Pang-uusig sa Pag-ibig

Posted: August 6, 2010 in Personal
Tags: ,

Matagal ng naisulat na kasama ako sa mga tatlong mananatili sa mundong ibabaw: ang pananampalataya, pag-asa, at ako; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ako. Ang superlatibong pang-uri na ginamit para sa akin ay siyang madalas sinisisi kung bakit may pamilyang bigla nalamang nawawasak. Ako rin ang itinuturing pangunahing salarin kung bakit may nabubuntis ng wala sa oras at may ipinapanganak sa labas ng kasal. Ako raw ang nagbibigay lisensya para magnakaw at pumatay para sa pamilya o minamahal sa buhay. Ako rin ang itinuturong dahilan sa pakikiapid ni mister/misis at ni kasintahan dahil napagtanto nila na may iba na silang iniibig. Ako din daw ang inspirasyon ng awiting, “Bakit Ngayon Ka Lang Dumating,” o ang mga katagang “Kapit Sa Patalim,” at binigyan ko daw katwiran si “Robinhood.” At ang pinakamasaklap sa lahat, ako daw ang ugat ng kasalanan.

Ako laban sa marami.

Ako ang pinakadakila at katumbas ko daw ang ugat ng kasalanan, pangangalunya, pagnanasa, pagpatay, pagmamataas at pagkamakasarili.

Kawawa naman ako. Kung tunay lamang madidinig ang aking mga usal.

Hindi ko kasalanan kung may anak sa labas o may nang-iwang ama o ina at piniling namuhay sa galit at paghihiganti ng mga biktima. Kahangalan! Dahil hindi ko kailanman ikinatutuwa ang gawang masama bagkus ikinagagalak ang katotohanan sapagkat ako’y hindi makasarili at magagalitin.

Hindi ko kasalanan kung bakit may mga bansang naglalaban-laban dahil sa teritoryo o paniniwala at sasabihing, “dahil iniibig namin ang aming bansa at paniniwala,” kikitil ng mga buhay at kukulayan ng dugo ang lupa bilang tanda ng katagumpayan. Kabalintunaan! Dahil kailanman ang hatid ko ay buhay, kababaan at kabutihang loob, kahinahunan, kapagpakumbaban at katiwasayan.

At hindi ako ang may sala kung bakit may kasalanang kinasasadlakan ang sansinukob kung saan lugmok ang sangkatauhan. Kasinungalingan! Dahil kailanman ako ay tumatakip sa maraming kasalanan at hatid ko’y kapatawaran.

Kawawang sangkatauhan, binulag na kayo ng tuluyan ni Satanas sa kahalangan, kabalintunaan, kasinungalingan, kalapastanganan at ako’y binigyang sala na pinakadakila sa lahat.

Gusto ko kayong dalhin kasama si Satanas sa KRUS: sa TAGAPAGLIGTAS, kay HESUS, ang may akda sa akin. Doon may pag-asa at buhay. Dahil ang hiwagang taglay ko sa pamamagitan NIYA ang unang dapat masumpungan.

Ngayon, sinong may sala: Ako, Satanas, Diyos o Tao?

Ang may tangan ng bato ang siyang unang bumato!

————————————————–

Ang artikulong ito ay lahok para sa “Sige Ihataw” ni G. JKulisap

————————————————

Salamat kay Mam Kuhrach at kay Chief sa kanilang suporta para ako ay sumali sa kontes.

———————————————–

Kung kayo ay  may reaksyon maari po kayong makipagtalastasan sa kahong pangkomento.

———————————————-

Sa Diyos na may-akda ng dakilang pag-ibig ang lahat ng kapurihan!

———————————————-

Comments
  1. kuhracha says:

    Aakuin ko na Pong. Ako! Ako! Ako ang may sala. At ako ang base! Wahahaha.

    • kuhracha says:

      Bagong perspektibo. Oo nga naman. Ang pag-ibig ay positibo. Nagiging tampulan ng sisi lamang ng tao ang pagmamahal para ijustify ang kanilang mga desisyong baliko. Parang ako, baliko na, baluktot pa magisip. Ahahahaha. Pero never kong inusig ang pag-ibig. Nagpakaligaw man ako ng landas ay dahil pinili ko ito. Ako ang may kasalanan. Ako ang piloto. Di ang emosyon ko.

      • Pong says:

        Wow naman ang koment mam kuhrach
        salamat naman naiintindihan mo ang post ko ako din naiintindihan ko post mo (ahahah scripted)
        alam mo naman madalas tayong magchat sa ganitong aspeto at maging iba’t-ibang isyu. Inaangahan ko ang iyong katapangan at pagkamatapat. at dalangin ko na sa iyong pag-aabang ay hindi na side car ang makapatid pa sa iyo dahil dakila ang pag-ibig at nararapat lamang ito sa babaeng tulad mo!

        be blessed po

        wag kakalimutan ang itinuro ko sa iyo na ginagamit namin sa recitation sa klase ang fish bowl method!

        be blessed po ulit!

    • Pong says:

      kongrats sa pagiging beys mam kuhrach! yehey!

  2. Hmm kaya pla puro pag-ibig ang nbbsa ko. Ke beeftapa, duking saka dito. Akala ko tuloy February na. Hehe. Ang gagaling ninyo, pong, ala ako masabi sa creative thinking ninyo:)

    • Pong says:

      ate bell ko kumusta ka na?
      opo hindi pa pebrero pero pumapagibig na ang sambablog dahil sa pakontes ni kuya kulisap
      sa Diyos po ang papuri ate bell.
      sayang hindi ka nakasali nalaman sana namin kung paano umibig ang isang addicted sa green bell pepper.

      be blessed po ate bell ko!

  3. Len says:

    seken beys!!😉

  4. hindi masamang umibig😦

  5. lalaine cabrera says:

    mr joseph austria quaimbao, super like!

    i will always be ur #1 fan.. continue to inspire others.. GODBLESS always..🙂

    • Pong says:

      sana pati numero na ning bale mi binye muna neh, eheheeh
      andyang kumpletu ya ing lagyu ku
      salamat keng time na magdrop by ka keni
      at ingat ka keng SG ne
      parati mung tandanan na atin kang special place kening pusu ku
      see you soon!
      regards kina ma!
      #1 fan muku pala, eheheh

      be blessed!

  6. “Matagal ng naisulat na kasama ako sa mga tatlong mananatili sa mundong ibabaw: ang pananampalataya, pag-asa, at ako; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ako”

    ikaw na, ikaw na ang pag ibig! hahaha. okay na okay to, ayos. thumbs up!

    • Pong says:

      sir balentong, salamat po sa pagdaan, tambay din ako sa blog mo.
      salamat pu keng pamagdalan keni
      ahahahah

      wa sige aku na, aku na na ing lugud!
      salamat pu
      keng Diyos ing papuri!

  7. @ Pong..!
    basta pag ibig ang topic…
    nahihirapan akong…
    tignan iyon as a fault..!
    meron kasing mga love na…
    bawal diba..?
    ang hirap isiping…
    for something as good as love..,
    meron palang mali..!
    anyway…
    this is nicely done..!
    kung ito ay theme writing para sa class ko…
    bibigyan ko ito ng..:
    95..!😉

    • Pong says:

      salamat naman sa 95 sir,
      hmmmm basta iba-iba tayo ng panuntunan sa pag-ibig lubos ang paggalang ko dun
      pero kung ating pakaiisipin na ang pag-ibig kailan man ay hindi nagkakamali at hindi ito nagtatago at nagbibilang ng pagkakamali.

      be blessed po sir!

  8. Talagang humanga talaga ako sa mga istayl ng pagsusulat ninyo Pong. Ang dami kong natutunan sa lahat ng mga sumali kay Ginoong Jkulisap. Di lang istayl ng pagsusulat kundi ang mga aral ng buhay na mga nagmula sa puso. Salamat!

    Maraming man nagkamali sa paggamit ng pinakamagandang salita sa balat ng lupa ngunit di ito pababayaan ng may kaloob na magwagi at manapay patuloy na ituwid ang mga pagkakamali sa lubos at pagpapakita ng tunay na pagmamahal ng ating Maykapal sa ating lahat na madalas ding nagkakamali at nagkakasala.

    God Bless Pong.

    • Pong says:

      Amen to superlo.

      Oo nga po napakadiverse ng mga tao sa likod ng bawat blog
      lahat may punto at ang lahat ay umiibig.

      Katulad ng sabi ko, LOVE virus ang kailangan
      ang pag-ibig ng Diyos.

      be blessed po!

  9. -=cuteberl=- says:

    kuya… ang tagal kong hinintay ang post na ito. maya ko na basahin…

  10. […] MD, Makati                                     40. Pong, Riyadh 407 Comments by J. Kulisap  /  July 29, 2010  /  Posted in: Buhay at […]

  11. Lambing says:

    amen kuya

    kinilabutan ako dun..

    tunay na ang Diyos ay pag-ibig.

    To God be the Glory

    • Pong says:

      salamat po ate lambing
      papuri po sa Diyos!

      as the song goes…
      “Pagkat ang Diyos nati’y Diyos ng pag-ibig, magmahalan tayo’t magtulungan
      at kung tayo’y bigo ay wag limutin na may Diyos tayong nagmamahal.”

      be blessed po!

  12. J. Kulisap says:

    Hi Pong.

    Matapang ang hatid na pag-ibig para imulat na muli ang mga likong pag-iisip ko.

    ako ang may kasalanan. Binato ako ni kUhra, ibinabato ko naman sa inyo.

    • kuhracha says:

      Batuhan? Anu ito? Di ko gets. Ambowbo ko.

      • Pong says:

        @kuya kulisap
        HeLlOwH PoWhz

        papuri po sa Diyos. Maliwanag ang mensahe ni Pag-ibig
        kailanman dakila siya at iisa lamang ang mukha
        likha na lamang ng tao ang uri/anyo ng pag-ibig
        dahil iisa lamang ito. (para sa akin lamang ito)

        kailanman man ang upuan ay hindi magiging mesa dahil nilika siyang upuan
        gayundin ang pag-ibig walang hinangad ang pag-ibig kundi ang magmahal hindi sa kung saan mang bagay.

        less serious: ingat sabatuhan baka may mabukulan. ouch! aray!

        @mam kuhrach
        gets mo na gets ko na…coca-cola
        nalilito, nalilito…
        ahahha
        be blessed po!

  13. kayedee says:

    kuyaaaaaa! *hugz*
    akala ko nd ka sasali eh..

    walang my kasalanan kc wala lang, ayw ko lang manisi ehehehe..
    grabe! ang hirap mag judge daming magaling🙂

    • Pong says:

      oo nga pahirapan magjudge
      alam mo naman na nagiinarte lang tayo at kailangan tayong sumuporta sa KM
      dahil hindi sa takot tayo kay kuya kulisap
      kungdi dahil mahal natin ang bawat isa sa sambablog.

      be blessed waling kayedee!

  14. Joyo says:

    nung bata tayo tinatanong tao ng magulang natin gaano natin sila kamahal… ngingiti ako, tatayo at didipa sabay sabing “i love you this much”! kung pwede ngang pahabain yung kamay ko pahahabain ko… pero hindi naman nasusukat ang pagmamahal diba… pero alm mo may kakilala ako na ang pag-dipa niya ay sapat na para maipakita kung paano o gaano siya magmahal… naalala mo ba yung pinako sa Krus???

    God love us so much…

    God is Love.

    Wag maging madamit mamigay ng pagmamahal pong, hindi yan mauubos.

    • Pong says:

      amen ate joyo!

      hindi kailangang magdamot dahil ang may-akda ng pag-ibig ay hindi madamot!

      oo naalala ko pa yang story na yun, yung this much tapos may commercial pa nun

      yehey natuwa ako kasi kilala kodin yung tinutukoy mo sa Krus,
      kita tayo dun ha.

      be blessed po ate joyo ko!

  15. WP says:

    Naniniwala ako Pong na ang Diyos ang Pag Ibig at wala ng iba. Si kuli naman talaga ang may kasalanan dahil gusto pa niyang bigyan ng iba-ibang kahulugan. Siya talaga ang magulo. Diba? Diba?

    @kuli: Ana Ahebak Habibi!

    • Pong says:

      @sir wp
      ahahhaahahah, natawa ako sa paninisi mo kay kuya kulisap
      agree din ako sa iyo sir na kung masusumpungan natin ang pag-ibig ng Diyos lahat magsisimula dun.

      be blessed po sir

      kumusta po diyan, mainit pu ba?

  16. toni says:

    kapatid kumusta naman ang pag-ibig?

  17. lio loco says:

    ibang klaseng pananaw sa pag-ibig itong ‘sayo, pong. nakakatuwang isinulat mo ang malawak at pangkalahatang perspektibong hindi lang saklaw ang relasyon ng bawat nilalang kundi pati na rin relasyon ng mga nayon sa pangkalahatan. dahil diyan, karapat-dapat kang i-clap clap. hehe.

    • Pong says:

      isang karangalan ang palagi mong pagdalaw dito sir lio na may angking galing sa panitik.
      salamat naman at nagets mo ang viewpoint ng akda sir lio.
      papuri po sa Diyos.

      madami pang gustong sabihin at ipagtanggol ni Pag-ibig ang kanyang sarili kaso limitado ang bilang ng mga salita sa kontes.

      salamat po sa clap clap sir lio.

      be blessed po!

  18. arny says:

    ako na ang may kasalanan kung hindi ka natulog kagabi kuya pong😆

    madami gustong sisihin sya, pero wala naman syang utak at bibig para sabihin ang nais nya, at sabihing hindi AKO ang may kasalanan..

    makapangyarihan AKO, kaya kong iparamdam, kontrolin ang buhay mo.. pero nasa sayo pa rin ang huling el bimbo nyahaha joke lang kuyaaa..hihihihi..

    kung magmamahal ka, hindi mo makikita ang mali, ang tama, dahil pwede namang itama ang mali, at gawing mali ang tama,walang sisihan.. walang batuhan😆

    • Pong says:

      ahahaha oo nga hinihintay kita eheheh =)
      natutuwa ako nabigyang pagkakataon si Pag-ibig na makapagsalita dito sa blog na ito, kulang pa nga ang mga statements niya dahil sa limitadong bilang ng mga salita sa kontes
      pero mas natutuwa ako at abot mo ang mensahe ni Pag-ibig!

      be blessed po ate arny ko. namiss po kita!

  19. jason says:

    Ganoon talaga ang mundo pong. pero di ibig sabihin ay papayag tayo na maging ganon na lang. di tayo mga laruan o action figure na nakaupo lang sa shelves. kelangan nating kumilos. tama?

    sabi nga ni Papa God. Love one another. O simulan ang pagmamahalan sa katabi. tapos pati mga kaaway mahalin din😀

    • Pong says:

      bro jason yehey!
      paulit-ulit akong magpapasalamat sa mga prayers mo

      gusto ko yung sinabi mo na hindi tayo laruan na mga action figures na nakaupo lang sa shelves. kailangan ng kilos!
      kilos na!
      makibaka!
      wag matakot!
      Opo magsisimula na akong magmahal sa katabi ko, mamaya sa kaaway ko.
      Salamat po sa reminders bro jason!

      yehey andito ka na!
      andaming dapat basahin para sa kontest! yehey!

      be blessed po!

  20. roomboy1987 says:

    namarkahan ko na ang kwento mo
    sana ikaw ang manalo.

    • Pong says:

      salamat po sa iyong marka sir, hindi ko po ito kwento. ito po ang salaysay ni Pag-ibig (Ako) bilang depensya sa pang-uusig sa kanya.

      salamat po sa pagdaan sir. God bless!

  21. jongskie721 says:

    wow ang galing😀 as in..

  22. etchosera says:

    wow ang ganda ipinakita mo kung gaano mo kamahal si God

    God Bless kapatid

  23. kayedee says:

    kuya binasa q uli🙂
    at sa pangalawang pagkakaton ay mas naunawaan q xa! at no lies, diz is my vote🙂 pero dhl sa galanteng judge aq maraming 100 ang bbgyan ko! ahahaha.

    thumbs up! sori knna kuya ang tumal q, work mode eh..

    ayy kuya! ang adik mo empre hnd pko nkakasabit sa jeep ano! ahaha.pro nagnkapag decide nakong mging lalake itratry q yun! lolz!

    • Pong says:

      oks lan yun waling kayedee alam ko naman na busy ka sa work mo eh…
      naman basta ang alam ko may tsokolate ako sa iyo ahahahahaha

      ahahah wag nang itry maging lalaki ahahaahha

  24. Vajarl says:

    Gusto mo bang magsabi ako ng totoo, Pong?

    Nung binabasa ko ang first few paragraphs, sabi ko isa to sa mga pinakamagandang nabasa ko. Pagdating nga lang sa “Kawawang sangkatauhan, binulag na kayo ng tuluyan ni Satanas sa kahalangan, kabalintunaan, kasinungalingan, kalapastanganan at ako’y binigyang sala na pinakadakila sa lahat.” na turn off ako ng bonggang bongga.

    Pasensya na. Mahal ka pa rin kita, Pong. Nasayangan lang ako. Haha.

    • Pong says:

      Sorry at pasensya naman kung naturn off ka from that point patapos at least 6 lines lamang ang ikinaturn off mo not bad di ba? ehehehe

      Napag-usapan na natin yan kanina sa mga IM’s natin. (serious mode)
      1. Nagpapasalamat ako kasi na-appreciate mo na si AKO sa article ay si PAG-IBIG na pilit niyang ipinagtatanggol ang sarili niya sa isang court room. Kung tutuusin daw ay kulang pa ang mga statements niya para mapawalang sala siya kaso may limit ng words eh.
      2. Alam ko at nauunawaan ko na iba ang paniniwala natin pero hinayaan mong idepensa ni AKO ang kanyang sarili.
      3. At higit sa lahat binasa mo parin siya hanggang kaduluduluhan at mahal ka rin namin!

      (comedy mode)
      1. Buti nalang hindi ka judge ahahhaha kasi dapat objective aahahahhaha
      2. Papalitan ko sige yung last 6 lines para naman hindi ka masayangan ahahahah
      3. anyeyeyeyeeyeye!

      Be blessed kuya vaj!

  25. beeftapa says:

    wow pong! ibang pananaw naman sa pag-ibig. salamat sa pag-share…

  26. ladyinadvance says:

    aray ko muntik na dumugo ilong ko sa lalim ng mga tagalog mo..hehehe

    anyhow pagibig pala ang usapan d2,, mahirap makipagdiskusyon pagdating sa pag-ibig dahil tayo ay may kanya-kanyang pagkakaintindi sa salitang pag-ibig……..

    pero ako simula ng makilala ko Siya, lubos kong naintindihan ang salitang pag-ibig at pagmamahal sa kapwa….

    thank you for sharing kuya pong….

    • Pong says:

      mam lady salamat po sa iyong pagdalaw naman dito.

      same here po nung makilala ko SIYA mas naintindihan ko ang pag-ibig.

      be blessed po!

  27. J. Kulisap says:

    Hmmm, bakit may pagtatampo na ang anghel sa buhay ko? Marunong palang magtampo ang anghel?

    Pasensya naman.

  28. J. Kulisap says:

    Ito pa isang koment.

    Hi Roland, bakit di ka nagpaparamdam kay Pong. Asan ka?

    • WP says:

      @kuli: ikaw daw ang na miss ni Pong hindi ako. Sino ba ang bagong peyborit mo kuli? Salawahan ka ahahaha

  29. Sphere says:

    yan ang misteryo ng PAGIBIG kahit anong gawin mo may masasabi parin at may magtatanong parin kung tama ba o mali.

    hello Pongkie miss you🙂

    • Pong says:

      naluluha na ako kasi kanina pa ako nagpaparamdam sa email
      sa post mo akala ko hindi ka dadaan huhuhuhu

      *hugz* ate anne ko
      kumusta naman po ikaw?

      and the mystery of Love was unveiled way back then.

      namiss din po kita!

      • Sphere says:

        Kung san san ka kc nagpupunta hangtagal ko tumambay d2 nagbackread pa nga ako pati mga comments diko pinalampas ahahaha

        galing ako kusina mo walang asukal kape lng saka mainit na tubig may palaman star margarine pero walang tinapay kulang kulang🙂 ung TV mo TFC lng walang ibang channel si Robin ska si Mariel na nagliligawan lng napapanood ko wala din ung fave channel ko ung Animal Planet…

        ahahaha wla lng akong masabi hang ganda kc ng post mo pahiramin mo ako ng relo ni Jkulisap ha hiraman tau evry week sa susunod na week ako naman ggmit sa susunod ikaw naman aahahaha

        • Pong says:

          ate anne ko you made my day sa kape, tfc ahahaah

          ikaw na pahiraman mo ako ng relo ha!

          mukhang ayaw mo ng tfc ate anne ha

          Pilipinas win na win!

  30. Unni says:

    woaahhh galing~
    shaks naspeechless ako sa pagkakasulat nyo po…nice nice panalo to sakin~

    • Pong says:

      salamat sa pagdaan mo unni
      magaling din ang entry mo pasensya na blocked kasi ang mga ibang BS dito sa opis kaya pinasend ko via word halos lahat ng BS para maiprint ko at mabasa.

      glory to God
      be blessed!

  31. nhix says:

    faith, hope and love. But the greatest of these is love..

    galing kuya pong.. gustong gusto ko mga sinusulat niyo.. ang daming aral.

    Godbless po..

    • Pong says:

      thank you waling nhix, yehey natuwa ako kasi nagets mo siya.
      at alam ko na makukuha mo ang sinasabi ni Pag-ibig.

      papuri sa Diyos.

      kumusta na ang Pasalove nakita ko mga pics sa fb.
      be blessed
      regards sa servolution team ha!

  32. kuhracha says:

    pong.. kitams. di ako nagkamali ng pagpili ng peyborit. di ako biased. natuwa kasi ako sa perspektibong ginamit mo. oo nga naman, paminsan minsan, kuhanin naten ang opinyon ni pagibig. palagi na lang ciang napagbubuntungan ng sisi. escapegoat ng mga talipandas. ipinasa ang katangahan sa tadhana. sarap lang batukan.

    basta, alam mo na. take it, take it. wahahahaha

    • Vajarl says:

      Ampanget pakinggan ng take it take it pag galing sayo! Wahahahaha.

      • Pong says:

        @mam kuhrach
        salamat naman at nagustuhan mo ito
        parang ako, gusto ko din ang post mo
        iba ang pagkakasulat nito. yehey!

        @kuya vaj
        sana sumali ka para mataas lalo grades namin ni mam kuhrach
        eheheheh

  33. leemi says:

    Kuya Pong.. ang bait mo talaga.. sana mahawa ako kahit konti lang..🙂

  34. sunnystarfish says:

    Ang galing ng pagkakasulat, naiiba ang istilo. Maraming naipaliwanag na klase ng pag ibig. Magaling, magaling😀

  35. salbehe says:

    Kung papipiliin ako sa tatlo: ang pananampalataya, pag-asa, at ako. Syempre dun ako sa ako. Love your own. Bwahahaha.

  36. kaye says:

    very nice way to present the theme, pong. ang ganda ng pagkakasulat mo.🙂

  37. -=cuteberl=- says:

    Wala akong masabi sa poste ng hinahanangaan kong bloggero. astig mo talaga kuya pong. ang galing mong gumawa ng sanaysay.

  38. J. Kulisap says:

    Palong palo at achieve na achieve.

    Pasilip nga ng unofficial result ng sanaysay mo? Please…ahahaha.

  39. aninipot says:

    kuya pong, ang ganda..promise!

    napaka-positibo ng dala..isa ito sa mga entry na tatatak sa utak ko at ddi kakalimutan, hahaha, ang saya ko after kung mabasa ang sinulat mo.

    • Pong says:

      salamat waling anini at nagustuhan mo.
      Glory to God.

      salamat napasaya ka ni PAG-IBIG at higit sa lahat ang maidala ka niya sa positibong pananaw.

      be blessed po!

  40. etchosera says:

    pong padaan uli….

    nagbasa uli para sa pag mamarka

    • Pong says:

      sige lang po ate etchos
      ano pong gusto niyong meryenda, tea, coffee, juice, kabsa, ano po?
      ahahaha

      sige lang po grade lang ng grade!

  41. arnie says:

    natameme ako kuya pong….shaks…

    namarkahan ko na..

    • Pong says:

      bakit ka natameme tito arnz

      may meryenda dito…gusto mo (pampataas ng score ahahah)

      be blessed!

      • -=cuteberl=- says:

        anito kuya bakit siya lang ang may meryenda. at anu to bilihan ng puntos? ako din pahingi. joke. nakikikulit lang kasi ayaw ko muna magmarka. hirap eh…

        • Pong says:

          meron din para sa iyo boss berl
          two burgers and cold juice coming up!
          ahahahaah

          magmarka ka na kapag nalate ka may minus ahahahaha

        • -=cuteberl=- says:

          ayaw ko na. huli na ang lahat. joke lang. jollibee ba yan o mcdo? at ang drinks kua dapat pineapple o ice tea ha.

        • Pong says:

          ahhahhaaah natawa ako dito
          pineapple juice way to go sir berl!

          husayan mo paggegrade gagawin nating unlimited ang iced tea or pineapple juice mo…ahahahah

        • -=cuteberl=- says:

          natawa ka ba? hehehe. nailimbag ko na ang mga marka sa ating mhal na si JKULISAP. Ikaw kuya ang pinakamataas sa mga binigyan ko ng puntos. walang palakasan doon. Nahiya nga ako sa post mo. Basta ichat ko sayo mamayabang gabi ang dahilan.

  42. duking says:

    malinaw na kristal,kadalisayan,katwiran at katotohanan.

    pero paano kung nabahiran ng dumi?papanu kung pinalabo ng kalituhan?papanu kung hinamon ng kawalang katwiran?papanu kung naligaw ang katotohanan?

    ang tao ay tao.ang pag-ibig ay pag-ibig.hindi sa dahil gusto mo lang akong mag komento,kundi dahil sa gusto mong marinig ang iniisip ko.eto yun.

    ang tao.ang pag-ibig.ang diyos.si satanas.alin ang naiba sa apat?sasabihin kong pag-ibig.dahil ang pag ibig lang ang nakakaunawa sa kanilang tatlo at nagbibigay katotohanan sa kanilang pagiging totoo.

    ang dami kong hindi alam,pong at karamihan ay mananatiling hindi ko nga alam.kung may kasalanan man akong pinagsisihan,iyo’y lahat maliban sa isa…

  43. WildCat says:

    Tanong mo: “sinong may sala: Ako, Satanas, Diyos o Tao?”

    Teka, hindi ka ba tao?

    Huwag mapikon. Joke lang! smile naman kahit dry jokes ko.

    • Pong says:

      ahahah ok lang po yun ms. wild cat
      ang sa katotohanan po dun sa tanong na sinabi ni AKO ay nabibilang ako sa Tao. Si AKO po ay si PAG-IBIG
      parang dinepensahan lang po ni Pag-ibig ang sarili niya sa posteng ito. Nilagyan ko lang ng twist instead of Pag-ibig ginawa kong AKO.

      Be blessed po!

  44. MD says:

    magaling, kuya pong! trial of the century ang dating! gujabporyu!

  45. chelly says:

    ……
    (speechless yan..hehe)
    galing..!😉

  46. yiN says:

    NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    nice sumali si Pong! be blessed pong!

  47. -=cuteberl=- says:

    namis ko ang pagtambay dito. patambay kuya.

  48. Sows says:

    ang g a n d a.
    😉

  49. Karla says:

    Gusto ko ang estilo at ang pagkamalikhain.🙂

    Maganda rin ang bagong perspektibang inihain.

  50. taga-bundok says:

    pong, nandito na ako.
    wala akong masabi… nabigla kasi ako sa dulo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s