Kilala Ako Ni Nanay

Posted: April 26, 2010 in Kwentong Disyerto
Tags: ,

Salin mula sa bernakular Kapampangan.

Magandang umaga teh, kakatapos ko lamang mag almusal, kumusta si mama, mga kapatid at pamangkin? Natanggap niyo na ba ang ipinadala ko? Mag-ingat kayo diyan, parati kayong manalagin at God bless.

Ayos naman kaming lahat dito. Hindi pa namin natatatnggap ang perang ipinadala mo. Mag-ingat ka din diyan parati.

Ganun ba. baka na-delay lang. Hintayin niyo lang. Nagsimba ba sina mama? Ingat parati diyan, manalangin kayong parati at God bless.

Oo nagsimba sila. Sasabihin ko na lamang. Ingat ka din diyan parati.

Natanggap na namin ang ipinadala mo. Kadarating lang.

Walang masyadong natirang pera si mama sa ipindala mo.

Pwede bang uminom ng tsaa (tea) si mama? Ibibili ko siya dito mas mura kasi. Ipapakisuyo ko nalamang sa pag-uwi ni Sir Philip. Magkita na lamang sila ni kuya. Ingat parati diyan, manalangin kayong parati at God bless.

Pwede ba sa tsaa si mama? Hindi ba bawal sa kanya? Ibibilo ko siya dito, makikisuyo ako kay Sir Philip pauwi siya sa Mayo 23 magkita na lamang sila ni kuya sa Malolos.Ingat parati diyan, manalangin kayong parati at God bless.

H’wag kang masyadong mag-abala, mamili o gumastos, saka na.

 Alam ko naman na simula nagpunta ako dito ay hindi ganoon kalakihan ang naibibigay ko sa aking pamilya sa Pilipinas. Sapat lamang, tama at alam kong hindi sila nagugutom. Subok na namin ang Diyos. Tapat at sapat siya sa aming mga buhay. Hindi siya nang-iiwan at hindi niya kami pinapabayaan.

Ang ministeryong pinili at inibig ko ay alam din naman nila. Sa katotohanan ito ang aming (buong pamilya) buhay sa Pilipinas. Maglingkod sa Diyos at tao. Alam din nila kung gaano ko kamahal ito. Katunayan nga ay nagbitiw ako sa pagtuturo para magsanay sa isang Mission Course kasama ng mga kabataan. “House-church” ang tawag namin. Kung hindi nila kayang pumunta sa simbahan, kami ang pumupunta. “Outreach Program” nagpakain sa mga bata at maging sa mga matatanda. Sa tuwing sasapit ang araw ng Pasko ay inaawitan ng mga kabataang kasama ko ang mga bahay-bahay at magbibigay ng “food basket” sa mga magbubukas ng kanilang tahanan.

Dito ko lubos naa-appreciate ang mga mamalakaya noong naunang mga panahon. Naglalakad (madalas) lamang sila sa mga bayan, mga disyerto at karatig lugar para maghayag ng Mabuting Balita. Samantalang ako komportableng nakaupo sa coaster sa tuwing maghahayo. Dito din ako natutong makipagkapwa-tao: iba’t-ibang klase ng tao. Dito hindi ako “sir” at hindi ako ang “boss” kagaya sa isang klase. Dito din ako nasanay sa pagbibigay ng mensahe. The school of four corners is very different from school of sorrows. I’m learning to love the latter.

Sa kagustuhan kong maibigay lahat ng mga pangangailangan ng aking pamilya ay patuloy akong ibinabalik ng aking mga panyapak sa mahal kong ginagawa, ang maglingkod sa Diyos. Sapagkat alam kong ang lahat ng mga pagpapagal ko at ng aking pamilya ay hindi masasayang. Hindi man sa aming kapakinabangan kundi sa mga taong aming nahahayagan at pinagmamalasakitan.

Ngayon ay araw na naman ng Lunes. Kasama ko na naman ulit ang aking partner sa gawain. Muli kaming bababa sa stop light at pupunta sa hyper-market.

Ibili mo daw si mama ng sugar na pangdiabetic at kung mura ang kape diyan. Mag-ingat ka diyan. maraming salamat. Miss ka na namin. Mahal na mahal ka namin. Yung para sa mga pamangkin mo. God Bless.

Kaakibat ng paglilingkod sa Diyos ang pagsuko ng buong-buo.

Sige ibibili ko si mama at ako ng bahala. Mag-ingat kayo parati diyan, manalangin kayong lagi. Miss ko na kayong lahat at mahal na mahal ko kayo. God bless.

 Sa mga pagkakataong ganito iisa lamang ang aking ginagawa, “I get on my knees.”

I would like to learn obedience through suffering and I will not offer anything to the Lord that cost me nothing.

(Hindi po ako perpektong tao, may mga kahinaan at ibinababa sa Diyos.)

 

 

 

Comments
    • ??? says:

      hindi ko alam mizpah. naiinis ako kapag nag nasa bahay mo ako.. nahihirapan akong magsuot ng maskara… (TAE KA!) hahaha! … biro lang…

      Napaka totoo lahat ng mga bagay na sinabi mo…

      Sinasabi mo kung ano ang nasa puso mo, sana ganyan din ang mga maisusulat ko sa aking mga akda…

      yung walang halong maskara… hindi ka naman magsisindi ng lampara at itatago sa ilalim ng mangkok di ba?…

      pero… hmmn, this post, watered my heart… Alam ko kung gaanu kapait ang malayo sa pamilya upang magkaroon lang ng daan ang nais ng Diyos para sa ating buhay…

      We know that those plans are to prosper us, and not to harm us…

      Saludo ako sa mga hakbangin mo bilang isang mabuting Kristiyano…

      Siguradong aanihin mo yang mga bagay na iyan sa takdang panahon…

      • themizpah says:

        Amen kuya ???
        At may Jeremiah verse ka pa ah, Yep His plan for us is far better than ours.

        At kung ano ang ating nasa puso ay siyang ating isinusulat at sinasabi.

        Ang kapurihan ay sa kanyang lahat!

        Pagpapala ang sumaiyo kuya ???

        {(base ka parati) gagawa ako ng award na BBA (Base Blogger Award)}

  1. chevybo says:

    At tama nga si hamster, hindi ko alam. Pero sa tuwing nagbabasa ako ng mga post mo ay sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga makapigil hiningang mga lathalain mo. hehehe. Lalo na pag patungkol sa Diyos(paglilingkod).

    Ou, inaamin ko sobra sobra ang pagkukulang ko pagdating diyan. Binalot na ako ng mga makamundong bagay. Naguguluhan na din, hindi kasi alam kung pa’no at saan ako mag sisimula alam ko ang sagot sa kelan, pero paano?

    Miss na miss mo na siguro ang pamilya mo. Minsan ang kaligayahan ng mga mahal mo sa buhay ay kelangan ng matinding sakripisyo. Sakripisyong maghahatid naman ng ngiti sa’yong mga labi sa tuwing magtatapos ang araw at magibigay ng lakas sa’yo sa pag-umpisa ng araw.

    Mag iingat ka lage at Godbless!

    • themizpah says:

      salamat kaibigang chevy,
      yep miss na miss na miss ko na sila!
      pero yun ay pinupunan ng Diyos.

      Dadating din ang mga kasagutan sa mga tanong mo.

      God bless,

      namiss ka namin.

      • chevybo says:

        “namiss ka namin.” – – ang sarap naman.. hehehe. Maraming salamat din, sa mga magagandang comment na iniiwan mo sa bahay-cubo ko. Mabibilang lamang ng daliri ang mga salita subalit punong-puno naman ng laman at kahulugan.

        Mag-iingat ka lage! at Godbless!

  2. toni says:

    dati me nagtanong saken na kung sakali palarin makatawid o mabuhay muli, sino ang gustong gusto kung makita agad at baket. sagot ko si Job dahil gusto kong makita ng personal ang kanyang mga mata.
    malayo sa paksa ung kowment ko, sori naman.

    • themizpah says:

      napakaganda kasi ng buhay ni Job punong-puno ng endurance ang long suffering niya (patience).
      ako naman si King David, Daniel at Joseph ang gusto kong makadaupang palad. Madami din akong tanong kay Hesus kung bibigyan ng chance na makausap ko siya at makapagtanong. kaso pagdating natin sa langit wala na tayong “human (flesh) spirit” kung hindi “spirit of God na at glorified body.”

      kita tayo dun ha!

      God bless!

      • toni says:

        maganda nga sana kung lahat sila makita natin perooooooooo…..

        wala akong katiyakan sa sarili kong kaligtasan dahil marami din akong kinatitisuran.
        intindi ko kc ung 144 thousand kasama ni Jesus at me 1 pang kawan.

        • themizpah says:

          ang 144 belongs to the tribe of Israel (chosen talaga sila) it doesn’t mean na hindi tayo kabuilang dun. the salvation through Jesus Christ is for all.

          normal yun na matisod, basta focus on Jesus.

          if you have other concerns you can e-mail me at pong_lc@yahoo.com i would love to have a converstaion regarding this matter.

          God bless!

  3. J. Kulisap says:

    Kilala ako ni Nanay.

    The passion, the dedication and unending love, aywan ko na lang Pongkie.

    Magparami ka pa

  4. jason says:

    shaks….

    touching… ayoko munang magcomment…

    iyakin ako sa mga ganto lalo na kapag nagtytype sa keyboard…

  5. Ax says:

    Napakadalisay naman ng article na’to. You deserved to be known by your Mother. You actually have learned obedience without the much needed suffering. ;]

  6. Sphere says:

    naiyak ang puso ko sa post mo😦 yon lng muna…

    Nanay ang pinaka best sa buong mundo kaya nga minsan sobrang nalulungkot ako pag nanonood ako ng news about bad mom na sinsaktan ang anak at hindi ko maintindihan yon…:-(

    • themizpah says:

      yep they are the best. sila kasi ang cradle natin, takbuhan, sumbungan.

      walang dram ha, bawal ang emote sa disyerto kasi maho-homesick tayo, ehehehe

      Mabuhay ang mga nanay.

  7. napakabuti mong anak at kapatid, themizpah. i’m sure lahat sila dun miss na miss ka na at sobrang proud sa yo. continue to be a blessing and a pillar for them.

    ingat ka lagi. God bless.

    • themizpah says:

      salamat ms. green bell pepper, miss na miss ko na din sila.
      mahirap malayo sa pamilya pero kung ang pansamantalang pagkakalayong ito ay kasiyahan ng Panginoon ay wala talaga akong reklamo.

      miss ko lamang sila.

      ingat din. God bless!

  8. bonistation says:

    hahays ang buhay OFW.^^ ang mga bagong bayani. susuungin ang lahat para lang sa kaginhawahan ng pamilya, mas saludo ako sa mga taong pamilyado na sumubok mangibang bansa para sa kinabusan ng mga anak. isang malaking blessing talaga kung bakit tayo nabigyan ng pagkakataon na magtrabaho sa labas ng pilipinas, may mga pagsubok pero kayang kaya, may mga paghihirap pero nalalampasan, syempre ganun tayo eh! laban kung laban.. ang paniniwala natin sa dyos, isang napakalaking sandalan lalo na pag nararamdaman mo ang pag iisa at lungkot!

    i like the phrase.. manalangin kayong parati at God bless. hindi nakakalimot sa bawat mensahe na ipinapadala mo..

    GBU

    • themizpah says:

      Glory to God kuya bons!

      tama ka mapalad tayo at nagkachance tayong mabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang bansa upang maitaguyod natin ang ating mga pamilya.

      Ang Pinoy hindi sumusuko, laban kung laban.

      God bless sa iyo kuya bons sa kabilang panig ng disyerto.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s