Para Kay Nanay

Posted: Mayo 9, 2010 in Personal
Tags: , ,

Ang mga yakap at bisig mo ang aming kanlungan
Sa iyong mga pangaral nahubog ang kamulatan
Tigib ng luha mo ang nagsilbing puhunan
Pagmamahal mo’y walang sukatan

Kamaliang nagawa ay hindi kinukunsinti
Pangaral, pamalo at sermon iyong pinipili
Pagtutuwid mo ay walang pasubali
At ang aming paglakad ay maging mabuti

Suporta mo sa amin ay walang katulad
Kahit saanmang dako mapadpad
Hawak kamay tayo sa paglalakad
Sa Diyos at sa kanyang palad

Walang katumbas ang iyong hirap, pasakit at pagpapagal
Sa puso mo at maging sa iyong mga dasal
Kagaya ng iyong hirap sa aming pagluwal
Kagalakan mo ang makitang kami’y naglilingkod sa Maykapal

Salamat sa mga aral at gabay na nagtuwid nitong landas
Patawad sa mga kasinungalingan at pagsuway na ipinamalas
Pangako, bilang kadikit nitong buhay pag-ibig mo’y ‘di mawawalay
Mabuhay ka! Aming nag-iisang NANAY!


Ma dakal pung salamat, miss da nakayu pati deng kapatad ku. Kaluguran da kayu ngan.

Nanay Veron

Lou, Mama & Sam

Sam & Mama

A blessed mother’s day to you and to all the mothers in the world as well as those who have chosen to become mothers to the motherless.

Mga Puna
  1. Sphere ay nagsabing:

    Base yehey!!!

  2. toni ay nagsabing:

    mapalad kayo pareho ng nanay mo Pong for having each other.
    HAPPY MOTHERS DAY sa kanya.

  3. Joyo ay nagsabing:

    wow napakatamis naman ng tula na iyan… sana mabasa ni nanay mo… happy mother’s day sa knya…

  4. nalaine ay nagsabing:

    happy mother’s day sa Mama mo Kuya!

    • themizpah ay nagsabing:

      salamat waling nalaine, sa iyo din A blessed mother’s day sa mama mo. Yehey bumisita ka ulit, I mean first time ni Nalaine yahooooo!

      • nalaine ay nagsabing:

        haha. nabisita naman ako dito. tinatamad lang ako magcomment dahil alam kong hindi naman kailangan yun. 🙂

      • themizpah ay nagsabing:

        ahahhahah kailangan kasi para sa susunod na pagkoment mo pag hindi ka na tinatamad ay hindi na maiimbak sa pending ang koment mo.

        Ang galing nung Project 1 mo: Ang grade mo is 100% walang rubrics yan, tsaka obejective ang ginawa kong pamamaraan ng paggrade ahahaaha

  5. J. Kulisap ay nagsabing:

    Ma dakal pung salamat,Kaluguran da kayu ngan et magpakailan man.

    Eport.

    Basta I love u mama

    • themizpah ay nagsabing:

      Kuya salamat sa eport ha.

      I love u din sa mama mo.

      God bless!

      • J. Kulisap ay nagsabing:

        Makakarating.

        Swerte natin ano, sana yong mga nagtatampo sa mga magulang nila, matututong magpakumbaba at hagilaping muli ang kandili ng kanilang mga kamay.

      • themizpah ay nagsabing:

        Salamat sa salitang kandili kuya kanina ko pa iniisip iyan. “Cradle” yahoooooooooooooooo. Mapapalad tayo kuya kasama natin ang ating mga ina. Tama ka ang pagpapakumbaba ay dapat maganap sa pagitan ng ina at mga anak. Katulad ng mangyayari sa mga susunod na oras sa inang bayang Pilipinas, sa inang kalikasan. Ina – Kandili – Cradle – In their breast we are safe and secured like with our Lord.

  6. Len ay nagsabing:

    Happy mother’s day sa mom mu pong. 🙂

  7. jason ay nagsabing:

    happy mother’s day sa iyong nanay. mahal na mahal mo talaga sya ano?

    walang kaparis ang mga ina.

    mahal na mahal ko rin si mommy ko..

    pag ako gumawa ng ganito. iiyak ako sigurado.

    • themizpah ay nagsabing:

      ganun talaga kapag mahal natin
      gawa ka din tapos pabasa natin sa mommy mo.
      oo mahala na mahal ko si mama
      madami yang sakripisyo para sa amin.
      hindi ko nasave yung mga pics niya sa FB (nung nagtour siya sa ABS-CBN kaya yan lang ang pics niya naipost ko na nakasave sa pc dito sa opis.

      salamat sa pagbati makakarating sa kanya.

      Isang mapagpalang araw ng mga ina sa mommy mo!

  8. ysae ay nagsabing:

    bumati na rin ako.
    ayoko ng tumula muna.
    happy mothers day din s nanay mo!

  9. kayedee ay nagsabing:

    waw! hang sweet nyan kuya pong sana mabsa yan ng mama mo..tinwgan mo nb xa?

    gndng arw kuya!

  10. jason ay nagsabing:

    Nakaboto na pala ko pong, kaninang umagalang, di masyado marami tao. kaso pinapauna talaga mga senior citizens. pero ayos lang din. tmagal ako ng 1 hour dahil sa pila. Syempre may mga commotions din, may tensions. Yung mga nagkakamali ng pila, sasabihin tagal na daw pumila, pero mali ang precint number… tapos may mga nagpapasingit sa pila, mga kamag-anak na kumain muna at babalik sa pila, mga ganon..

    successful ang bothan sa min. yehey nakaboto na ko yahooo may ink na ko sa kuko. ang dungis. lol

    • themizpah ay nagsabing:

      congrats kuya jason.
      yep nakamonitor kami sa bahay since last night sa TFC at maging sa i-net nito. We are all praying for our elections.

      si kuya jason nakaboto na, kayo bumoto na rin.

  11. nhix ay nagsabing:

    happy mother’s day po sainyong ina
    hulaan ko po name ng mother niyo.. Veronica po ba short for Veron??

  12. Ravy ay nagsabing:

    happy mother’s day sa mommy mo mizpah…

  13. teentoinks ay nagsabing:

    Uy, ganda ng alay na tula para sa iyong ina. Belated happy mother’s day po sa mom mo.

    Gandang araw themizpah.

  14. Dorm Boy ay nagsabing:

    Belated Happy Mother’s Day sa Mom mo! Sarap magblog about sa Ina!

  15. lakwatseraako ay nagsabing:

    nakikidaan lang po, salamat po sa daan sa bahay ko. Maligayang mothers day po sa iyong ina kuya! 🙂

    pa link naman po?

  16. chevybo ay nagsabing:

    Kuya Pong! Maligayang Happy Mother’s Day sa inyong mama! Naway makasama pa natin ang mga mahal natin sa buhay ng mas mahaba pa sa pinakamahabang panahon! 😀

    Namiss ko kayo! Mag-iingat lagi at Godlbess!;)

    P.S. Nagsend pala ako sa’yo ng email gamit ang gmail account ko, receive mo ba?

  17. salbehe ay nagsabing:

    belated happy mothers day sa nanay mo. 🙂

  18. J. Kulisap ay nagsabing:

    Ang bait talaga ni Salbe ngayong araw. Nakakakaba.

    Inihaw, naglibot ako sa bahay ng mga sambablog, iba’t ibang kwento at karanasan sa ina, at talaga namang ang puso ko’y nilamon ng tuwa, lungkot at paghanga.

    Hi Pongkielen

  19. kaye ay nagsabing:

    weh. last base na naman ako…

    ang ganda ng mga sinambit mo tungkol sa iyong nanay. sa aking palagay, marami, kundi man lahat ng nanay ay katulad ng paglalarawan mo sa iyong nanay… mapagtiis, mapagpasakit, dumidisiplina, ngunit higit sa lahat ay mapagmahal. walang makapapantay sa pagmamahal na ibinibigay ng mga nanay sa kanilang anak, at ito ay dahil sila ang kumakatawan sa ating Panginoon na nasa langit. 🙂 maligayang araw ng mga ina sa iyong nanay, Pong. 🙂

    • themizpah ay nagsabing:

      Salamat po ate kaye. Sa iyo din po mapagpalang araw ng mga ina. Your stories about your kids reminds me always of my mama. Kaya kapag nakakabasa ako ng mga post tungkol sa mga ina ay I can’t help but thank God for giving us all our own mothers.

      Salamat po sa pagbisita.

      Be blessed!

  20. the cyberpat ay nagsabing:

    good morning kuya… masyado na pala akong late… nyay… 🙂 ang bata pa po ninyo sa pics kuya ah… cguro ganun po tlga pag nanay… maswerte nga rin po ako kay mama eh… cge po kuya… God bless kuya

  21. maegan C. ay nagsabing:

    the best talaga ang mga nanay dahil tapos na sila sa pag lalaba mag lilinis pa sila ng bahay
    gusto kosana mag pasalamat sa nanay ku pero parang nahihiya ako

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s