Panalangin

Posted: May 5, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags: , ,


When God Ran


What If His People Prayed

(Allow me to post this as my contribution for our upcoming Philippine General Election. Earlier, I decided that this post be in “comment-off” mode to repesct the beliefs of others. But I made up my mind because I see nothing offensive in its content. Thanks to Kuyas Davin, Vajrl, Kulisap, Jason, Vary and Ates Sal, Nalaine and Anini for the help. My friends, feel free to comment and air your petitions and thanksgiving to our good Lord.)

Ama naming makapangyarihan sa lahat. May-akda ng buhay at pag-ibig. Patuloy ka naming pinupuri at sinasamba. Tunay kang sapat at tapat sa aming mga buhay. Hindi ka nagkukulang at hindi ka nagbabago. Dakila, mabuti at wala kang katulad.

Sa oras pong ito ay humihingi kami ng kapatawaran sa aming mga nagawang pagkakamali. Sa mga bagay na hindi naging kalugud-lugod sa inyong harapan at sa aming kapwa tao, patawad po. Mga salitang aming nasambit, naisip na kalikuan, nagawa ng aming kamay at nilakaran ng aming mga paa na hindi nagbigay ng kaluwalhatian sa iyo patawad po. Sa mga bagay na nagawa naming hayag o hindi hayag na nagdulot ng sakit sa aming kapwa tao, patawad po. Sa mga bagay na hindi namin ginawa na dapat naming nagawa, patawad din po.

Salamat po sa kapatawaran, paglilinis sa aming mga puso at isip.Tunay nga pong kayo ang aming Diyos na mapagpatawad. Maraming salamat po.

Patuloy po naming inilalapit ang aming bayang Pilipinas. Kami po ay naninikluhod para sa aming lupang hinirang na patuloy po kayong kumilos sa aming kalagitnaan. Idinadalagin po namin ang bawat pulo, isla, kabundukan at kapatagan na kinalalgyan po ng bawat Pilipino ang inyong proteksyon ang ibigay sa amin.

Inilalapit po namin ang aming nalalapit na halalan. Idinudulog po naming lahat ng detalye nito, simula po sa pamumuno ng COMELEC, mga guro, mga volunteers, mga kandidato at maging ang kumpanya na humahawak sa mga makinang gagamitin, ang pagkakaunawaan, pagtutulong-tulong at katapatan ang mamayani. Ang pagkatakot po sa inyo ang magsilbing daan ng karunungan at kaayusan.

Patuloy din po naming ibinaba sa iyong banal na harapan ang pagkakahati-hati, pagbabangayan, pagsisiraan at pagpapatayan at palitan mo ito o Diyos ng pagkakabuklod-buklod, pagkakaayos, pagmamahalan at buhay.

Iwinawaksi po namin sa pangalan po ng Aming Panginoong Hesus anumang gawa ng kalaban ay hindi makakapanaig sa aming halalan. Balutan mo o Diyos ng iyong makapangyarihang dugo lahat ng mga istrumento, dokumento, makina at lahat ng parapernalya at maging mga maglilingkod na mga guro upang maidaos ng may katagumpayan ang aming halalan.Patuloy naming itinataboy anumang uri ng pandaraya at kaguluhan sa kapangyarihan ng Santong Ispiritu.

O mahal naming Diyos, ipadala mo ang mga batalyon mong mga anghel sa aming bayan at italaga mo rin silang tagabantay sa bawat presinto at lugar na pagdarausan ng aming halalan sa loob at labas ng bansang Pilipinas.

Dinadalangin din po namin na sa tama at takdang panahon ay maipoproklama ang mga nanalo. Inilalapit din po namin ang mga hindi papalaring kandidato ang maluwag na pagtanggap sa pagkatalo at ibalik mo o Diyos ang kapayapaan at kahinahunan sa kanila.

Isinusuyo po namin na kayo ang magluklok sa ihahalal ng sambayanang Pilipino. Itinataas din po namin ang maluwalhating pagpapasa ng kapangyarihang pampamahalaan ng mga kasalukuyang nasa posisyon sa darating na Hunyo sa mga mananalo mula sa nasyonal at lokal na lebel.

Patuloy po naming inaamin na ang lahat ng mga ito ay hindi namin magagawa kung wala po kayo.

At patuloy po naming inaangkin ang katagumpayan at kaayusan ng aming halalan. Tama na po O Diyos na ang dugo mo na lamang ang naibuhos/maibuhos sa aming bayan/halalan at kami ay siguradong may kahihinatnan.

Sa iyong mga kamay po namin inihahabilin ang aming bayan hindi lamang nitong halalan bagkus magpakailan pa man.

Ang pag-asang padating sa aming bayan sampu ng mga nanunugkulan at maging kaming mga mamamayan ay ikaw lamang ang sandigan.

At sa muling pagbangon at pagkislap ng Perlas ng Silanganan ikaw lamang ang aming tuntungan.

Maraming, maraming salamat po sapagkat sa ganitong mga pagkakataon ay ipinapakita mo ang iyong kadakilaan sa aming mga buhay at bayang Pilipinas. Dakila po ang iyong pagmamahal na hindi po namin mapapantayan.

At patuloy po naming idenedeklara na mahal na mahal po naming kayo kung paano niyo kami minamahal, kahit ang sa amin ay kulang at madalas kang makaligtaan.

Ikaw po ang maitanghal, sa iyo po lamang lahat ng papuri, pagdakila, pagsamba at lubos ang aming pasasalamat sa pangalan po ng aming Panginoong Hesus na tagapagligtas sa kapangyarihan ng iyong Banal na Ispirito. Amen.

 

Comments
  1. Len says:

    base! base muna, ang haba eh.. hehehe..

  2. Len says:

    yeah, we all need this prayer, sana naman maging OK ang election at amging mapayapa ang lahat. God Bless po sir!🙂

  3. J. Kulisap says:

    Amen.

    Naidalangin ng lahat.

    Taimtim kong kahilingan, diringgin.
    Maging tao, upang tao ay magwagi din.

  4. ysae says:

    God hear the humble….. sinusulat mo pa lang, narinig ka na…. may mangyayari sa Pilipinas dahil sa mga kagaya mo

  5. etchosera says:

    Amen. Sama sama tayong manalangin para sa ating bansa.

    hi kapatid na pong😀

  6. busyokology says:

    amen po. sana nga ay maging mapayapa at malinis ang darating na halalan🙂

  7. twistedisme says:

    At patuloy po naming idenedeklara na mahal na mahal po naming kayo kung paano niyo kami minamahal, kahit ang sa amin ay kulang at madalas kang makaligtaan

    like ko to, bilang OFW na madalas makaligtaan, kahit ganun iisa pa rin ang ating bayan, walang ibang mag-mamahal at mag-mamalasakit kundin tayo rin, sana nga marinig na tayo na maging maayos at patas ang eleksyon.

  8. toni says:

    kaisa mo kami sa layunin kapatid.

  9. J. Kulisap says:

    Base ako ngayong umaga. Ilang araw na lamang.

    Ipadala ang mensaheng nagpapatunay na may puso ang mga Pilipino

  10. kaye says:

    Gusto ko sanang i-highlight yung mga bahaging sa ganang akin ay napakahalaga, ngunit hindi ko na nagawa sapagkat lahat ng mga tinuran mo dito ay napakahalaga. Totoo, sana bigyan Niya ng tamang pagiisip ang lahat, hindi lang ang mga kandidato kundi ang mga boboto. at nawa’y maging mapayapa ang magiging eleksyon…walang mangyaring pandadaya, maiproklama ng maayos ang mga mananalo at ang mga matatalo nama’y magparaya ng maayos. dito kasi sa atin, wala raw kandidatong natatalo…puro mga kandidatong nadadaya lamang.

    at tama…hindi natin magagawa ang lahat ng ito kung wala Siya kaya sama sama tayong manalangin…

  11. ysae says:

    hey pong! remember when i told you about someone who got hold of my latest post. Bro, they already want to support us with school supplies coming from the US. Galing, it can only be God’s leading. That’s why we really emphasize Serving God by serving the community… God bless!

  12. kayedee says:

    amen.. sana nga magkaroon na tayo ng tama at fair na eleksyon this time.. haiizzz sana yung karapat dapat na ang umupo.. haiiiizz puro nalang sana sana sana.🙂

  13. Vajarl says:

    Congratulations sa pag embed!🙂

    • J. Kulisap says:

      Wala na namang nasabi si Vajekjek,

      • Vajarl says:

        Eh religion nanaman yan eh. Ayoko munang magsalita, saka na pag sobrang close na kami ni Pong at pwede na ko manlait. Joke. Hahahaha.

        Morning Pong!🙂

        • J. Kulisap says:

          Hindi mo kayang laitin si Pong, dahil napakabait na tao ni Pong.

          Ako nga, nagtitino (joke lang) dito sa bahay niya eh.

          Spare Pong in your dirty plans Vajek, ako na lang babuyin mo kahit kulisap ako.

  14. jason says:

    ayan na nakapaglagay ka din ng music pong! hehe

    kung katulad mo pong ang lahat ng tao, o sana kahit man magsimula muna sa kabataan.. tiyak walang gulo.

    saludo kami sayo kaming mga hamster! yahoo.. ill keep this prayer.😀

  15. Vajarl says:

    Alam mo ba na isa sa mga palaisipan sa akin ang pagdadasal? Mahirap sabihin kung kelan ako dapat tumingala pag nakakakita ako ng taong naglalakad paluhod sa altar. Saludo ako sa may mga mabubuting hangarin sa paghiling sa pinaniniwalaan nilang maykapal, pero bakit kapag humihiling ang iba ng mga bagay na sa tingin ng marami ay makasarili eh nagmumukhang hindi kasing halaga ng hiling ng tinuring na mabuti ang hinihiling nya? Kung nagdarasal ang iba para sa kaligtasan ng marami at may darating pang isa at wala ng space sa silya, papaalisin ba ang nagdarasal para sa sarili nya?

    Takte sabeng ayoko magcomment ng seryoso. Si Lolo kase eh. Pakisampal nga para saken yang ipis na yan Pong.

    • J. Kulisap says:

      They (those who prays) have their own burden to carry, wherein prayer regardless of manner it was done is the ONLY answer to access God’s guidance and blessing.

      Kunyari hindi ka natae, di ba minsan hinihiling mo sana matae ka na para maayos na ang pakiramdam mo, ganun din ang pagdarasal, may hinihingi ka, may idinudulog ka.

      Papaalisin siguro yong nagdarasal para sa sarili niya, kung narinig nong magdarasal para sa marami.

      Alam mo Vajekjek, you are a good investment, nagkukunyari ka lamang Maldita sa harap ng mga readers mo pero sa totoo lang ikaw ay isang “fragile” na tao na kinalulugdan ng Lumikha sayo, paniwalaan mo man o hindi.

      May purpose ka pa rin, ang magpamulat na hindi lahat ng tao ay mabuti ayon sa paniniwala ko at nya lamang.

      Sabi na ayaw kong nagkokoment ng seryoso eh, pakigilitan nga ng hair sa Vajek Sir Pong.

  16. J. Kulisap says:

    Sa Lunes, hindi lamang Pilipino ang magbabago ng kasaysayan kungdi ang kwento ng kasaysayan ng mundo.

    Maipagmamalaki ang Pilipino.

  17. jason says:

    nasan ka na pong pong ping pong.

    magandang gabi sayo mula d2 sa pinas!

    sarap ng ulam namin fish steak. kain na! yahoO!

  18. amen for this, sir. something’s stirring in the heavens, no? :]
    yes, sir, got a 4. all of us need to retake the subject, except karetang menikwa 50 pataas ketang last ming exam… ._.
    eto sir, mainit pa rin sa pilipinas… honestly sir the elections is looking grim to me: pcos machines not working properly, pinapasabugan na otw pcos machines, people threatening other people not to vote or else!, etc etc. but nothing that God cannot sort out, i bliv. :] ingat kayu sir, miss you!

    • themizpah says:

      I agree with you mine, nothing is impossible with our Lord Jesus Christ. They may seem so giant but we have a big God.

      mainit na din dito. di bale kaya mo din malampasan ang 4 na iyan. take good care of your self and continue to shine for our Lord, regards sa mga classmates mo ha.

      we’re all in this together in praying and we know we have victory in Christ. God bless mine. see you all soon.

      miss ko na din kayo.

  19. beeftapa says:

    amen… sama-sama tayong magdasal.

    bat parang di pa din gumagana ung music o ako lag ang may prob? hmmmm…

  20. jason says:

    nasa chatroom na pong yung link para sa autoplay music..

    pero remind lang kita na applicable lang sya sa piling-piling themes

  21. themizpah says:

    @ALL

    As we are about to face the next big leap for our country by casting our votes with our chosen candidates. Let us all bear in mind that God hears and answers and all things work together for our good. Every big leap starts wil small and simple step. Every high rising dreams and hopes start with a simple spark. All we have to do is ask. This is our battle for a new Philippines and God is with us and the real battle is with the Lord.

    Maraming, maraming salamat po!

  22. meliza says:

    hayzt di ako base! ahahahah
    amen! nice post pong! kkaibang blog..its about prayer…well said pong…
    ..sana llahat na inihalal na opisyal ng pinas katulad mo na may malasakit..
    well para sa akin ito pinakapowerful na sandata sa lahat ng bagay sa buhay ko…
    ipagpray mo rin ako lagi para kasama sa blessings mo..heheheheh
    ingatz!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s