After Five Days

Posted: September 14, 2010 in Personal
Tags: ,

English lang ang titulo pero gumaya lang ako kay Ms. Pinkish Violet with a sweet voice.

Ang totoo nito wala akong pasalubong na kwento o mga litrato tungkol sa bakasyon. Dahil ang bakasyon ko ay sa bahay lang.

Heto ang mga naging kaganapan sa loob ng limang araw na bakasyon.

  • Nag-overnight sa bahay-panambahan.
  • Nagbabad sa kama baon ang alcohol prep pad.
  • Pasilip-silip sa internet (chat, blogs, news).
  • Natulog at kumain.

 Nakakatuwa na may mga tumawag at nagtext sa akin.

  • Ate Anne
  • Ate Arny
  • Ate Bell Pepper
  • Batanglate
  • Chief
  • Si Kaibigan

Sa mga dumaan dito nag-iwan man ng bakas o hindi noong bakasyon ko, maraming salamat po. Sa mga naka-miss sa akin, kung meron man, namiss ko din kayo.

Sa kabila ng paanyaya ni Sir Philip (ka-opisina) na nagbakasyon sa Dammam ay hindi ako nakasama sa kanilang grupo dahil na rin sa overnight sa bahay-panambahan.

Ang natutunan ko sa aking bakasyon ay ang Channeling. Hindi ito ang pinipindot sa remote control o palabas sa TFC. Ito ay ang pagdivert ng mga bagay-bagay. Nung nasa bahay-panambahan kami ay naibahagi ko ang hindi ko pagkatulog ng maraming araw at para na akong bipolar. Isa lang ang sagot ng aming tagapamuno — Channeling.

Nagawa ko ba ang dapat gawin bilang anak ng Diyos sa mga oras na ako’y hindi nakatulog (ipanalangin ang iba, magpuri, magbasa ng banal na aklat at iba pa)? May mga bagay ba akong nakaligtaan? Channeling.

Channeling is the use of uncomfortable situation into something beneficial in physical, emotional, mental and spiritual aspects.

Ang bakasyon ko ay isang Channeling. Tatandaan ko ito.

Ako po si Pong, nagbabalik!

Comments
  1. Jag says:

    Pag tinamad din ako mas gugustuhion ko lng din magbakasyon sa bahay lng hehehe…

    Welcome back parekoy!

  2. Sphere says:

    Pongkie, your back! buti nman nakapagmuni muni ka sana tuloy tuloy na yan…:-)

    hang sakit ng ngipin ko pati ulo ko damay okie na sakin na heart sumakit wag lng talaga ngipin nakakairita ng sobra damay lahat na sumasakit!

    • Pong says:

      oo masakit talaga kapag ipin ang masakit
      hmmmmm baka naman may nakilala kang nagpasakit ng ipin mo ate anne.

      kayo na nina ate arny, lee mi ang may bonggang bakasyon. kayo na!

  3. Mental Climax says:

    Welcome back.🙂

  4. Ka Loren says:

    Salamat po pala sa pagdaan sa muting karitonko…may sagot po ako sa komento nyo tungkol sa abroad…

    Channeling…uhummm…may bagong aral po akong napulot dito😀

    Depende lang po talaga kung paano sinisipat ang ‘uncomfortable situations’…

    Pagpalain po sana kayo ng Maykapal…

    • Pong says:

      Salamat kaibigang Ka Loren, tatambay ako parati sa kariton mo.

      tama tamang view point/vantage point pala ang kailangan sa mga uncomfortable na siwasyon.

      Ang pagpapala din po ang sumainyo!

  5. jongskie721 says:

    tatawag sana ako at magtetext, kaso wala ka pala sa contact list ko😥 di ba tayo closE? di nga😦 add mo nalang ako sa plurk : jong721 ata username ko dun, pakihanap nalang ako :S chat nalang tayo, ym, charming_anne106🙂

    padaan ehehe

  6. @ Pong..!
    channeling..!
    now i know..!
    channeling..!
    yun pala ang tawag dun..!
    anyway..,
    naiintindihan ko yung part na…
    ” di ka makatulog “..!
    madalas kasi…
    ganyan din ako..!
    madalas…
    kapag ayaw akong dalawin nang antok…
    naka online lang ako..!
    or di kaya…
    pumu[unta ako sa bahay ng mga friends ko..!
    nag iinuman kami..!
    or di kaya naman…
    pumupunta ako sa…
    7 11..!
    MAY BINIBILI AKO..!
    pero…
    lately…
    parang nag sawa din ako sa ganyang…
    sistema..!
    then…
    i discovered the…
    relaxing effect of..:
    PRAYING..!
    oo pong..!
    nag darasal din ako..!
    kung hindi man diretso sa kanya…
    isinusulat ko ito..!
    or kaya…
    I PRAY WITH SOMEONE..!
    sabay kami..!
    ang sarap pala nung ganun..!
    nakaka enlighten..!
    so…
    yun..!
    anyway ulit…
    yung pag babakasyon naman…
    minsan nga…
    mas masarap pa yung…
    nasa bahay ka lang eh..!
    mas marami kang magagawa..!😉

    • Pong says:

      napa wow ako sa koment mo sir daniel,
      tunay na ang panalangin ay daan sa pakikipag-ugnayan sa Kanya, kahit in any form ito. Ako din sa journal ko usually mga prayer points nilalagay ko.
      Pero may times talaga na out of focus ako.

      the best yung “I PRAY WITH SOMEONE” sir, I admire you for that.
      Prayer buddy! yehey!

      Be blessed po sir.

      Ano pong meron sa 7/11?

  7. WP says:

    Welcome back pongkie! bakit feeling di ka naman nawala. Sana happy ka na ngayon dahil may chenelin ka pang nalalaman ngayon ahahaha

    • Pong says:

      ahahah ganun ba ako naman feeling ko nawala ako ahahahah

      Channeling yun sir WP. opo sabi kasi ni Enrile, dapat daw happy ako ahahah.

      Masaya po talaga ako, ubod ng saya.

      Salamat po sa pagdalaw sir. Ikaw na ang hanggang ngayon ay bakasyon!
      Be blessed sir!

  8. aninipot says:

    ayan! balik ka na ulit… at may natutunan ako… chanelling narin ang gagawin ko pag di ako nakakatulog, naranasan ko ba eto?..matakaw ako sa tulog eh!..hahahaha

  9. -=cuteberl=- says:

    maligayang pagbabalik kuya pong

  10. salbehe says:

    Mas cute siguro kung Chenneling. Wala leng. =)

  11. J. Kulisap says:

    May natutunan din ako Pong. Washington

  12. myfilthyroom says:

    Ttry ko nga ‘tong channeling na ‘to.. at kapag tinanong ako ng nanay ko kung ano ginagawa ko, sasagutin ko sya ng: “channeling ‘to mah..” hahaha

  13. Mental Climax says:

    Waiting for the next. Have a nice day.

    • Pong says:

      napressure naman po ako bigla sir. eheheh

      have a blessed day din po sir!

      • Mental Climax says:

        No pressure intended, though. Take your time. It just feels great to be waiting for someone’s thoughts to be published.

        • Pong says:

          hehehe
          usually po pag wednesday (last day of work sa disyerto) ay repost po ginagawa ko about sa Missions Course.

          I’ll post it po. Be blessed at dakal pung salamat (maraming salamat po in kapampangan).

  14. Nortehanon says:

    Yes, it is called channeling—channeling our energy to doing other worthy deeds. Yung mga negosyante, they want to call it multi-tasking hehehe. Just kidding😀

    Maligayang pagbabalik, Pong. I hope na, tulad ko, sa iyong pagbabalik ikaw ay rejuvenated and more inspired.

    • Pong says:

      multi-tasking din pala iyon ehehehe

      salamat po Ms. N.

      opo hopefully more inspired talaga lalo na palapit na ang 2011.
      Salamat po sa parating pagdaan Ms. N.

  15. gnehpalle02 says:

    wilkam beck ginoong pong!
    Very fruitful ng iyong bakasyon…😀

    (hindi ka man naglakwatsa napagtibay mo naman ang koneksyon mo kay God)😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s