Kung Ang Ulan…

Posted: April 11, 2010 in Pansarili
Tags: , , ,
“Kung ang ULAN ay puro tsokolate o kay sarap ng ulan,
Ako’y lalabas (sabay kunwari kuha ng ulan na tsokolate)
At (lagyan ng sounds ng pagkain ng masarap na tsokolateng ulan)
O kay sarap ng ULAN”
 

Habang umaawit ay magtanong sa mga bata kung anong gusto nilang maging ang ULAN at kakantahin ng sabay-sabay with matching actions. (Halimbawa: hamburger, cake, ice cream, at iba pa)

Noong nagobserve ako sa kaibigan kong guro sa kanyang klase sa nursery ay ito ang kanilang inawit sa kanilang circle time. Dahil ako ay nagtuturo noon sa high school iba ang motivation sa mga bata at sa mga may-edad na. Corny, baduy, at walang thrill ang madalas sasabihin ng mga high school students kung ganitong mga klaseng motivation ang ipapagawa sa kanila. Madalas ang ginagawa ko sa BA Time (Devotional Time) namin (sa klase ko) ay mga inspirational stories, silent activities, music time (lights off), relationship, free time at concert time kung saan mas madaling pukawin ang kanilang puso (alam ko kung saang parte sila mahina at madaling atakihin; at alam din nila kung paano nila ako aatakihin).

Kahapon (5:00) pagbaba ko mula sa aking opisina na nasa ikalawang palapag ay umulan ng napakalakas (hindi ko napansin sapagkat maghapon lamang akong nasa loob ng opisina). Parang Pilipinas lang; malakas na hangin at malalaking patak ng ulan na may kasamang buhangin (putik). Huminto kami sa may parking lot at hinintay ang pagtila ng ulan.

 Sa paghihintay ng pagtila ng ulan ay madaming sumagi sa aking isipan:

  1. ang unang mga patak ng ulan simula ng nalikha ang mundo
  2. bahag-hari
  3. matamis na “Oo” ng aking naging kasintahan noong kolehiyo
  4. mapait na “hindi na uubra ang ating pagsasama” (siya din ang sa 3)
  5. libing ng aking tatay at nakababatang kapatid
  6. Bagyong Ondoy
  7. pagsabog Mt. Pinatubo (nasa preparatory ako noon, walang pasok nagpapalipad kami ng saranggola)
  8. humigit na pitumpung porsyentong komposisyon ng katawan at maging ng mundo
  9. pagpapala
  10. mga luha
  11. ang Pilipinas
  12. ang nursery song sa itaas

 Habang naglalakad ako patungo sa bus stop ay aking inawit ang ganito kahit walang action:

 “Kung ang ulan ay puro pag-ibig o kaysarap ng ulan,
Ako’y lalabas at (sabay kuha sa ulan: yakap at sabing “mahal ka ng Diyos at ako sa mga taong madadaanan),
O kaysarap ng ulan.”
“Kung ang ulan ay puro pagpapala o kaysarap ng ulan,
Ako’y lalabas at (sabay kuha sa ulan at ibabahagi sa mga dumadaan),
O kaysarap ng ulan.”
“Kung ang ulan ay puro pagpapatawad o kaysarap ng ulan,
Ako’y lalabas at (sabay kuha sa ulan at sasabihing “I’m sorry”),
O kaysarap ng ulan.”
“Kung ang ulan ay puro kapayapaan o kaysarap ng ulan,
Ako’y lalabas at (sabay kuha sa ulan at sasabihing “peace man”),
O kaysarap ng ulan.”

 Noong bata pa kami ayaw ko ng ulan, madalas guguhit kami ng aking mga kalaro ng malaking araw sa lupa na may sinag, mga mata at labi para itaboy ang ulan.

Ang ulan kahapon hanggang kinagabihan ay hudyat na ng walong buwang tag-init (kahapon 31 ang temperature kahit 5:15 na ng hapon), m(n)ami-miss ko na ang ulan gaya ng sa Pilipinas. Nami-miss ko din ang mga bagay-bagay na nakakabit sa bawat patak ng ulan. Ang alam ko lamang may kakaibang dulot ang ulan sa akin… pag-ibig at mga pangako ng Diyos.

 “But I tell you: Love your enemies and pray for those who persecute you, that you may be sons of your Father in heaven. He causes his sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the righteous and the unrighteous. Land that drinks in the rain often falling on it and that produces a crop useful to those for whom it is farmed receives the blessing of God. See how the farmer waits for the land to yield its valuable crop and how patient he is for the autumn and spring rains.”

 “Ang kagandahan ng bagong umaga ay makikilala pagkatapos ng ulan.”

Comments
  1. twistedmind says:

    Namimiss ko rin ang ulan sa pinas, maliban pa sa pakikipag habulan ko sa mga kalaro ko, kundi masarap ung feeling na nababasa ka ng biyaya ni PAPA J..😀

  2. kayedee says:

    hwaww naalala q ung pagdrwing ng araw s lupa pra tumigil eto!gwain dn nmin yan nung bta aq though bata p rin aq! ahahah.. naalala q nung pinatubo wla p akong malay nun gr 3 aq, prang enjoy n enjoy q p! hahah..

    korek k s huling pangungusap u! ( hnd q macopy cp lng gmit q) hehe..

  3. sana umulan ng curly tops!! hahaha.. tapos tulog lahat para wala akong kaagaw..🙂

    seriously, gusto ko ng ulan. sarap tingnan pag umulan tapos aaraw ulit. napakafresh ng paligid. at syempre miss ko ang maglaro sa ulan. naalala ko nung bata kami naliligo kami sa ulan. ang saya saya. parang walang pakialam sa mundo.

    teka, 1991 pumutok ang pinatubo di ba? prep ka pa lang nun, themizpah?🙂

  4. themizpah says:

    yep prep palang ako nun ms. green bell pepper.

    “Kung ang ulan ay puro curly tops, O kay sarap ng ulan, Si Ms. green bell pepper ay lalabas (sabay bitbit ng palanggana, batya plastic bag, bayong salo sa lahat ng curly tops, walang lalabas sa inyo ha)
    O kaysarap ng ulan” (mamimigay naman siya)

    oo nga ang maligo sa ulan ay masayang feeling, dito kasi once lang umulan kapag bago magsummer at kapag bago magwinter, kaya na-miss ko ang ulan.

    • late ka na ata ng prep, themizpah. kasi yung 1984 ang birthyear mo, ibig sabihin 7yrs old ka nung 1991. hahaha. kinompute ba. kasi po grade 3 na ko nung 7yrs old ako at di ako ngprep, grade 1 ako at 5yrs old. hehe..

      uu ipamimigay ko naman yung curly tops. baka me maligaw ding flat tops at chocnut mula sa langit. hay, heaven talaga yun🙂

      • themizpah says:

        oo late ako kasi nga pabalik-balik kami sa baguio nun until magsettle na sa Pampanga, mahirap din yung ganun eh, tapos every year tumatanda ako kasi january bday ko (at 6 prep june – april 7 na ako)

        isa kang henyo (henya) gifted ka siguro ms. green bell pepper?

      • themizpah says:

        ang aga mo namang nag-aral, sa public school kasi dati may cut-off na 7 before dapat mag-elem tapos ginawa nilang 6, kaya pinagprep na ako.

        • naabot ko pa yung saling-pusa nun sa public school. meaning kahit bata pa pede ka pumasok kasabay nung talagang mga estudyante. naging honor student ako nung grade 1 kaya tuloy tuloy na yun. 15yrs old ako nung nagcollege.. hindi naman po gifted. nagkataon lang maaga ako nag-aral. nabawasan tuloy time ko sa paglalaro nun.

        • themizpah says:

          oo nga parang nawala yung ilang parte ng pagkabata mo, wow, 15 yo nasa college ka na, gifted ka nga ms. grenn bell pepper! kapag ako nagkaanak dadaan sila ng pre-elem pero yung hustong age lang para ma-enjoy nila.

          kakatapos lang ng lunch break, ehe

        • anne0829 says:

          ako din 15yrs old nasa college na kaloka sabi ni nanay saling pusa lng daw ako kasi hindi kopa abot tenga ko dati yung aabutin mo isa mo pang tenga sa kabila kya dipa ko pwede mag grade 1 pero pinagrade 2 na ako ng ni teacher kc kaya ko naman na daw kaya ayun 2loy 2loy na…:-)

        • themizpah says:

          wow mga henyo pala kayo kagaya ni ms. green bell pepper.
          sa public kasi ayaw nila ng ganun (siguru sa amin lang)

          sarap magtampisaw sa ulan no ms. anne?
          uulan ng pera, hindi kaya magawy-awy mga pipol nun?
          anong denomination ang gusto mo $, P, Y?

        • anne0829 says:

          Hindi naman siguro nagkataon lng nong kapanahunan ko eh hindi pa uso ang mga prep., kinder 1&2 at kung ano ano pa bago magrade 1.

          Euro siguro para mataas palitan hehehe🙂

        • themizpah says:

          henyo sina ms. anne at ms. green bell pepper!

          euro pala gusto mo… ako iisipin ko pa, siguro gagawa ako ng bagong currency basta hindi play money. ehe

        • nagkataon lang po talaga na napaaga kami ng pasok.
          dahil nga dun hindi pa ko masyado naka-move on sa paglalaro. highschool ako pero naglalaro pa din ako ng jackstones pag breaktime. nung college naman neneng nene pa ko. at nalula ako kasi engineering ang course ko nun hindi ako sanay me kaklaseng mga lalaki (hiwalay kasi ang girls sa boys nung highschool kami). ilag na ilag ako sa mga boyz🙂

        • themizpah says:

          Noong 1st year high school ako natatandaan ko pa na kumukuha pa kami ng mga tutubi sa carpentry shop, nagsisipa sa oval at higit sa lahat nagagalit mga maestra namin dahil amoy pawis na kami…

          sa exclusive for girls school ka pala grad noong high school, ang laki siguro ng adjustments mo noong nagcollege ka.

          edi wala kayong JS? yung sa pampanga kapag ganun nakikipag JS sila sa mga exclusive for boys din or madalas ang JS nila ay diverted sa community works… for a cause

  5. anne0829 says:

    Pinakagusto ko sa lahat ang ulan pakiramdam ko napapakalma ako pag umuulan…

    sana umulan ng pera hahahaha medyo napapagod nako magwork medyo nasasawa na…:-(

    • themizpah says:

      gusto ko din yun ang umulan ng pera… henyo ka ms. anne!

      • anne0829 says:

        whaaa masyado ka🙂 nasasawa nako magwork puro lalake nakikita ko minsan kung gano sila katakaw kumain ganun nadin ako kung pano sila gumalaw ganun nadin ako parang gusto ko naman maiba…ayaw kona maging karpintero Mizpah!!!

        • themizpah says:

          karpintero ka nga ba ms. anne? kasi dati tinawag kitang mam dun sa blog mo sabi mo karpintero ka, i thought nagjo-joke ka lamang. tapos naulit na naman now,

          karpintero ka nga ba? Jesus father (Joseph) is a carpenter, a noble and very good job, imagine building homes for the lost, building bridges to fill in gaps.

  6. anne0829 says:

    oo, gusto kong maperfect at pangarap ko lng dati magtayo ng bahay ng aso at kalapati na alaga namin kaya pagiging karpintero ang kurso na kinuha ko astig kc diba parang kakaiba biruin mo puro number lng tpos makakabuo kana ng tore astig diba? hehehe pero ngayon parang nagsasawa nako…parang hindi na ako masaya😦

    • themizpah says:

      isa ka ding engineer? bilib ako sa mga babaeng inhinyero. magaling ka din bang mag-gitara?

      hmmmm kailangan mo din siguro magrelax, o di kaya ay magleave.
      tayong mga OFW madalas talaga nating maramdaman yan dahil malayo tayo sa pamilya.

      relax ka muna aking kaibigan.

      • anne0829 says:

        oo minsan nagigitara din ako pano mo nalaman?

        Pano ako makakapagrelax tatlo ang ongoing projects namin tpos kunti lng kami kasi dami naterminate whaaa!!!

        isama mo ko Prayer mo ah😦

        • themizpah says:

          oo ms.anne isasama kita sa prayers ko, siguro gagawa ako ng prayer page isa sa mga araw na ito (i did pray for you a while ago mamaya pag patulog i’ll include you also, salamat ha natutuwa ako kapag may humingi ng prayer request sa akin)

          halos ng mga engr na babaeng kilala ko ay naggigitara, yung gitarista namin noong nasa campus ministry ako engineer halos lahat sila mga babae pa. papuri sa Diyos kasi palagi kong hinihingi sa kanya yung gift of discernment kaya alam ko na strong ang personality mo.

          kaya mo yan! maglakad ka or jog ka tonight try mo baka marelax ka.

          Be blessed!

  7. Joyo says:

    ako gustong-gusto ko kapag umuulan… i find it romantic, mas swabe magreflect… makulimlim ang langit kasabay ng himig ng patak nito… nakakahalina…

    marami nang ulan ang dumaan sa buhay ko,madalas sunod-sunod… minsan bagyo tlga as in yung pakiramdam ko wasak na wasak ako… pero tinuring ko itong blessings… hindi ako nahihirapan lagpasan ito.

    • themizpah says:

      isa kang mapalad, matatag at matapang na nilalang joyo. sa mga ulan (bagyo) na iyong pinagdaanan tunay ngang blessings ang kapalit nito. ang discerment ko ay napakastrong ng personality mo kaya YOU CAN DO IT, samahan mo ng panalangin mas ok,

      romantic pala ang naiisip mo kapag umuulan, ako din may pagkaromantic din ang mood ko pag umuulan, masarap magbaluktot sa higaan, manood ng tv, magbasa ng libro, kumain na katabi ang (mga) mahal sa buhay diba.

      Go, go, go!

      Be blessed!

      • ...jowyow says:

        pinakamasarap kumain tapos matulog… tapos kumain tapos matulog ulit… haizzz i miss those days😀

        • themizpah says:

          ako din at tsaka parang mas madami pa tayong pera noong nag-aaral kumpara ngayong nagtatrabaho na tayo…
          at paborito kong ulam kapag umuulan ay “munggo = balatong in kapampangan” at tuyo… madalas din bang umulan diyan sa ibayong dako ng disyerto?

        • Joyo says:

          uhmmm di naman kadalasan kaso minsan umuulan na din… di na siya disyertong-disyerto… san ka ba?

        • themizpah says:

          sa saudi ako.
          kakatapos lang ng ulan nito.

  8. jacky says:

    thanks for visiting and commenting.. I follow you now… pls do follow me too…god bless you…. and have a good sunday

  9. Vajarl says:

    Saang bansa ka nagtatrabaho kuya Pong? Pag umuulan ang naiisip ko lage

    ‘SHET WALA AKONG PAYONG!’

    • lee mi says:

      naalala ko nung highschool, may sumusundo sa kin pag umuulan.. pero noon pa yun..

      • Vajarl says:

        Hantaray! May sundo! Hahaha. Ako non sulong lang sa ulan eh.

        • lee mi says:

          masaya noon.., may lovelife.

        • themizpah says:

          @ms.lee mi
          ngayong ba walang love life or noong college?
          pwede bang magkasama maglakad ang babae at lalaki sa bansang pinagtatrabauhan mo kahit hindi sila mag-asawa?
          dito hindi pwede eh

          @kuya vajrl
          salamat nagawi ka ulit dito
          maganda si ms. lee mi parating may sundo

        • lee mi says:

          pwede dun kahit holding hands.., moderation lang dapat.. lam mo na.. Muslim country pa rin..

          tagal ko ng di nakikita si lovelife., sino nga yun ulet?

        • themizpah says:

          hindi ko din alam kung saan si lovelife mo…hintay lang, dadating din yun (parang regine and piolo movie)

          buti pa diyan pwede, dito kulong ang kasasadlakan mo pag nakita ka nila as in bawal kahit maglakad lang sa daan ng sabay

        • Vajarl says:

          Hantaraaaay! Sige magpapasundo naren ako mula bukas! Sa mga rebelde sa mount trululu. Hahaha.

          Hi Pongkorongkong!😀

        • themizpah says:

          Magandang araw Vajrl!

      • themizpah says:

        ito yung romantic… in love…
        tapos syempre magkalapit kayo nun kasi share ng payong diba?
        di bale ng mabasa si boy h’wag lang ikaw…

        sweet, sweet, sweet,

        noong college ba wala na?

        • lee mi says:

          nung college meron..nung work na.. kung kelan ako nagkaron ng pang maintain..tsaka sila nawala.. hays.. kakaibang panahon.

        • themizpah says:

          natawa ako sa comment mong ito may naalala lang ako
          noong college din ako yung gf ko everyday may flowers as in nakaarrange pa iyon, tapos noong nagbreak na kami (thesis days) alam kasi ng mga profs namin na wala na kami dahil dun sa mga flowers (high maintenance ang magkagf/bf, joke)

          tapos noong naging magfriends nalang kami (kasi classmate ko siya) sabi niya sa akin yung current bf nya ni minsan daw hindi siya binigyan ng flowers… sabi ko sa sarili ko, “yan kasi”. up to now naman close friends kami. lahat yata ng mga dumaan sa buhay nating naging close natin at minahala natin ay may soft spot na sa puso natin ewan ko lang sa iyo kung same din.

          kakaiba nga ang panahon, basta inform mo kami kapag may dinala ka na ulit sa tipanan nyo dun sa may aplaya ha, parang ang blog pala ay parating abangan ang susunod na kabanata.

    • themizpah says:

      sa saudi ako kuya vajrl, dapat nga lagi kang may dalang payong. bakit ang kapote hindi masyadong ginagamit natin?
      dito hindi uso ang payong kasi tagos ang init mula sa payong, tapos naman 2-4 na beses lang sa isang taon umulan.

      God bless!

  10. mtoni says:

    hinulog ng langit
    na siyang ng ampon
    libo-libong alaala dala ng ambon

    daan-daang larawan ang nagdaraan sa aking paningin
    daan-daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin

    hango sa kantang ulan ng rivermaya..

    • themizpah says:

      oo nga pala may kanta ang rivermaya

      meron pa
      kapag umuulan bumubuhos ang langit sa iyong mga mata
      kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit di ka nag-iisa…kaibigan

  11. lee mi says:

    gusto ko ng ulan.. parang napakapayapa.. parang bamabalik lahat ng alaala..,

    pero minsan lang umulan sa disyerto.

    • themizpah says:

      kaya nga ms. lee mi dito 2-4 lang kada isang taon umulan, pero ang kagandahan dito kahit halos el nino sa buong taon ay hindi sila nawawalan ng tubig… sa Pilipinas magagawa din yan.

      takbo na din kaya akong presidente?

  12. aninipot says:

    pag may ulan, gusto kung maging bata ulit, masarap maligo sa ulan…saka, masarap matulog pag ulan..haha

    last week naligo ako sa ulan, ayan tuloy sinipon ako…hehe, pero ok lang masaya naman.

    pag may ulan, masarap kumanta kahit pangit boses ko, ako lang naman nakakarinig, masarap magsulat, minsan gusto kung bilangin ang bawat patak nito dahil engot ako…hahaha

    good morning kuya mizpah.

    • themizpah says:

      good morning din waling aninipot,

      nakalimutan ko iyon na mahilig din akong kumanta kagaya mo kapag umuulan
      tsaka noong bata ako nag aala shaider (tama ba spelling) ako na pwedeng putulin ang tubug lalu kapag umuulan ehe

  13. themizpah says:

    @ALL

    yehey, umuulan ulit ngayon at malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat! lumabas ako para damhin ang mga patak ng ulan kahit naka longsleeves ehe!

    God bless to all!

  14. ??? says:

    ♫♪♫”if all the rain drops are lemon drops and gum drops…

    oh what a rain that would be…

    standing outside with my mouth open wide…”♫♪♪

    • themizpah says:

      may English version pala ito. Salamat kuya ???
      lemon pala ang gusto mo? madami dito…

      God bless!

    • ??? says:

      pasensya.. been busy this past few days.. kaya hindi ako naka base sa post mo.. hmn.. gusto ko yang song na yan..

      pero hindi ko alam na may tagalog version niyan..

      hmn.. nakakatuwa lang.. kung ang ulan ay tsokolate..

      malamang mahal ngaun ang chocolates..

      medyo hindi kase umuulan dito sa manila eh…

      • themizpah says:

        ahahah, pati dito mahal 2 days ng naulan dito kaya grab ko lahat ng “kung ang ulan ay puro tsokolate”
        mainit ba diyan sa atin?

        dito hwag mo ng itanong parati namang mainit dito.

        oo nga hindi ka nakabase? paano kang makakabase nga pala ay ikaw si kuya ??? kaya nga inapprove ko muna yung comment mo. nalilito ka na din a kuya ??? (?)

        • ??? says:

          haha!!🙂 nakuw.. kagabi lang ako nagpalit ng maskara.. haha! hindi ko inopen ang ymail ko kaya hidi ko nkitang me bago kang post..

          hmn.. kay ??? ang name ko…

          hulaan mo kung “sino” ang maskara ko ngayun..

          haha!!

        • themizpah says:

          ikaw si kuya ??? diba?

          nakalusot ka ha, galing!

        • ??? says:

          ah hahaha!!😀 hmn.. ang maskara na ito ay kokopya lang sa iba ibang mga maskara…

        • themizpah says:

          sigaradong perfect ang mga iskor mo sa test kung nagkataong nag-aaaral ka pa, o di kaya’y maidemanda ka against intellectual property rights…

          pati ba pangit maskarang (kuya) ??? kokopyahin mo o may pamantayan karin?

  15. duking says:

    napakagandang pagninilay sa gitna ng sobrang init na panahon dito tol ang akda mo.iniisip ko tuloy na sana nga,umulan naman kahit isang buong araw lang.

    • themizpah says:

      ganun ba tol, kanina umulan na naman dito mga 30 minutes lumabas ako sa opisina at dinama ang patak ng ulan kahit na nakapustura ako at sabi ko dun sa ibang lahi, it feels i’m in the Philippines.

      masarap ang ulan lalo kapag madaming nakakabit na mga bagay o alaala dito.
      sana nga umulan diyan sa atin lalu na sa mga palayan.

      Be blessed kuya duking!

  16. Marami rin akong naaalala kung umuulan. May malungkot pero mas marami rin ang masaya. Isa na ang paliligo sa ulan.

    Kaya may sinulat din ako sa naalala ko tuwing unuulan.

    http://superlolongpinoy.wordpress.com/2009/09/11/walking-in-the-rain-with-the-one-i-love/

    • ??? says:

      haha! super Melaminecholic kaya ako kapag umuulan?.. hahaha!!! kaya ayoko masyado ng umuulan..

      nakakatuyo ng tear glands..😀

      • themizpah says:

        @superlolo
        bibisitahin ko po iyan, oo nga po madaming mga bagay, pangyayari, tao, damdamin at iba pa ang associated sa ulan. salamat po sa muling pagdalaw.

        @ kuya ???
        ganun ba, nakakalinis ng mata iyon.

  17. Nortehanon says:

    With this post, you brought me back to an old classroom, with my teacher and my first grade classmates, where most of us learned the vowels by singing…

    Kung ang ulan ay katas ng mga prutas o kay sarap ng ulan. Ako’y lalabas nang ako’y makasagap, a a a a a a a a a a a. O, kay sarap ng ulan.

    Then the letter A will be replaced with E, I, O, and U🙂 Thank you for bringing back that memory.

    • themizpah says:

      wow, ang dami palang version niyan Ms. N, yung isa naman ay English.
      Masarap balikan ang mga unang pagkakatuto natin sa buhay gaya ng A, E, I, O, U, unang paghakbang, unang pagpasok sa paaralan.

      Salamat po Ms. N.

  18. J. Kulisap says:

    Ang ulan ay isa ring utusan, kailangan niyang magdilig ng mga natitigang at kailangan niyang magturo ng leksiyon.

    Ikaw at ako ay may sariling kahulugan gaya ng ulan.

    • themizpah says:

      na-miss ko ang mga kumento mo at mga karunungang bitbit kuya ko na nagbibigay pa ng mas maraming sense sa mga post ko.

      tama ka may kanya-kanya tayong kahulugan ng ulan at sa bawat leksyong itinuturo nito ay mas maganda kung ang outlook nating mga nilalang Niya ay ganito: sharing the lessons learned.

      –ang lakas na naman ng ulan kagabi

      isang magandang umaga sa iyo kuya, kakadating ko lang nito sa opis

      kumusta ka nga pala?

  19. beeftapa says:

    nagddrawing din kami nung mga bata kami ng araw para itaboy ang ulan. mas madami, mas maitataboy ang mga madidilim na ulap. di pa uso nun ang sun dance ni sara! wahahaha🙂

    • themizpah says:

      oo nga hindi pa natin alam ang sundance ni sarah… napatawa mo ako dun kuya davin, isang maligayang pagbabalik/pagdalaw sa aking tahanan.

      magandang tanghali sa iyo.

  20. kaye says:

    gustong gusto ko yang kantang yan… kagabi lang kinakanta namin ng mga babies ko…yung english version nga lang ng barney.

    pero mas gusto ko yung mga version mo…kung ang ulan ay puro pagibig/pagpapala/pagpapatawad/kapayapaan… o kaysarap talaga ng ulan.

    at gaya mo marami rin akong naaalala kapag umuulan, gaya nang ihatid namin sa huling hantungan ang nakababatang kapatid kong lalaki…malakas ang ulan na para bang lumuluha rin ang langit kasabay namin… marami pa. pero higit sa lahat, matapos ang ulan, may sisikat na bahaghari. at yun ang nakapagpapasaya sa akin.

    dito sa atin, wala pa ring ulan. sana dumating na…pero yung tama lang, wag naman yung tulad ni Ondoy.

    ayun, bumisita naman ako sayo.🙂

    • themizpah says:

      mayroon pala tayong hawig ms. kaye inihatid din ang nakababta kong kapatid na lalaki sa huling hantungan na malakas ang ulan ang kaibahan lang natin ay hindi ako nakadalo.
      alam kong kailangan ng ulan diyan sa atin, katulad mo ayoko din ang Ondoy.

      para kong nai-imagine ang mga kids mo habang umaawit kayo… masarap ang ulan kapag kasama ang mahal sa buhay… umulan man o umaraw at ang pangkong taglay ng bahag-hari.

      God bless po at salamat sa pagdaan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s