Tanong 1: Galit

Posted: Hunyo 7, 2010 in Kuro-kuro
Mga kataga,

Ang (pagka)galit ay isang uri o pamamaraan ng paghusga sa kapwa tao.

Anger is a form of judging others.

Kasalanan ba ang magalit?

Advertisements
Mga Puna
  1. otep ay nagsasabing:

    ang galit pag pinigil mas masakit parekoy..

    pero kailan relax pa din.

    lahat ng galit nakakasama sa tao..

    baka mamaya ma highblood ka pa. paano na? lols.

  2. toni ay nagsasabing:

    pwede kang magalit di ba pero di kailangan manakit.

  3. toni ay nagsasabing:

    wag hayaang magamit sa walang saysay na salita.
    palipasin ang nararamdaman, hintaying humupa ang galit at saka kausapin ng diretso ang nagbitaw ng salita, baka meron lang konting diperensya na maari naman pag-usapan.

  4. arnie ay nagsasabing:

    bago ang lahat..

    sempre aalamin muna ang dahilan ng pagkagalit (kung paano nagsimula at bakit na marapat pang humantong pa ito sa pagkagalit) at sino ang mga participante…

    sa aking palagay sa bawat di pagkakasundo ay hindi nman kailangan humantong sa pagkagalit or samaan pa ng loob…kung maaaring mapag usapan ang mga di napagkasunduan sa mabuti at maayos nang parang walang nangyaring di pagkakasundo…

    pero minsan imbes na magalit or magpalitan ng masasamang pananalita maz mabuti na hayaang na natin ang panahon na rumesolba ng di pagkakaunawaan…

  5. ladyinadvance ay nagsasabing:

    para sken hindi masama ang magalit lalo’t na kung may dahilan para ka magalit…nagiging masama ang galit kung may magagawa ka o masasabi na hindi kanais-nais out of your anger….
    ang galit ay isang emosyon lamang at normal eto sa tao dahil nasa katawang lupa pa tayo, now nasa sayo kung ano ang gagawin mo pag nasa sitwasyon ka na ganito kung magpapadala ka ba sa galit mo or hihintayin mo ang sarili mo na lumamig…

    nagulo ako sa comment ko basta un na un..hehehe

  6. Sphere ay nagsasabing:

    Para sakin hindi kasalanan ang magalit kc si Papa Jesus nga nagalit din shaks! super nagwala sya nong makita nyang maraming vendor na wala sa tamang pwesto ang nagtitinda sa Templo at nakapagsalita tuloy sya sa sobrang galit na itatayo nya daw ulit ang templo sa loob ng tatlong araw (astig diba?) yan ang nagagawa ng galit nakakapagsalita ng minsan ay hindi nakakapagisip ng tama (sana wag nyong seryosohin ang pinagsasabi ko d2) peace po!

    Ang galit daw ay parang sinunog mo ang isang bahay para lang mapatay ang isang daga 🙂

    Pagnagalit ako wag ka na lng magpakita para hindi ko magamit sayo ang isang daang porsyentong sandatahang lakas 🙂

    • Pong ay nagsasabing:

      shaks nakaktakot palang magalit si ate anne, 100% na lakas! Go ate anne! ahahah

      serious na: kanya kanya tayong dealing sa galit dala marahil ng bugso/silakbo ng damdamin sa mismong partikular na sitwasyon na nagbigay ng galit sa atin. Nireremind lang tayo ni God na kapag nagalit tayo ay huwag tayong magkakasala.

      Balikan kita ate anne, mayamaya pagkatapos lamang ng commercial break!

  7. Len ay nagsasabing:

    hhmm, sino galet?!?

  8. Len ay nagsasabing:

    actually hindi naman kasalanan ang magalit, part nayan ng buhay, magalit at kagalitan, peru wag iibabaw sa pagkatao ang galit. At kung magagalit man, sana alamin ang dahilan. At wag kalimutan ang magpatawad. 🙂

    good pm pong!

  9. kuhracha ay nagsasabing:

    di bawal ang magalit, dahil napakahirap gawin ito. package deal iyan ng pagiging tao mo.

    • Pong ay nagsasabing:

      package deal nga ito sa pagiging tao natin mam kuhrach at hindi talaga bawal ang magalit nireremind lang tayo marahil na sa galit natin ay huwag tayong magkasala.

      salamat po sa pagbisita ms. kuhrach

  10. rjbuela ay nagsasabing:

    hindi naman masama magalit. ang masama minsan, pag nagpadala ka sa galit.

    gandang gabi pong! 🙂

    • Pong ay nagsasabing:

      magandang gabi din sa iyo kuya roi. dito ay 4:22 pa lang.

      basta kapag nagalit tayo isang paalala din na huwag naman sanang lubugan tayo ng araw na galit parin tayo. masama sa katawan ang galit.

      salamat po sa pagdaan kuya roi!

      Be blessed!

  11. Jag ay nagsasabing:

    Ang taong puro bait ay walang bait sa sarili…Normal lng n magalit ang isang tao…

  12. meliza catedral ay nagsasabing:

    may gumalit ba sa iyong pong..sabihin mo sa akin kung cno?ahahaha..
    well galit nasa tamang lugar.. isa samga emosyon na di natin maiiwasan pero wag lang manakit ng tao… kasi kung di ka nman magalit kahit nassasaktan ka na mabigat sa dibdib…mas mabuti nng ilabas mo para malan ng taong ngkasala sa iyo…

  13. Ravy ay nagsasabing:

    Depende…
    kung anong dahilan ng ikagagalit…

    • Pong ay nagsasabing:

      kuya ravy,
      ano pong ibig sabihin mo dun sa depende?

      namiss po kita.

      • Ravy ay nagsasabing:

        Depende, kung bakit nagagalit ang isang tao…

        Maari man akong magalit sa isang GINAWA ng isang tao na hindi kagandahan…

        Pero hindi ako nagagalit sa mismong tao… (malabo ba?)…

        Tapos depende din kung paano mo ipapakita ang paraan mo pag nagagalit…

        Tahimik ka lang ba?…

        Nananakit ng kapwa?…

        Naghihintay ng pagkakataon para makaganti?…

        Depende…

        • Pong ay nagsasabing:

          nakuha ko ang depende mong sagot kuya ravy.
          ibig sabihin ang sagot mo sa tanong 1 ay Depende di ba?

          Abangan ang aking sagot sa loob ng isang araw.

          Mabuhay ka!

  14. Joyo ay nagsasabing:

    kung may dahilan para magalit huway not! karapatang pantao yan!… pero kung walang dahilan at nagagalit ka ibang usapan na yan pong hihihihi…

    normal yan sa tao pero hangga’t pede sanang iwasan, iwasan natin… nakakapangit yan! 😆

    • Pong ay nagsasabing:

      tama ms joyo sayang naman ang pinambibili ng beauty products ahahaah

      kidiing aside, paalala lang siguro sa atin na maging mahinahon sa ahat ng bagay.

      be blessed!

  15. chevybo ay nagsasabing:

    Magandang Gabi Kuya!

    Sang ayon ako kay Kapatid na Ravy Kuya. Dipende, dahil likas na sa ating mga tao ang magalit. Lalo na kapag may nagawang hindi kanais-nais sa iyo ang isang tao. Isang halimbawa na nito ang panghuhusga, kapag ang isang tao ay hinusgahan ng kaniyang kapwa lalo na kung hindi niya ito kilala. Isang pakiramdam ang maaring mamuo, ang salitang galit. Gayunpaman, ang bawat galit na ating nararamdaman ay may kaniya-kaniya rin namang kapatawaran. At ang hindi pagpapatawad ay maaring maghatid sa’yo sa kapahamakan at tuluyang humantong sa isang kasalanan.

    Yan ang aking sariling pananaw Kuya.

    Mag-iingat ka lage at Godbless!

    • Pong ay nagsasabing:

      salamat kaibigang chevy, kasi kapag nagisip tayo ng masama sa ating kapwa ay masama na din ito.

      salamat sa pagdaan parati.

      Be blessed.

      • chevybo ay nagsasabing:

        Tama! Kahit nasa pag-iisip lamang natin ito, kung ito ay masama siempre sa siempre kasalanan na ito its.

        Siempre, kaw pa Kuya Pong mas malakas ka pa sa Glowb! hahaha

        Ingat, and diet! hehehe

        Godbless!

  16. duking ay nagsasabing:

    nagagalit tayo bilang tao.nagpapatawad naman alang-alang sa pakikipag-kapwa tao.

  17. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Naku nahuli na ako.
    Galit ka na? Paumanhin, alam mo namang piyesta sa bahay ni Kuya mo.

    Hindi masama kung nais mong iparating ang iyong mensahe kung galit ka.
    Ang masama kung hindi huhupa ang galit at magiging negatibo ka na habang buhay.

    magandang umaga

    • Pong ay nagsasabing:

      hindi ako galit kuya ko.

      salamat sa naturingan mo kuya, hindi dapat tayo magkimkim ng galit.

      pero kasalanan ba ang magalit?

      • J. Kulisap ay nagsasabing:

        Kasalanan bang magalit?

        Ikaw kasalanan ba ang magalit?

        Para po sa akin, kung ang pagturing sa galit ay kasalanan, ang taong nagtuturing nito ang may karapatang ituring itong kasalanan. Tao lamang ang nagtuturing ng mga kapaliwanagan at tao rin ang pwedeng hindi magturing nito.

  18. jason ay nagsasabing:

    kasalanan ang magalit.

    kasama ito sa 7 deadly sins. ang Anger.

  19. jason ay nagsasabing:

    pero di naman ito maiiwasan. ang mganda ay gagawan ng paraan para maiwasan o malunasan pagkatapos.

    at learn from mistakes.

    kaso kung may tao talagang nag cacause ng galit sayo,

    confront.

    kung di kayang iconfront.

    umiwas.

    • Pong ay nagsasabing:

      talagang pinabibilib mo ako hamster kiddo!

      rating 75%

    • geylii ay nagsasabing:

      pa singit .. tama! gusto ko un kino confront ako
      haha, la pa nagawa sakin nyan e 😦
      laging akala ko ok lang .. tapos d pala
      tapos ang ending, ako lang ang mali
      hindi naman ako pala salita pag dating sa ganung bagay
      iiyak nalang at ok na 😀

  20. kayedee ay nagsasabing:

    ayy gnun ba yun kuya pong? hmmm

  21. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Naku salamat sa iyong promosyon Pongkie.

  22. ysae ay nagsasabing:

    wala ata akong masabi.
    ok lang magalit, wag lang ung magkasala….
    righteous anger is to be angry with what God is also angry about – injustice, neglect..
    anger can be a good motivation to do what is right….
    anger makes us human after all….

  23. nalaine ay nagsasabing:

    hindi kasalanan ang galit. pero ang gagawin mo base sa galit na yan ang nagiging masama.

  24. taympers ay nagsasabing:

    anger, anger, anger, anger… di ba may kantang ganun? meron nga ba? hehehe. anyway wag mo na lang akong pagpapansinin, basta normal lang ang magalit.wag lang magtanim ng sama ng loob.

  25. twistedisme ay nagsasabing:

    hindi yan kasalanan kuya pong kasi emosyon yan..

    magiging kasalanan lang yan kung hahayaan mo na mag-hari yan sa puso mo..
    kung galit ka, mag-palamig muna..saka na mag-usap..para di sumabog diba?

    ingats lagi!

  26. Vajarl ay nagsasabing:

    Sino nagsabe eh araw araw ako galet. Haha.

    Teka question pala, wala akong relihiyon kaya di ako naniniwala sa kasalanan. Naniniwala ako na may mga bagay na hindi dapat ginagawa. Counted naman yon diba?

  27. geylii ay nagsasabing:

    hmm, para po sa akin, normal na emosyon ang magalit
    pero kung pano mo ito iexpress un ang dapat mong mapagisipan kung tama ba o hindi
    maaring kang magalit pero sa paaraan na hindi ka nagkakasala ..

    kanino ka ba nagagalit : sa tao o sa ginawa nya ?

  28. aninipot ay nagsasabing:

    hmmm, galit?
    di masamang magalit dahil parte ito ng emosyon ng tao, may kakayahan tayong magalit dahil normal tayo, ang masama pag may nasakatan kang iba dahil sa galit mo.

  29. Pong ay nagsasabing:

    Sa pagsasara po ng temang ito, ay ito naman ang sa akin.

    Normal at pwedeng magalit. Tao tayo, alam at napagdaan ni Hesus iyan.
    Kung magagalit ba tayo, saan tayo nito idinadala? Pagkasuklam sa kapwa. Isinusumpa ba natin sila? Nananakit ba tayo? Doon na pumapasok ang panghuhusga sa iba.
    Madalas tayong natitira sa emosyon. Dahil ang emosyon ay madalas gingamit ng kaaway (taning).

    In anger do not sin. Do not let go the sun go down with your wrath.

    Iyan po ay paalala lamang at opinyon ku din po.

    Salamat po sa mga nakibahagi.

    Be blessed po!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s