Malayang Kamalayan

Posted: June 12, 2010 in Pansarili
Tags: , , ,


Rainbow – Southborder

Kadalasan sa buhay ng tao, dumarating tayo sa puntong halos mawala tayo sa katinuan (breaking points) at tila nais na lamang natin sumuko sa mga pagsubok na ating kinakaharap… ito man ay isang malubhang karamdaman, pagkalugmok sa kahirapan, pagpanaw ng isang minamahal, pagdurusang hatid ng isang maling desisyon o anumang isyung personal, pagkabigo, pagkabaon sa utang, pagkasawi sa pag-ibig, at pagkalulong o adiksyon at pita ng laman. At sa bawat breaking points ay nagkakaroon tayo ng komprontasyon sa sarili at mga bagay na pinaniniwalaan. Dito nagkakatalo sa pundasyong bumubuo sa pagkatao o sa pilosopiyang sinusunod sa buhay.

Masasabi kong ako’y mapalad sa pagkakataong ibinigay sa akin na makapagturo sa isang ekslusibong paaralan. Isa sa alituntunin ng paaralan ay No Bible, No Entry at iba pang kurikulum na kaiba sa isang regular na paaralan. Pero hindi lahat ng mga mag-aaral dito ay matino, banal at naniniwala noong una sa sinasabi ng Bibliya (langit, impyerno o Diyos). Dahil ako mismo ay naging biktima ng mga pilyong mga mag-aaral (nahulugan ng libro mula sa pintuan). Nakaranas na rin ako ng pang-aalipusta ng mga grupo ng mga banal na tao kung ituring at tinawag nila akong “kulto” sa desisyong maging non-denominational. Ilang beses ko na ring nakatagpo si kamatayan at nakipagbuno sa kasakitan at pita ng laman. Sa ganitong mga pagkakataon ang batong pundasyon lamang ang aking tinatakbuhan. Sa tatlong makakapal na libro na nahulog sa akin ay pagmamahal lamang ang naging tugon sa tatlong mag-aaral na nangangailan ng yakap, kalinga at pang-unawa. Sa salitang “kulto” na sumira sa akin at aking pamilya ay pagpapakumbaba, respeto at pagpapatwad lamang ang aking isinukli. Kay kamatayan at sa likas na pita ng laman ay dasal lamang ang tanging naging katugunan.

Sa isang arkipelagong bansa na binubuo ng mahigit pitong libong mga isla ay madaming paniniwala. Ngunit ang paniniwala ay malaki ang pagkakaiba sa pagkakakilala. Pagkakakilala sa pundasyong kailanman ay hindi maaring alugin, yanigin, ligligin at bayuhin ng mga breaking points sa buhay. Bagkus patuloy itong lumalalim at tumatatag.

Pwede tayong bigyan ng inspirasyon ng kasaysayan at buhay ni Jose Rizal o matulungan ng mga pilosopiya ni Confucius. Posibleng mapagliyab ang angking apoy ng mga ideyalistikong paniniwala. Subalit, hindi nila tayo pwedeng baguhin.

Walang perpektong pilosopiya sa buhay. Ang simbahan, opinyon, dogma, kredo, denominasyon at pananampalataya ay nagbabagu-bago pero ang matatag na batong pundasyon na mayroon ang isang tao ay hindi kailanman. Dahil higit sa paniniwala ay inaalam at kinikilala natin ang mga bagay na mahalaga sa atin.

Si Hesu Kristo at ang Krus ng Kalbaryo ang aking pundasyon at dito nag-uugat ang aking malayang kamalayan sa lahat ng aspeto ng aking buhay. Marahil ang iba ay kayamanan, pamilya, pera, katanyagan, sarili, pag-ibig, wala o maging si Satanas. Paniniwala, pagsusuri at pagkilala: matatag na pundasyon sa isang mas mapagpalayang kamalayan sa iba’t-ibang aspeto ng buhay.

Ang malayang kamalayan ay hindi base sa paniniwala lalo na sa aspetong ispiritwal. Ito’y bunga at alingawngaw ng pagkakilala at pagkakatuto mula sa isang malalim at malawak na pundasyong batingaw.

— Pong–

—————

Postscript:

Ang artikulong ito ay aking suporta para sa PASIKLABAN: Kamalayang Malaya para sa Pilipino sa pangunguna ni Ginoong J. Kulisap. Hindi naisin ng artikulong ito na manira ng tao, institusyon, paniniwala at pananampalataya ng iba. Adhikain lamang ng may-akda na sa pamamagitan 484 na mga salita ay maipaabot niya ang kabilang anggulo ng pananampalataya base sa kanyang karanasan. Inaako din ng may-akda ang lahat ng responsibilidad na kaakibat ng artikulong ito.

Maraming salamat kina Binibining Kuhrach at Kayedee. Prussian Carmine  Ong (link sa “No Bible, No Entry”), Princess Geneva Bondoc (link sa pilosopiyang langit, impiyerno at Bibliya) at sa lahat ng nagbabasa sa blog na ito.

Isang Mapagpalang Araw ng Kalayaan sa lahat!

Comments
    • Pong says:

      at dahil base ka kuya dahn aka taga-bundok heto ang premyo mo:
      isang sakong pulang buhangin
      isang litrong tubig na mahal pa sa gasolina
      at higit sa lahat
      isang pagbati ng Isang Mapagpapalang Araw ng Kalayaan diyan sa kabilang disyerto!

      Mabuhay!

      • jongskie721 says:

        alam mo ba, na nung sa HK at China ako, akala ko nasa disyerto din ako, dahil ang 500ml na tubig ay 50 pesos pag ikinonbert ang pera nila sa pera natin.. naloka ako dun ah ahahaha

        • Pong says:

          oo nga po mam mahal ang tubig lalo na dito.
          mahal pa sa gasolina
          sa 1 riyal meron ka na nung pinakamaliit na bote ng tubig
          sa 1 riyal naman ay meron ka ng himigit kumulang 6 na litrong gasolina.
          1 riyal = 12pesos

        • jongskie721 says:

          aba, okay din ha😀 pwede kayang pumunta ako dyan may bitbit na 5 gallon na tubig at pag uwi ko dito ay lalagyan ko ng gasolina yung limang gallon ko? lolz

  1. J. Kulisap says:

    Marami pong salamat sa iyong lahok Ginoong Joseph

  2. […]  https://themizpah.wordpress.com/2010/06/12/malayang-kamalayan/ 407 Comments by J. Kulisap  /  June 7, 2010  /  Posted in: Pilipino Ako […]

  3. geylii says:

    pa save lang kuya🙂
    basa ako later . x0x0

  4. Tutubi says:

    “…. Ngunit ang paniniwala ay malaki ang pagkakaiba sa pagkakakilala. Pagkakakilala sa pundasyong kailanman ay hindi maaring alugin, yanigin, ligligin at bayuhin ng mga breaking points sa buhay. Bagkus patuloy itong lumalalim at tumatatag…”

    ang galing. may pinaghuhugutan talaga. nakaka tats.

    di man ito yung first time na dumaan ako dito, pero eto yung perstaym kong maglakas loob na mag-iwan ng komento. (medyo shy eh)

    padaan po.
    magandang araw.🙂

  5. jongskie721 says:

    sa dinami dami ng blog na nabasa ko na sumali sa pakulo ni kulisap, di ko pa rin kayang gumawa ng sariling akin lolz

  6. Sphere says:

    Whew! ang haba… ako, baka next week ko pa ipost pero nakagawa nako:-)

    • Pong says:

      i-post mo na ate anne.
      sige na!
      now na!
      wala lang ang akin saling pusa lang
      lagpas sa bilang ng mga salita at may wikang ingles pa
      kaya olats na ako.
      okay lang masaya namang maibahagi ang malayang kamalayan.

      =)

  7. Hay nako sir! Prussian Carmine Ong ho… haha. miss na miss ko na kayo at ang mga times natin sa academy ;(

    • Pong says:

      ahahaah, pasensya na ginamit ko yung entry mo.
      buri kumung akit da deng aliwang bloggers na ali tamu perfect
      ahahahaah

      how’s UP Clark? kumusta naman pag-aaral?
      kakalawe kupa kareng pictures tamu academy keng friendster ku ahahaha.

      aku din madakal naku amimiss… e bali malapit nakung muli.

      Be blessed and regards kareng klasmeyts mu kapag akit mula.

  8. toni says:

    salamat sa mga taong humahamak ng pagod, gutom at paglibak alang alang sa pagmamahal sa Dakilang Guro, tulad mo nananatili silang naglilingkod na panatag at matatag at sama samang naghahayag ng mabuting balita.

    • Pong says:

      teary-eye naman ako sa koment mo ate toni.
      basta, nadama ko ang pag-ibig ng Diyos sa koment mo.
      salamat ate toni ko!

      • toni says:

        hinanap ko talaga sa 4shared.com ung song, eto kasalukuyang play ko.
        interesado ako marinig ung lyrics.

        • Pong says:

          salamat ate toni. palagi ka talagang interesado sa mga songs na inilalagay ko. kapag sa akin naman nagpeplay yung song. kapag sa iba hindi. eheheh

        • toni says:

          akmang akma ung liriko ng rainbow sa yong paksa.
          singganda ng bahaghari.

        • Pong says:

          basahin mo din yung kay teacher nalaine
          maganda at napakapagbubukas ng kaisapan, pati yung kay ate joyo at mam kuhrach.

          salamat sa appreciation ate toni.

        • toni says:

          nabasa ko na ung ke ms. kuracha, don ke ate Joyo mo hiya pa ako mag-iwan ng komento.
          teka dalaw ako ke chicher Nalaine.

          play ko song ngaun ‘snow on the sahara’.

        • Pong says:

          bakit nag-iba ang avatar mo ate toni.
          oo pasyalan mo si teacher nalaine.

          mabait din si ate joyo kaya matutuwa yun kapag nag-iwan ka ng bakas mo.

  9. nalaine says:

    hindi ko pa nabasa ng buo. naalala ko yung pinatatagalog mo sakin pero di ko pala nagawa. sorry.😦 ngayon ko lang naalala. babalik ako kapag hindi busy sa assignment.🙂

    • Pong says:

      alang prublema ita.
      basta mikit tamu dina kuya kulisap kauli ku
      mandala kaming yummmmmmmmmmmy foooooooooods di ba apin mu ita ing pre-requisite? eheheh

      o sige baluku busy ka keng online course mu.

      be blessed!

      see you soon!

  10. Len says:

    Sana magawa ko yung entry ko about sa Malayang Kamalayan

  11. dhyoy says:

    alam mo ba katatapos ko lang imarathon ang supernatural at sobrang daming tanong ang pumila sa utak ko… may ilang bahagi don ang napatanong ako sa sarili ko… na parang nakiliti ang utak ko…ngunit di ibig sabihin non natinag ang paniniwala ko..

    pero lam mo kung ano ang naisaksak ko sa utak ko at tinanim ko sa puso ko na lahat ng nangyayari sa atin, lahat ng pinagdaraan natin ay resulta ng ating binibitawang desisyon. tayo ang pumipili, tayo ang gumagawa ng tadhana natin.

    • Pong says:

      tumpak ate joyo.
      kumbaga anuman ang i-feed sa atin mundo tayo parin in the end ang mamimili kung dapat ba natin itong kainin at i-digest.

      mabuhay ka ate joyo!

      • joyo says:

        yeah kaya wala tayong dapat sisihing iba… nasa atin ang CHOICE…

        Life can both have happy and sad its up to you to decide what you want..

        • Pong says:

          katulad ng pangalan mo… JOY-o kaya palagi kang nagagalak sa mga desisyon mo. pumalpak man bumabangon ka pa rin.

  12. jason says:

    grabe pong.

    ako man ay nabigla sa aking nabasa
    ako ay napasandal sa upuan at tuluyang nagmuni muni.
    kung ako kaya ang nasa iyong kalagayan
    ano kaya ang aking magagawa.

    inspirasyon. mahirap humanap ng inspirasyon kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi ka maging handang magsilbing inspirasyon sa iba.
    😀

    • Pong says:

      salamat naman bro jason.
      kani-kaniya ang pinagdadaanan natin sa buhay
      choice nating maging masaya at magsuffer
      hindi man nakikiisa ang tadhana
      ang mahalaga nagpapatuloy ang buhay
      hindi naman natin kayang pigilin at kontrolin ang ikot ng mundo
      ang paglubog at pagsikat ng araw
      ang mahalaga may pundasyon tayo na alam natin
      when life hurts most…there is hope in HIM.

      shaks
      namiss kita.
      busy ka parin ba?

  13. Vajarl says:

    Una sa lahat, hindi ko parin nagegets ang punto ng pagkakaron ng Catholic school maliban nalang sa pagpapakalat ng Kristyanismo, na sa totoo lang ay hindi naman dapat maging isa sa mga goals ng isang paaralan.

    Pangalawa, hindi ako katoliko, pero hindi ako sang ayon sa humahamak ng pisikal sa mga katoliko. Ayos na saken ang pakikipagututang isip, pero walag pisikalan. Pero hindi ko naman sinasabi na katoliko lang ang receiving end. Base lang sa nabasa ko ang sinabi ko.

    Pangatlo, ayos yan Pong! Antagalog mo halos mautot ako. Hahaha.

    • Pong says:

      lumaki din ako sa catholic high school kuya vajarl
      parang yung school mo din

      sa iskul na pinagturuan ko naman maganda ang kurikulum
      no bible no entry, may monthly scripture memory verses ang mga bata (pre-requisite iyon para maging honor student sila), merit-demerit ang system, may regular worship service sila. all in all maganda

      but it became a program, responsibility, sunction, for grade’s sake etc.
      nawala ang pagmamahal

      salamat naman nautot ka sa tagalog ko.

      • Vajarl says:

        Hindi ko kinaya ang No Bible No Entry. Arekup.

        • Pong says:

          oo talagang No Bible, No Entry nakalagay yun sa gate ng iskul.

        • jason says:

          grabe nga yong no bible no entry. ang pinaka hardcore lang namin sa christian living education eh yung every morning required kami umattend ng mass to receive a mass chip , parang passes para sa 15% na grade sa card.

        • Pong says:

          ganun ba,
          evangelical christian ang pinagturuan ko
          maganda ang program
          aside sa values ed subject nila may bible subject sila
          at kung anu-ano pa.

          pero mga normal silang bata, may matino, magulo, makulit, pero may iba ding nalilito. pero paglabas nila ng academy mas dun nila naa-appreciate lahat. at kailangan din nilang kunin ang sermon outline ng pastors sa simbahan nila every sunday.

        • Vajarl says:

          Iba talaga ang para paraan ng mga katoliko este, ng mga katolik schools. *sipol*

        • jason says:

          si vajarl o simpleng banat. ahahahahah gusto mo wisikan kita ng holy water at canola oil

        • Pong says:

          kanya kanyang paraan para makaattain yung purpose nila.
          maganda din siguro kung non-sectarian ang iskul
          or state college or univ at least mas mahahanap mo kung ano ang gusto mo
          kasi mas may laya.

        • Pong says:

          @bro jason
          baka magalit sa iyo si agua at bendita
          ahahaha

        • jason says:

          wahahahahahah ang hirap pala dala dalawa ang kakalabanin ko. hohostage-in ko si wowa baket!!!

          kala nila!

        • Pong says:

          hindi mo pwede i-hostage si wowa kasi hindi na sila bati ni mommy niya.
          kaya mas lalong magagalit sa iyo sa agua at bendita
          shaks andun nga pala si OTEP yung clown fish kaya pala wala pa siyang bagong post ahahahah

          kapag ini-hostage mo si wowa magpapatulong siya kay Rosalka!

          sino pala ang new host ng wowamster?

        • jason says:

          awts! nagulat nga ko sabi sa dyaryo baka daw tyanak o halimaw ang nasa likod ni rosalka!!!

          shaks! si buboy ata ang ipapalit kay wowoweemaster…

          nung nakaraan nga si ano eh si Rico J puno. nakakaaliw!

        • Pong says:

          hindi na ako gaanong nakaknood ng tfc
          kasi back to normal isked na kami sa simbahan

          ganun ba edi may new title na:

          The Wowamster Bee

          maganda yun.

  14. nalaine says:

    nagbabalik katulad nang naipangako.

    pinilit kong basahin sya nang malaya sa mga kwentong nauna mo nang naibahagi sa’kin. tiningnan ko kung magiging pareho ba ang lalim ng dating ng mga salita mo. oo, damang dama ko ang emosyon sa bawat pangungusap. ang pagtitiwala, ang pananampalataya at pag-asa. sa madaling salita, ang patuloy na pagmamahal sa kabila ng lahat ng breaking points.

    hindi ko alam kung bakit pagkatapos ko itong basahin ay pinilit kong hanapin ang isa sa paborito kong talata sa librong Gerilya ni Norman Wilwayco. Siguro nga, dahil sa isang banda, ito ay usapin rin ng ideolohiya.

    ‘Di talaga maalis ang alinlangan. Sobrang hirap bigyang katwiran ang isang bagay na alam niyang gusto niya. Isa na namang tanong na kailangang resolbahin sa sarili. At alam niya, kahit naroon na siya, tuloy pa rin ang pagsibol ng pag-aalinlangan. Pero alam niya ring natural lang iyon, at dapat lang.

    Dahil hindi piknik ang digmaan.

    At saan ba mainam magresolba, magbura ng mga agam-agam sa isip, magbalangkas ng mga perspektiba’t mga plano. May iba pa ba?’

    Hindi ko alam kung tama bang sa ilang aspeto ng ‘yong kwento ay makarelate ako. May mga kanya-kanya tayong ‘calling.’ May kanya-kanyang pakikibaka. Sabi nila, kailangan ko na rin daw makita ang third alternative sa mundong pinipilit kong pasukin. Nagiging bulag daw ako sa KANYA. hindi ko maintindihan.

    pero bakit nga ba ang drama ko? haha. ikaw kasi.

    ikaw na panalo. karapat-dapat ka. hindi lang sa bigat ng ‘yong post, kungdi dahil sa klase ng pagkataong meron ka. nakakainspire.

    sana mahanap ko rin ang lakas ng loob na yan.

    • Pong says:

      “Dahil hindi piknik ang digmaan.”

      Salamat mam sa pag-papaalala sa bawat isa na nasa digmaan tayo. Maging sa mundong meron ako isa itong digmaan. Digmaang kailangang laging dala ang helmet, baluti, panangga, espada, breastplate, bala (in short, ito ang Bible reflection ko kagabi sa Ephesians). Na hindi piknik ang digmaan bagkus ito’y pinaghahandaan. Alam kung kailan susugod at magre-retreat. At sa digmaang merong ako ay may katagumpayan parati. At kung may kabiguan man ito’y hindi nangangahulugang bigo at sayang ang lahat. Na hindi kagaya ng literal na digmaan may mga buhay na nasasayang.

      Kung nasabi nilang nagiging bulag ka sa KANYA malamang nakikita nila ang mga pagmamahal at pagpapakapagod mo. Minsan mong nasabi (maging ang pyesang “Feminista sa Panahon ng Krisis”) na ang paglilingkod sa tao ay paglilingkod sa Diyos. Tama! Walang pag-aalinlangan iyon (Malamang alam mo ang kwento ni Maria at Martha na kapatid ni Lazarus). Pero minsan kasi we are busy with the Kingdom and neglecting the King. We are busy seeking his hands and not His face.

      Hindi ko alam kung may katuturan pa ang mga sinasabi ko. Kapag hindi kasi in-line ang gusto at kailangan natin sa KANYA ay madalas tayong napu-frustrate.

      teacher madrama na tayo.

  15. J. Kulisap says:

    Magandang araw.Nais kong makisali sa talakayan pero paumanhing wala akong ibang masasabi sa ngayon. Saka na lamang ako babalik dito sa akda mo kapag tapos na ang patimpalak.

    whew.

  16. ladyinadvance says:

    wow makapagbagbag damdamin..haha….nwey wala na kong idagdag nasabi mo na lahat ei….salamat sa pagshare.. ingats lagi.. muwah! God bless you

  17. Ravy says:

    Ang lahat ng pasakit ay may may kahihinatnang pagpapala…

    Basta’t ipagpatuloy mo lang ang magandang gawain…

    Dahil… Lahat ng sakripisyo mo Kuya Pong,

    Ay pasasaan pa’t magkakabunga…

    Bunga na aanihin mo rin, sa takdang panahon…

    • Pong says:

      agree ako
      what we sow is what we reap
      pero ok din sa akin nahindi ko makita ang aanihin ko dahil alam ko namang hindi nasasayang ang pagpapagal.
      kadalasan ang mga bunga at pag-ani ay para sa iba.

      salamat kuya ravy.

  18. beeftapa says:

    tama pong, ganyan din paniniwala ko. mabago man tayo ng panahon sa kagustuhang makasabay sa ikot ng mundo, sa core values pa din naten tayo magbabase ng ating mga major decisions.🙂

    • Pong says:

      oo kuya davin, ang mga bagay na deeply inculcated sa atin ang mas mahalaga sa mga panahong dumadating ang mga breaking points sa buhay natin.

      be blessed kuya.

      yung entry mo kay kuya kulisap i-post mo na.

  19. nhix says:

    whew. napapahanga niyo ako saiyong poste kuya pong. kahit mapaenglish at tagalog, damang dama. tama po kayo sa nabasa ko sa isang comment niyo. di ka man writer, pero dahil sa nanggagaling ito sa puso mo, gumaganda ito.

    dami na ring breaking points na dumaan sa life ko. lalo na nung nakilala ko si God. pero di ako nagsisi. bagkus nagpatuloy ako at nagpasalamat kasi dahil sa mga breaking points na yun, pinapansin ako ni God. mahal niya tayo..

    Godbless kuya Pong. you deserve to win in this contest. hehe.

    • Pong says:

      oo waling nhix, lahat tayo ay dumaranas ng mga breaking points
      walang eksempted, kahit tayong naglilingkod sa Diyos.

      Glory to God

      Kung sino man ang mananlo sigurado akong deserve niya ito. Ang mahalaga ay naipaabot ng mga sumali ang isang malayang kaisipan.

      Be blessed!

  20. kayedee says:

    shaks. sumabit pangalan ko dun.. dun ohhh. sa taas, ehehe,,

    gaya ng una kong cnb sayo kuya pong, gusto ko sya hnd lang dahil mgnda ang mga cnb mo kundi madali syang naiintndahn, hnd kelangn bsahin ng 2 tyms eheheh..

    ingat kuya pong. mwaaah

    • Pong says:

      salamat waling kayedee
      salamat sa tulong sa song at umaga ka ng natulog para sa autopaly mode

      Papuri sa Diyos.

      Be blessed!

  21. J. Kulisap says:

    Magandang umaga, yon lamang.

  22. jason says:

    alam mo bang nagbalak kaming gumawa ng kulto dati? katuwaan lamang?

    pero syempre di natuloy. mga bata nga naman ano?

    • Pong says:

      wahahaha
      as in kulto?
      ahahah
      sa America ang kulto ay ang mga anti-Christ or yung nag-aalay at sumasamba kay taning.
      ang nakakalungkot sa Pilipinas (dahil napag-aralan namin ito)
      kulto ka kapag hindi ka kaanib sa kanilang grupo o pangkat.

      Parang ganito:
      Group A will call Group B a cult because Group B is not a member of Group A.
      Ang hirap kasi ang bawat isa ay nagtatawagan ng ganito.

      Kaya non-denominational ang pinili ko at dito may tinatawag na CNW Church No Wall nagtutulungan ang bawat isa, walang agawan ng miyembro, tulong-tulong ang bawat isa.

  23. kayedee says:

    shaks gudmoring kuya pong..

    ho ho ho.

    ahahha puro kay jason lht ng cnb ko! ahhaa.. sowe jason nakikigaya lang sayo! ahaha

  24. jason says:

    shaks!

    over flowing talaga ah hahahahaha

    di naman namiss ko lang kayo!

  25. J. Kulisap says:

    Aba, nagdadaldalan pala kayo, naiinggit ako.

  26. flattopsatcurlytops says:

    mukhang malapit na rin akong maging non-denominational ah.. hehehehe maraming practices sa Catholic ang ayokong sundin.. very inspiring ang entry mo..😉

    ngayon ko lang binasa ito kasi ayoko pang basahin yung mga entries hangga’t di ko pa natatapos yung akin.. hehehe

    • Pong says:

      nabasa ko na yung sa iyo yehey base ako dun.
      actually kung titingnan natin madami talaga, laking catholic din ako, pero noong bata pa ako laking sunday school ako
      hanggang sa college na sa born again evangelical na ako up to now.
      basta importante yung core natin, yung pinakasentro natin
      tsaka pulitin ang magaganda at itapon ang mga pangit lalu na sa mga religious practices.

      salamat naman. Glory to God. Be blessed!

  27. chevybo says:

    Kuya Pong, kamusta ka na? shaks! nung nasa unang parapo na ako. Mag-aawt na pala ako. Bukas ko na tatapusin ha.

    Ingat ka lage at Godbless!

  28. salbehe says:

    Hi Pongski. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakapagkomento, matagal ko kasing pinag-isapan kung anong sasabihin ko sa iyo. Ayaw ko naman patagalin pa ang paghihintay mo kaya “Hi!” na lang.🙂

  29. ngob says:

    one way to share the Good news., telling others that JESUS is our firm foundation.,

  30. maldita says:

    Hi…I just read your entry…Love it.=)

  31. Chevy says:

    Kuya, bago ang lahat. Gusto ko lamang sanang itanong kung anu ang ibig sabihin ng salitang “dogma”? hehehe.

    Bilib na talaga ako sa bato, pundasyon o kung anu man iyang iyong sinasandalan o pinanghahawakan para hindi magpatalo sa sakim, mapanganib at mapanghusgang mundo.

    Pero Kuya, pasensya na, kapanginig talaga ng laman yung tatlong mag-aaral na yon eh. Sabihin mo lang ha, reresbak tayo. Tatlong malalaking bato naman ang itatama natin sa kanila. Nyahaha. At para sa mga nag-babanal banalan na mga yon!(Sorry Kuya ha..) Para na rin nilang ginisa ang mga sarili nila, sa sarili nilang mantika. Basta ayoko nang manghusga. Dahil parang wala narin akong pinag-kaiba sakanila kung ganuon. Bahala na ang Diyos sakanila.

    Ingat! GOdbless! Kuya!

    • Chevy says:

      Madag-dag ko lang. Buti na kayo, ou kayo. Andami na kasi. Eh me poste na… ;(

    • Pong says:

      kaibigang chevs tama ka. hindi tayo manghuhusga at mambabato eheheh
      nakaraan na iyon. ang adhikain lang naman natin ay mabuksan ang isipan ng mga mambabasa.

      ang dogma ito yung established beliefs, doctrines ng isang simbahan/relihiyon/ o grupo. kumbaga hindi ito pwedeng kwestiyunin o i-challenge to prove its veracity or something to doubt about.

      salamat naman. ako din man kagaya ng bawat isa ay hindi perpekto at patuloy paring nagpapabago sa Kanya.

      Salamat naman chevs, nagpang-abot din tayo.
      salamat talaga!

      • Pong says:

        at chevs gawa ka narin
        pili ka ng topic na sa palagay mo kailangang magbukas ng kamalayan para sa iba
        let loose ng meron ka. andito lang kami. susuportahan ka namin

  32. ysae says:

    breaking points……
    from where are we being broken..
    from what are we being broken from…
    the strongest tree is up on the hills
    whenever the wind blows a young tree bends and break
    but from where it breaks, a new fabric grows making it stronger, sturdier
    … ready to face every wind of challenges

    breaking points is the defining moments of our lives…..

    i like ung story mo…. bukas pa ba ung school na un?

    o yan, nag-hop nako

    • Pong says:

      kaya kita namiss pas eh.
      yap bukas pa ang iskul na yun.
      i miss the iskul
      the students
      co-workers
      at yung everyday stuff ng pagiging guro.
      but i think i can’t go back there to teach
      although pwede akong pumasyal

      namiss ko yung mga thoughts to ponder na koments mo. salamat po pas at napadaan ka ulit.

      be blessed po!

  33. runmdrun says:

    minsan ko nang naranasang maging kalaban ng buong mundo… yung tipong lahat na lang gustong kumalaban sa akin.. sinubukang kong labanan, hindi ako nagwagi… lalo lang akong nahirapan. Nung naisipan kong, “Wah, bahala na kayo sa buhay niyo!” doon nagsimulang naging mas maging magaan ang buhay. sabi nga, if you can’t beat them beat them with a bath (or something like that). hindi ko sure kung ganun talaga ang saying pero bahala na sila sa buhay nila. eh sa hobby nila ang tumaliwas sa paniniwala ng iba eh. what good can do kung tutumbasan ko ang pagtuligsa nila sa pag-tuligsa sa kanila!

    • Pong says:

      tama kuya md.
      lalo na kung sa aspeto ng paniniwala
      respeto at pang-unawa ang kailangan hindi kailangan ng debate.
      we could win them by showing what Jesus do and taught sa mga cases na ganito.
      in return mas marerealize nila.

      be blessed po kuya md.

  34. J. Kulisap says:

    Maraming salamat po sa lahat ng mga napapadaan at nagbabasa ng mga lahok.

    Tunay na nauumid ang mga dila ng aking mga hurado. Ikinatutuwa ko ito ng labis.

    Magandang umaga sa lahat

    • Pong says:

      @kuya kulisap

      kami din ay masaya sa tugon ng Sambablog.
      na sa ganitong mga adhikain ay nagkakaisa tayo.
      umuusbong at sumusulpot na parang mga usli ang kamalayang malaya natin.
      Congratulations sa tagumpay kuya!
      Mabuhay ka!

      @all
      salamat po sa pagdaan at pagbasa ng aking lahok.
      inaanyayahan ko din po kayong basahin niyo lahat ng mga entries. they are worth reading.

      Glory to God!

      Be blessed!

    • runmdrun says:

      may mga hurado? sinu-sino? dali at para mailibre ko ng pancake sa pancake house!hehe

  35. J. Kulisap says:

    Magandang umaga Pong. Anong balita sa entry ni Len mo?

  36. arnie says:

    mahirap talagang maranasan ang ganoong sitwasyon ngunit sa lubos na paggabay ng ating Poong Maykapal tiyak na ano mang hinanakit at pagdurusa ay mapapalitang ng walang hanggang pasensya at kapayapaan…

    siguro nga mayroong kanya kanya tayong mga paniniwala at dumadating sa punto ng hindi pagkakaintindihan. Naway magkaroon ng pagkakaisa at wala ng maging di pagkakasundo sa anumang bagay o paniniwala…

    magandang hapon kuya pong!!!

  37. aninipot says:

    hindi ko alam anong sasabihin ko, pagkatapos mabasa ang lahat ng comment..hahaha

    kaya magandang araw nalang…hahahaha

  38. kaye says:

    awww…sorry naman at parang persecution ang nangyari…hay…bakit ba kasi kelangang magkaron ng awayan dahil sa relihiyon, kung iisang Diyos naman ang ating sinasamba?

    salamat sa iyong pagbabahagi, pong! hindi man ako base, masaya pa rin akong nabasa ko ang iyong sinulat dito.🙂

    • Pong says:

      salamat ate kaye
      kahit hindi ka base
      okay lang yun
      kami lang naman dalawa ni mam kuhrach ang naguunahan sa base eheheh

      oo nga ate kaye malaking usapin sa atin lalo na sa Pilipinas when it comes sa faith. paranng persecution nga pero we leave it up all to God. Sabi nga ni Nanay kanina lang, kahit daw gaano kasakit ang ginawa nila ay nagpapatuloy parin sina nanay sa pananambahan sa amin.

      be blessed po!

  39. arnie says:

    magandang araw kuya pong…
    🙂

  40. -=cuteberl=- says:

    Nakakainspire na akda kuya pong.. hehehehe

  41. flattopsatcurlytops says:

    good morning kuya pong! musta?

  42. J. Kulisap says:

    Ito ay entry number 4. Salamat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s