Two Pongs, One Dream

Posted: September 6, 2010 in Personal
Tags: , , , , ,

Ang panaginip ay may taglay na hiwaga. Katunayan, hanggang ngayon ay hindi parin maunawaan kung ano nga ba ang mga kadahilanan kung bakit may panaginip at kabuluhan nito.

Ayoko sanang balikan ang Psychology Class dahil ito ang pinakamababang marka  sa tanang buhay kolehiyo ko (oo mayabang ako), pero wala akong magagawa kailangan. Sa tulong ni Kat ay nahanap ko ang pilit inaalalang lesson noong kolehiyo.

Ang masusing pag-aaral ng mga panaginip ay tinatawag na Oneirology. At may teorya sila na ang mga panaginip ay nagsisilbing “sweepers o clean-up operations” ng mga hindi kapaki-pakinabang na mga alaala sa mga nakalipas na araw habang mahimbing na natutulog.

Simula pumatak ang unang araw ng Ramadan ay hindi na ako nakakatulog ng maayos. Ang aking mga magagandang tsinitong mata ay lumuluwa na sa pamamaga dahil hindi ako nagkakaeyebags. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa pamamaga ng talukap ng mata. Ang totoo nito ay nakakatulog na lang ako sa dis-oras ng gabi at nagigising parati ng alas dos ng madaling araw. Consistent ang paggising ko alas dos ng madaling araw daig pa nung nag-aaral ako.

Bumangon ako ng 2:12am dahil sa isang panaginip. Napanaginipan ko ang namatay kong kapatid at ang buong pamilya. Isa-isa niya kaming niyakap at tuluyan na siyang nagpaalam na parang nagsasabing, “nasa mabuti na akong kalagayan.” Particularly he is implying it to me.

Naniniwala ako na ang mga panaginip ay may kahulugan. At ang panaginip ko kagabi ang siyang magdadala sa akin sa kapanatagan sa aking muling pagtulog sa mga susunod na araw. Sapagkat alam kong kapiling na NIYA ang Lumikhang kanyang pinaglingkuran.

 —-

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Gusto ko ulit i-apply ang cognitive closure sa pinagdadaanan kong ito. Para akong naglalamay mag-isa. Dama ko ulit kung paano magdalamhating mag-isa, hindi kumain ng dalawang linggo at halos walang tulog. Mag-book ng tiket pauwi pero hindi din pala papayagan. Makiusap at lumuhod at sabihan ng, “Ano pang magagawa mo patay na yun bakit kung uuwi ka babangon pa ba yun?”

Lahat ng mga nangyari noong nakalipas na isang taon ay nanunumbalik muli. Nahihirapan ako sa totoo lang. Naghahati ang aking kalooban. Nasasaktan ako sa ginagawa ko.

Oo parang adik lang akong nagkokoment sa blog, pero ang totoo nahihirapan talaga ako.

—-

Sa muling pagsapit ng dilim, sa paglapat ng aking likuran sa kama at sa pagpikit ng aking mga mata. Isang panibagong bukas ang kakaharapin ng may bagong sigla. At aalalahanin ang mga pagkakataong niloob ng Diyos na nakasama ko ang aking kapatid sa loob ng dalawampu’t tatlong taon.

Comments
  1. -=cuteberl=- says:

    base. hhehehe mamaya ko na basahin….

  2. bulakbolero says:

    ser,

    kadalasan daw ang napapanaginipan natin ay yung madalas nating iniisp kung tao ay mulat. hindi mo maalis na mapanginipan mo ang iyong utol. ganyan talaga. sa tingin ko, mainam na din na kahit papaano, nakikita mo pa din sa panaginip si utol mo. ibig sabihin, hanggang ngayon naalala mo pa din sya.

    pag may nawala daw sa iyong importanteng tao, di talaga magiging okay ang lahat. kahit kelan, kahit matagal na matagal pa. ang importante lang sa lahat. naging maswerte tayo at kahit sa kahit maiksing panahon, nakasama natin sila at naging parte tayo ng buhay nila. minahal nila tayo at minahal natin sila. yown ang importante.

    kaya kahit sa panaginip ser. ayus na nakakasama mo pa si utol mo.

    • Pong says:

      salamat po sa pagdaan sir bulakbolero@sg,
      napakaganda ng sinabi mo
      marahil sa mga nakalipas na araw ay siya ang naaalala ko kaya ganun na hindi ako makatulog ng maayos.

      isang taon na ang nakakalipas at alam ko madami akong natutunan sa isang taon na yun. God bless sir.

      salamat nga po pala sa pag-add sa akin.

  3. Carmine says:

    aw, sir. Hindi ko po alam na ganyan na pala ang kalagayan niyo… magtiis lang ng konti sir, and know full well that you are included in our prayers.🙂 Sabi ko nga kay Igal nung fist time niya sa UPD, When you’re close to God, you’re close to Home.
    Ingat po kayo jan sir. God Bless.🙂

    • Pong says:

      Thanks mine. That was a year ago. Those memories haunt me still. My ego (the real me) and the spiritual side of me battles. Bipolar na yata ako eh.

      How’s UP Clark? Musta na mga mates mo? I haven’t heard from them long time ago. I’ll come early this year, God willing. Hope to meet you there.

      Thanks for your prayers and give my regards to them, pati na kina Igal. Do you see Kim diyan sa UP Clark?

      God bless mine. btw, I think your dot com has launched. Congrats!

  4. Sphere says:

    bakit ganun ako yung crush ko nong grade 5 hanggang ngayon napapanaginipan ko pa din inisip ko dati baka soulmate ko kaya inutusan ko nanay ko na balikan ung luma naming bario at makibalita kay crush pero nabigo ako dahil 4 na anak nya😦

    paliwanag: kaya natin napapaginipan ang isang bagay dahil may mga damdamin tayong tinago noon na hindi natin nailabas o nasabi man lng, mga damdaming nakaimbak lng sa isipan o sa puso na anumang oras pwedeng lumabas sa pamamagitan ng pagtulog. may nagsasabi din na ang panaginip daw ay parang isang sulat na padala na kung hindi ka marunong magbasa balewala din🙂

    …at ayon sa mga bituin at buwan sisikat din ang araw bandang alas 5:14am malalate lng ng 3minutes dahil kakain pa Ramadan pa kaya fasting sya🙂 pero after Ramadan balik ulit sa dati ang diet nya walang permamente sa mundo Pongkie lahat may oras kung malungkot ka ngayon darating ang araw na masaya ka bsta ganun yon wag ka magtanong dahil mahirap ipaliwanag🙂

    • Pong says:

      baka si crush mo nung grade 5 kayo ay siya ang makakatuluyan mo ate anne.

      bipolar na yata ako ate anne ahahahh
      ingat diyan at enjoy mo ang holidays, as for me, wala pang plano pero may mga activities daw. sa 9-13 ang sa amin dito.

      God bless

  5. WP says:

    Wow parang tema ng Olympics ang titol.

    O ayan pongkie nagpahiwatig na si Samboy sa iyo, ok na raw siya, kailangan mo na sigurong paligayahin ang sarili mo (wag kang bastos mag isip diyan) ang ibig kong sabihin maging masaya ka na rin para sa sarili mo. Wag ng parating malungkot, mas masarap ang kwentuhan pag nagtatawanan diba gah? Kinukumusta ka ni Agua at Bendita pati na rin si Otep, kailan ka raw nila makikita ahahaha.

    • Pong says:

      Praning lang ako boss wp, napag-usapan na natin to kagabi, 2:19am na naman ako nagising kanina. Wala ka bang pang temporary shutdown ng utak diyan? ahahah

      I’ll be fine.

      Trash-out na yung idea nina agua, otep at bendita na magkikita kami. Trash-out na yun.

      ahahahah Be blessed po

  6. lio loco says:

    basta ang alam ko pareng pong, mas maige kung moving forward ka na. wag mo na siya masyado isipin. ibigay mo ang lakas at buhay mo sa mga taong mahal mo at kapiling mo pa.

    be happy parekoi! kasi ako happy din! yihee!😀

    • Pong says:

      parang jolibi lang boss lio ha, “be happy” at parang enrile lang “gusto ko happy ka”

      salamat boss lio. sabi ko nga ako lang ang may diperensya ahahah

      salamat sa muling pagdaan boss lio. at susundin ko ang paalala mo.

      Be blessed!

  7. lio loco says:

    at wag mo naman sanang agawin si dude sakin pareng pong. pag nangyari yun, magkalimutan nang magkumpare tayo sa buladaspir! hahaha!

    kaya i-surrender mo na ang nacopy-paste mong pic ng dude ko. lols!

    • Pong says:

      ahaahah
      yung pic ni Dude ay hahanapin ko pa kung saang folder ko nilagay yung pic niya na hindi nakablur ahahahah
      ewan ba hindi ko kasi nacopy paste agad kagaya nung nagawa ko dun kay ms.pinkish violet.

      pero promise hindi ko siya nakopya parekoy.
      hindi ang pic ni Dude ang magwawasak ng pagkamagkupare natin sa buladaspir dahil wala akong kopyang hawak.

      one thing for sure kapag nakasalubong ko siya makikilala ko siya, pagaganahin ko ang photographic memory skills na meoron tayo, at pag nakita ko siya syempre makikita na din kita malamang sa malamang, magkasama kasi kayo nun.

      be blessed boss lio, wala akong hawak na ebidensya ahahah

  8. Mineas says:

    my heart goes out with you sir pong; hmn, I know how it was to lose someone you loved. pero, atleast sigurado ka na nasa mabuting kamay na yung kapatid mo na yun.

    i’m back sa wordpress (with a better dream) hehehe…

    at ikaw, sakyan mo lang yung panaginip mo, yung panaginip ng nakadilat ha? hahaha!!! just continue dreaming, and I know you will win more people…

    • Pong says:

      maligayang pagbabalik mga maskara
      namiss ka namin
      kailangan mo ba ng maglilinis sa iyong bahay? magbo-volunteer akong magtanggal ng mga agiw sa bahay mo. ahahah

      yeah dream big. be blessed po!

  9. toni says:

    sana makatulog ka na ng maayos at maging payapa ang kalooban pagkatapos ng post mong ito.

    sino ba kase iniisip mo talaga at di ka napagkatutulog…umamin ka nga?
    biro lang kapatid pero sana kapag oras ng pagtulog iwasan sobrang pagiisip, palayain ang ibang bagay na bumabagabag sayo.

    • Pong says:

      ang totoo nito ate toni ko 2:19am ako nagising maga na talaga yung mga mata ko. but i feel better now, kalaban ko na lang talaga sarili ko.

      opo susundin ko po payo niyo ate toni ko.

      God bless po.

  10. badet says:

    tsk.tsk..
    kuya pong
    buti kpa nakakapananaginip
    ako hindi na simula 3 weeks ago dahil 3 hours a day lang tulog ko. tahahaha😀

    nweiz, be happy with the people you are with now, may rason kung bakit anjan sila at kung bakit wala ang mga taong nasa past mo sa present mo ngaon.. (gulo mo badet ) tahaha

    ayun😀 MOAMOA

    • Pong says:

      salamat badet i will be happy.

      MOA! MOA!

      k/a ok na naman ako nagtatalo lang ang sarili ko, there is part of me saying this and the other side saying the opposite.

      but am generally fine.

      Be blessed po!

  11. J. Kulisap says:

    Ok na pala siya Pong. Kaya, bawal na ang mag-inarte lalo na kung hindi ka nagkaka-eyebags.

    Saka ang daming nagmamahal sayo. Si Kuya Roland mo na 12 years pa lang, minahal ka na niya. Si Lolo Kuli, hindi ka niyang mahal pero kukulitin ka lang niya for life.

    Si Britney, pwede kayong maging mag-asawa kung ayaw ni Len.

    • Pong says:

      oo ang eyebags ko baligtad sa mga talukap ng mata namamaga ahahah
      gusto mo makita?

      ok na naman kuya ako lang talaga nag may problema. kailan ba ako nawalan?
      kumusta na kaya si sir roland? malamang madmaing utang yun sa Mobily, STC at Zain, sa load na nauubos niya ahahah? oo alam ko naman na mahal niya ako, mahal mo din ako, kaya nagmamahalan tayo, nyahahahahah

      Si ate britney, kapatid ko lang siya, si ms. pinkish violet pwede pa.
      si mam len, madalang lang siyang magblog ngayon pero alam ko naman na parati siyang hapi.

      oo ako lang may problema. Be blessed kuya, salamat.

    • Sphere says:

      Jkulisap, Limang araw akong magbabakasyon kaya wak ka magulo jan🙂 hinahanda ko na sarili ko para sa duyan at pagrerelax😦

    • WP says:

      Diba nga Kuli ang daming nagmamahal sa kanya kaya dapat maging happy na siya. Dapat yata ihanap na itong si Pongkie ng mapapangasawa. Sige magpapaskil ako sa Filipino Store mamaya🙂

  12. jason says:

    madalas ako managinip ng horror…. minsan naman… may green. greengoblin. hohoohoho

    balik ako later to read this pong

    • Pong says:

      horror pala madalas mong mapanaginipan ako hindi naman, madalang lang akong managinip
      hindi din kasi ako mahilig sa mga horror movies.

      hohohohoho bro jason!

  13. -=cuteberl=- says:

    Ngayon ko lang nabasa. Minsan kailangan natin isuko ang lahat sa Krus upang di na tayo malungkot at maging panatag na tayo. Ako din hanggang ngayon binabagabag ng loob ko sa aking PAPA kala ko noon naisurrender ko na siya ng buo pero hindi pala. kasi nasa puso ko pa din ang sakit at pighati ng nakaraan. Matuto tayong maging masaya sa kanila kuya kasi alam naman natin kung sino na ang kapiling nila di ba?

    Kaya mo yan…. Kaw pa….

  14. abou says:

    wala akong maalala sa aking mga panaginip…

  15. ladyinadvance says:

    awwww ako naman pag napapaniginipan ko ang isang tao lalo’t na malapit sken may something, what i mean is may problema xang dinadala o d kaya kelangan ko xang kumustahin…in a way natutuwa ako sa gift ko (kung gift mang maituturing) kc i know that God is speaking to me through my dreams para sa mga friends ko but sometimes napaparanoid ako especially pag hindi ko gusto laman ng panginip ko pero pag dumarating ako sa point na yan tinatawag ko la Siya kac alam ko Siya lang ang ang magpapagaan ng loob ko…

    ang dalangin ko sau Kuya Pong is that May God always comfort you….
    pag sa mga ganitong pagkakataon na nararamdaman natin ang kalungkutan lalo’t na sa ganyang sitwasyon lapit lang tayo sa Kanya. Oo mahirap minsan pero Siya lang ang tanging makakatulong sa atin…..Manalangin lang tau and seek more of His presence… God bless you kuya pong and thank you na lagi kang dumadalaw sa bahay ko kahit hindi ko na naaupdate un or d na kita narereplyan… Take care! and be blessed!😀

    • Pong says:

      Salamat ate lady ko.
      Eid Mubarak sa iyo!

      Oo nga, tama lahat ng sinabi mo, ako lang talaga ang may diperensya, knowing what i should do and am doing them, but the other side of me is so stubborn.

      basta ate lady salamat sa iyo.

      Be blessed!

  16. twistedisme says:

    minsan adik lang talaga tau at masokista..

    pero alam naman natin ung dapat gawin..
    andyan lagi si PAPA JESUS kuya..

    ibigay mo na lahat sa kanya🙂

  17. jason says:

    aay mga panaginip na ganyan, yung gigisingin ka sa madaling araw at pawis na pawis..

    may meaning ang mga dreams..

    pero sa totoo lang, naniniwala akong napapanaginipan natin ay ang bumobother sa tin all day long.

    or mga doubts, fears, etc

    hi pong

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s