Ikaw Ang Simula Kalagitnaan At Wakas

Posted: Oktubre 2, 2010 in Mga Sariling Akda Para Sa Panginoon
Tags: , , ,
Ikaw ang aking simula
Nagpapaliwanag sa aking umaga
Itong puso ko’y di titigil sa pagkanta
Sa iyo o aking Diyos magpupuri sinta

Ikaw ang nagbigay kabuluhan
Sa buhay kong walang kapupuntahan
Siguradong landas ko’y kapahamakan
Salamat sa iyo’y may kaligtasan

Ikaw ang aking kalagitnaan
Silong ko sa tag-init at tag-ulan
Itong galak ng kaluluwa’y walang pagsidlan
Sa iyo o aking Diyos may kasiguraduhan

Ikaw na nagpapaalala
Sa paglakad ko ng matuwid tuwina
Bangin man o apoy ay siguradong kaya
Sapagkat ika’y walang kapara

Ikaw ang aking wakas
Kapahingahan ko’y wagas
Sa iyong piling ay maaliwalas
Buhay ko’y handa ng magwatas

Ikaw lahat ang dahilan
At ikaw pa rin ang uuwian
Aking simula, kagitnaa’t wakas
Sa iyo alay o aking Diyos itong aking bukas






Advertisements
Mga Puna
  1. toni ay nagsabing:

    base!

    bawat pagsubok na dadating pa ay dagdag palamuti na lang sa matibay mong kapit kapatid.

    magandang araw!

  2. Jag ay nagsabing:

    dahi SIYA lang at wala ng iba…magandang komposisyon parekoy! Gwan mo minsan yan nga musika at iparinig mo sa amin hehehe…

    • Pong ay nagsabing:

      amen parekoy.
      minsan gagawa ako ng kanta at sana pagbigyan mo ako na ikaw ang umawit kagaya nung kay kayedee ha
      salamat
      hindi pwedeng tumanggi eheheeh

      be blessed!

  3. WP ay nagsabing:

    Wow Pong ikaw na ang idol ko sa mga tula. Salamat sa mga prayers mo at parating pangungumusta.

  4. Sphere ay nagsabing:

    POngkie, napakagandang prayer / kanta/ tula basta maganda:-)

    yngat ka lagi & God bless you…

    • Pong ay nagsabing:

      ingat din ate anne ko
      papuri sa Diyos
      pag-uwi natin tuloy na ang Grand EB: The Retreat ha, ikaw ang kakanta at maggigitara ako macocompose hihihi

      be blessed

  5. Arnie ay nagsabing:

    ganda ganda ng tula…

    may pagkamakata ka pala kuya pong…hehehe

  6. Nortehanon ay nagsabing:

    Nakatutuwang ibinabalik mo sa Kanya ang talentong bigay Niya sa yo.

    Have a blessed weekend, Pong!

    • Pong ay nagsabing:

      oo nga po Ms. N for the past months troubled ako and your comment made me realized what I should stand for. Salamat po for reminding me.

      be blessed po!

  7. lio loco ay nagsabing:

    erm…amen? ang masasabi ko lang pareng pong, napaka-god-centered mong tao. dahil diyan, karapat-dapat kang i-clap-clap!

  8. twistedisme ay nagsabing:

    AMEN kuya pong..

    wala ng ibang simula at wakas kundi SYA!

    ngayon lang nadalaw ulet naging bisi 😀

    • Pong ay nagsabing:

      Glory to God ate arny ko!
      ok lang po yun alam ko naman busy ka at parati din naman kitang nakakulitan.
      opo siya ang alpa at omega.

      be blessed po ate arny ko!

  9. ROSE ay nagsabing:

    hello po.. pwed po bng mkipg linke exchange? kung ok lng po.. slamat

  10. Mineas ay nagsabing:

    nice post, hindi ako fan ng mga tula, pero ang gnada ng pagkakagawa ng poem na to.. hindi cheesy.. pero may antig.. hehehe…

    Aking simula, kagitnaa’t wakas
    Sa iyo alay o aking Diyos itong aking bukas <-perfect,

  11. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    wala na akong masabi kuya pong. your the best.

  12. J. Kulisap ay nagsabing:

    Ang tula ay nagpapahayag ng iyong buong buong pagsuko sa Panginoon.
    Kung lahat ng tao ay gaya mo Pong, lahat sana ay maligaya.

  13. hoshi ay nagsabing:

    ganda parang kanta. naalala ko tuloy yung mga compositionsni Butch Charvet. hehehe

    mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s