Personal: Para Sa Aking Matalik Na Kaibigan 2

Posted: May 12, 2010 in Personal

Sa buong SAMBABLOG pakibati po ng Happy Birthday ang aking bestfriend na lalaki sa May 13. Salamat po!

Muli po ay marapatin niyong magamit ko ang espasyong ito para sa isang matalik na kaibigan sa kanyang kaarawan.

—-

Aking matalik na kaibigan
Magkapatid ang turingan
Kasama sa tawanan maging sa iyakan
Mula sa aking puso, isang mapagpalang araw ng kapanganakan

—-

Kami ay parehong nabibilang sa Class 2006 noong Kolehiyo. Kasama sa Training Apartment ng Lakas-Angkan Ministries Inc. PAC Chapter. Ang tawag namin sa kanya ay “Bong” na malayo sa kanyang tunay na pangalan na Alexis Supan Cortez. Kambal ang tawag sa amin. Siya daw kasi si “Bong” at ako naman si “Pong” at hindi pa yan, ang tawagan namin ay “ngob” at “ngop”. Wala lang binaligtad lamang ang mga titik ng aming mga palayaw. Palagi kaming magkasama noon sa lahat ng lakaran. Madami din kaming naging bangayan, minsan sa chicks pag-aaral, sa mga usapang hindi natutupad at iba pa. Pero lahat yun nakukuha sa mabotebuting usapan. Naging paborito naming ulam ang sardinas na may papaya. Siya din ang madalas kong kausap kasi hindi siya marunong magkwento.

Sa tuwing sasapit ang kapaskuhan, pagkatapos kong manghingi ng aginaldo magbigay galang sa aking mga kamag-anak ay doon na ako sa kanila pupunta sa may Lubao, Pampanga hanggang bago magbagong taon. Kapamilya at Kapuso ang turing nila sa akin. 

Ang pinaka-hindi ko malilimutan na kasama siya ay noong aming PAMANA (tribute para sa mga graduates na nasa Training Apartment). Iyakan kaming lahat, siya deadma lang. Kasi alam niya siguro na doon din naman siya magii-stay pagkagraduate. At iyon nga, hanggang ngayon kahit nagtatrabaho na siya sa Pampanga Capitol ay nasa Training Apartment pa rin siya, sa Campus Ministry. Magaling mag-gitara ang aking kaibigan hindi niya ako naturuan maggitara at umawit. Sa kapurihan sa Diyos, aside sa pagiging Primary G12 ay sa Music Ministry din siya. At noong nag-Christmas Party kami ay napagkasunduang ang mga lalaki naman ang magta-tambourine dancers. Magaling kasi siyang sumayaw (see pictures below).

Natatandaan ko pa na kasama namin siyang natulog nagpasko halos sa Institute of Arts and Sciences para sa thesis ng aming bestfriend na si Elaine. Gayundin naman ang pagluluto namin ng uling mula sa sugarcane bagasse (thesis niya). Muntik niya ngang masungkit ang best thesis. He stood by me when I decided to go to missions course and leaving the campus ministry to explore what the Lord wanted me to do. He stayed with me along with our bestfriend Elaine during the the dark phase of my life, persecution, because I have chosen to go non-denominational faith.

I missed those times when we do motor riding (single na motor na ginagamit sa tricycle) at syempre higit sa lahat ang samahan namin. (Gusto niyang umuwi na ako kasi may open na posisyon sa trabaho niya)

Thank you for everything bro! Continue to serve and shine for our Lord Jesus Christ. Wala munang kasalan hanggat hindi ako nakakauwi.

You are indeed a friend who sticks closer than a brother.

May our good Lord grants all the desires of your heart as you seek His face.

Ang mga susunod na larawan ay rated GP.

Madali lamang siyang mahanap. Clue: hairline.

Mga kasama sa Training Apartment

Naging ka-close din niya ang mga kaklase ko (Kuha ito ng nakipaglaban ako sa Luzon Science Consortium Biology Category). Siya yung nagtakip ng mukha. Ang ex ko ay iyong may kasamang lalaki sa kanan (facing your monitor).

Sa loob ng Apartment

Mga nakasama sa Training Apartment

Mr. Lakas Angkan

Sayaw Ngob

Inhinyero sa Kapitolyo

The Graduate (ehehehe tagal na nun ha)

Isang mapagpalang araw ng kapanganakan bro! Bawi nalang si Pong pagbalik.

—-

Panayan muku ne, alikapa mag-asawa dapat potang kasal ka atsu ku. Miss da naka bro ampo pa ing libut tamu.

A blessed birthday to you my bestfriend, Engr. Alexis S. Cortez.

Comments
  1. J. Kulisap says:

    Mahina ako sa memory lalo na sa mga birthday ng mga tao sa kapaligiran ko.

    Ay, so sweet naman ni Pongkie.

    Happy Birthday Ngob.

  2. toni says:

    kahawig nong uncle ko sa pinas at kapangalan ng pinsan kong babae.

    happy birthday Engr. Alexis Cortez.
    iba talaga ang may pinagsamahan.

    • themizpah says:

      salamat po ms. mtoni.
      kahawig nga daw po niya yung singer na si Jed Madela at kaboses daw niya according to him, ehehe

      Salamat po sa pagbati, nagbabasa po siya ngayon.

      Mabuhay po kayo mam.
      Be blessed po!

      • toni says:

        magaling na singer si jed madela, pero mas magaling pa sana sya kung itry nya alternative.

        baket me naligaw na mam jan? toni nalang kc itawag saken o kaya ading.

  3. jezon says:

    wow swerte naman ng kababata mong yan tamo may entry pa sa blog. matutuwa sya tiyak

    happy birthday sa kanya pong ha!

    natawa ko sa clue – hairline hahaha

    • themizpah says:

      kasi mataas na hair line niya eh, nabobokal na siya ehehe.

      Bakit pumasok ang comment mo sa pending kuya jason?
      Salamat sa pagbati. Matutuwa iyon sigurado.

      Be blessed po kuya!

      • jason says:

        hala baka ngayon lang narealized ng wordpress na isa akong walking-spam. lol

        blessed morning sayo katotong pong!

        • themizpah says:

          goo morning kuya jason. oo nga pumasaok ka sa pending. mabuhay ka!

        • jason says:

          pa try nga pong..

          ito ba spam pa den??

          wala naman akong nilalagay na link o kaya duplicate ng mga nakalipas na comments.

          wala akong ginagawang masama.

          wala talaga…

          wala wala wala!

  4. ngob says:

    ang bait naman ninyo., touchie., Th

  5. ngob says:

    salamat ng madami., God bless you more., kasaya ng may nagigrit., ehehe.,

  6. ngob says:

    pongpong., thank you much talaga!

  7. ngob says:

    jeson, toni, kulisap., salamat din poh

    • jason says:

      waw ikaw to! hahaha

      happy birthday walang anuman!

      kaibigan ni pong, kaibigan na din namen! yey

  8. J. Kulisap says:

    Ingat Pane ngob. Miss you da naka!

  9. lee mi says:

    wahh.. nalate yata ako ng dating

    Happy Birthday Bong..

    ikaw ang madalas kausap ni Kuya Pong kase kase di ka marunong magkwento.. at natawa ako..ahaha..=)

  10. orville says:

    ahaha.. at talaga namang ang sweet nyong dalawa. ehe.. ako din may matalik na kaibigan sa bacolod at ganyan din ang turingan namin.. hehe.. nakakamis..

    ngayon lang ako ulit nakabisita sa mga blogs.. sobrang busy kasi.. hehe

    God bless you at sa ministry ninyo..

    • themizpah says:

      salamat kuya orbil. oo nakakamiss at plano naming pumasyal diyan sa Pangasinan pag uwi ko kasama pa namin yung 1 naming bestfriend. Kaya kitakits naman!

      Salamat sa muling pagbisita.
      God bless kuya orbil.

      • orville says:

        haha salamat.. cge punta kayo.. nandito lang kami sa dagupan. basta kip in touch na lang.. madali lang naman hanapin ang church namin.. harap lang ng lyceum university.. punta kayo para makilala naman kayo namin ng personal together with ptr ysae, ptr jonathan, nhix and mark..

        God bless po..

  11. Sphere says:

    sa key of C tol = Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday happy Birthday to you…

    Ngob, may pansit pa?:-)

  12. Len says:

    happy birthday sa best friend mo.🙂
    Ang saya naman ng samahan nyu, ang tagal nyu na palang magkaibigan, bibihira lang yung ganyan, ung pag treasure sa isang samahan ay isang napakagandang simbulo ng tunay na kaibigan. Sana walang tuldok ang inyung pagkakaibigan at sana mas gumanda at lumago pa ang inyung samahan. God Bless to both of you!🙂

    Happy birthday again!🙂

  13. Chevy says:

    Time Check: 2:10AM Local Time (Phil) May 13, 2010

    Para kay Engr. Alexis S. Cortez Maligayang Happy Birthday kenya mu! hahaha (tama ba Kuya Pong?) Naway magpatuloy ang grasyang iyong natatanggap mula sa ating Panginoon. Bigyan ka sana niya nang panibagong lakas sa araw-araw upang maipagpatuloy ang mga mabubuting gawain. Patnubayan ka sana lagi ng Maykapal at naway maging maligaya at ligtas ang araw na ito para sayo at sa mga susunod pang mga araw.

    Kuya Pong! Magandang Gabi! kasi sabi mo 5hrs difference ng lokasyon natin hehehe. Nareceived ko na yung reply mo sa email ko. Tingnan ko kung makakapag bigay ako ng tugon ngayon’g umaga. Mukha ngang magaling sumayaw si Kuya “Bong” “Ngob” o anu man tawag niyo sakanya. hehehe.

    Ingat Lage at Godlbess!

  14. kayedee says:

    aw! hang swit nman ni kua pong..
    hmmmm namiz q 2loy ang buhay kolehiyo q.. simple,masaya, at hnd pa komplikado haizzz
    gandang araw kuya pong!

  15. J. Kulisap says:

    Nalasing ako sa alak na handa ni Ngob kagabe. May hang-over tuloy ako.

    Boss musta?

  16. twistedisme says:

    pa-attendance po muna..babalik ako, bisi lang ng ilang oras hahaha!huling araw na kasi ng trabaho..

  17. Nortehanon says:

    Hi Pong! Naku, pasensya ka na at ngayon lagn uli nakadalaw dito sa bahay. I very much appreciated the times you have dropped in at my site and left comments even if there were no updates. Nangibang-bayan kasi muna ako panandali and it was work, not pleasure. Basta, maraming, maraming salamat.

    Belated happy birthday sa bestfriend mo. This post surely shows kung gaano kahalaga sa iyo ang pagkakaibigan ninyo. May you both be blessed with many more years to celebrate your friendship. God bless, Pong.

    • themizpah says:

      Wala pong anuman iyon. Nakakainspired po yung mga post niyo kaya palagi akong dumadaan doon.

      Maraming salamat po sa pagbati. Be blessed Ms. N.

  18. teentoinks says:

    Happy bday Engr. Ngob Cortez…

    Ang sweet naman, nakakamiss din yung mga tropa na kasabay mo nangarap pero sa huli may iba’t ibang destinasyon para abutin yung mga pangarap na sabay ninyong hinubog. Hayss… Again happy bday po sa bestfriend mo. God Bless!

    • themizpah says:

      oo nga teentoinks tapos yung hinahanap mo sila or kung aattend ba sila ng homecoming di ba. basta kasama ang tropa masaya. God bless po.

  19. jason says:

    ei pong. ei pong.. may nagreply sa site ko. sya ata ang hinahanap mo kahapon?

    hohohohooh

    once again.. hapy birthday sa kabababta mo!!!

    isang maaraw, mainit, mahangin at magandang umaga mula dito sa Pinas!

  20. bVince says:

    bro… as in bro mo? hehe hapi brtday!

  21. J. Kulisap says:

    Hi Utoy, ask lang ikaw yong nakayellow? Chubby ka pala talaga dati? Good improvement ha.

  22. Mark says:

    I have a friend whom i grew up with. We’ve been friends from kindergarten up to now and its his birthday too this month. Reading your post makes me inspired to do an article of my friend. Great post!

  23. Mr. Nonsense says:

    saan yung kissing scenes?
    love scenes? wala?

    • themizpah says:

      ahahaha napatawa mo ako dito kuya jess
      hulsam po kami walang lab sins at kissing sins ahahaha

      sabi ko sa kanya kahapon bibilhan ko nalang siya ng mobile player na pwede niyang isaksak sa kotse niya with usb sabi naman niya kiss ko nalang daw siya. so pagbalik ko pa may kissing sins. i’ll be keeping you posted about it. (joke)

      wahahaha

      A blessed day po sa iyo!

  24. jason says:

    magandang umaga pong! oi imbitado pala tayo ni kuya orbil sa susunod na bangus festival! maghanda ka na! hohoho

  25. Happy Birthday kay Bespren!!!
    ang sweet mo namang kaibigan themizpah.
    maswerte sila bespren 1 and 2 they have a thoughtful friend like you.

    ingat ka lagi and enjoy your work week🙂

    • themizpah says:

      salamat sa pag-greet ms.green bell pepper, mababasa niya ito.

      oo nga back to work na kami dito.
      a blessed weekend sa iyo diyan sa sg.
      lapit ka na ding magbakasyon.

  26. Len says:

    New theme!🙂

  27. Len says:

    haha, base pala ako.. hehe..

    ok naman, etu blogging muna bako pasok.. musta naman?

    • themizpah says:

      heto mam back to work, mamaya payday yata namin hindi ko na kasi alam ang isked eheheeh, mamimili ng konti mamayang hapon na ipapadala sa Pinas kasi uuwi yung kaopisina ko. makikihitch kumbaga.

      ikaw mam kumusta naman po pagtuturo mo diyan?
      malaki ba ang sahod? ipasok mo kaya ako diyan? para makita ko ang Thailand wahhhhhhhhhhhhhhhhh

  28. Len says:

    LOL, ok naman ang sahod, nakakaraos sa pang araw araw at para sa pamilya.. hehehe

    late na pay day nyo?!? o 15 and 30 kasi?!

  29. J. Kulisap says:

    Bago ang damit mo ah?Saan mo nabili yan sa Baclaran?

  30. hello po, happy belated bertday po kay bespren, ako kaya sinu bespren ko doon?!

  31. bonistation says:

    NICE entry!! he should be proud of you too!!

    belated Happy birthday sa engineer!!

    • Pong says:

      salamat kuya bons, akala ko nakauwi ka na ng Pilipinas dahil dun sa KM 0. shaks.
      mababasa ni engineer ito kuya bons.

      salamat!
      Be blessed!

  32. If only I had a greenback for every time I came to themizpah.wordpress.com! Superb article.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s