Random: In Joy!

Posted: May 4, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags:
Ang Pilipinas
Pinagpala, sagana
Bayan ni Yahweh
Ako ay Pilipino
Marangal at magiting
Hubog ng Diyos
Diyos at bayan
Sandigan at tanggulan
Bayan at Diyos
Tungkong-kalan
Bato, metal, pilak
Diyos, bayan, pamilya at paaralan
nakalimutan ko ng tumula
dahil sa bayan kong lumuluha
nawawalan na ako ng pag-asa
sa bawat pangako ng pulitika
nasa Dios Ama at wala sa tao
ang minimithing pagbabago
ang pagtitiwala na kahit sino pa iboto
ang kalalabasan sa ating Dios isuko
Ama, patawad sa aming pagkakahati-hati…
ang mag-away ay din namin gustong mangyari
maghari nawa ang pagmamahal sa bawat isa
at lumiwanag muli sa aming bansa
Ysae
wala man ako sa bayan kong mahal
at nangangamuhan dito sa malayong lugar
hindi kailanman sa isip at puso ay nawalay
na ako’y Filipino, anak ng Bayan, anak ng Diyos, hanggang sa mahimlay…
Ms. Green Bell Pepper
pagsamo ko sa Itaas ako nawa’y gabayan
sa muling paglisan sa aking Inang Bayan
bitbit ko mga pangarap at pag-asam
na sana’y lupang tinubuan umahon mula sa kawalan
sa aking paglalakbay dalangin ko’y dingin
ang lahing kayumanggi’y maging masunurin
sa Iyong pangaral at tagubilin
ng sa gayun ay wala ng magpapa-alipin.
Kuya Dahn
Nililigaw ang landas kong hindi matuwid
Ngunit kamay Niya’y yumayakap ng anong higpit
Upang pananalig ko’y huwag sumisid
Paibaba sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Darating ang oras, ako’y magbabalik
Hahanapin ang daan, ng Poong nasasabik
Sa aking pagkaligaw, ilaw Niya’y ipababatid
Upang umaga ko’y Kaniya ng Pag-ibig.
Kuya Kulisap
Comments
  1. nhix says:

    base…hehehe
    ganda ng tula..

    • themizpah says:

      at dahil base ka waling (kapampangan for nakababatang kapatid)nhix ay may premyo ka: isnag mahigpit na yakap!

      Glory to God, actually kanta dapat iyan, hindi ko matapos tapos kaya nirandom ko nalamang.

      And by God’s grace makatapos ako ng isang shortbook. God bless at salamat.

  2. nhix says:

    waling?..eh ano naman po ang kuya?? kapampangan kayo??
    kanta yan? wow? sana matapos nyo na po para maging kanta na po.. at dahil frustrated singer po ako.. magiging masaya ako kung ako ang magiging singer nyo..hehehe..
    Glory to God po.

    • themizpah says:

      wali (root word siya + ng kung ilalagay with the name)
      koya (kuya + ng pag ilalagay with the name)

      pareho tayo frustrated singer eheheh,
      cge kapag natapos ito ipapaalam ko kaagad sa iyo.

      kumusta ang servolution?

      God bless!

  3. kayedee says:

    panatang makabayan iniibig ko ang pilipinas
    eto ang tahanan ng ating lahi
    akoy kanyang kinukupkop at tinutulungan
    upang maging malakas…. hala nalimutan ko na ang kasunod. ehehhe..

    eto ang naicp q nung binasa q post u kuya eh! eheheh

    • themizpah says:

      eheheh, ok ang Panatang Makabayan.
      Pinalitan na iyan di ba, yung Ako ay Pilipino buong katapatang nanunumpa sa watawa ng Pilipinas at sa bansang kanyang sinasagisag….

      Magandang hapon diyan.

      God bless!

      • J. Kulisap says:

        WAHAHHAHAH.ang tanda na kasi ni Kayedee.

        Buo ang aking pagkatao kung kasing bait ko na sana si peter Pongkie.

        marami pa akong kakaining damo.ahahaha

        • themizpah says:

          ngek, kuya lahat tayo ay papunta sa kabaitan.

          kumusta na?

        • Sphere says:

          kabaitan? natakot akong bigla baka mawalan ako ng bait ahahaha joke! kamusta naman ang stress? kmusta pakiramdam mo ok knb?

        • themizpah says:

          mabuti na ako ms. sphere konting rest nalang nito. ulam ko now ampalaya, no meat muna ako at syempre fruits.
          kanina nag-LBM ako siguro sa stress din.

          kumusta ka na? si crush? whaahahaahah

        • Sphere says:

          buti kapa may ulam ako kanin lang ahahaha (nakalimutan ko ulam ko eh😦 )

          Si crush ayon hindi ko na sya crush ahahaha

  4. Sphere says:

    Ako ay Pilipino
    Ang dugo’y maharlika
    Likas sa aking puso
    Adhikaing kay ganda
    Sa Pilipinas na aking bayan
    Lantay na Perlas ng Silanganan
    Wari’y natipon ang kayamanan ng Maykapal

    Bigay sa ‘king talino
    Sa mabuti lang laan
    Sa aki’y katutubo
    Ang maging mapagmahal

    ” kung iintindihin mo tong kantang to parang nakakaligalig” parang bagay na bagay sa mga tumatakbong Presidente🙂

  5. Len says:

    Ako ay Pilipino
    Marangal at magiting
    Hubog ng Diyos…🙂

    Yessss!

  6. twistedisme says:

    dahil dito, itutuloy ko na ang pagsusulat ng mga tula na minsan eh tinangka ko ng ibaon sa limot..😆

  7. ysae says:

    nakalimutan ko ng tumula
    dahil sa bayan kong lumuluha
    nawawalan na ako ng pag-asa
    sa bawat pangako ng pulitika

    nasa Dios Ama at wala sa tao
    ang minimithing pagbabago
    ang pagtitiwala na kahit sino pa iboto
    ang kalalabasan sa ating Dios isuko

    Ama, patawad sa aming pagkakahati-hati…
    ang mag-away ay din namin gustong mangyari
    maghari nawa ang pagmamahal sa bawat isa
    at lumiwanag muli sa aming bansa

    ok na to, di lang ako nose bleed, brain freeze pa

    • themizpah says:

      wala na akong masabi pa bro, inilagay ko sa itaas ang gawa mo.
      I believe ito ang nasa puso mo. Saludo ako sa iyo. May pag-asa. Mabait ang Diyos.

      God bless bro!

  8. galeng naman themizpah. simple lang pero malalim ang kahulugan. ipagbunyi natin lagi ang pagiging Filipino natinkahit at pagiging anak ng Diyos. mabuhay ka, themizpah, at ingat lagi.

    wala man ako sa bayan kong mahal
    at nangangamuhan dito sa malayong lugar
    hindi kailanman sa isip at puso ay nawalay
    na ako’y Filipino, anak ng Bayan, anak ng Diyos, hanggang sa mahimlay…
    🙂

  9. Dahn Jacob says:

    pagsamo ko sa Itaas ako nawa’y gabayan
    sa muling paglisan sa aking Inang Bayan
    bitbit ko mga pangarap at pag-asam
    na sana’y lupang tinubuan umahon mula sa kawalan

    sa aking paglalakbay dalangin ko’y dingin
    ang lahing kayumanggi’y maging masunurin
    sa Iyong pangaral at tagubilin
    ng sa gayun ay wala ng magpapa-alipin.

    (magandang araw kuya Pong! sorry po, ngayon lang ako nagbalik mula sa pagkakahimlay. ngayon lang din kasi ulit ako nagbasa ng mga kumento sa aking blog. hehe…)

    • themizpah says:

      maraming salamat po kuya Dan. Napakagaling po ng sinabi niyo.
      Idinagdag ko po iyon sa taas.

      Maligayang pagbabalik po.

      God bless po

  10. jason says:

    grabe pong ikaw may gawa nito??

    talented mong bata shaks!

    pati rin yung tula nung iba maganda rin…

    bat ako di mo hingingan ng tula?

    hahahah wag na pala – aabutin ng isang linggo bago ko makagawa lol

    talagang proud na proud kang maging pilipino ano?
    ako din.😀

  11. J. Kulisap says:

    Sir,nag-reply na po ako.

    Thanks po.

    • themizpah says:

      nagbalik sulat na din po ako sa iyo sir.

    • themizpah says:

      ikaw kuya wala ka bang maidadagdag sa tula sa itaas? Miss you kuya.

      • J. Kulisap says:

        Hiya ako eh. Pero subukan natin Sir.

        Nililigaw ang landas kong hindi matuwid
        Ngunit kamay Niya’y yumayaka ng anong higpit
        Upang pananalig ko’y huwag sumisid
        Paibaba sa iba’t ibang panig ng daigdig.

        Darating ang oras, ako’y magbabalik
        Hahanapin ang daan, ng Poong nasasabik
        Sa aking pagkaligaw, ilaw Niya’y ipababatid
        Upang umaga ko’y Kaniya ng Pag-ibig.

        Subok lang po Sir.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s