Kalayaan/Kasarinlan Is Everything, It’s Whatever!

Posted: April 18, 2010 in Pansarili
Tags:

Mandaya sa pagsusulit. Mag 1-2-3 sa sinakyang jeep. Gawing puti ang itim at itim ang puti. Sabihing ahas ang gumagapang na uod. Magbatuhan ng putik at hayaang matuyo ng kusa. Mangalunya o magtaksil sa asawa at pamilya.

Minsang nasabi ng aking propesor sa Kasaysayan ang ganito, “Kung hindi dahil sa mga bayani ay disin sana’y mga mamamayan na tayo ng Amerika, Espanya o ng Japan. Hindi na sana tayo pipila pa ng napakahaba sa mga embahada para kumuha ng bisa. Namumuhay sana tayo ngayon sa American, Spanish or Japanese dream. Dahil sa mga bayani natutong magrebelde ang mga Pilipino at naging matigas ang mga ulo.” Alam ko ang punto ng aking propesor, nais lamang niyang pukawin o magreact kami sa kanyang mga tinuran para sa isang magandang balitaktakan sa klase (aktibista kaya siya). At nagyari ang kanyang inaasahan, isang nag-aapoy na klase ang nangyari: puno ng damdaming makabayan, pagsasagawa sa panatang makabayan at pagpapahalaga sa demokrasya at kalayaang nakamtan.

Saan nga ba ang hangganan ng kalayaan? Ang demokrasya ba ay nangangahulugang kasarinlan? Kailan nga ba dapat ipaglaban? Tunay nga ba tayong may kalayaan?

Lumiban sa klase para maglakwatsa at may bitbit na excuse letter na ikaw lang ang may pirma. Bubuksan ang pitaka ni tatay para makakupit pambili ng yosi. Magpapaalam na ito ang gagawin pero biglang liko ang daan.

Naniniwala ako na sa lahat ng bagay ay may kalayaan tayo. Malaya nating gawin ang lahat, pero hindi lahat ay nakakabuti at nakakatulong.

Everything is permissible”—but not everything is beneficial. “Everything is permissible”—but not everything is constructive.

At sa tingin ko (para sa akin) whatever lang ang sagot:

“Finally, brothers, whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable—if anything is excellent or praiseworthy—think about such things.”

Uulitin ko may kalayaan parin tayo — think about such things, pagkatapos nating mapag-isipan kung ano ang nais gawin base sa ating kagustuhan ay malaya parin tayo.

Kaakibat ng kalayaan ay responsibilidad at pananagutan.

At sinabi ni Hesus, “Let loose of him and let him go.” Sa kanya ay may tunay na kalayaan.

Liberty without freedom is simply slavery.

Comments
  1. jason says:

    base ako base ako!!!

  2. jason says:

    whatever nga!! nahilo ko sa mga contradicting ano.. hahahaha

    basta ang kalayaan ay ako, ako ang kalayaan..

    sakin magsisimula, magsisimula sa akin.

    pagkatapos ay sayo, sa kanya, sakanilang lahat

    tsaka pa lang magiging atin!

    kalayaan!!!!

  3. J.Kulisap says:

    Kagustuhan ‘yan.

    Lahat ay may katapat, mapabuti o mapasama man, lahat may pinatutunguhan.

    Kahit pigilan mo ang pagiging bata, tatanda ka, mag-iisip ka. Kapag wala ka ng maisip, huling yugto na ng buhay…paalam sa kalayaan.

    • themizpah says:

      ang ganda ng tinuran mo kuya kulisap. Tunay ngang hindi mapipigilan. Ang ganda nito…
      “huling yugto na ng buhay… paalam sa kalayaan”

      parang ang pagkakatuto nagwawakas lang kapag wala na tayo (pero ang nakapaligid sa atin ay may natututunan pa rin).

      magaling ka talaga kuya.

      • J.Kulisap says:

        Tama na naiiyak na naman ako, lately lumalambot ang puso ko, parang marsmalow na..hehehe.

        Ikaw ang magaling kasi naiinterpret mo ang simple kong sinasabi.

        Henyo ka

        • themizpah says:

          Papuri sa Kanya!
          Henyo ka kuya, masasabi ko ngang ikaw ay isa sa mga pinakaimportanteng spice dito sa blog world. Buti nalang at hindi ka natangay noong sinakop nila ang spice island eh.

        • J. Kulisap says:

          If I take that as a compliment then I am your God, I am not.

          I am nothing as I am searching for my worth in this world.

          have a good day my dear Pongkie.

        • themizpah says:

          as you searched for your worth and what is worth, unknowingly you are leaving footsteps and marks to the people which I do believe your legacy.

          gud morning kuya… magandang tanghali diyan.

        • J. Kulisap says:

          Is my death coming so soon?

          A lot of bloggers are mentioning about J.Kulisap.

          Good morning Pongkie

        • themizpah says:

          handa ka na ba kuya?

          kaya siguro ka nila palaging minemention yun yung mga bakas mong naiiwan na hindi mo napapansin na you set an example, you make difference, you set the mood, you give a twist, a flavor.

          bakit English ka today kuya?

        • J. Kulisap says:

          Oo nga, bakit english yan, si Kulikuli siguro yan.

          Ayaw ko pa sana pero sino ba naman ako para humadlang kung gusto ng magletgo ng hininga ko di ba?

          Hindi ko alam eh.

        • themizpah says:

          sabagay wala naman makakapagsabi kung kailan tayo malalagutan…

          sino si Kulikuli?

        • J. Kulisap says:

          aLTER EGO NI j.kULISAP.

        • themizpah says:

          si kulikuli pala ang alter-ego mo kuya… siguro siya nga ang nagsulat ng puro English kanina.

  4. twistedisme says:

    kalayaan is watever nga!

    basta ang kalayaan, hindi ko iaasa sa iba, nasa akin yan..hawak ko..

  5. Lahat nga tayo ay may kalayaan. Pero ano’ng klaseng kalayaan? Kung nasumpungan natin ang katotohanan ng Salita ng Diyos, saka lamang tayo tunay na magiging malaya. Dahil kung hindi, ano mang kalayaan meron tayo ay maaaring magamit lamang natin tungo sa pagiging alipin ng kasalanan. Nawa ay matagpuan at manatili tayo sa tunay na Kalayaan kay Kristo.

  6. Free will.. yan ang binigay sa tin ng Lumikha. Kahit nakatakda na ang ating bukas, binigyan Nya pa din tayo ng free will para piliin ang daang naaayon sa gusto natin. Ganun tayo kamahal ng Diyos.

    Yet madaming umabuso sa free will na yan. Sa lahat ng freedom na iniienjoy natin, sana andun din ang responsibilidad at ang gratitude sa nagbigay nito.

    Mgandang araw, themizpah🙂

    • themizpah says:

      natumbok ms. green bell pepper. madalas kasi nagiging abusado tayo at the same time we tend to neglect yung mga responsibilidad. minsan din naman the wheel of the freewill is not running, abused, mistreated or deprived, walang pasasalamat. madaming factors. in return may chances paring binibigay si Big Bro to get on to the track.

      Magandang araw din ms. green bell pepper!

  7. bertcontrol says:

    hehe…para maiba lang at magkaroon ng konting palabok.

    sabi nung isang tsuper na existentialist; “man is condemned to be free.”

    ..wala daw tayong choice na isilang tayo ng mga magulang natin at maging malaya.
    🙂

  8. lee mi says:

    kalayaan is me.
    I am free and I am me
    I am whatever I wanted to be

    Minsan, makasarili ang kalayaan,
    at kung akala mong malaya ka.., bakit ka nagpapalamon sa isang isipin o sa isang bagay na di mo magawang iwanan..

    • themizpah says:

      waling (in kapampangan nakababatang kapatid)lee mi, bakit nagpupuyat ka need mo ng rest (nanermon bigla ang nagku-kuya kuyahan)

      kuha ko ang point mo na the freedom we choose is the freedom we should live by and we tend to become selfish when we know that we are deprived of that freedom we choose.

      • lee mi says:

        Kuya di po ako makatulog.., ubo-ubo.. ang aga ko pa nagising, ubo-ubo ulet.., wahhh..

        we are free.. and we choose to be free, and we decided something for us that makes us free.., pero minsan ang mga bagay na pinili natin ay nagkukulong sa ating mga kaisipan na para bang hinahayaan natin uling makulong tayo sa kung hanggang saan lamang ang kalayaang ang naibibigay ng bagay na yun. Parang kinakain tayo ng mga bagay na hindi natin magawang wala sa atin.

        • themizpah says:

          halata ngang hindi ka makatulog at maaga ka nagising… lipad ka na niyan oras nalang…

          tama ka dun na sarili nating desisyun ang maging malaya o magpaalipin.

          Be blessed!

          pagaling lang…

      • bertcontrol says:

        …in short, malaya tayong makulong sa sarili nating kalayaan.

  9. Vajarl says:

    Malaya tayong ipagtanggol ang sinumang gusto natin ipagtanggol. Malaya tayong pumanig sa kahit sinumang tingin natin ay tama. Ang mahalaga para sakin, sa punto na kinukwestyon na ang dahilan ng pagpili mo ng papanigan at ipagtatanggol, makakasagot ka ng hindi sagot na pang tatanga tangang Juan dela Cruz.
    On a less serious note, may mga kilala ako nung highschool na gumagawa ng excuse letter at nanggagaya ng pirma ng magulang! Mga madadayaaaa! Haha. I personally do not like skipping classes. Maraming matututunan sa classroom, hindi lang naaappreciate ng lahat. Pero totoo.😀

    • themizpah says:

      kapag si kuya vajrl na ang nagkoment, all ears ako.
      ang ganda ng iyong punto tungkol sa pagsagot at paninindigan ni Juan dela Cruz.

      ako din wala pa akong natatandaang lumiban sa klase na sinadya o pinagplanuhan.

      Be blessed and gud morning Vajrl!

  10. mtoni says:

    simulan ko sa pagbabasa ng biblia at ako ay makakalaya sa mga walang kabuluhang tradisyon at paniniwala.

    kaakibat ng kalayaan ay responsibilidad na kung gagamitin ng wasto ay kapakipakinabang.

    • themizpah says:

      ang ganda ng sinabi mo ms. mtoni, agree ako na kailangan nating magdesisyong magsimula ng mga bagay-bagay na alam nating ikakalaya natin. at may kapakinabangan sa wastong gamit ng kalayaan.

  11. Sphere says:

    dahil sa sobrang pagmamahal satin ng Diyos binigyan nya tayo ng Free will, kalayaang gawin lahat ng naisin, kalayaang pumili ng tama at mali pero minsan napapansin natin minsan hindi na natin alam kung ano ang tama o mali kaya din ginawa o binigyan tayo ng Diyos ang tinatawag nating Konsensya…

    kung para saan yung konsensya si Mizpah na magpapaliwanag hahaha sakit ulo ko tol eh cencya na…

    • themizpah says:

      ahaha, inom ka ng panadol or biogesic para mawala ang sakit ng ulo.
      ang free will ay nangangahulugan ng malayang pagpili pero kagaya ng sinabi mo nasa sa atin parin ang desisyon kung ano ang pipiliin. The very small/thin voice which convicts us to choose what is right is our conscience. Madalas hindi natin nadidinig ito. Ang sabi ng mga iskolar, may tatlong tinig daw ang madalas nating madinig. Tinig natin (pinakamalakas), tinig ni taning (pangalawa sa malakas na volume) at tinig ni God (pinakamahina—dahil madalas binabalewala) pero kung tutuusin ito ang pinakamalakas.

  12. aninipot says:

    naglalakbay ako dahil malaya ako, nakatayo ako dahil pinili kung tumayo,
    pero ang kalayaan sinasabi ko ay hindi lang para sa sarili ko, ayoko ng kalayaang para sa sarili lamang…
    malaya ako dahil gusto kung may ibang lalaya rin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s