365/730 = 1/2

Posted: April 7, 2010 in Pansarili

Ang linggong ito:

1984 – ay apat na buwang gulang na ako, karga-karga ako ng aking ina, marahil inaalagaan din ako ng aking tatay, mga nakatatandang kapatid, mga tito, tita, lolo, lola at ang aming kapit-bahay na palagi daw akong kinukuha ng patago dahil sa giliw niya sa akin.

1989-1990 – ang unang pagtuntong ko sa pre-elementarya at umuwi ang aking mahal na ina (dahil natira kami sa Baguio – trabaho ng aking mga magulang) para saksihan ang aking pagtatapos at maisabit ang gintong medalya.

1991-1996 – ay panay ang akyat ng aking mga magulang sa entablado tuwing recognition day. 1994 ay nagpatuli ako.

1997 – ay nakatapos ako ng elementarya, nasabitan ng medalya at aking ibinigay ang graduation speech para sa closing exercises ng aming batch.

1998-2000 – swimming, family reunion, lakaran ng barkada pagkatapos ng tatlong taong pakikipagbuno sa mataas na paaralan para sa edukasyon (iskolar daw kasi sa pinakasikat na paaralan sa Syudad ng Angeles).

2001 – nagmartsa ako ng mag-isa para tanggapin ang aking diploma. Naratay sa banig ng karamdaman si tatay dahil sa sakit sa puso: East Avenue Medical Center, Angeles University Foundation Hospital, Angeles Medical Center at Ospital ning Angeles. Naisangla ang halos ari-arian ng aking mga magulang.

2002-2005 – napilitan akong pumasok sa isang Pampublikong Kolehiyo sa kabila ng ako ay enrolled na sa isang sikat na pribadong paaralan upang makatulong sa gastusin. 2002 pumanaw si tatay, nagka-nervous breakdwon si nanay, sino ba namang mag-aakala na 4 pala kaming pamilya ni tatay. Isa-isang nagsisidatingan ang kanyang mga   pamilya (aming mga kapatid sa tatay). Nagpatuloy ako sa aming laban sa buhay, naglingkod sa Diyos at sa tao. Tuluyang pinalaya na namin si tatay. Nakipagbuno sa Kolehiyo at sinama si nanay sa lahat ng recognition day. 2005 ay nagpunta kami ng PAC-Lakas Angkan Ministries Inc. para sa National Conference sa Leyte State University (Baybay, VISCA, Leyte).

2006 – Nagmartsa ako kasama si Nanay. Isang malaking handaan pala ang inihanda ng aking mga tito at tita, imbitado ang buong kalye. Nagsalita si Mr. Jun Icban (Kasalukuyang Press Secretary) sa mga nagsipagtapos ng taong iyon. Tinanggap ko, kasama si nanay ang katibayan ng aming paghihirap. Isinabit ang medalyang bigay ni Sen. Manuel Villar, Academic Excellence Award, Best Thesis in Biology, Magna Cum Laude at Civil Service Award. Dahil hindi uso ang graduation speech sa aming kolehiyo ay ako ang inatasang manumpa ng katapatan sa aming kolehiyo.

2007-2008 – nagsumite ako ng mga forms ng aking mga studyante, naglabas ng mga cards, youth camps at mga crusades.

2009 – tinawagan ko ang aking minahal na babae noong High School Ms. Jocelyn Cunanan (CPA siya) at binalak naming magkita bago ako umalis, kaso hindi natuloy. Nakausap at ka-text ko naman si Ms. Lalaine Cabrera (ex-college) sa mismong araw ng aking pag-alis. Sa kauna-unahang pagkakataon hindi ako kasama sa pagdiriwang ng kaarawan ng aking bestfriend na si Ms. Elaine Pamintuan (teacher din, cum laude). Tinahak ko ang daan ng disyerto. Tumawag ang OBMCI sa bahay ayon kay nanay na kung saan pinangarap ko ding magturo, kaso hindi na ako nakapaghintay, tuluyan na akong nakipagsapalaran sa mga kamelyo.

… Abril 2010 ay isang taon na ako dito. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking bestfriend, ate, nanay, mga kapatid at pinsan na nagpapaalala na naka isang taon na ako.

Madaming nangyari, masasaya at malulungkot. Ang iba ay nais balikan habang ang ilang mga pangyayari ay tuluyan ng kinalimutan. Madaming pagkabigo at tagumpay, pero ang lahat ng mga ito ay basura lamang kumpara sa ginawa ng Panginoon sa buhay ko at ng aking buong pamilya at mga kamag-anak.

Basura lahat… sapagkat ang lahat ng ito ay walang kabuluhan kung ang mga pagkabigo at tagumpay ay aangkinin ko. Dahil ang lahat ng kapurihan ay nararapat lamang sa Kanya.

What is more, I consider everything a loss compared to the surpassing greatness of knowing Christ Jesus my Lord, for whose sake I have lost all things. I consider them rubbish, that I may gain Christ

Iisa lamang ang aking natutunan sa buhay: pagkabigo o tagumpay.

Walang taong nabubuhay para sa sarili lamang.”

2011 – ang aking pagbabalik sa lupang sinilingan, sa pamilya at mga kaibigang naiwanan.

Comments
  1. anne0829 says:

    Wow!!! Congratulations🙂

    Parang may kulang…walang lovelife saang taon sya napasama?🙂

  2. Miss N says:

    Nakatutuwang basahin ang mga pangyayari sa buhay mo, lalo’t ito ay may mensahe ng pagsisikap at tagumpay. May this inspire many others.

    Salamat sa pagdaan sa blog ko and for taking time to leave a comment. It is very much appreciated.

    Good luck sa iyo dyan. May you touch other lives and inspire other people with your words and wisdom. God bless.

    P.S.
    Sorry it took me some time to approve your comment. Nasa byahe kasi ako for a few days and did not have access to the internet.

    • themizpah says:

      Glory to God Ms. N.

      Thanks also for dropping by, sana po ay pwede kitang mai-add sa link.

      Salamat po talaga ng madami mam. May you also continue to reach out and touch the lives of others.

      Be blessed mam.

  3. kaspangarigan says:

    Ps 39:5 Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa’t tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah)

    Ps 39:6 Tunay na bawa’t tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila’y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.

    Ps 39:7 At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay? Ang aking pagasa ay nasa iyo.

  4. J. Kulisap says:

    Hindi ako base?

    Ayawan na to. Nagseselos na ako.

    Weh? Plasticity me, sapakin me. Isa pa.

    Nangimi ako sa achievement mo lalo, kung basura ka, ano pa ako? Lumot?

    Ayawan na to.

    Seriously, I love you so so much my dear son

    • themizpah says:

      teary-eye tuloy ako sa nabanggit mo kuya… kung bubuksan mo ang puso ko lahat ng iyan ay walang kwenta sabi ko nga basura. ako din naman hindi pa nakakapagbase sa iyo eh…

      seriuosly din: hindi yan dahil sa achievement dahil yan sa ginagawa ng Lumikha sa atin. hindi dahil sa tagumpay ito ay sa katagumpayan na meron tayo sa Kanya.

      Proud ako na naging kuya-lolo kita., peksman…

      Mahal din kita kuya kulisap.

      • J. Kulisap says:

        Magparami ka ng lahi.

        magandang bunga ang maibibigay mo para kaming masasama, pinupuksa.

        • themizpah says:

          hmmm napaisip ako sa sinabi mo kuya,
          lahat tayo may angking dungis at kadalisayan maging ako man ay unti-unti lang Niyang binabago
          Dahil din siguru sa mga pinagdaanan namin sa buhay kaya noong matagpuan ko Siya ay hindi o ayaw ko ng mapalayo sa Kanya.

  5. Animsè says:

    … naiyak ako habang binabasa yung buhay mo… (1984: Pinag p planuhan pa lang akong buuhin ng aking mga magulang KUYA Mizpah..)

    “2002 pumanaw si tatay… nagka-nervous breakdown si nanay,”

    Hmn.. alam ko paano mawalan ng tatay…

    Wala na ring biological father ang Maskarang kulay Lila..

    Pero, mayroon naman akong Tatay na natatakbuhan tuwing kailangan ko ng tulong…

    “Yet to all who received him, to those who believed in his name, he gave the
    right to become children of God” …

    gandang post…

    emotional ka pala kapag persoalan na…

    • themizpah says:

      Papuri sa ating Tatay sa Itaas kuya animse.
      Mahirap din ang pinagdaanan namin nun, pero dahil sa biyaya at habag Niya ay unti-unting nakakabangon.

      Kaya nga madalas ayokong magpost ng something personal.
      Dahil nga 1 year ako this week dito kaya iyan ang naisipan kong i-post.

      Tama ka we are His children and His citizenry.

      Be blessed kuya animse!

  6. Animsè says:

    yeah! ganun nga @mizpah! hahah!!! mga anak ng hari…

    hehe..

    @at tama kuya kulisap.. may mga pagkakataong kailangan nga po natin ang mga gentong post.. para maging balanse ang lahat..

    ika nga: there is a time for everything…

    hmn.. iniisip ko lang po: paano po kaya kung dumating ang panahon ng pagdating ni Esmina?.. magkakasundo po kaya sila ni Kuya Mizpah?…

    hmn..

  7. chevybo says:

    Saludo ako sa’yo, hindi biro ang pagsuong sa pagsubok na iyong nalagpasan. Batid ko ang kabutihang taglay ng iyong puso. —actually, segue ito. hehehe. maari ba kitang isali sa bahay-cubo ko?

    “ikaw ang tunay na tatak ng tunay na pilipino”😀

  8. mtoni says:

    siguro kung me kapatid akong katulad mo malamang me passport na ko sa taas.
    panatag dahil meron ka look-out, bond at sanctuary…

    • themizpah says:

      maraming salamat Mtoni. at sana makilala pa kita para matulungan kita sa pasaporteng kailangan mo sa itaas.
      isa ka sa mga taong nagkadesire na magkaroon nun, kaya for sure you will experience the sanctuary and refuge that I have… for His greater Glory!

      salamat sa pagdaan, ano po blog site mo? ayaw po kasi ng name mo pagiki-click ko. thanks po sa pagdaan.

      • mtoni says:

        palaboy lang po ako at talagang mahilig lang makihalo sa usapan, in short pakialamera/papansin.
        meron din ako mga kebigan tulad mo at madalas nila ako binibisita.

  9. bipolarsisa says:

    waha. i’m proud of you Kuya! basta Kapampangan, magaling. nyaha. joke lang. nanliit naman ako sa mga achievements mo. lalo tuloy ako naging interesedaong makilala ka. hehe.

    • themizpah says:

      wala yun ano ka ba waling sisa. nagkaton lamang na hindi pumapasok ang mga classmates ko nun ehe. seriously Glory to God, lahat naman yun ay dahil sa kanya eh.

      Yep agree ako na ang mga Kapampangan ay Achievers sa kani-kanilang paraan.
      Kaya totoo ang sabi ko sa iyo dati na Matalino karin. Basa ko iyon sa bawat artikulo mo.

      Basta pangaku, kabalik ku Pampanga mamasyal ku kekayu ne.

      God bless

  10. napakabata mo pa pala, themizpah🙂 pero sa mga posts mo parang mas matured ka pa kesa sa kin..🙂

    ang bilis talaga ng panahon. ayan at naka 1 year ka na. 365 days.. and another 365 days at uuwi ka na sa tin. dun ka na ba for good? nag-iisip na din kasi ako umuwi for good next yr..

    kagabi ngtaxi ako pauwi. tinanong ako ng driver ilang yrs na ko dito.. sabi ko mag-9 this May. sabi nya “that’s 3000+ days.” parang nalula ako. hehe. ganun na pala kadaming araw ang nilagi ko malayo sa pamilya..

    at tama ka na naman:

    “Walang taong nabubuhay para sa sarili lamang.”

    simpleng salita pero napakalalim ng meaning nyan.

    goodluck sa syo.. saglit na lang ang isa pang taon..🙂

    • themizpah says:

      nalula naman ako sa haba ng stay mo dyan, kaya pala may times na gusto mo ng magpalit ng sandals kumpara sa mga araw na tinakbo ko dito ay maning-mani sa iyo ms. green bell pepper. Tentatively for good na ako tapusin ko na muna MA ko bago ako back to teaching ulit kasi 2 years din akong walang lesson plan.
      saglit na nga lang ang another 365 days at now pababa na ako magcountdown unlike before is pataas pa.
      tama ka iba parin ang nasa atin… ibang-iba. God bless!

      • good luck sa MA mo. sana magkita tayo sa Pinas pag uwi mo. i’d love to meet new friends lalo na mga nakikilala ko through what they write and say in their blogs. these are very inspiring people. syempre isa ka na dun🙂

        • themizpah says:

          salamat ng madami ms. green bell pepper, yep i would love to meet you kasama kayo sa to do list ko pagbalik ko ng Pinas at sana andun ka sa pinas nun…

          same here, you inspire us through those lovely greenbellpepper masterpieces.

          Be blessed!

  11. Animsè says:

    huwaw! anung oras na.. gising pa din ang blog page na to?.. tumatakbo ang mga comments?.. hahaha!!!

  12. kayedee says:

    prang hnd kompleto ang lyfstori u ah. kc wla ung lablyf! un p nmn ang highlyts ng buhay! aahah.

    Ms. Elaine Pamintuan, Ms. Jocelyn Cunanan.. prang mga familiar ang neyms skin.. hmmm.. tga san kb?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s