Advance 1st Blog Anniversary

Posted: August 31, 2010 in Personal

Hindi inaasahan ang iyong pagsilang. Sa katunayan, ang iyong panubigan ay balot ng pighati, pangungulila at kalungkutan; marahil ipinaglihi ka sa pait ng luha. Gayunpaman, hindi natuloy ang tangkang ilaglag ka at lagutan ng buhay. Hindi naging madali ang lahat. Habang nasa sinapupunan ka ay may bagyong rumagasa. Bagyong kumitil ng maraming buhay, ari-arian at kabuhayan. Pero ang matindi sa lahat, ang paglisan ng isang mahal sa buhay na hindi mo man lang nasilayan.

Kalaunan ay natuto ka ng gumapang, tumayo at tumakbo. Naibulalas mo na rin ang mga adhikain sa mundo. Kagaya ng iyong pagkabuo ay hindi rin naging madali ang paggapang, pagtayo at pagtakbo. Nakaranas ka ng pagkadapa, pagkapaso, pagkasugat at pagkabigo na naging dahilan para ika’y maging mas matatag at matapang.

Nakahanap ka ng mga kaibigan mula sa sangkadisyertuhan, ibang panig ng daigdig at bansang sinilangan. Naging kasalo mo sila sa tawanan, iyakan, kulitan at kwentuhan. May mga pagkakaiba man kayo sa paniniwala ay nauuwi pa rin ang lahat sa pagkakaunawaan at respeto.

Naging mas malawak ang iyong mundo. May umalis, nadagdag at bumabalik. Madaming nagbago mula ng ika’y nasa sinapupunan pa lamang hanggang kasalukuyan. Madami ka pang susuunging laban. Magbibilang ka pa ng maraming taon upang maarok mo ang tunay na kahulugan ng buhay. Malayo pa ang iyong lalakarin.

Isang paalala lamang: Huwag mong kalimutang ngumiti, mangarap, magbigay pag-asa at magmahal, manalangin, lumaban at sumuko kung kinakailangan. Ang mga tala sa langit ay dekorasyong nagbibigay buhay sa kalangitan. Sa bawat kislap nito’y may mga labing napapangiti. Magsilbi kang tala sa kalangitan; may kislap at ngiting dulot sa mga kaluluwang nasa dilim.

Isang mapagpalang kaarawan Mizpah, sa buwan ng Setyembre, iyong kapanganakan!

Maraming salamat po sa lahat ng mga nakibahagi sa isang taong kulitan at kwentuhan. Ang buwan ng Setyembre ay ang kapanganakan ng isang Mizpah sa blog world at taos puso po akong nagpupugay sa lahat ng mga tumambay, nagbasa, nakikumento at nagbigay ng kuro-kuro sa mga akdang naisulat.

Ang Mizpah ang nagbigay daan upang matugunan ang pangungulila ko sa pagpanaw ng aking nakababatang kapatid na hindi ko man lamang nasilayan kahit sana sa kanyang huling hantungan.

Ang mga akdang maisusulat sa buwan ng Setyembre ay magsisilbing tribute para sa kanya. Kasabay nito ang tuluyang pagbaon sa limot sa pait ng kanyang pagkawala at sa mga kaganapang kinasasadlakan sa kasalukuyan.

Ang inyo pong pang-unawa ang aking hinihingi. Asahan po ninyong pagkatapos ng Setyembre ay madudugtungan pa ang isang taon ng ating pagsasamahan ng marami pang mga taon sa kalooban ng Diyos.

Maraming, maraming salamat po sa inyo AKING MGA TAMBAYAN

 

Sa Diyos lahat ng kapurihan!

*Special thanks kay Ate Toni ko na palaging tumatambay sa Sambablog!

Comments
  1. J. Kulisap says:

    Binabati ko ang Mizpah sa kaniyang pagdiriwang ng ika-isang taon dito sa blogesperyo.

    Bawat linya na nakapaloob at nilalaman ng kutang ito ay inspirasyon.

    • Pong says:

      Maraming salamat kuya kulisap sa pakikisalo at pagbati.
      Ikaw ang unang nagkoment sa mizpah, at ikaw din ang unang nagkoment ngayon sa selebrasyon ng isang taon.

      Salamat kuya dahil naging espesyal ka sa puso ko, alam mo iyon.

      Salamat ng marami.

      To God be the glory!

      God bless!

  2. -=cuteberl=- says:

    CONGRATS KUYA PONGKIE…… WOW ISANG TAON KA LANG PALANG BLOGGER PERO PARA BETERANO KA NA….

  3. myfilthyroom says:

    Congrats Sir Pong.. Mabuhay ka!

  4. yhen says:

    happy happy anniv to you and your blog…

    keep writing. blessed and be blessed.
    😉

  5. twistedisme says:

    wuyyyyyy.. nakaisang taon na sya..berger berger!!

    happy blogsari kuya!!

    • Pong says:

      salamat ate arny ko, salamat din sa pagpapalakas mo ng loob ko na kakayanin pa ang laban ko dito sa disyerto kahit mahirap na.

      berger ba? sige pag-uwi natin kita tayo dun sa may GVFM malapit sa amin sa tabi nung Caltex at Holy Family Academy may jolibi na daw dun.
      ehehehe

      be blessed!

  6. WP says:

    Congrats Pongkie!

  7. Chin chin says:

    Maraming salamat sa mga blog posts na punung-puno ng damdamin at aral. Happy 1st blogversary. God bless.

    • Pong says:

      salamat po Ms. Chin – isa ka po sa mga naging unang kaibigan ko sa blog world.
      salamat din po sa mga inspirasyong naibabahagi niyo sa akin.

      Sa Diyos po ang kapurihan.

      Be blessed po!

  8. juanlazzzy says:

    congrats koyang sa isang taong pagbabahagi ng kwento ng inspirasyon, sa pagbibigay ng mga makabuluhang mga payo at sa mabuting pakikipag-kapwa!

    nawa’y maraming taon pa ang pamamalagi ng MIZPAH sa mundong ito!

    • Pong says:

      salamat sir, nakakataba naman ng puso ang sinabi mo.
      basta mikit kata kapag meggrad naka neh, keng golangco o jomafer namu.

      dakal a salamat, God bless!

  9. toni says:

    maraming salamat at nandiyan ka bilang kaibigan at kapatid.
    ipagpatuloy ang pagiging inspirasyon.

  10. Sean says:

    happy anniv…🙂

  11. kuhracha says:

    happy birthday themizpah. sa maigsing panahon naging bahagi ka ng buhay ni kuhracha, kasama si kulisap. ikinalulugod ko ang mga sandaling iyon. keep on blogging, pong! wag gagaya saken. tamad! hahaha.

    be blessed!

    • Pong says:

      namimiss ko nga kayong dalawa ni kuya eh, yung kulitan, yung sharing time (tissue please – huhuhuhuhu).

      ako din man ikinalulugod ko iyon mam kuhrach, naalala ko pa nung nakikipagkontest ka sa akin sa beys dun sa page ni ate salbe, tapos hanggang sa napapayag kitang dumalwa dito, hanggang nagtandem tayo sa beys, hanggang sa naging magkaibigan at karamay. tapos kayong dalawa ang nagbantay sa bahay ko nung nawala ako. tapos ikaw ang gumawa ng isa sa mga page ko. hanggang ngayon pa naman eh. huhuhuhu, hahahahaha

      namimiss ko ang mga salita mong Layas! Babay! Wag pagutom! kapag magkachat tayo. ang sabihin mong hindi naman ako adik sa ym makulit lang. huhuhuhu

      aasahan ko ang iyong pagbabalik sa blog world mam kuhrach.

      salamat ng marami.

      God bless!

    • Pong says:

      salamat sir barry, oo nga pala hindi ko pa naupdate yung pic mo sa tambayan ko, yung naliligo kasi nilagay ko ahahahaha.

      kuhanin ko tunay mong pics mamaya sir ha.

      be blessed!

  12. kayedee says:

    ayieeee!! hapi blosary kuya pong!!!
    salamat sa kulitan..
    salamat sa frenshi..
    salamat sa kaadiikan..
    salamat sa mga keso line..
    salamat sa tawa….
    salamat sa palageng pagtambay sa bahay ko..
    salmat sa mga inpirasyon na ibinabahagi mo..

    major major salamat themizpah!

    kakaway lang sa mga mababangis, matatapang, palaban at magagandang llalakeng bloggers sa ibang panig ng mundo!

    • Pong says:

      wahhhhhhhhhhhhhh

      salamat din sa lahat waling kayedee, sa tawanan, emo-emohan, keso-kesohan
      lahat na ng mag han, wag lang an-an ahahahah

      oo naman tambay ako parati sa mga blog niyo
      espesyal kayo sa puso ko lalo na yung mga nakaabroad hihihihihi

      kakaway din ako sa mga mababangis, matatapang, palaban at magagandang bloggers sa ibang panig ng mundo hihihihi

      salamat talaga waling kayedee. be blessed!

  13. Sphere says:

    Ahrmm! Pongkie!!!isang taon kana…salamat sa kulitan, sa tawanan at palitan ng kulitan ulit ahahahaha

    wag masyadong emo kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon daanan mo lng wag mong tambayan, yan ay ayon lamang sa nabasa ko kanina ahahahaha

    Aja Themizpah!

    • Pong says:

      ang ganda nun ha, daanan lang wag tambayan,

      oo ate anne mga emo talaga ang post ko sa September.

      salamat nga pala sa palagi mong pangungumusta, pag-eemail, kay ms. pinkishviolet lady, sa mga encouragements at sa alam mo na.

      kahit si kuya duking ang peyborit mo at sabi mo siya ang unang nagkoment sa iyo pero ang totoo nauna naman ako sa kanya. Una kang naging Akin! hahahahaha

      salamat ate anne ko, sa lahat lahat, hihintayin ko ang pagkikita natin at ang Grand EB: The Retreat natin ahahaha

      salamat ulit ate anne ko! Be blessed! Aja!

  14. katrinadanieles says:

    maligayang kaarawan Mizpah! =)

    sana’y magtagal ka pa ng sobra2 para mas maraming tao ang ma-inspire mo!

    Kuya pong, binabati rin kita, sa pagbigay buhay kay Mizpah!
    (ngex,parang ina. heheh)

    God bless kuya Pong!😉
    nawa’y mas magamit pa ni Bessy si Mizpah para maghatid inspirasyon at kwentong kapupulutan ng aral.🙂

    • Pong says:

      salamat Kat ng maraming marami sa iyo.
      nakakatuwang isipin na sa kwadradong mundo ng monitor ay may mga pagkakaibigang nabuo at samahan na may pagmamahalan.

      Asahan mo Kat sa biyaya at karunungan na bigay NIYA ay maipagpapatuloy pa ito, ang adhikain ni Mizpah,

      God bless Kat!

      Cheers!

  15. batanglate says:

    HAPPY FIRST ANNIV KUYA PONG!! KAHIT NGAYON NGAYON LANG TAYO NAGKAKILALA E DAMA KO ANG PAGSURVIVE NG BLOG MO NA TO NG ISANG TAON. SIGE LANG NG SIGLE.🙂

    • Pong says:

      salamat salamat batanglate at hindi late ang greetings mo, advance pa nga eh. ahahaha

      oo nga pwede na akong mag guest sa Survivor the Blogger Edition ahahah
      o kaya dun sa docu ni Ces na i-Survive ahahaha

      salamat ng madami sa suporta joan.
      be blessed always!

  16. jason says:

    napakablessed ko at nagkaroon ako ng kaibigang katulad mo. naaabot ng pagkaway mo ang matatamlay na ambience na bumabalot sa aming lahat. kahit nasa desyerto ka at busy magtrabaho, you always find ways to hang out with us. Iba ka Pong. isa kang blessing sa aming lahat. pagpatuloy mo lang mang inspire at manitili kang nakaapak sa lupa.

    happy aniversary sa blog mo katotong pong!

    • Pong says:

      salamat naman sa mga kind words bro jason. ako din maraming salamat sa iyo.
      sa kulitan, tawanan, koment-an natin
      nakakamiss na nga yung ganun eh,

      salamat sa pakikisama, pakikiramay, pagkakaibigan at malugod niyong pagtanggap sa akin dito sa WP (aminin mo mas masaya sa wordpress – tanda mo pa ang linyang yan kapag nagbabalak nating lumipat sa ibang blog server) ahahahaah

      higit sa lahat namimiss ko yung pagpapatrol natin, si wowamster, matanghamster at lahat lahat na, si chicher naalala mo nung pinagtataguan natin siya ahahahah

      basta salamat ng madami katotong jason.

      be blessed sa iyo.
      ingat parati!

  17. congrats, pong!!
    isang taon na pala ang bahay mo pero parang ang tagal mo na nagsusulat.
    madami ako natututunan sa mga posts mo kaya hindi nakakasawang balik-balikan.

    keep it up. keep posting senseful thoughts. keep inspiring.🙂

    God bless po.

    • Pong says:

      salamat po ate bell ko, espesyal kayo sa puso ko kayong mga taga-ibang panig ng mundo
      tanda ko pa ang Sandals post mo, dun halos nagsimula ng lahat,
      tapos hanggang sa pakaway-kaway na ako kapag nadadaan sa bahay mo

      more than the so called one year in the blog world what matters is the lessons learned and shared.

      salamat din po sa pagkukulay ng aming mundo ng color green bell pepper ate bell ko.

      ingat po ikaw diyan sa SG.

      Be blessed po!

  18. ysae says:

    happy anniversary! uwi ka na para magcelebrate tayo!
    God bless, you are an inspiration!

    • Pong says:

      salamat po pas, sige pag-uwi ko po join kami ng mga bloggers sa bangus festival…
      miss ko na po ang open worship…

      Glory to God po pas,

      same here, your team is such a big inspiration to me

      Be blessed po

  19. Jepoy says:

    Happy Anniversay cabalen..Gusto mo pa fedex ko na ang jollibee mo ahahah

    • Pong says:

      Salamat Cabalen!

      Salamat sa isnag truck ng jolibing pinangako mo sa bonus mo kasi BER month na niyan. yehey yippeeeee

      Serious na, salamat sir, for the sharing time we had last time, chat (time to time) and for being so humble.

      Ingat parati sir and thank you for knowing the Jepoy behind blog.

      Be blessed sir and keep shining for HIM!

  20. jec mendiola says:

    happy birthday Mizpah🙂
    alakan naaaa!

    haha biro lang. yey xD

  21. cheesecake says:

    magka-monsary pala tayo ser.

    congrats. Amor Powers.

  22. Vajarl says:

    Kungreshemeleyshens! Nakatagal ka sa magulong blogosphere! Happy anniv Pongkers! Sana mas konti na ang religious posts in the future. Bohahaha.

    • Pong says:

      salamat kuya vaj,
      kayo na lagi kong kakulitan, maraming salamat sa respeto at pang-unawa
      sa pagpapangiti sa akin kahit madami akong problemang pinagdadaanan.
      masaya ako na nakilala ko kayo dito sa mundo ng blog.

      be blessed kuya vaj.

  23. aninipot says:

    kuya mizpah!!!!!! yan ang tawag ko sayo diba?.. wala nakakamiss yong dati kami lang yata ni kuya kulisap ang nagcocomment dito at madalas ako ang base…hehehe

    next month ako naman ang mag-iisang taon… ang bilis, marami pa akong kwento..hahaha
    basta! masaya lang ako na marami akong naging kuya dito..at isa ka na dun..at tuwing nalulungkot ako, nagbabasa lang ako ng post ayon, balik na ko sa dati.. tamad lang talaga ako magcomment..hehehehe
    😀

    • Pong says:

      oo naman waling anini, kayong dalawa ni kuya, tandamo pa ba yung mga article ko about dun sa kapatid ko, wala na sila sa page tingnan mo sa itaas? hihihihi

      oo nga laking pasasalamat ko nga sa pagtawag mo sa akin ng kuya di ba,
      salamat sa pagtanggap sa akin dito sa mundong ginagalawan niyo at maligaya akong nakilala ko kayo dito,

      ambilis ng panahon, gusto ko ng matapos ang taong ito para 2011 na, madami na akong dapat bawiin sa mga oras na nawala sa akin.

      salamat sa lahat waling anini, in God’s perfect time magkikita-kita tayo diyan sa Mindanao.

      be blessed!

  24. maligayang kaarawan sa blog mo, kongrats! may salosalo bang magaganap? magpadinuguan party ka naman jan!

    • Pong says:

      uyta, ing astig a blogger da reng kapampangan!

      salamat parekoy, oo maghahanda ng dinuguan si sir wp, punta ka dito, dun daw tayo sa red sand habulan ng kamelyo.

      serious na ito sir, salamat sa pakikibahagi sa isang taon ko dito sa mundo ng blog sir.

      ingat ka po parati at God bless you all the more!

  25. MD says:

    happy anniversary!

    tampo na sana ako kasi hindi ko nakita ang gravatar ko! pero bakit nasa “and the others” category lang ako?! hehe biro lang, kuya! ako’y nasisiyahan para sa’yo

    sana sa susunod mong anibersaryo, ako’y nasa lessons and inspiration na!

    • Pong says:

      salamat salamat waling md,
      ahahaha andyan syempre ang gravatar mo
      namimiss ko nga kulitan natin nina maskara eh

      nasaan na siya? saan mo siya itinago?

      be blessed!

      • MD says:

        ako man po ay nagtataka at napapaisip nasaan na ba ang mga maskara? malamang po ay hiniram muna ng jabbawockees para sa US tour nila!hehe

        • Pong says:

          oo nga kung ganun nagtu-tour pala ang maskara.

          palagay ko kailangan na natin siyang ipanawagan sa Bantay Maskara 173

  26. duking says:

    wow,maligayang aniversary!

    ang ganda ng post,ang tatamis ng comment at talaga namang nararamdaman ko yung naging bahagi ng blog at mga taong nasa likod ng bawat pahina sa buhay mo.

    ang totoo,baka mas marami ka pang pusong nahipo kaysa sa mga humipo sa puso mo.teka lang.walang bastos sa pinagsasasabi kong tungkol sa hipo.

    kinararangal kong nakilala ka sa sangandaan na bahagi ng aking paglalakbay sa buhay pong.

    keep the faith!-bon jovi….

    • cheesecake says:

      tara na at manghipo pa tayo ng maraming pu-so.😀

      • Pong says:

        @kuya duking
        salamat din sa pagiging bahagi ng buhay ni Mizpah sa loob ng isang taon.
        Nakakatuwang isipin na na naging makabuluhan ang stay ko dito.
        sana patuloy pa ang samahang makabuluhan.

        Ang pagpapala ng Diyos ang sumaiyo.

        Salamat po. Be blessed

        @cheesecake
        sige maghipuan tayo ng puso.

        Be blessed po!

  27. lipadlaya says:

    hapi bertdey, mizpah.. parang nung una akong dumaan dito.. wala pa yung essay a. mga link/avatar lang.. nwei,,, hanga ako sa sa yo pong…. nakikita ko ang isang taong napakabuti ng kalooban. and napaka god -fearing. kipitap. lipad lang ng lipad.

    • Pong says:

      salamat po sir lipadlaya, bilang kapitdisyerto nagpapasalamat ako sa pagtanggap niyo sa akin dito sa sambablog.

      salamat din po sa pakikibahagi dito.

      sa Diyos po lahat ang kapurihan!

      Be blessed po sir.

  28. meliza catedral says:

    hi.pongz! im back again in ur blog! hapi anniversary sa iyong blog. keep inspiring pipol around u tru u blogss. im so hapi rin na maski bago ako sa bhay ng blogs ang mga blogs..sal mo nkkainspire basahin.salamat sa pagtanngap sa akin dito…

    • Pong says:

      salamat ng marami sa iyo ate mel namin.
      ikaw din kabahagi ka ng buhay ko kayo. salamat din sa matiyagang pagtambay dito at pakikibahagi. miss ko na din ang kulitan natin.

      salamat din po sa pagtanggap sa akin dito.

      God bless po ate mel!

  29. Len says:

    happy happy anniv. sa blog mo sir Pong!🙂

    senxa naman at lagi akong walang dalaw.. hehe

    musta?

  30. Len says:

    tao po! hehehe

  31. salbehe says:

    Happy Anniversary Pong! Am I too late?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s