Paalam

Posted: Mayo 29, 2010 in Kwentong Disyerto
Tags: ,


Healer – Hillsong

Madalang lamang akong magkasakit. Kalimitan ay simpleng lagnat at nakukuha na sa isang tableta ng panadol o biogesic. Mabibilang sa aking mga daliri kung ilang beses akong nagkasakit ng hindi simple at kailangan ang tugon ni dok; noong…

1. Nasa ika-anim na baitang ay nakagat ako ng aso at isang linggong nagpabalik-balik para sa mga ineksyon.

2. Nasa ikalawang taon sa mataas na paaralan ay isang linggo ding nakonpayn dahil sa Typhoid Fever.

3. Nasa ikatlong taon sa kolehiyo ay sumailalim sa isang maynor na operasyon.

Sa nakalipas na linggo ay ayos naman ang aking puso base na rin sa 2D Echo na ginawa sa akin. Napagdesisyunan ko na ding (magpa) general check-up noong nakaraang Miyerkules. At sa serum test ay nakita nila na mataas ang aking cholesterol level na nagiging dahilan ng paminsan-minsang pagka-hypertensive ko.

Ang Katibayan

Inabisuhan ako ng duktor na magehersisyo, kumain lamang ng gulay at prustas, iwasan ang maalat na pagkain, karne at pagkaing may mantika. At niresetahan din ako ng gamot na akin namang binili.

Sa aking paglabas ng ospital ay nagkaroon ako ng trackback sa aking lifestyle (food). Hindi naman ako mahilig kumain ng karne, maliban sa broasted chicken, palagi din naman akong kumakain ng gulay at prutas at mahilig akong kumain ng Lays, Doritos, at iba pa. Habang naglalakad ako patungong Pinoy Supermaket ay nananalangin ako ng kapatawaran at pasasalamat.

Kapatawaran dahil sa resulta ng serum test ay may pagkukulang ako sa aking katawan. Ang tamang pangagalaga nito. Dahil naniniwala ako na ang katawan ang templo ng Diyos. At bilang manggagawa ng Diyos ay dapat parating malusog ang aking pangangatawan.

Pasasalamat dahil sa karunungang ibinigay sa duktor at nars na tumingin sa akin. At dahil doon ay mas napaglinaw ang aking nararamdaman at gayundin naman ay upang maisagawa ko ang mga bagay na dapat gawin at atensyon na nararapat aking katawan.

Paalam muna broasted chicken, KFC, Mcdo, CFC, Lays, Doritos at iba pa.

Susundin ko ang mga bilin ni dok, pero hindi ko nakakalimutan na sa Krus ng Kalbaryo ay dati na akong magaling, hindi lamang sa pisikal na kasakitan maging sa ispiritwal. Iinumin ko ang gamot na inireseta ni dok, pero hindi ko nakakalimutan na ang aking dakilang manggagamot ay si Hesus at katulong ng mga tabletang inireseta ni dok at ng panalangin.

Sa mga ganitong sitwasyon ko hinahanap at tinatawag ang pangalan ni Nanay. Ang pag-aasikaso, haplos at dampi ng kanyang kamay ay sapat ng kapanatagan.

 

Mama Mary, Christian Bautista, Teacher Tin and My Nanay @ ABS-CBN (december)

Manny, Mama Mary, Teacher Joy & Nanay @ ABS-CBN's Goin' Bulilit

Goin' Bulilit Kid, Manny & Nanay

Basta kapag masama ang pakiramdam ko si Nanay ang una kong tinatawag kahit dito sa disyerto. Mama’s boy ako and I’m proud to be one!

P.S.

Salamat po sa mga nangumusta at nagpaabot ng concern. Mabuti na po ako. All is well. God is really good.

Advertisements
Mga Puna
  1. arnie ay nagsabing:

    shaks!!! base po me…ahahaha

  2. arnie ay nagsabing:

    oo nga…hahahah

    basa mode muna!!!

    🙂

  3. arnie ay nagsabing:

    Kumusta ka na ulit ngayon kuya pong???

    Ayun buti nakapunta ka agad sa doktor at nakonsulta para malaman ang hindi normal na nangyari sa iyong katawan…at mabuti sa lahat ay maayos pa ang naging resulta na kelangan mo lng sundin ang mga pinayo sayo ni doc at ng nars….

    be safe kuya pong 🙂

    • Pong ay nagsabing:

      mabuti na ako ngayon tito arnie, exercise, healthy food, at medicine magiging okay na lahat panigurado.

      Thank you po.

      Congrats po sa pagiging base!

  4. J. Kulisap ay nagsabing:

    Akala ko ikaw si Christian, muntik na akong mapa-olala.

    Magaling ka na.

    ‘Yan ang kagandahan ng buhay, magaan dalhin dahil alom mong lagi kang ligtas.

    Huwag kang hihihingi ng payo kay Kayedee, pakainin ba naman ako ng mga makolesterol, kaya pala lagi akong nagagalit sa kaniya.

    • Pong ay nagsabing:

      Ahahaah, sabi nila kamukha ko si Christian ahahah

      Opo magaling na ako.
      Sa katunayan ang aking tanghalian ay carrot sticks, saging at mansanas,
      kailangan kasi akong magdiet at magpapayat.

      Kaya naman ito andyan naman si BigBro!

      salamat kuya, cyber hugzzzz

  5. ysae ay nagsabing:

    mas lalo lang tuloy ako na may naalala…
    emo muna ngayon…..
    sa susunod na apat na araw di ko alam kung ano angn mas malala: ang kumain ng hindi masustansyang pagkain o kalungkutan….
    pero kailangan tumuloy lang sa gagawin….. may umaasa… may responsibilidad…
    di pa dumadalaw ang tulog o antok…..
    pagaling ka, kasama ka sa panalangin…

    • Pong ay nagsabing:

      Salamat po pas, mukhang may pinagdadaanan din po kayo, kasama din po kayo sa panalangin.
      Alam niyo po bang iinumin ko palang ang gamot bukas, kasi binasa ko ang medicament ang daming side effects. But I will take those medicines.

      God’s loving arms be your comfort tonight. Kung sino man po ang naaalala niyo mapalad po siya.

  6. orville ay nagsabing:

    naku pong dapat pala pag kakain tayo eh puro masusustansyang pagkain..
    ako naman ang inaalala ko ay tumataba ako .. nasisira ang figure ko..
    pero ok lang yon. ang importante masaya pa rin ako sa ministry na binigay ng Panginoon.. pagaling ka…. ingat lang sa mga kinakain..

    God bless..

    • Pong ay nagsabing:

      Salamat po kuya orbil, exercise lang ito at diet mawawala na din ito.
      Kuha mo kuya, importante masaya sa ministry na bigay ni God.

      Magaling na niyan ako kuya. I receive! Salamat po ulit.

  7. Sphere ay nagsabing:

    Pongkie sinunod mo ko sa Carrot, Apple at saging dahil jan may hug ka galing sa kin ahahahaha 🙂

    Pagaling ka POngkie ako din masama tiyan ko nag adik kc ako kaninang madaling araw @ 1am nag melon ako tpos nag orange tpos nagshake pa ng avocado tamang trip lng kaya ito hanggang ngayon kumukulo tyan ko ahahahha 🙂

    Pongkie, pagaling k ha now na!

    • Pong ay nagsabing:

      Opo ate anne, yun ang lunch ko kanina, bukas niyan iba naman. Salamat sa hug po! Kagabi sa simbahan nag melon din kami yipppppppeeeee. Nakakatouch nga sila separate ang food ko kahapon, pinakuluang upo huhuhuuhh samantalang sila ay chicken adobo, at madami pang iba, kaya tameme lamang ako sa sulok kahapon.

      Kaya ganyan ang tiyan mo ate anne kasi ay gminimix pa ng tiyan mo para maging fruit salad ahahaah
      Magaling na niyan ako ate anne. Now na!

      salamat po!

  8. rOvIc ay nagsabing:

    Pong..

    Padaan ha hehehe…

    Walang pa ring mas dadakila sa Amang Banal na nagpapagaling ng lahat ng karamdaman… Maaring makatulong ang mga gamot sa pisikal nating katawan pero kahit ang mga imposibleng sakit ay kayang mawala sa isang salita Nya lamang..

    Be blessed.

    • Pong ay nagsabing:

      amen kuya rovic, napakamahulugan ng sinabi mo? kung iyong mamarapatin, nag-aral ka ba sa isang bible school? or exclusive catholic or christian school? Salamat po.

  9. superlolongpinoy ay nagsabing:

    God is really good. Amen Pong. Nice to hear na okay ka na. Pero nasasaiyo na ang mga pagbabago sa lifestyle sa pagkain at disiplina para sa exercise. Tama ang sinabi mo iba talaga ang pag-aalaga ng isang Ina…kaya lagi natin silang hinahanap kapag may karamdaman. God Bless!

  10. twistedisme ay nagsabing:

    kuya pong!attendance na ako!

    dapat lang na magpaalam ka sa mga unhealthy fuds, waaaaaah..mahirap magkasakit lalo na nasa ibang bansa, haiisst!

    disiplina kailangan to 😀

    • Pong ay nagsabing:

      Present ka ate arny, yipppeeee

      oo nga mahirap malayo sa Pinas, di bale andyan naman si BigBro at ang sambablog na mababait.

      yipppeeeeeeee!

  11. toni ay nagsabing:

    sabi nga nila pagtuntong ng edad sa 25 ay kompleto na raw rekado ng katawan kaya kailangan na nating mag-ingat.

    iwasan seafoods, offal, eggs at baka kelangan mo din magbawas ng carb intake.
    eksersays gamot jan at mga simpleng pagkain tulad ng ampalaya, malunggay, tea at iba pa. iwasan mo din muna eggs.

  12. toni ay nagsabing:

    kung gusto mo ng chicken piliin ung skinless thigh tas marinate mo lang sa konting asin, olive oil, a bit of lemon juice at paminta tas grill.
    chicken breast marinate mo din konti para di tuyot kapag naluto.
    magpangos ka ng celery, kamatis, kerots, bell pepper at the best ung steamed broccoli..lagyan konting black pepper at olive oil.

    basta iwasan maalat, fried foods at sa barbekyu wag kainin mga sunog na bahagi dahil lason un sa katawan.

    • Pong ay nagsabing:

      salamat ms.mtoni mula po sa aking puso. susundin ko po mga payo niyo. naiiyak tuloy ako namiss ko lamang si nanay, kasi for sure yung mga binanggit niyo ay ihahanda niya sigurado sa akin yun.
      halos nga po yung pwedeng kainin na fresh kinakain ko na po.

      salamat po talaga ms.mtoni.

      God’s blessings be upon you!

  13. jason ay nagsabing:

    wahhh ang dami mo na palang pinagdaanang sakit pong. no wonder, isa ka ng matatag na troso ngayon.

    hmmmmm dahil nga sa iyong kalagayan ngayon, kelangan mo nga magtiis at magsakrepisyo. sa ikabubuti mo rin naman diba.

    shaks! kung mama’s boy ka,

    mama’s and papa’s boy naman ako!

    yehey!!!

    • Pong ay nagsabing:

      Mabuhay ang araw ng kalayaan!
      Mabuhay si Jasonhamster, malapit na ang berdey niya!

      Serious:
      Mabuhay ang mga Mama’s Boys sa buong mundo.
      shaks natats ako sa koment mo seryoso at makabuluhan talaga!

      Be blessed, wag ka ng wala sa mood ha.
      Alam ko na base sa aming pagsasaliksik lahat daw ng mga malapit ng magberdey ay nag-iinarte, hihihi

  14. J. Kulisap ay nagsabing:

    Bakit wala pa si Len? Si Pongkie ba, uminom na ng gamot niya?

    Mamaya na iserve ang kaldereta, aftritada, dinuguan, menudo, at mantika. Tapik-tapik at papayang may sardinas.

    • Pong ay nagsabing:

      Oo nga kuya kulisap wala si mam len, baka busy lamang sa school. sarap naman ng mga ulam na iyan
      pero alam mo ba ang papayang may sardinas ay paborito kong ulam. yippppppppeee
      salamat ipadala mo na iyan sa disyerto kuya!

      • J. Kulisap ay nagsabing:

        Oo, naggugulay din kami sa probinsya niyan, minsan naman kinukudkod tapos gagataan may lahok na daing o bagoong.

        • Pong ay nagsabing:

          masarap yun kuya yung ginataan, laing, na may dilis o bagoong, ginataang munggo, kalabasa at iba pa

          shaks nagutom ako!

        • toni ay nagsabing:

          Pong ingat sa gata at bagoong.
          halibas ka na lang talbos ng kamote tas ibabaw sa sinaing pagka in-in at pede na sawsaw sa toyo at kalamansi.

        • Pong ay nagsabing:

          @ms.mtoni

          opo, wala pong gata dito at bagoong (kung meron man po ay hindi na ako kakain nun)

          opo kukuha ako mamaya ng talbos ng kamote. di ba po ang toyo maalat? pwede po ba kaya ako dun? lemon po pwede di ba?
          shaks ate ms.mtoni napapaluha ako kasi namimiss ko talaga si nanay (hikbi)

        • toni ay nagsabing:

          wag sardinas, palitan yan ng salmon ..konting asin, paminta ihaw na. pagkaluto pigaan konti lemon o kalamansi.

          http://www.malunggayherbtea.com/
          check mo yan at baka mas maganda pamalit sa regular tea.

        • toni ay nagsabing:

          naturally brewed kikkoman is okay at konti lang paggamit, or the
          wheat free, gluten free and fat free Tamari soy sauce.
          pansin ko kase gumamit me non toyo gawa saten masyado maalat.

        • Pong ay nagsabing:

          salamat po ms.mtoni, napuntahan ko na po yung site, buti nalang po may mga talbos ng kamote at malunggay din dito sa tabi ng camp namin.

          maraming, maraming, maraming salamat po.

        • Pong ay nagsabing:

          opo ms. mtoni may kikoman din po dito, pero sa room po gamit namin toyong galing sa Pinas din, so ipapabili ko po yung kikoman, dito po sa ospital yata yun din ang gamit sa cefeteria, salamat po talaga.

          Mabuhay po kayo!

  15. nalaine ay nagsabing:

    get well soon Kuya. bangag si Teacher, kaya hindi pa matino magcomment. balik nalang ako..

  16. Len ay nagsabing:

    hays, ang dami namang bawal pong, at ang dalas mu namang magkasakit, ingat ingat.. 🙂

    ako din, kapag may masakit sakin, masama ang pakiramdam, may problema, ang lagi koding tinatawag ay si momy,kasi namimiss kona ang pag aalaga niya sa akin, hindi naman ako mamas girl.. hehe 🙂 at syempre lalong lalo na si Papa God dahil siya lang ang karamay ko kapag nag iisa ako at may nararamdaman. 🙂

    • Pong ay nagsabing:

      oo nga mam eh medyo madami pong bawal, pero kakayanin po iyan!
      ako mama’s boy talaga ako, heheheheh
      opo dapat palagi tayong manalig kay God.

  17. Len ay nagsabing:

    yup, kaya yan! 🙂

  18. J. Kulisap ay nagsabing:

    Ang galing ni Toni, simpleng tao lang din, nangasab ng talbos. Lab na kita Toni.

    Isulong ang pagkain ng malunggay para sa mga nagpapadede.

    Malusog na mura pa. lets DOH it, likiliki.

    Buhay pa ako Pong.
    May mga nangharot lang sa akin.

  19. Pong ay nagsabing:

    oo nga kuya kaya nilagay ko si ms. toni bilang matulungin na sambablogger di ba,

    napapaluha nga ako sa kanyang mga payo.
    naalala ko si mama.

    kumusta ang panghaharot kuya?

  20. ladyinadvance ay nagsabing:

    pagaling po ikaw..God bless you… 😀

  21. Vajarl ay nagsabing:

    Antagal ko inisip kung ano ang INABISUHAN! Nakuha ko na! Aha!

    Ako araw araw KFC laman ng tyan. Wala kaseng ibang makainan na malapit sa office. Mukhang may pag uusapan kame ng masinsinan ng duktor. Hahaha

  22. meliza catedral ay nagsabing:

    helo pong! padaan dito sa blog mo… naalala mo pa ba ako ang kukilitan nyo ni jason sa blog ni ate pinkee mo

  23. toni ay nagsabing:

    aray Pong pakialis naman ubod ng laking muka jan sa gilid.
    di naman me blogger at wala talaga K.
    magkakapatid nga di ba?

    • Pong ay nagsabing:

      pasensya na po kayo kung hindi ako nakapagpaalam na ilalagay ko. Seryoso po ba kayong pinapaalis niyo po sa akin?

      Mas nagiging makabuluhan po ang pagbablog namin dahil sa inyo.

  24. aninipot ay nagsabing:

    aw! kuya pareho tayo…madalas akong may sakit… madami ring bawal kasi may hyper-acidity ako…bawal na ang pinya na paborito ko, di rin masyadong maraming rice, substitute na lang ng kamote o patatas… breakfast ko nga kanina, potato saka melon at milk… tapos paghapunan dapat gulay lahat ng ulam…

    feeling ko nga ang payat ko na, eh! payat na nga ako, papayat pa…haays!…minsan snacks ko, guyabano lang, basta yong healthy sa tyan…. ayoko na kasing uminom ng gamot kaya disiplina muna.

    • Pong ay nagsabing:

      ako din next week ko pa iinumin ang gamot, pinagpepray ko muna, kasi malaki ang side effects ng gamot eh, pero iinumin ko sila.

      peborit ko ang pinya, iminom ako kagabi ng paynapol dyus, hindi ka naman magsisi waling anini na healthy kinakain mo dahil mas hahaba ang life.

      mabuhay ka

      Be blessed!

  25. jason ay nagsabing:

    alam mo ba pong, almost a month na kong di kumakain ng chichirya!!! at alam kong maganda ang nagiging epekto saken nito.

    halimbawa lang yan ng pag gigive up ng something na nakasanayan, o luho kapalit naman ang kaginhawaan..

    shaks parang entry to the kingdom of God lang!!

    Magandang Araw Pong!

  26. J. Kulisap ay nagsabing:

    Hindi na naman ako base? Bakit di ko naabutan ang pagpapalit-balik mo ng tema?

    ‘yon na lang di ko pa inabangan.

    Nabasa ko ang mensahe. Titigil na ba ako? Huwag tayong sumuko.

    Kaya natin ‘to.

  27. neil ay nagsabing:

    basta ingatan lang lagi ang kalusugan. ika nga, health is wealth.

  28. nalaine ay nagsabing:

    kumusta na si Kuya Pong? 😛

  29. otep ay nagsabing:

    pong pers taym ko dito..

    ingat ingat ka lang parati at healty lifestyle.

    huling sakit ko ata ay yung nagpatuli nung elementary ang sakit kaya nun.

    ilang araw ding nangamatis yun.

    ako, para iwas sakit lagi ako nag ja-jogging. (jogging tayo minsan)

  30. duking ay nagsabing:

    kala ko yung serum test eh yung serum na…

    ah,baka iba yung iniisip ko.mabuti naman pala at maganda naman yung result ng check up mo.lifestyle check lang….guilty rin ako jan eh.

    sige sige….mag exercise ka tuwing umaga para ang katawan mo ay sumigla.

    • Pong ay nagsabing:

      ano naman palagay mong iniisip ko kuya duking?

      oo nga dapat exercise at disiplina sa pagkain.

      wala ng tsokolate, binili ko na lahat. =)

  31. Dorm Boy ay nagsabing:

    Get well soon! Iwas muna sa mga unhealthy food. Siguro ako rin gagaya sau medyo di ko na rin nachechek kinkain ko, I know masama ang laging nagffast food! Sana makapagbago pa ako at di pa huli ang lahat!

    • Pong ay nagsabing:

      yehey kuya dorm boy, sabay tayo sa diet.
      kailangan talaga natin ng healthy lifestyle.

      yipppeee

      salamat po, maayos-ayos na po pakiramdam ko.

  32. chevybo ay nagsabing:

    Hello Kuya Pong! Ok ka lang ba? sana ok ka lang lagi.. hehehe. Dibale ‘lam ko naman malakas ka ke Bro eh. Naks! Nabahala naman ako sa title mo Kuya.. wak ganun.. hehehe..

    Ingatan mo sarili mo lage Kuya at Godbless…

    P.S. Me email alert pala ako sa’yo Kuya nuong nakaraang linggo pa.. nabasa mo na ba?

  33. chevybo ay nagsabing:

    Nga pala, Kuya maraming salamat dun sa mga komento mo ha.. namiss kita.. hehehe..

    😉

    • Pong ay nagsabing:

      Salamat chevs at welkam bak.
      Mabuti buti na pakiramdam ko, strict diet at exercise lang ito kaya na!
      tsaka andyan si BigBro parati.

      Salamat. yipeeeeeeeeeeeee andito ka na.

      Parang hindi ko natanggap e-mail mo, send mo ulit sa akin.

      • chevybo ay nagsabing:

        Da return obda kambak ba ito? hehehe
        Mabuti naman kung ganun Kuya, naks.. patubo ka na rin ng mga maskels hehehe..
        Tama, hindi ka niya pababayaan, lakas mu dun eh., naks!

        Sige si-send ko ulet. Kaya pala nagtataka ako kung bakit wala kang reply. Hehehe

        • Pong ay nagsabing:

          chevs ngayon ko lamang nabasa ito. pasensya na hindi pa ako nakakreply dun sa mga sulat mo. makakareply din ako this week

          ingat ka parati kaibigang chevy

          Be blessed!

  34. toni ay nagsabing:

    http://ask.doctoroz.com/search?query=foods+for+people+with+high+cholesterol

    pag-aksayahan mo ng panahong basahin yan kapatid at baka makatulong ng malaki ung bawang.

  35. jason ay nagsabing:

    kung magpapaalam man, sigurado akong may bagong kakatok at papalit sa pwesto ng iyong pinagpaalaman.

    kung bawal ng mga bad foods, replace it with another. masarap magexperiment.

  36. hisnameisdencios ay nagsabing:

    kaya ako inaalagaan kong mabuti ang aking kalusugan dapat ikaw din ok? exercise mo lang yan tanggal yan at proper eating lang. kapag nakasanayan mo na, hahanap hanapin na ng katawan mo ang healthy lifestyle

    • Pong ay nagsabing:

      Salamat sa paalala kuya dens,
      nagstart na akong magexercise last week at talagang healthy food lang ang kinakain.

      Salamat po sa pagdalaw.

      Be blessed!

  37. Vajarl ay nagsabing:

    Goodmorning Pong! 😀

  38. timangkey ay nagsabing:

    You speak the truth. Christ indeed is the ultimate healer. pagaling ka. =)

  39. J. Kulisap ay nagsabing:

    Pati si Tim, mabait dito. Healer si Pong

  40. dhyoy ay nagsabing:

    hope ur ok na…. *patweetums?* hahaha naku mahirap magkasakit lalao na dito sa atin sa disyerto, ewan ko kung jan sa saudi mahal din ang gamot, dito kasi ginto ang gamot at pag-apak pa lang ng paa mo sa hospital may bayad na yun haizzz… mahal magkasakit… ingatan ang sarili…

    Have a nice day POng!

    • Pong ay nagsabing:

      mabuti na ako ms. joyo *patweetums*
      oo nga mahirap talagang magkasakit dito.
      may medical insurance naman kaya mas mura dun sa general check-up ko ay 150pesos siguro sa pera natin pati na gamot, mahal pa nga ang pamasahe ko na 250pesos. 20% lang kasi ang binabayaran ng expat dito sa mga medical services.

      salamat at isang mapagpalang araw sa iyo!

  41. brVince ay nagsabing:

    Salamat sa pagdalaw… marami rin akong na-miss, pati nga sarili ko na blog, haha! paminsan-minsan na lang ako dalawin ng inspiration sa dahilang busy na rin sa pasukan… para na ring nag-aaral ako uli nito… 🙂

    • Pong ay nagsabing:

      salamat po sir vince, ako nga po miss ka na din ang June Blues ang preparation para sa pasukan.

      ingat po kayo parati and God bless!

  42. Vajarl ay nagsabing:

    Shet nahihilo na ko di ko makita mga koments ko noon!

    Goodmorning nalang! *kawayers*

  43. J. Kulisap ay nagsabing:

    Base ako sa pagpapalit ng bagong bahay.

    Kaway.

  44. flattopsatcurlytops ay nagsabing:

    Basta kelangan po laging may maintenance at sumunod sa payo ng doktor mo, lagi kang magiging okay.. syempre kasama na dun na lagi kang inaalagan ni Lord.. 😉

    PS:
    relihiyoso ka pala kuya.. hehehehe baka masunog ako dito sa site mo.. isa akong makasalanang tao.. hehehe

  45. flattopsatcurlytops ay nagsabing:

    Salamat uli kuya.. hehehehe na-add na rin po kita.. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s