lamang Siya sa akin ng kahit anong bagay na magpapaalala sa Kanyang kadakilaan. Ang hiniling ko ay krus. Sa bus stop kung saan unang bumaba ang aming kasamahan ay may mga generators na kakakulong at ang mga grills na nakapalibot ditto ay mga metal na krus: well defined cross (Kukuhanan ko ng litrato isa sa mga araw na ito). Masaya ako dahil alam ko tutugon Siya. Kinabukasan nakatanggap ako ng e-mail mula sa customer service na sinasabing hindi lang pala nila nai-update ang account ko at humingi sila ng paumanhin.

Kagabi, dumating na ang aming mga pinuno mula sa kanilang bakasyon. Isang masayang salu-salo ang naganap. Syempre pa puro pagkaing Pinoy. Kakanin, bagoong, mangga, daing, homemade peanut butter, mga minatamis at marami pang iba. Napag-usapan din namin ang aming naging pananambahan sa loob ng isang buwan na nawala sila. At masasabi kong naging matagumpay ito dahil sa Kanya. Hatinggabi na kami nakauwi at baon-baon ang mga pasalubong na natanggap.

Kinagabihan ay nagputol ako ng mga kuko at hindi ko namalayang nasugatan pala ako. Hanggang sa pagbangon kinabukasan ay nakaligo na ako at habang nagpapalantsa ng dalawang long sleeves ay napansin kong may nagmamantsa sa aking mga damit. Iyon pala ang dugo na galing sa aking daliri. Kaninang mga ika-walo ng umaga (ika-isa ng hapon sa Pilipinas) ay kinausap ako ng aking amo. Humingi siya ng tawad sa kanyang pakikitungo sa akin at ganoon din naman ang ginawa ko, heart to heart talk ang ginawa namin. Sabi ko sa kanya ay para akong punching bag sa mga pinag-gagawa niya sa akin. Sa kabila noon ay nagkapatawaran kami at pinuri niya ako sa aking kasipagan at maging sa mga natapos kong IPPs. Doon ko napagtanto ang mensahe sa akin ng dugo mula sa aking daliri kaninang umaga. Without the shedding of the blood there is no forgiveness. And that shedding of the blood produced hope.

Madalas ang mga gusto lang nating makita at madinig ay ang mga bagay na kanais-nais o papabor sa atin. Paano na kung hindi? Paano na kung malayo pa ang liwanag sa dulo ng tunnel, o di kaya’y hindi pa nababanaag ang silver lining at parang napakailap ng pangako ng bahag-hari? Paano na?

Aking napatunayan na feeling natin kapag tayo ay nasa dulo na ng ating lubid (end of our rope) doon lang Siya dumadating. Hindi pala. Kasama natin Siya sa bawat hibla ng lubid mula pa sa una. Sabi ng isang awit, “No you never give up on me, though I’m weak you are strong, you never give up, you never give up on me.” Tayo lang pala ang madalas sumusuko, napapagal at nasasaktan pero ang katotohanan Siya ang lumalaban, nagbubuhat at nagbabata ng lahat.

Sabi ng isang Filipinong awitin:

Kung mayroon lamang akong ‘sanlibong buhay
Hindi ipagkakait lahat sayo’y ibibigay
Gayon pa man sakin nag-iisang taglay
Ilalaan bawat saglit upang ibigin ka ng walang humpay 

Gaya ng dagat na hindi napapagal sa pag-alon
Puso ko ay sayo’y magmamahal sa habang panahon
Natatanging kayamanan ko’y ikaw ay sambahin
Wagas na pagsinta’y iyong dinggin kalakip ng awitin

Ang aking ginagawa at pagpapagal ay sadyang kulang pa kumpara sa iyong ginawa at ginagawang kadakilaan sa aking buhay. Itong lahat ay dahil sa pag-ibig ko sa Iyo.

Ika-lima ng Abril ang mga kahilingan at kasagutan ay nakamtan ko na. Salamat sa Diyos at ang dating apat na linya ay naging lima.

You have answered my Gethsemane
Stripped off all my agony
Took care of your dear army
You never left me nor forsook me
Indeed you have rescued me!
Comments
  1. Animsè says:

    Ang Lilang Maskara ay Sagisag ng isang mukha na nagtatago sa Lilim ng Kanyang Pakpak…

    Kapag kapiling ko Siya, magdilim man ang ulap ay hindi ako matatakot…

    And even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no
    evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me…

    Hmn.. napaka totoo naman nitong post mo na to…

    Hanga ako sa tapang mo…

    • themizpah says:

      salamat kuya animse! papuri sa kanya

      sinasabi mo man na ang Lilang Maskara ay isang mukha o sagisag o kubli
      alam ko sa puso ko na lahat tayo, kung hindi man ay halos tayo ay may pusong kagaya ng Lilang Maskara.
      At masaya ako na nakilala kita!

      At hindi talaga tayo matatakot sa pagkat siya ang Dakilang Pastol, nag-aaruga, nagpapa-inom, naggagabay, pumapalo at nagpapasaya sa lahat.

      Salamat ng marami

      Pagpalain ka pa!

  2. anne0829 says:

    “Without the shedding of the blood there is no forgiveness. And that shedding of the blood produced hope.

    Maraming salamat Mizpah🙂

  3. J. Kulisap says:

    Binasa ko na.

    Kapag napagod,at tuluyang sumuko, sarado na ang tunnel, wala ng dugong papatak…ubos na..wala na rin ang silver lining..tanging alaala na lamang ng nakalipas pero dahil sa sukdulang lampas hanggang langit ang iyong katatagan at pananampalataya, LANGIT NA.

  4. napaka-meaningful ng post mo, themizpah. madami akong natututunang aral. at salamat sa pag special mention ng blogs namin. nakakataba ng puso na naire-relate mo yung kwento namin sa nararanasan mo.

    “Tayo lang pala ang madalas sumusuko, napapagal at nasasaktan pero ang katotohanan Siya ang lumalaban, nagbubuhat at nagbabata ng lahat.”

    we never walk alone. gaya ng pangako Nya, kasama natin lagi Sya. at kung minsan parang hindi na natin kaya, magpahinga muna tayo. pasasaan ba’t magiging ayos din ang lahat.

    “Without the shedding of the blood there is no forgiveness. And that shedding of the blood produced hope.”

    wala na atang mas masarap pa sa pagpapatawad. it takes a man of courage to forgive and forget. i’m glad naayos na yung misunderstanding nyo ng boss mo.

    mabuhay ka, themizpah. you inspire us with your thoughts. salamat ng madami..

    • themizpah says:

      Glory to God ms. green bell pepper. Kaya nga madalas akong nagagawi sa bahay mo kasi ang mga nararamdaman ko at nasa puso ko ay nababasa ko sa mga blogs nyo.

      Tama ka wala ng sasarap pa sa salitang Patawad at I am sorry.

      Maraming salamat sa pagdaan. Be blessed always!

  5. Hummm…naalala ko tuloy ang paborito kong ‘Footprints in the Sand’….na nagtatapos sa….

    “The times when you have
    seen only one set of footprints in the sand,
    is when I carried you.”

    Totoo lagi natin siyang kasama…madalas ay binibitbit na nga tayo Niya.

    God Bless!

    • themizpah says:

      tama ka superlolo, tunay ngang bitbit Niya tayo. Kagaya ng mga bakas na dati ay apat tapos biglang naging dalawa, ngayon pala tayo ay kanya ng kinarga…

      pagpalain ka ng ating Maykapal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s