Araw Mo!

Posted: May 1, 2010 in Personal
Tags:

Ilang beses na nga bang naitaas ang plakard na may nakasulat na P128 across the board? Madami na ding mga tsinelas ang napudpod at napigtas sa panulukan ng EDSA at Mendiola. Nakipagtunggalian ng lakas sa mga pulis at mga barikadang animo’y pader sa pagitan ng mga sigaw. Makailang ulit ding naligo ng tubig mula sa water canon ng mga bumbero at nakakasulasok na tear gas. Hindi na din mabilang kung ilang beses ng nakadaupang palad ang malamig na mga rehas.

Labor Day

No Job Vacancy ang mga katagang parating nakasulat sa kanilang talasalitaan na ayaw mong makita. Naglakbay mula sa malayong probinsiya, kung susukatin ang pilang pinagdaanan ay malamang kasinghaba na ng Great Wall of China. Kalam ng sikmura ay ‘di alintana. Malamang bukas meron na o di kaya’y balik probinsiya nalamang.

Sakit ng katawan sa maghapong pagkakayuko. Abono, pataba at kemikal ang kasalo. Masaganang ani ng palay, gulay, mais, kamote, at mga prutas ang hinihintay. El Nino at La Nina kaysaklap, batas ng kalikasan.

Magtanim Ay Talagang Hindi Biro

Mag-aaral sa umaga, kayod sa gabi daig pa si Maria Magdalena o Annie Batumbakal. Plantsa dito, assemble doon, walis diyan, keri na pati mga labahan. Unyon at Collective Bargaining Agreement.

Barko, eroplano, disyerto, kabundukan, lamig at init tinahak. Paglaban sa pangungulila. Sulyap sa letratong may okasyon, binyag, kaarawan at graduation tutulo na lamang ang mga luha.

Nakadaan Na Ako Dito!

Sa kabilang dako ay may tinatawag silang corporate and business world na pinangungunahan ng mga tycoon, expert, CEO, COO, President at iba pa. Hindi matitibag.

At sa kabilang dako pa ay may sumisigaw ng, “penoy, ballot!” “Bote, diyaryo.” Paano kung walang trabaho?

Iba’t-ibang mukha ng paggawa, sumasalamin sa bawat buhay ng Pilipino. Hindi ko masasabing hindi mahalaga ang antas o laki ng kinikita. Pero sa araw na ito ikaw, ako at tayo ang bida. At ang katotohanan araw-araw tayong bida. Kung paano malulutas ang problemang paggawa, manalig tayo at kumilos.

L – ike a mother’s pain

A – ggravate no more

B – eseeching prosperity and equality

O – pposed or unopposed

R – allying at a long queue

D – elivered and not convicted

A – all through long

Y – ea! Hope

Pag-asa

Madalas ipaalala sa akin na kahit ano ang trabahong aking gugustuhin at mamahalin: maging magaling at mabuti ako sa larangang pinili.

Normal ang mapagod.

Kagaya kung paano ako naghihintay sa aking pag-uwi sa Pilipinas na mayroong kagalakan. Kagaya din sa paghihintay ko sa araw ng aking sahod. Patuloy akong maghihintay sa pag-asang nakaabang para sa manggagawang Pilipino. Mapapagod? Oo. Pero patuloy akong maghihintay.

I remember a janitor who performs his job well everyday. And every Thursday night he is the leader of a Bible study group composed of manager, secretaries and other office personnel.

When we do something do it with all our might. The rest is the Lord’s.

In Him, our labor is not in vain.

Sa lahat po ng manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansang Pilipinas. Mabuhay po kayong lahat!

—wala sa focus si pong.

http://www.immigrationsolution(dot)net
http://nimg(dot)sulekha(dot)com
http://blogs(dot)journalism(dot)cuny(dot)edu
http://cdn(dot)wn(dot)com
Comments
  1. ??? says:

    isang mapag palayang araw ng mga mangagawa rin sa iyo… Kuya Pong…

    • themizpah says:

      at ikaw talaga ang inaasahan kong makakabase.
      ganun din sa iyo kuya ???
      alam mo bang hindi malaya ang mga manggagawa dito, bawal ang piket at lahat.

      sa lahat ng pagpapagal mo ang biyaya ng Diyos ang kapalit.

      A blessed labor day to you kuya ???
      Araw-araw naman labor day sa atin.

  2. jason says:

    second base ako!!!!

    labor day. minove sa lunes from sabado. ang talino ni GLoria yehey. pssss…

    -may job fair sa sm megamall kanina.
    -may pasok ako sa opis
    -wala akong nakitang rally ng jeep sa daan ko
    -matiwasay ang kalsada kanina
    -walang pagtaas ng sahod
    -walang insentives
    -hindi holiday kanina kasi hindi nga naman hinoholiday masyado ang
    sabado…

    yan ang mga napansin ko sa araw na to.

    sino Saint para ngayong Labor day?

  3. jason says:

    nakakatuwa ka naman.. ikaw pa talaga ang may ganang mag post ng ganito
    ikaw na nasa ibang bansa. saludo ako sayo !!!! sana maraming manggagawang pilipino ang makabasa nito. ipopost ko link na to sa facebook.

    • themizpah says:

      wow free advertisement pa ahahah, Salamat, baka naman sumobra ako sa airtime nito.

      salamat sa Diyos at matiwasay naman ang Labor Day? as in na walang pagtitipon na naganap?
      Hindi ko kilala ang Saint ng Labor Day.
      Double pay ka today kasi pumasok ka.
      salamat kuya jason!

      God bless.

  4. twistedisme says:

    Labor day, parang pinangatawan ng araw na to ung taon-taong panganganak ng problema ng pilipinas, hindi pa rin sila nakikinig, silang mga nasa itaas..😦

    • themizpah says:

      makikinig din yun twisted. busy lang sila or hindi talaga makakdinig ang nagbibingi-bingihan di ba.
      may pag-asa pa.

      dito sa amin bawal ang ganito. diyan sa kabilang panig ng disyerto bawal din ba?

      • twistedisme says:

        bawal ang ganito the mizpah, kaya nga siguro natuto kaming ibahin ang mga tawag para hindi kami mahalata kahit na open na ang dubai, mahigpit pa rin sila sa mga ganitong bagay..

  5. J. Kulisap says:

    Wala naman sa posisyon ang pagiging manggagawa, nasa puso mo ito kung paano mo pahahalagahan ang iyong pagsisikap at pagpupunyagi sa bawat araw, mas kung ito ay para sa ikauunlad mo.

    Pongkie,habol ako.

    Yehey, at syempre hindi na naman ako base.

  6. Chin chin says:

    HOPE. Paano? Manalangin at gawin ang kaya at dapat gawin. Kailan? Hanggang may hininga at kunin ng Panginoon patungo sa kanya. Tama ka, sa Panginoon, walang pagpapagal na nasasayang. Kuya Pong, God bless!

  7. kayedee says:

    waw! two thumbs up sayo sa pagsulat mong eto kuya. at hindi nasa mababang posisyon ka sa trabaho ay ganun ka na sa ibang bagay, lahat tayo ay mas kanya kanyang kalakasan din. tulad ng maaaring ikaw ang may pinaka mababang posiyon sa trabaho pero pagdating sa bahay “your the boss” hahahaha.. hang kulet..

    oha oha.. walang bahid ng jejemons ako magsulat ngayon! ehehehe

    • themizpah says:

      buti nalang walang jejemons lagot ka kay kuya vajrl, ehe.

      tama iyon maging mabuti lamang tayo sa ating piniling propesyon o trabaho. samahan ng tiwala sa Diyos.

      God bless!

  8. runmdrun says:

    agree ako, you’re worth more than your payslip. Hindi ang posisyon mo sa kumpanya ang magsasabi kung sino ka kundi ang iyong dedikasyon na gawin ng maayos ang masinop ang iyong trabaho. Ganyan ang dakilang manggagawa. Hindi natutulog sa trabaho (masyado), hindi nagnanakaw ng push pins (masyado) at marangal (kahit kaunti) hehe

  9. Vajarl says:

    Bat parang feeling ko nasa classroom ako nunhg highschool ako? Haha. Narinig ko nanaman ang collective bargaining agreement. Patay tayo dyan.

    May nagsabi saken non, wag kang magrereklamo na napapagod ka kase ibig sabihin nyan, meron kang ginagawa para mabuhay.

    Sa isip ko, ‘EH GUSTO KO MAGING TAMBAY NALANG EH!’

    Joklang. Haha.

    Cheers para sa manggagawang pilipino! Isa ako don! Yey!

    • themizpah says:

      Coke! este Cheers sa ating lahat.
      Naibalik ba ang mga HS memories mo sa Economics?

      Tama iyon, we make for a living and every drop of sweat is worth to live.

      God bless po!

  10. gudang says:

    Happy Labor Day na lang senyo! Hehehe. May ganun ba? Hehe.

  11. Ax says:

    Sa Lunes na nga kuya Pong ang labor day. May pasok ako. Wala kaseng holi-holiday sa amin. haha. May pasok pa rin pero double pay naman. Minsan naiisip ko nga, kahit absent na lang, haha, kahit walang bayad basta wag pumasok. Nakakatoxic din kase minsan. Pero ayos lang.

    Wala din ako sa focus. Natanggal yung isang kamay ko. Aw.

    • themizpah says:

      Di bale double pay naman kayo.
      Mas na-aapreciate ko ang Pinas ngayon Kuya Ax kasi may kalayaan dito wala.

      Isang kamay? hindi naman literal yan di ba?

  12. jason says:

    daan muna ko pong, in 2 minutes uwi na ko.

    God bless!

  13. J. Kulisap says:

    Asan na ang bago?

    Ahahaha.Atat naman ako.

  14. duking says:

    maligayang araw ng manggagawa sa lahat!

    na late ako.hehehe!

  15. bertcontrol says:

    immune na nga ata talaga ang kamalayan natin sa sistemang umiiral sa lipunang pilipino.

    “kUng cn0 pHa ung nAghirAp, sHa paH 2ng kaUntiH aNg tinAtamAsah!!” –sigaw ng manggagawang jejemon.

    as usual kuya pong, late ako. hehe. napadaan kasi ko kay Yin kaya may hangober pa ako sa mga jejeekek.

    • themizpah says:

      Salamat sa mga manggagawang jejemon.
      Dumaan din ako sa bahay ni kuya yin
      Malaking usapin din pala ang sa jejemon

      Mabuhay ka kuya bert, isnag manggagawang Pinoy.

      Be blessed!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s