Pinoys

Posted: Hulyo 14, 2010 in Kwentong Disyerto
Tags: , , ,

Babala: Ito ay mahabang post. A blessed week-end to all!

Sabong

Tuwing Miyerkules ay hanggang ika-apat ng hapon lamang ang aming trabaho. Pagkasakay ko ng bus ay halos puno na at mangila-ngilan nalamang ang hinihintay bago tuluyang umalis. Pagkapanhik ng huling kasamahan namin ay ito ang naging sigawan sa loob:

 Man 1: 43!

Man 2: 46!

Man 3: 44!

Man 4: 45!

Man 5: 47!

At habang papalayo kami ay patuloy pang lumalakas ang sigawan sa loob ng bus. Yung iba tumatayo pa at may sinisilip na kung ano sa di kalayuan. Mga ilang minuto pa ay tanaw na ng lahat ang digital thermometer sa daan. Nagkahiyawan at nagpalakpakan ng makita ang 46oC.

Bawat sigaw ng mga numero sa itaas ng aking kasamahan ay sabay abot ng riyals sa kristo (tagalikom ng pera ala sabungan). Pagkalampas sa digital thermometer ang lahat ay nanahimik upang tulugan ang init dito sa gitnang silangan.

Napangiti at ibinulong nalamang sa sarili, “iba talaga ang Pinoy, init man ay napagsusugalan din.” At bago ako naidlip ay sinabi ko din sa aking sarili, “balang araw maibabahagi ko din sa kanila ang tunay na Kristo – hindi ang sa sabungan.”

Britanya

Tuwing Lunes ay humahayo kami ni Partner sa malayong disyerto. Pero noong Lunes ay hindi siya ang nakasama ko. Isang kapatiran din na kasama sa panambahan. Kailangan kasi ni Partner magpahinga dahil halos kulang na siya sa tulog dahil sa pag-eensayo niya para sa nalalapit na July 30 (Fellowship).

Naging matagumpay naman ang gawain sa biyaya ng Maykapal. Sa katunayan, may picture ako at ang mga kapatiran para sa picture-greeting ni Kayedee sa kanyang kaarawan.

Yan ang malayong disyerto (yung gate sa kanan diyan ginaganap ang gawain)

Habang binabaybay namin ang daan pauwi sakay ng coaster ay kasabay namin ang mga Britanya. Payabangan sila. Buti nalang daw at Britanya sila. Malaki ang sahod, maraming benepisyo at higit sa lahat ipagtatanggol sila ng kanilang bansa kung pumalpak man sa trabaho.

Ang Coaster (Papunta po iyan sa malayong disyerto kaya wala ang mga taga-Britanya)

Napangiti at ibinulong nalamang sa sarili, “Britanya man kayo, Pinoy pa din kayo sa dugo at lahi. Marahil sa pasaporte ay Britanya kayo, tinatamasa ang karangyaan at pribilehiyo na mapabilang sa kanluraning bansa pero hindi maikakaila na Pinoy kayo. Gamit niyo nga ay wikang Filipino at bernakular na Ilonggo.” Sabay sabing, “ang pagpapala ng Diyos ang sumainyo.”

Soft and Hard Copies

Kahapon ay sobrang abala ako dahil sa trabaho. Kailangang repasuhin ang mga soft copies ng IPPs versus hard copies ng apat na departamento. Lahat ng soft copies ay hawak ko. Ang mga hard copies ay hawak ni boss at minsan ko lamang nahawakan para ibigay ang aking mga puna, partikular sa format at sa boss ko naman ang mga nilalaman na siya naman naming ibabalik sa mga departamento para sa final cut.

Dahil nagbakasyon siya ay iniwan niya  sa akin ang kanyang mga kumento at aking aayusin base na rin sa kanyang mga iniwang printed remarks. Sa loob ng isang buwan ay yun ang ginawa ko at kahapon ng umaga ay umaatikabong eksena ang naganap.

Boss: Bakit yung IPPs ng isang section ay hindi nagma-match ang mga soft copies dito sa hawak kong hard copies?

Pong: Hindi ko alam. Ang hawak ko lang ay ang mga soft copies at akin ng inayos base sa mga printed remarks na iniwan mo.

Boss: Kahit na wala kang hawak na hard copies ay malalaman mo na may mali sa mga soft copies na isinumite  nila.

Pong: Kaklaruhin ko lang sir. Minsan ko lamang nahawakan ang mga hard copies. Ang hawak ko ay mga soft copies na siya kong ipino-forward sa iyo at siya mo namang ipino-forward sa mga departamento para sa final cut. Paano ko maikukumpara ang hard copies at soft copies kung hindi ko hawak ang final cut.

Boss: Hindi ako makikinig sa iyo. Kailangan mong gamitin ang utak mo. Kahit wala kang hawak na hard copies ay madali mong malalaman kung may pagkakaiba ito sa mga soft copies. (Pasigaw sabay labas ng aking opisina)

Hindi ko siya kinibo maghapon (maliban kung kailangan) pero ginawa ko lahat ng mga trabaho na dapat kong gawin. Bago nagtapos ang araw ay ipinadala niya ang mga final cut ng mga IPPs. Kinausap ko siya at humingi ng tawad at gayundin naman siya. Nagkapaliwanagan at naging maayos na ang lahat.

Dahil nakita niyang hindi ako kumain ng tanghalian ay ibinili niya ako ng makakain (fried chicken at fries) at tsokolate sa ganap na ikaapat ng hapon.

Bigay ni Boss (Nakain ko na yung chicken at fries)

*Aming nabatid na ang final cut (soft at hard copies) na isinumite ng isang departamento ay magkaiba. Hindi niya nai-forward sa akin bago siya nagbakasyon. At hinahanap niya sa akin ang mga hard copies ng isa pang departamento at sabay sabi, “nasa sa iyo lahat ng hard copies.” Tumugon siya  ng, “walang problema sige kumain ka na.”

**Ang palitan ng tugon ay sa wikang Ingles.

Napangiti at ibinulong sa sarili, “salamat sa Diyos na sa bawat hindi pagkakaunawaan ay nagbibigay siya ng mga aral ng pagpapakumbaba at pagpapatawad kaya sila saludo sa Pinoy.”

Advertisements
Mga Puna
  1. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    base. basa mode muna.

  2. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    Napangiti at ibinulong sa sarili, “salamat sa Diyos na sa bawat hindi pagkakaunawaan ay nagbibigay siya ng mga aral ng pagpapakumbaba at pagpapatawad kaya sila saludo sa Pinoy.”

    gusto ko ang linyang ito. tama kuya pong. ganda ng post na ito. real lyf dram…. musta disyerto? pasalubong ha… nakakainspired ka naman. lets not be weary in doing good kuya. tama lahat ng ginawa mo.. astig. GODBLESS. Narealize ko as you humble yourself may reward kang (fried chicken at fries) at tsokolate. PAHINGI………..

    • Pong ay nagsabing:

      Kongrats sir berlim base ka!

      tama let us not be wear of doing good and praying earnestly sa iba.
      punta ka dito bigyan kitang kitkat ahahaahha.

      be blessed

      nalulugod ang Diyos sa mga may pusong mapagpakumbaba.

      • -=cuteberl=- ay nagsabing:

        masaya ako na ako ang unang base. 1st tym ko.. musta po? kelan ka dadating dito pinas kuya pong. wala lang gusto ko lang din mameet sa personal lahat ng friend ko s blog…

        • Pong ay nagsabing:

          sir berl next year pa uwi ko medyo matagal pa yun eh
          di bale pag may chance mag meet bakit hindi di ba.

          kumusta po? be blessed!

  3. kuhracha ay nagsabing:

    dahil mahaba, di ko binasa. second base!

  4. barrycyrus ay nagsabing:

    Sana nakisigaw ka ren sa loob ng bus! :p

  5. J. Kulisap ay nagsabing:

    Ipinagmamalaki kong Pinoy ako. Pinoy nga ba si Kulisap? Weh? patingin

    Hi pong

  6. Joyo ay nagsabing:

    totoo iba ang pinoy… iba magtrabaho pulido…

    sabi nga nila yung ibang lahi kapag inutusan linisin mo ang sala may darating na bisita, lilinisin naman… yun lang lilinisin lang…

    sa pinoy lilinisin, papalitan ang mga kurtina, maglalagay pa ng bulaklak sa plorera…

    kapag pinoy ang umalis sa pwesto, 5 tao ang katumbas nito…

    mas madaling kausap ang mga pinoy, minsan d a kailangan ng mga boss magexplain, alam na nila ang gagawin…

  7. Joyo ay nagsabing:

    mainit ba jan pong… waaaaaaaaaah dito as in sobra! ayaw ko na ngang lumabas ng bahay kung pwede lang… 😥

    • Pong ay nagsabing:

      mainit na dito ate joyo sobrang init na talaga
      kahit gabi na ay 42 parin ang temp what more kapag tanghaling tapat.
      iinit daw ng sobra ngayong Ramadan.

      ako din kung hindi importante hindi ako lalabas kasi ang hangin sobrang init din…

      oo nga katumbas ng Pinoy ay 5 katao lalo na sa native dito mahirap turuan at mahirap din kausap. Pero may mababait naman minsan sala sa init at sala sa lamig parang tempertura lang nila ang importante naman nakakasabay tayo sa kanila at yung tiwala nila pagdating sa trabaho na inatang sa atin.

      be blessed ate joyo!

  8. duking ay nagsabing:

    natuwa ako sa una,naisip ko kasi na ganyan din kami rito sa trabaho,hindi nawawalan ng pinagpupustahan.

    tapos yung mga kategorya na naghahati hati sa karamihan.in your case,hawak na passport,dito naman sa atin,titulo sa trabaho o antas sa lipunan.ako,iniisip ko na lang na kumakain din sila ng kanin at mababaho rin ang tae nila so quits lang.besides,may mga nagagawa ako na hinding hindi ko pagpapalit sa mga bagay na meron sila o kaya nila.

    at syempre mga work issues.hindi ko yan masyadong pinapatulan dahil eventually,lahat naman yan eh trabaho lang.

    yun lang.ingat lagi,pong!

    • Pong ay nagsabing:

      ahaahah nakikipagpustahan ka din pala kuya duks.

      tama din yung outlook mo kuya sa second story

      siguro sa third story case to case basis lalo na mga banyaga ang katrabaho namin

      kuya duks minsa mag-eemail ako sa iyo ha

      be blesssed po!

      • duking ay nagsabing:

        sure pong,sure!

        ikagagalak kong mapasama ang e-mail mo sa spam.

        hahaha!joke lang!lahat naman yata ng first e-mails sa spam napupunta.

        yung third issue pong,kailangan maging mas mahaba ng konti ang pasensya mo dapat.although di naman kaila sa atin na laging mas magaling ang pinoy pagdating sa work,syempre iba pa rin yung kayo ang minority jan sa ibang bansa.sabagay,mas alam mo na yun kesa sa akin dahil all this time,andito pa rin ako sa saya ni inang bayang filipinas.hehehe!

        • Pong ay nagsabing:

          bakit naman spam? naman sabi ko na eh may sama ka ba talaga ng loob sa akin, sabihin mo lang kuya duks sige isasara ko na blog ko ahahahah, joke lang

          napanaginipan ko kayong mga ka-blog ko at kasama ka dun ahahaha basta nakakaaliw ang panaginip ko palagay ko totoo ang mga andun sa panaginip ko ikaw ang bida eh.

          siguro nga dahil minority kami dito at ang tingin talaga ng iba sa amin ay slave as in literal slave. pag-uwi ko mas maibablog ko ito.

          be blessed kuya duks.
          sa apartment ka ba nakatira kuya duks?

        • duking ay nagsabing:

          sa karton ako ng lucky mee nakatira pong.

          ganun tal;aga yung first time e-mails,nilalagay sa spam ni yahoo.di ko rin alam kung bakit.

          anyway,baka nasosobrahan ka na sa blog at kami na ang napapanaginipan mo,pong.ahihihi!!!

          rawwwrrr!!!hindi naman ako nangagat sa panaginip mo?

        • Pong ay nagsabing:

          sige nga gawan mo ng doodle yung karton ng lucky me na bahay mo sige nga,

          iluto na ang mga spam na yan kuya duks!

          hindi naman ako madalas magblog, busy na nga ako eh,

          yun nga eh nangangagat ka sa panaginip eh.

          be blessed po!

  9. Wandering Piscean ay nagsabing:

    Pong totoo na mahirap talaga ang mag trabaho sa malayo dahil mag isa ka talaga sa mga laban mo, wala kang pwedeng kapitan maliban sa sarili mo at ang pananampalataya mo. Swerte siya dahil mabait ka talaga. Kung sa akin niya sasabihin ang mga katagang ganyan ay uuwi siyang bingi sa bansang pinagmulan niya lalo pa’t hobby ko sa araw araw ang sumigaw sa trabaho, nakakaganda daw kasi ng boses iyon at nagpapalakas ng baga. Uyy pinapatawa lang kita Sir. Basta pag may mga ganyang eksena wag mo lang dibdibin, tawanan mo lang.

    • Pong ay nagsabing:

      ahahahah sir WP talaga
      basta napaguspan na natin yan hihintayin ko nalang ang perfect time sa usapan natin eheheeheh

      salamat po sir sa pagdaan be blessed po.

  10. bonistation ay nagsabing:

    ang haba nga hihi! dikopa natapos! ^^ pero salamat muna sa paglagay ng badge ko! musta dyan!?

  11. taragis ay nagsabing:

    hi! ako din pa comment! haha! =) rock on!

  12. J. Kulisap ay nagsabing:

    Pong kailangan ko ng badge, paano gagawa ng badge. Paano?
    Kuhra, mag-isip ka ng disenyo.

    Nang-utos..ahahaha.

    • Pong ay nagsabing:

      ahahaah kailangan mo din ba ng badge sige mag request tayo kay mam kuhrach
      kapag napadaan siya dito

      kumusta naman po kuya kulisap?
      be blessed po!

  13. Sphere ay nagsabing:

    Dito sa work ko sa awa naman ng Diyos walang sigawang nagaganap lahat kc kami Boss ahahahha ung Boss namin bihira lng pumunta ng site laging nsa head ofis pinaubaya na samin ang lahat ganun sya katiwala sa mga Pinoy tiwala sya na hindi magigiba ang building na gingawa namin sa loob ng 10 taon.

    ang madalas lng magsigawan dito ung mga indiano puro lng sila sigawan ung iba pa nanginginig sa galit pero wlang pisikalan sabi ko nga mga Pinoy malamang may isang bumulagta na don at may isang duguan.

    Madalas din kami magpustahan pag laban ni Pacman, paunahan kung sino makakaalam na may lahi bang unggoy pero anak sa labas ng pusa si kuwan, mga ganun lng naman at ito natuklasan ko mas masarap ang mga lalake kausap pag tsismisan ang topic mas makatotohanan ang tsismis.

    • Pong ay nagsabing:

      oo madals magsigawan talaga ang mga ibang lahi
      mga pinoy usually tahimik lang
      ako palaging binabantayan ng boss ko eheheeh
      ahahah ate anne nakikipagpustahan ka kay Pacman

      kumusta naman ate anne
      koment back ulit ako paalis na kami papunta ng simbahan
      be blessed ppo

  14. livingstain ay nagsabing:

    kailangan lang talaga pagusapan ng malinawan ang lahat. yan ang susi ng magandang samahan.

    • Pong ay nagsabing:

      salaamt sa pagdaan sir livingstain
      kailangan po talaga ang magandang pag-uusap sa mga ganung sitwasyon

      i-add ko po kayo sa link

      be blessed po!

  15. Jag ay nagsabing:

    Grabe ang init pla talaga jan noh? hayaan mo parekoy magbubunga din ang lahat ng hirap at kabutihan mo…

    God bless!

  16. runmdrun ay nagsabing:

    aww, nagkaayos din naman pala kayo ng boss mo eh! tsaka, kuya pong, ‘di po ba, briton ang tawag sa mga taga britanya? hehe

    naku, grabe naman ang init diyan! pero ba’t hindi ka sumali sa pustahan.. yung trip lang.. yung sisigaw ka with full conviction tapos sisigaw ka ng temperature na sa bagyo lang natin nararanasan hehehe hindi ka kaya kuyugin ng mga tao nun? hehe

  17. Len ay nagsabing:

    hello pong… ^^,

    hindi ba boring jan?? hehe
    yup iba talaga..

    hhmmmmm….

  18. Vajarl ay nagsabing:

    Patulugin nyo ko ang hahaba ng entries nyo! Haha.

    Babalik ako bukas, bohaha. Sa opis ko babashen.

    BOOYAH!

  19. Daniel P. Yuson Jr ay nagsabing:

    @ Pong: yun naman ang maganda..!
    yun bang…
    magkaaway man…
    magkaroon mang nga samaan ng loob…
    in the end…
    magkaka ayos din..!
    then…
    mawawala na yung galit sa puso..!
    what remains are…
    the lessons of life..! 😉

    • Pong ay nagsabing:

      kailangan talaga sa work sir daniel ang tiyaga at pasensya lalo na sa bansang banyaga.

      at ang importante nagpapakumbaba at natututo sa pagkakamali

      be blessed po

  20. jason ay nagsabing:

    hmmmmmmmmmmm

    1. nagulat ako kala ko ano yun numbers. kala ko nagbibilang ng pasahero bago tumakbo ang bus. hehe pati pala yon ginagawang sugal dyan! mga pinoy pa pasimuno?

    2. baket kaya ganon nakatungtong lang ang ibang pinoy sa ibang bansa, instant, mahal na kagad nila ang banyagang bansa, at natatalikuran ang pinas, ang masmasaklap pa, naikukumpara, ang daming maling napupuna sa sariling bansa.

    3. galing naman ng boss mo. lam nya sya may kasalanan kaya sya na ang nagparaya. idinaan sa meryenda. ikaw naman eh napakabuting bata dahil di ka nagtanim ng sama ng loob, hinayaan mong humupa ang tensyon. kaya ayon. hehe

    hello

    • Pong ay nagsabing:

      bro jason namiss namin ang presensya mo
      bigyan mo naman kami ng oras
      huhuhuhu
      ahahaha

      1. oo libangan daw nila iyon, diversion ba ng init
      2. may mga ganun talaga pero hindi naman lahat bro jason, yun nga lang may mga taong ganun na sila pa mismo ang nagdi-dicriminate sa kapwa pilipino.
      3. oo ganun dapat talaga wag nalang sumagot at marerealized din nila na may pagkakamali sa both sides, basta humble tayo dapat parati may free meryenda pa ahahaha

      hoho

      hi!

      be blessed

  21. geylii ay nagsabing:

    kamusta kana po ?

  22. aninipot ay nagsabing:

    akala ko kuya, bawat tayo may sariling no. tapos part yon ng roll call parang nasa elementary lang..hehe, di pala..pasimuno nga naman ang mga pinoy para lang may katuwaan..yon ng lang ang masama ginagawang sugal.

    minsan talaga sa trabaho di nawawala yang di pagkakaintindihan..pero pag may pasensya ka.. magiging ok din ang lahat..

    magandang araw kuya mizpah.

    • Pong ay nagsabing:

      oo nga nakaakaliw din at times siguro diversion na din nila ng init yun at pampaalis homesick

      kailangan talaga ng mahabang pasensya dito dahil sa init at ibang lahi ang katrabaho

      magandang araw dins a iyo waling anini

  23. kayedee ay nagsabing:

    elow kuya pong.gusto ko po munang magpasalant sa effort na maibigay ang aking regalo.mwaahugz!..

    ang swit nman ng sir mo at binigyan kpa ng fud ehehe..
    laht nman tlga ng prob eh nadadaan sa mabuting usapan..

    godbless kuya pong.
    ingat plage.

    • Pong ay nagsabing:

      ahahah
      niloloko ako ni ate anne at kuya kulisap whole body daw ipinadala ko huhuhuhu
      ang ingay nila ahahah
      ok lang yun basta para sa iyo
      oo dapat lahat dinadaan sa mabuting usapan.

      be blessed

      musta handaan? penge naman!

  24. toni ay nagsabing:

    ang taong banayad at payapa.. pinagpapala.

    at talagang inuna mo papakin ung makolesterol ah.
    dapat binigay mo na lang saken.

    kumusta na puso mo kapatid?

    • Pong ay nagsabing:

      ate toni salamat po sa pagkamusta
      last kong check up ate ok na naman normal na po lahat
      ang problem dito ngayon sobrang init
      as in mainit minsan po 8pm na 50+ parin ang temp
      namiss ko po kayo salamat po sa concern

      be blessed po!

      • toni ay nagsabing:

        kaya kahit umakyat ng 40 paminsan minsan dito samen di ako makareklamo.
        15 lang ngaun oras nato kaya magaang kumilos sa labas.

        iwasan nyo na lang talaga lumabas lalo’t di naman kinakailangan.
        ingat lang!

        • Pong ay nagsabing:

          opo ate toni dapat po talaga hindi kami naglalabas labas dito kanina po pauwi bumili ako ng pineapple juice sobrang init po talaga, sand storm pa kaya mas mainit sigurado bukas.

          ang galing naman po diyan 15 lang gusto ko ng sumapit ang winter po.

          be blessed at ingat din po!

  25. chevybo ay nagsabing:

    Hello Kuya Pong! Kumusta ka na? Ayus din naman pala yung boss mo eh, at natakam ako dun sa Kit-Kat. Hehehe. Ayus din yung sabong ng mga pinoy yungkol dun sa temp. Ayus! Ingat ka lage at Godbless!

  26. flattopsatcurlytops ay nagsabing:

    ehem! meron pa ba nung kitkat? yun ang nakapukaw ng atensyon ko mula sa post mo.. hehehehehe

  27. etchosera ay nagsabing:

    kung sa ibang pilipino grabe ng sigawan ang nangyari dun sa enwentro niong mag boss.

    teka pong tulog muna ako. Pagod si ate sa lahat ng aspeto. hmmm magulo ba?

    • Pong ay nagsabing:

      ahahah sige ate tulog po muna kayo. ipaghehele ko po kayo
      meme na ate
      meme na ahahahah

      oo nga pero naging ok naman lahat ate

      be blessed po!

  28. Vajarl ay nagsabing:

    Aha! Bus ang primary way ng transpo ng commuters dyan? Mapanghusga lang. Pero mas gusto ko yan kesa sa jeep. Mas maliit, mas marame, mas maraming barumbadong drivers na walang pakundangan sa batas, mas traffic.

    Anyways, nagtytype ako nitong comment while reading, usually ganto ako magcomment sa mahahaba ng entries, kaya hula ko, nagpupustahan ang pinoys sa temperature? Tama ba?

    YEY! TAMA AKO! Haha. Ayos. Pero temperature? Ang weird.

    Pareho kame ni partner mo. Makadiyos. Este, kulang sa tulog. Pero wait lang, di ba wala naman sa kanluran ang Britanya? Enlighten me.

    Pribilehiyo siguro ng mga Boss ang manigaw ng empleyado nya. Siguro kase malaki ren naman ang bagsak sa kanya ng konting pagkakamali ng ilang tao sa baba. Ang importante lang siguro eh by the end of the day, matapos ang malakas at walang saysay na balyahan eh alam ni Boss na mali sya, malaki lang ang responsibilidad nya kaya madaling madala ng emosyon pagdating sa kailangan nyang akuin.

    Tingin ko lang naman. Humble opinion ng humble na tao. *kidlat*

    • Pong ay nagsabing:

      ang babangis ng mga koment mo kuya vaj, nabasa ko din yung kay ate kaye anghaba din ahaah

      1. bus at taxis ang mode of transpo dito kuya vaj, mas gusto ko ang jeep yehey!

      2. yehey tama ka! temp nga, kahapon 56.5 lang naman ang temp kuya, wirdo nga.

      3. Salamat naman at pareho kayo ni partner.

      4. napagusapan na natin kanina sa ym ang kanluranin ahahhaha

      5. palagay ko nga dahil sila din ang malilintikan kapag nagkataon kaya nagmamasungit sila madalas (ang mga boss)

      6. yehey sa pagiging humble.

      be blessed po!

  29. yin ay nagsabing:

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

  30. Vajarl ay nagsabing:

    Pong pong po pong pong!

    Beng!

  31. nhix ay nagsabing:

    wow.. super duper init naman pala jan.. binabagyo rin ba kayo diyan kuya pong?

    • Pong ay nagsabing:

      oo nga waling nhix
      oo bumabagyo din dito ng tubig madalas 3 days lang yun kapag nagpapalit ng season
      pero hindi tumatagal kagaya sa atin
      buhangin ang bagyo dito, madalas.

      be blessed po!

  32. Vajarl ay nagsabing:

    Nanalo karen pala?

    HUWAAAAW!

    ASAN ANG DRUMS? ANG GUEST STAR? ASAN ANG KARNE?

    1.. 2.. 3..

    WANTAWSANTUTAWSANTRITAWSAN KUNGRESHEMELEYSHENS!!!

    *confetti*

    • Pong ay nagsabing:

      oo nanalo din ako may entry kaya ako sa LLM naman ang ganda nga ng koment mo dun eh

      ahaahahah talagag binasa ko yung 1,000, 2,000, 3,000 KUNGRESHEMELEYSHENS!!! (pasensya na hindi ko kayang itranslate ito hanggang copy paste lang talaga)

      salamat be blessed!

  33. lio loco ay nagsabing:

    ngayon ko lang nalaman, sa ibang bansa ka pala nagtatrabaho. okey ah. base sa mga litrato, ipinapalagay kong asa middle east ka, tama ba? sang banda diyan?

    at yung britanya, hindi ko masyadong makuha. mga pinoy na may british employer ba tinutukoy mo? kurutin mo sa singit mga ‘yan, “aray” pa rin ang bukambibig, hindi “ouch!” 😀

    • Vajarl ay nagsabing:

      Lio, mas madaling hulaan kung binase mo nalang sa temperatura. Haha.

      • Pong ay nagsabing:

        opo boss lio sa gitnang silangan po ako work…sa saudi po ako boss lio mainit po dito.
        kumusta po ang pagkukwenta diyan?

        mga pinoy po iyon na may british-passports-filbrit
        natawa naman po ako sa kukuritin sila.

        salamat po sa pagdaan boss lio.

        be blessed po!

  34. kayedee ay nagsabing:

    kuya pong. musta na? ehehe. wag kang mag alala binatukan ko na c lolo sa panunukso sayo. ahaaha.. bkit dw hnd ko inedit? eh empre ayw ko nman baguhin ung binigay mo.. baka sabhn mo hnd ko gusto ang pose mo. ahhah jowk. pati aq nahahawa tuloy ahahha..

    basta halabshu! na trace nyu nb ni sis len ung mac?

  35. Tine ay nagsabing:

    ‘At bago ako naidlip ay sinabi ko din sa aking sarili, “balang araw maibabahagi ko din sa kanila ang tunay na Kristo – hindi ang sa sabungan.”’

    🙂

    Magandang insight. Intriguing na intro.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s