Para Kay Nanay

Posted: May 9, 2010 in Personal
Tags: , ,

Ang mga yakap at bisig mo ang aming kanlungan
Sa iyong mga pangaral nahubog ang kamulatan
Tigib ng luha mo ang nagsilbing puhunan
Pagmamahal mo’y walang sukatan

Kamaliang nagawa ay hindi kinukunsinti
Pangaral, pamalo at sermon iyong pinipili
Pagtutuwid mo ay walang pasubali
At ang aming paglakad ay maging mabuti

Suporta mo sa amin ay walang katulad
Kahit saanmang dako mapadpad
Hawak kamay tayo sa paglalakad
Sa Diyos at sa kanyang palad

Walang katumbas ang iyong hirap, pasakit at pagpapagal
Sa puso mo at maging sa iyong mga dasal
Kagaya ng iyong hirap sa aming pagluwal
Kagalakan mo ang makitang kami’y naglilingkod sa Maykapal

Salamat sa mga aral at gabay na nagtuwid nitong landas
Patawad sa mga kasinungalingan at pagsuway na ipinamalas
Pangako, bilang kadikit nitong buhay pag-ibig mo’y ‘di mawawalay
Mabuhay ka! Aming nag-iisang NANAY!


Ma dakal pung salamat, miss da nakayu pati deng kapatad ku. Kaluguran da kayu ngan.

Nanay Veron

Lou, Mama & Sam

Sam & Mama

A blessed mother’s day to you and to all the mothers in the world as well as those who have chosen to become mothers to the motherless.

Comments
  1. Sphere says:

    Base yehey!!!

    • Sphere says:

      miss ko na si nanay gusto ko lugaw huhuhu sobrang sama ng pakiramdam ko:-(

      • themizpah says:

        magpahinga ka ms.sphere, yep walang taatlo sa aruga ng isang nanay.

        rest ka.

        at dahil base ka hintayin mo ang delivery ng cyber lugaw sa monitor mo. A blessed mother’s day to your mom.

        • Sphere says:

          whaaa!!! d2 nga ko haus di naman ako makatulog…kakainip 😦

        • themizpah says:

          ako din may 30 days sick leave pa ako na hindi nagagamit, tsaka hindi pa ako nag-aabsent kahit minsan. tama yan relax-relax ka lang ms.sphere, inom madami water.

        • themizpah says:

          dayoff mo pa din or nag-absent ka? watch ka ng movie yung anime or magluto ka ng tanghalian natin. si crush ba hindi siya nagpakita ng concern sa pagkakasakit mo? hmmmmmmm

        • Sphere says:

          sickleave po 😦 may 27 days pakong leave na hindi ko nagagamit gamitin ko cguro ung 1week para rest muna ako…kinig lng ako music relax & chat…:-)

    • Ms. Unknown Gurl says:

      ang ganda !! :DD

  2. toni says:

    mapalad kayo pareho ng nanay mo Pong for having each other.
    HAPPY MOTHERS DAY sa kanya.

    • themizpah says:

      salamat po ms.mtoni. isang mapagpalang Araw ng mga Ina sa iyo at sa nanay mo, at sa mga tumatayong nanay sa buhay mo. God bless po.

      • toni says:

        me problema browser ko, ilang beses kelangan irefresh bago lumitaw comment.
        pati ung song sa kabila ganun din, palitaw…kanina ko lang naplay at maganda ung song.

        • themizpah says:

          ganun po ba, salamat po at nagustuhan niyo yung song.

          God bless po ms. mtoni.

        • themizpah says:

          baka dati pong tindera ng palitaw ang browser niyo (pinapatawa ko lang po kayo).
          nakaboto na po ba kayo diyan sa canada?

        • toni says:

          osongapoy lahi nito kaya siguro bugnutin.

          oo at marami daw nagpatala ngaun dahil umaasa din sila sa pagbabago.

        • themizpah says:

          tama po iyon at saludo po ako sa mga Pilipino na lumabas at nakilahok sa OAV, at alam ko po na may pag-asa at may pagababagong magaganap sa ating bayan.

  3. Joyo says:

    wow napakatamis naman ng tula na iyan… sana mabasa ni nanay mo… happy mother’s day sa knya…

  4. nalaine says:

    happy mother’s day sa Mama mo Kuya!

    • themizpah says:

      salamat waling nalaine, sa iyo din A blessed mother’s day sa mama mo. Yehey bumisita ka ulit, I mean first time ni Nalaine yahooooo!

      • nalaine says:

        haha. nabisita naman ako dito. tinatamad lang ako magcomment dahil alam kong hindi naman kailangan yun. 🙂

      • themizpah says:

        ahahhahah kailangan kasi para sa susunod na pagkoment mo pag hindi ka na tinatamad ay hindi na maiimbak sa pending ang koment mo.

        Ang galing nung Project 1 mo: Ang grade mo is 100% walang rubrics yan, tsaka obejective ang ginawa kong pamamaraan ng paggrade ahahaaha

  5. J. Kulisap says:

    Ma dakal pung salamat,Kaluguran da kayu ngan et magpakailan man.

    Eport.

    Basta I love u mama

    • themizpah says:

      Kuya salamat sa eport ha.

      I love u din sa mama mo.

      God bless!

      • J. Kulisap says:

        Makakarating.

        Swerte natin ano, sana yong mga nagtatampo sa mga magulang nila, matututong magpakumbaba at hagilaping muli ang kandili ng kanilang mga kamay.

      • themizpah says:

        Salamat sa salitang kandili kuya kanina ko pa iniisip iyan. “Cradle” yahoooooooooooooooo. Mapapalad tayo kuya kasama natin ang ating mga ina. Tama ka ang pagpapakumbaba ay dapat maganap sa pagitan ng ina at mga anak. Katulad ng mangyayari sa mga susunod na oras sa inang bayang Pilipinas, sa inang kalikasan. Ina – Kandili – Cradle – In their breast we are safe and secured like with our Lord.

        • J. Kulisap says:

          Amen po Sir Pongkie.

          Howdy.

          Nakatutok ako sa news. May Failure of Election na sa Mindanao, at may proposal na i-extend ang botohan hanggang 11 ng gabi.

        • themizpah says:

          salamat sa info kasamang kulisap. magiging maayos din ang lahat.

          nasa world news nga tayo sa yahooooooooooooo.

  6. Len says:

    Happy mother’s day sa mom mu pong. 🙂

  7. jason says:

    happy mother’s day sa iyong nanay. mahal na mahal mo talaga sya ano?

    walang kaparis ang mga ina.

    mahal na mahal ko rin si mommy ko..

    pag ako gumawa ng ganito. iiyak ako sigurado.

    • themizpah says:

      ganun talaga kapag mahal natin
      gawa ka din tapos pabasa natin sa mommy mo.
      oo mahala na mahal ko si mama
      madami yang sakripisyo para sa amin.
      hindi ko nasave yung mga pics niya sa FB (nung nagtour siya sa ABS-CBN kaya yan lang ang pics niya naipost ko na nakasave sa pc dito sa opis.

      salamat sa pagbati makakarating sa kanya.

      Isang mapagpalang araw ng mga ina sa mommy mo!

      • jason says:

        hehehehe 😀

        pag usapang parents talaga mahina ako, madalli akong magburst into emotional something. lol parang bata ba?

        hehe

        sayang di nasave pics!!!

  8. ysae says:

    bumati na rin ako.
    ayoko ng tumula muna.
    happy mothers day din s nanay mo!

  9. kayedee says:

    waw! hang sweet nyan kuya pong sana mabsa yan ng mama mo..tinwgan mo nb xa?

    gndng arw kuya!

  10. jason says:

    Nakaboto na pala ko pong, kaninang umagalang, di masyado marami tao. kaso pinapauna talaga mga senior citizens. pero ayos lang din. tmagal ako ng 1 hour dahil sa pila. Syempre may mga commotions din, may tensions. Yung mga nagkakamali ng pila, sasabihin tagal na daw pumila, pero mali ang precint number… tapos may mga nagpapasingit sa pila, mga kamag-anak na kumain muna at babalik sa pila, mga ganon..

    successful ang bothan sa min. yehey nakaboto na ko yahooo may ink na ko sa kuko. ang dungis. lol

    • themizpah says:

      congrats kuya jason.
      yep nakamonitor kami sa bahay since last night sa TFC at maging sa i-net nito. We are all praying for our elections.

      si kuya jason nakaboto na, kayo bumoto na rin.

  11. nhix says:

    happy mother’s day po sainyong ina
    hulaan ko po name ng mother niyo.. Veronica po ba short for Veron??

    • themizpah says:

      salamat waling nhix, tama ka yun yung name ni mama.
      God bless sa PasaLove niyo today and am praying for you and the elections.

      Be bleseed.

  12. Ravy says:

    happy mother’s day sa mommy mo mizpah…

  13. teentoinks says:

    Uy, ganda ng alay na tula para sa iyong ina. Belated happy mother’s day po sa mom mo.

    Gandang araw themizpah.

  14. Dorm Boy says:

    Belated Happy Mother’s Day sa Mom mo! Sarap magblog about sa Ina!

    • themizpah says:

      salamat po sir dorm boy sa pagdaan. salamat din po sa pagbati.
      Tunay nga pong masarap magblog para sa ating mga Ina.

      Be blessed sir!

  15. nakikidaan lang po, salamat po sa daan sa bahay ko. Maligayang mothers day po sa iyong ina kuya! 🙂

    pa link naman po?

  16. chevybo says:

    Kuya Pong! Maligayang Happy Mother’s Day sa inyong mama! Naway makasama pa natin ang mga mahal natin sa buhay ng mas mahaba pa sa pinakamahabang panahon! 😀

    Namiss ko kayo! Mag-iingat lagi at Godlbess!;)

    P.S. Nagsend pala ako sa’yo ng email gamit ang gmail account ko, receive mo ba?

  17. salbehe says:

    belated happy mothers day sa nanay mo. 🙂

  18. J. Kulisap says:

    Ang bait talaga ni Salbe ngayong araw. Nakakakaba.

    Inihaw, naglibot ako sa bahay ng mga sambablog, iba’t ibang kwento at karanasan sa ina, at talaga namang ang puso ko’y nilamon ng tuwa, lungkot at paghanga.

    Hi Pongkielen

  19. kaye says:

    weh. last base na naman ako…

    ang ganda ng mga sinambit mo tungkol sa iyong nanay. sa aking palagay, marami, kundi man lahat ng nanay ay katulad ng paglalarawan mo sa iyong nanay… mapagtiis, mapagpasakit, dumidisiplina, ngunit higit sa lahat ay mapagmahal. walang makapapantay sa pagmamahal na ibinibigay ng mga nanay sa kanilang anak, at ito ay dahil sila ang kumakatawan sa ating Panginoon na nasa langit. 🙂 maligayang araw ng mga ina sa iyong nanay, Pong. 🙂

    • themizpah says:

      Salamat po ate kaye. Sa iyo din po mapagpalang araw ng mga ina. Your stories about your kids reminds me always of my mama. Kaya kapag nakakabasa ako ng mga post tungkol sa mga ina ay I can’t help but thank God for giving us all our own mothers.

      Salamat po sa pagbisita.

      Be blessed!

  20. the cyberpat says:

    good morning kuya… masyado na pala akong late… nyay… 🙂 ang bata pa po ninyo sa pics kuya ah… cguro ganun po tlga pag nanay… maswerte nga rin po ako kay mama eh… cge po kuya… God bless kuya

  21. maegan C. says:

    the best talaga ang mga nanay dahil tapos na sila sa pag lalaba mag lilinis pa sila ng bahay
    gusto kosana mag pasalamat sa nanay ku pero parang nahihiya ako

Leave a reply to nhix Cancel reply