Tamang Drama?

Posted: May 2, 2010 in Personal
Tags:
Hindi ako marunong magdrama, magtampo o magalit (Dahil ito ang hinihiling ko na baguhin sa akin ng Diyos). Sa aking paglibot sa nakalumaang friendster at ning.com ay kahit papaano ay napangiti ako. Marami din pala ang nakakamiss sa akin.

Kuha ito sa isang account ng Third Year Batch 2008-2009 noong Marso (2009) apat na buwan ang nakakalipas ng ako ay nagbitiw sa pagiging guro para tuparin ang isang misyon.

Nasaan ako diyan?

Kuha naman ito sa isang pribadong libingan kung saan madalas ganapin ang youth (worship activity) namin (Oktubre 2009).

Lou, Joy, Rina at Jaimee

At naulit muli ito noong nakaraang dalawang linggo.

The F4

Maging sila ay namiss din ako… siguro.

Brains and Brawn

Foundation Day (Emcee ako dito)

Canyon Woods

Dive and Trek

At nais ko lamang i-share ang pinaka-unang intrams ko sa Academy. At naging motto ko sa buhay, anuman ang dumating.

Motto ko!

God has the best deal!

Para sa kanyang kaluwalhatian.

Personal Note:

Kung mawala kaya ako sa blagosperyo marami din kaya ang makaka-miss sa akin? Ako for sure madami akong mami-miss.

H’wag itong seryosohin kagaya ng nasabi ko sa itaas hindi ako marunong magdrama, magtampo o magalit. Pressured lamang ng konti si Pong sa work. Pero sa biyaya ng Diyos kaya naman ito.

When I am talking to others, I see to it that at least I share hope with them. To do good and do no harm.

— hindi bagay sa akin ang drama.

Comments
  1. J. Kulisap says:

    Ahahahaha.Lalalalala.ahahahaha.

    Sayaw Pongkie, sayaw Pongkie.

    Base.

  2. J. Kulisap says:

    Magtatanong o magtataka pero hindi ako mangangamba kasi alam ko saan ka man magpunta, ligtas ka.

    • themizpah says:

      huwaw namiss ko pagbe-base mo kuya (ikaw ang kauna-unahang nagkoment sa blog ni mizpah noong napapad ako sa wp).

      salamat naman kung magkaganun, ikaw siguru ipapapage talaga kita at tototohanin na namin ang Bantay Kulisap 193 kapag nawala ka or Kulisap Mo I-Patrol Mo.

      Kidding aside kuya salamat ng marami.

      • J. Kulisap says:

        Oo nga, ngayon pahirapan ng magbase sayo, pero gustuhin ko mang tayong dalawa lang mag-usap, magiging selfish ako, kaya sige na lang…sa iba ka na.

        Drama. Malala na Kaya?

        • themizpah says:

          basta, kahit paminsan minsan magbase ka naman dapat sa akin,
          ako hindi pa ako nakakabase sa iyo.

          hindi iyon selfishness kuya you are actually sharing … “kaya sige na lang… sa iba ka na.”

          see yan ang Pinoy hindi makasarili.

          dapat makabase din ako sa iyo.
          i hope na kahit 5 hours ang difference natin makabase ako.

          “Ito ang tamang drama.”

        • J. Kulisap says:

          Ahahaha, sige magdramahan tayo.

          Dati, dati..tayong dalawa lang,pero nong makahanap ka ng iba, hindi mo na ako pinapansin.

          Ahaahahahaha.

          Seriously, napakabait mo Pongkie. Iba ang hatid mo.

        • themizpah says:

          mas magaling kang actor sa akin kuya,
          pero dapat tayong magpangita sa pag-uwi ko para makapagpasalamat ng personal.

        • J. Kulisap says:

          Wahhhhahahaha.

          Takot ako bigla.

          Ayawan na

        • themizpah says:

          walang ayawan kuya. eheheh

  3. Ax says:

    Teacher ka pala dati.. I mean by profession.

    • themizpah says:

      Opo kuya Ax, babalik ako pagkatapos ng isang taon para magturo, tatapusin ko na rin ang nasimulan kong MA.

      sige magsisingit ako ng pics ko pa, eheh. salamat

      • ysae says:

        teacher ka pala. great profession! prang may problema ata ako at di ako makapag comment ng maayos kaya sumingit ako.

  4. Len says:

    hello, napadaan lang sa blog mo. makiki comment nadin..🙂

    teacher ka? galing naman.🙂

    • themizpah says:

      opo, ikaw din diba? nabasa ko sa site mo. pwede ka ba ma-add sa link.

      galing mo naman po!

      God bless!

      • Len says:

        hello again, yup. salamat nga pala sa bisita sa site ko, well madalas na kitang guguluhin, hehehehe..🙂

        sure, add din kita..🙂
        GBU too!

        • themizpah says:

          salamat po Ms. Len, yehey may ka-blog din akong teacher from Thailand pa, kumusta naman buhay diyan sa Thailand? Miss ko na din magturo.

          sige kahit segu-segundo mo akong guluhin willing ako.

          Be blessed!

        • Len says:

          nagbabalik po! ahahaha…🙂

          uu nga ako din,buti nalang.. Ma’am din pala kita, lols..

          Ok naman buhay ditu, at buhay guro, napakalaki ng pagkakaiba sa pinas.. hehe

          ( bumalik talaga ako, hehehe )

        • themizpah says:

          hindi po ako mam, sir po ako ehehehe,

        • Len says:

          ays, sorry naman, akala ko kasi babae ka! sorry po sir! hehehe

        • Len says:

          ay, ikaw pala si Pong, nakita ko kasi comment mu kay j.kul.. hehehe, ayan na approve kona, hehehe..🙂

    • themizpah says:

      oo ako si Pong, kumusta naman, magandang umaga po mam Len!

      God blessed!

  5. ysae says:

    nice one! madamdamin! worship sa libingan? ghost hunting b o exorcism? he, he! isa ako sa makakamiss s u pag nawala ka sa blogosphere. u make sense when u comment. u add value to the writer and the article… and yes u give hope… o, libre mo rin ako pag balik mo. it wud be great to see u one day.

    God bless and ingat ka dyan!

  6. ysae says:

    galing naman. yap, maraming makaka-miss sa u pag nawala ka sa blogosphere. u add value to the writer and the article….. you make sense and always fair…..au give hope whenever needed…. it wud be great to one day see u….. cheeseburger!

    worship sa libingan? ghost hunting o exorcism? tinapakan pa ang puntod, hehe!

  7. ysae says:

    helo. i’m having problem posting… test ko muna to….

  8. ysae says:

    a ok, pumasok. ul surely be miss if you leave the blogosphere…. u make sense and very fair and not subjective…. add value to the writer and the article … u give hope…… i’m sure ur a great friend….

    hope to see one day as well….. cheeseburger!

    worship sa libingan? ghost hunting o exorcism… he!

    God bless

    • themizpah says:

      cge kapag nagkita tayo ililibre ko kayo ng burger.

      salamat, salamat at Glory to God. hindi naman ako mawawala.

      yung worship sa libingan actually there is a very beautiful place na doon namin ginagawa ang youth activity namin at maging ang kantahan.
      yung inapakan yung puntod, puntod iyon ng younger brother ko na namatay noong nakaraang september, he usually leads us in worship kapag doon namin ginagawa yung activity.

      I’m a Science teacher, nakapagturo ako ng High School Bio, Chem, Integrated Science at Physics, pero most on BioChem ang mga subjects na nahawakan ko. Noong umalis yung History teacher namin ako ang humawak din ng mga history subjects, enjoy naman kasi naisisngit ko ang Bible sa History (Christian School ako nagturo).

      gusto ko rin kayong ma-meet.

      God bless po.

      pumasok pala sa spam yung mga comments mo.

      • ysae says:

        cnsya sa spam.

        wow, science teacher, nakakabilib!

        just want to tell u dat yesterday a pastor was killed in La Union for endorsing a candidate. i don’t know the full details but it’s very sad. it was just told to me this morning.

        ingat ka dyan!

        • themizpah says:

          Glory to God.

          Yep pagkadating namin sa house ay replay na ng TV Patrol sa TFC at naabutan ko yung mag-anak na Pastor na pinatay. It’s sad, this is my stand regarding the church and politics, yes we have the right and free will to participate sa politics. And we cannot question if they have a word and confirmations from the Lord regarding sa political stand or tatakbo man sila, hindi natin pwedeng i-question ito, it’s God who told them, but the point is very clear politics should be dealt separately from church. Ako din simula bata pa ako gusto kong maging Mayor and until now gusto ko pa din, but yung will ni God ang masusunod.

          Pero ang ganda naman ng sinabi nung namatayan dun sa interview, “Gusto naming sabihin sa gumawa nito na mahala namin kayo.”

          Mag-ingat din po diyan. God bless!

        • ysae says:

          buti ka pa nakita mo. great response though… even in death we can still find God.

        • themizpah says:

          oo nga napakaganda ng response nung family.

  9. Joyo says:

    honaman mamimiss ka sa blogworld… mamimiss kita hahaha! parang ang lande… ayun titser k pala… uhmmm anong subject ang tinuturo mo? at saka mejo nacurious ako sa pribadong libingan…

    • themizpah says:

      High School science subjects ang pinahawak sa akin for almost 3 years before ako napadpad dito.

      hindi ako mawawala sa blog world, ngayon pa na mas madami akong reasons para magsulat at madami akong friends na kagaya nyo.

      tamang drama lang ako eheheh, tinatry lang magdrama. hindi pala ako pwedeng artista. ehe

      God bless

      • joyo says:

        yun na naman pala eh! tagay na! ilabas yung pulutan… ilabas yung mga macho este ung mga baso!

        wak masyado magdrama, masakit sa bangs yan…😆

        God Bless din!

        • themizpah says:

          wahahaha o sige hindi na ako magdadrama.

          bumaha kagabi dito at naghail storm. Parang Pilipinas lang.

          Be blessed!

  10. twistedisme says:

    uo nga naman themizpah, nakakamiss ang mga taong tulad mo, naks😳 pahinga lang naman kailangan din yan sa buhay natin..pero babalik ka pa rin..diba?

    mamimiss ka ni joyo, mamimiss kanila, at lalo na mamimiss kita😳

    • themizpah says:

      ok na ako, pressured lang kahapon, madami kasi kaming deadline kahapon eh, pero ok na lahat.

      hindi ko kaya ang magdrama eheheh parang hindi ko namamana yung mga acting skills ng mga movies na napapanood ko eheh,

      salamat naman kung mamimiss nyo ako.
      ako din namimiss ko kayo kapag thurs and friday na hindi ako nakakagala sa web.

      hindi ako mawawala promise!

      update mo ako sa I see you niyo ha.

      • twistedisme says:

        ayiiiiihhh..😆 oo nga nakaka presyur talaga ang work specially pag kaharap mo ang NUMBERS na yan, naduduling na ako agad ha!ha!ha!

        Inaayos na namin ang pagkain sa ngayon themizpah, inaantay mo na lang si sphere kung paano ko ba sya makokontak🙂

        Update kita, malakas ka sa akin eh😆

        • themizpah says:

          salamat sobrang lakas ko naman sa iyo.

          yap, yap, yap aabangan ko update niyo, basta balitaan mo kami agad, now na!

          A blessed gathering sa lahat ng UAE Bloggers!

  11. toni says:

    nabibilang ka sa ilang kilala ko na gumagawa, kumikilos at nangungusap tulad ng kanilang ipinapangaral.

    passport!

    • themizpah says:

      Glory to God ms. mtoni, namiss din kita, kasi matagal ka ding hindi nakadaan dito. Palagi ko ngang tinatanong si kuya kulisap kung wala kang site.

      salamat salamat po.

      hindi ako mawawala, ok na po ako. pressured lang kahapon.

      Be blessed po

      • toni says:

        liliban ako sa bahay ni kuya kulisap pero nde dito.

        • themizpah says:

          maganda po bisitahin niyo kami parati.

          kailan ka gagawa ng sarili mong blog? or wala talagang balak?

          gusto ko lamang magbasa at pumulot ng mga ginto sa bahay mo kapag nagkataon.

  12. lee mi says:

    miss na kita kuya Pong.. medyo matagal ang interval ng pagkikita natin kaya mas miss kita ngayon.. pag uwi ko at nandun ka.. ahmm.. meet natin sila..hehe..=)

  13. Chin chin says:

    Kahit sa blogosphere lang tayo nagkakilala, you’ve been a good friend, someone who will surely be missed. By the way, kung sister ka lang, I would have given you the sisterhood award. You deserve the same. God bless on your mission.

    • themizpah says:

      Glory to God Ms. Chin.
      Salamat naman po kung ganun. Pressured lang kahapon madami po kasing papers na deadlines thank God po natapos din sila, kaya mejo relax naman today.

      Salamat po ng marami sa parating pagdaan at pag-impart ng thoughts niyo.

      All the Glory to HIM alone.

  14. Vajarl says:

    Ako mamimiss kita Kuya! Chos! Haha. Hindi bagay saken maging cheesy kaya wag nalang :p

    Anyways, nung highschool ako, naging uber close samin yung teacher namen. Hanggang lakwatsa sama sama kame. Nakakamiss lang. Nakakamiss maging bata. Nakakamiss ang panahong ang namimiss ko lang eh ang mga kaibigan at teachers ko. Nakakamiss maging malaya sa sandamakmak na hamon na hindi mo naman hiniling, at hindi mo ren sigurado kung palalakasin ka. Teka, baka mauwi ako sa relihiyon kaya titigil na ko. Haha.

    • themizpah says:

      Salamat kuya vajrl.

      Ganun din sila sa akin. Kasama ko silang mag-mall at lahat.
      Tapos nabigla lahat sila nung umalis ako kasi hindi ako nagpaalam sa kanila, basta yung last day ko nagsilent activity ako per class tapos iyakan sila pero hindi about sa pag-alis ko kung hindi about life and God. Hindi ako nagfromal class noong last day ko.
      Maghapon naka-off ang cp ko nun, at nung night na puno ako ng messages at maging mga call. nakamove on din sila. Miss ko din sila. Mga college na sila ngayon. (bakit ako ang nagdrama)eheheeh

      salamat, salamat,

      Be blessed.

  15. Amen Mizpah. God has the best deal…always & forever.

  16. kayedee says:

    😦 seryoso ba eto kuya?? mamimiz kta superr.. balik ka agad ha! godbless..

  17. kayedee says:

    (bugong hininga) kala q true na!

    well i gez ur a gud actor ahaha.. or uto uto lang tlga aq??! bwahhh

  18. yiN says:

    Ngayon marunong ka na magdrama pong, hahaha.
    Sige basta may kainan at libre sama ako diyan, dali uwi na kayo ni lee mi, pati pamasahe ko libre ha. LOL.

    • themizpah says:

      cge ba, kita-kita tayo pag-uwi. mahirap pala ang maging artista at magdrama.
      Isang mapagpalang araw ng paggawa sa iyo kaibigang kuya yin.

    • Sphere says:

      ako din sama kainan ba ika mo? pwedeng magorder ng extra rice at chicken? ahahaha di pako move on🙂

  19. yiN says:

    Tanong ko lang pong ano yung themizpah pala?

    • themizpah says:

      andun po siya sa itaas yung paglalan (page). May the Lord keep watch over you and me when we are far away from each other.

      salamat po kuya yin. sana magkita kayo ni ex.

  20. Sphere says:

    Kelan ba uwi mo Pong at ng madalaw itong si Yin makikikain tayo ahahaha

    • themizpah says:

      next year April pa uwi ko, sige dalawin natin siya.
      Pasensya sa late reps ha galing ako ng family health bigla kasing nahilo ako at nagpa BP ako and guess what ito ang epekto ng pressure at stress kahapon
      1st trial 144/102
      2nd trial 138/100
      3rd trial 130/80 normal na dala lang daw marahil ng stress.

      Kaya wag niyong tutularan si pong sa stress.

      • Sphere says:

        ah balak ko umuwi ng December dadaan ako sa Kenya tapos from Kenya to Phil. dadalawin ko yung frend kong missionary sa Kenya🙂

        bakit ang daming trial? stress ito secret ko ihsare ko sayo isang carrot, isang saging at isang apple araw araw yan ang baon ko bukod pa sa lunch try mo hope its help pong🙂 yngat lgi jan sir!

      • themizpah says:

        salamat sa tips (kasi hindi na secret eheheh)

        i would love to hear your stories regarding your friend in Kenya. share mo sa akin minsan.

        basta pag nagkita-kita tayo huntingin natin ang mga makukulit na bloggers sa manila eheheeh

        • Sphere says:

          naging kasama ko sya sa convent naging close at parang naging ate sa loob tagapagligtas ko kung baga pagnaguguidance ako sobrang kulit ko talaga kc noon ewan ko ba…nong makapag decide nako na lalabas nako ng convent hindi na kami nagkita simula noon sobrang miss ko siya hindi siya Pinoy Kenyan sya kahit nong nagprofess sya sa pagkamadre di ako nakaattend kaya babawi ako sa kanya sa December…cguro kung nagpa2loy ako malamang nsa ibang lugar din ako katulad niya…

        • themizpah says:

          wow, talaga palang nagconvent ka nun. Bawi ka sa friend mo ha. God bless!

        • Sphere says:

          Ahahaha oo yung bestfrend ni nanay madre/teacher don kaya pinaampon nya ko saka sakitin ako nong bata pako sabi dinididicate daw ako at yung plan tlga eh magmadre ako kaso hindi kaloob sakin makulit ako nong bata pako maski ata hanggang ngayon ahahaha:-)

        • themizpah says:

          wow! edi miss mo na din sa kumbento?

        • Sphere says:

          Hindi naman masyado nong paglabas ko nagkaroon ako ng bf na Christian Youth leader sya yung kwento ko sa 2nd post ko sya yon medyo nagiba yung pano ko ba sasabihin may nagiba sa paniniwala ahhh hirap magpaliwanag bahala kana alam ko naintindihan mo na yon basta may nagiba sa religious system ko nong makilala ko si exbf.

        • themizpah says:

          naiintindihan ko iyon yata ang unang koment ko sa iyo. babalikan ko irereview ko ulit.

  21. duking says:

    iba talaga tol pong kapag teacher.hindi tumitigil yung impluwens ng mga aral.

    kaya hindi nakakapagtakang higit pa sa mga photo shares sa friendster ang taguan nila ng pangungulila sa gaya mong tao.

    dangal ka ng lahing kayumanggi,tol!

    • themizpah says:

      nahiya naman ako sa sinabi ni kuya duking. papuri po sa Diyos. lahat siguro tayo may angking bitbit na legacy sa bawat nakakasalamuha natin at iyon ang nag-iiwan ng marka sa kanila.

      salamat po kuya duking, kadarating ko lamang.

      God bless!

      • duking says:

        humble pa lagi.kaya hindi nakakapagtakang marunong ka.dahil laging naka bukas ang palad mo na tumanggap ng karunungan.personal akong nagagalak na nakilala kita dito.at bilang isang guro,awtomatik din ang respetong makukuha mo mula sa akin.

        halos teacher lahat ng tita at tito ko fathers side kaya ganun na lang ang paghanga ko sa natatanging propesyon na yan,tol pong.

        ingat lagi jan and may your tribe blossoms a million fold!

        • themizpah says:

          I receive those blessings that you said kuya duking!

          ganoon ba mga guro din pala ang mga tito at tita mo, wala bang sumunod sa kanilang yapak sa pamilya mo kuya?

          ako din ay nagagalak na nakilala kita at malamang sa pag-uwi ko ay magse-set ako ng araw para kayo ay bisitahin pati si kuya kulisap.

          ingat ka din diyan, ang pagpapala ay ibinabalik ko din sa iyo kuya at maging sa lahat ng hahawakan ng iyong kamay sa pangalan ng ating Maykapal.

          ingat din po diyan.

        • duking says:

          dati gusto ko sana.kaso,nakita ko din na mahirap na yung trabaho,maliit pa ang sweldo.masyadong sakripisyo.pero yung pag galang na makukuha,yun ang nagpapaapaw ng puso nila kahit madalas na walang laman yung bulsa.

          for a reason,hindi ko na lang pinursige ang pagiging teacher.pero baka balang araw,gusto ko rin magturo ng kung fu.hehehe!~

        • themizpah says:

          ahahah, kung fu o kaya pagdu-doodles ang ituro mo kuya duking.

          ganun nga siguro iba talaga ang pagiging teacher.

          saludo din ako sa kanila.

  22. namiss na nga kita agad themizpah ilang araw lang ako naglielow sa blog.
    you do have positive influences on others with the thoughts and stories you share and the meaningful comments you give everytime you read our posts. basta galing sayo for sure, it’s something deep and with sense na tumatagos sa puso.

    you will always be missed because you are a great person, themizpah🙂

    • themizpah says:

      Glory to God!
      tats naman ako sa sinabi mo ms. green bell pepper,
      namiss din kita, dapat nga ipapa Bantay Green Bell Pepper 108 kita eh,
      o kaya naman Green Bell Pepper Mo I-Patrol Mo

      salamat kasi nakilala ko kayo.

      Miss ko na yung mga post mong kapupulutan ng mga aral.

      God bless

  23. bertcontrol says:

    may mga pagkakataong kahit di tayo marunong magsenti e kusa natin ‘yong
    nagagawa nang dahil sa mga nakaraan at mga taong gusto nating balikan.

    …nakakalibang ang manghula kung saan ka dun sa mga larawan.
    hehe.

    “A teacher affects eternity, no one can tell where his influence stop.” –nakalimutan ko lang kung sino nagsabi nito.😀 Godbless!

  24. J. Kulisap says:

    Base lang muna ako.

    Busy mode ako.Wahahahaha.Mamayang hapon na siguro ako makabloghop

    • themizpah says:

      magandang umaga kuya kulisap. Alam mo bang may isa akong munting suliranin. Ang isked namin para sa OAV ay sa biyernes, at ito din ang araw ng pananambahan namin. Di bale magagawan ito ng paraa. Be blessed kuya!

  25. nhix says:

    first time ko po dito kuya pong.. daming makakamis sainyo, lakas ng impact nyo eh.. teacher pala kayo..
    ingat po kayo dyan..

  26. nhix says:

    sure add nyo po ako.. inadd ko na rin po kayo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s