Ito ay mahabang post at ang makakatapos ay may premyo galing kay Sir Roland mula Ikea (hihihihihi). Masikip na daw kasi ang kanyang kwarto (hahahaha).

Khamsa Riyal (Five Riyals – Five Riyals) – Oktubre 15, 2010

Bilang paghahanda sa isang outdoor activity ng bahay-panambahan (Hajj Holidays) sa mga kapatiran ay sinadya (ocular inspection) namin ang Khamsa-Khamsa. Isa itong lugar-pasyalan na kalimitang dinadayo ng mga Pinoy para mag-bonding. Para ka ding nasa pasuguan (embassy), diplomatic quarters o ospital na hindi na kailangang mag-abaya (ito ang itim na kasuotan ng mga kababaihan – lahat ng lahi ay kailangang isuot ito sa oras na lumabas ng tahanan) ang mga kababaihan at pwedeng mag-usap ang mga babae at lalake (hindi ko lang alam kung hindi pa nasisita ito). Walang kakaiba sa  Khamsa-Khamsa, sa katunayan ang makikita lamang dito ay bilyaran, basketball court, soccer field, race track, picnic grove at videoke.

Tinawag nga pala itong Khamsa-Khamsa dahil ang entrance fee ay Five Riyals bawat katao.

Tanong 1: Ano ang kakaiba sa Date Tree B? Ang unang makakasagot sa comment box ay mananalo ng sandamukal na kandila galing kay Sir Roland. hihihihihi

Gawain (Malayong Disyerto) – Oktubre 20, 2010

Agosto ng makauwi sa Pilipinas kong mahal si Partner sa gawain. Sa loob ng halos anim na buwan (tuwing Lunes) ay siya ang aking naging katuwang sa paghahayag ng salita ng Diyos sa malayong disyerto. Halos isang oras ang biyahe bago makarating sa lugaring iyon. Madalas kaming saksi sa palpak na AC/Desert Cooler ng aming kumpanya o kaya naman ay walang tubig o kuryente (napuputulan ng kuryente ang aming kumpanya dahil ‘di sila nagbabayad) dagdagan pa ng malabong araw ng pasweldo. Sa pag-uwi ni Partner ay isang buwan ko ding tinahak ang malayong disyerto na mag-isa. Kalaunan, nakumbinsi ko ang isang kapatid na samahan ako at siya naman ay nagpaunlak ng isang buwan dahil nagtapos na din ang kanyang kontrata noong ika-31 ng Oktubre (siya ngayon ay nakatengga at umaasang makakauwi bago mag-Pasko). Sa huling araw ng kaniyang pagsama sa akin ay nasaksihan niya ang pagtitiis ng aming kasamahan sa kumpanya. Halos dalawang buwan na natengga ang 7 sa mga kapatiran bago nakauwi (at meron pang 15-kabuuan sa tatlong camp na magta-tatlong buwan na nakatengga). Ramdam namin ang poot at galit nila sa kumpanya sa tuwing nagdadasal kami ay nakikipagspiritual battle kami sa external forces na kanilang bitbit. May pagkakataon na simula hanggang kagitnaan ay pautal-utal akong nagsasalita at ang bigat ng agos ng gawain. At may isang pagkakataon na nag-gawain kami ng walang ilaw at gamit lang ang mga flashlights ng celphone na kasabay naman ng pagdiriwang ng kaarawan ng isang kapatid.

(Ang salu-salo ng mga magkakapatid 7 sa kanila ay nasa Pilipinas na at 3 pa ang nakatengga sa Malayong Disyerto.)

Papuri sa Diyos dahil sa kahinahunang ibinigay Niya sa mga kapatid habang sila ay nag-aabang sa kanilang pag-uwi. Ngayon, isang hamon sa akin ang maghanap ng makakatuwang sa loob ng 5 buwan pang pamamalagi dito sa disyerto. Ang Diyos na ang bahala dun.

Tanong 2: Base sa malabong larawan ano sa tingin mo ang handa nung gabing iyon? Ang makakasagot ay mananalo ng tatlong 50 LT plastic storage box mula pa rin kay Sir Roland.

Aksidente, Nobyembre 4, 2010

Ang sasakyang ginagamit sa aming gawain ay totally wrecked na. Salamat sa pag-iingat ng Diyos at bugbog lang ang inabot ng mag-asawa at naihatid nila ang kanilang baby sa kanyang sitter bago nangyari ang aksidente. Papaliko sila sa pasukan ng ospital ng mag-counterflow ang rumaragasang trak. Sa kasalukuyan ay inaayos na ng insurance ng dalawang sasakyan ang dapat matanggap ng mag-asawa. Salamat sa Diyos.

Tanong 3: Kung si Uncle Sam ay may 911 para sa anumang sakuna o aksidente, ano naman ang 163 sa Pilipinas? Ang makakasagot ng tama ay padadalhan ni Sir Roland ng apat na cabinet mula sa IKEA. hihihihihi

Overnight, Eyeball at Function: Nobyembre 4-5, 2010

Pang-apat na beses ko ng makadalo sa function na iyon. Nagkakilala na din kami sa wakas ni Ms. Chin. Pagdating ko sa bahay nila ay tumulong ako sa paggugupit ng mga kinakailangan sa function at sinamahan ako ng kanyang asawa para pormal kaming magkakilanlan. Saglit lang iyon dahil abala ang bawat isa. Dahil pang-apat na beses ko ng nakitulog doon kasama pa ng ibang mga kapatid ay alam ko na kung saan hahanapin ang knapsack (hindi ako sigurado kung yun ang tawag dun).

Kinabukasan pagkatapos ng QT at nakaligo ay tumulong naman akong maghugas ng kahong-kahong ubas. Nagsurrender ng celphone (bawal ang celphone, kailangang alisin din ang baterya at isumite sa nakatalagang mga kapatid) at nagtungo na sa function. Abala ang bawat isa at sa mga panahong iyon dun lang kami nakapagkwentuhan ni Ms. Chin. Sa function na iyon ay nakasigaw ako ng malakas, nakaawit na walang inaalalang seguridad at nakapag-usap ng puso sa puso. Sa dinami-dami ng mga opisyal na photographer nun ay wala man lang kaming picture nina Ms. Chin, Kuya M at kanilang mga kulilits (Ms. Chin, kung may kuhang larawan po ako dun sa camera ni Kuya M ay i-send niyo po sa akin. Salamat po).

Paborito ko ang awitin ng mga bata na: “Jesus loves me, Jesus loves me and this I know.”

Madami akong natutunan sa function: Ang magbago at maging kagaya ng bata. Dahil ang Kaharian ng Diyos ay para sa mga bata. Hanggang sa muli pong pagkikita.

Ang nagsundo at naghatid nga pala sa akin ay ang mabait na si Kuya Danny.

Tanong 4: Ano ang blog award na ibinigay ni Ms. Chin sa akin? Ang makakasagot ng buong puso at katapatan ay makakakuha ng 4 na lampshades mula pa rin kay Sir Roland. hihihihihi

Taglamig, Emptiness at Kamatayan: November 7, 2010

Nagising ako na may tuyong dugo sa aking ilalim na labi, sa kabila ng pagpahid ko ng lip balm. Binigo din ako ng sandstorm at ulan dahil opisyal ng nagsimula ang taglamig na hindi man lang sila nagparamdam. Malamig na sa disyerto o sabihin na nating parang nasa Pilipinas na ang agwat ng temperatura. At sa mga susunod pang mga araw ay bababa pa ito hanggang 4 sentigrado.

Habang binabaybay namin ang daan pauwi basta na lang ako nakaramdam na parang mawawala na ako dito sa mundo. Nagtext ako sa kuya ko, pinasalamatan ko sila, sa aking matalik na kaibigan na nagbibigay ng pagkalito sa aking isipan at ilan pang mga kaibigan.

Sa tuwing pinaghihinalaan ako ng aking amo ay hindi ko mapigilang depensahan ang aking sarili dahil alam kong tama ako; pero sasabihin pa rin niya akong, “I don’t care with your explanations.” Sa tuwing uutusan akong pumunta sa grocery para bumili ng kanyang sigarilyo o dili naman kaya ay iligpit ang kanilang pinagkainan o itimpla sila ng kape o maghugas ng kanilang mga pinag-inumang tasa ay pikit-mata ko lang sinusunod. Sa mga pagkakataong naiisip ko ang mga kasamahan naming nakatengga ay nakakaramdam ako ng emptiness. Madalas tutulo na lang ang luha sa aking mga mata at mapapabuntong-hininga sabay dikta ng aking isip: “Madalas may mga pagkakataong wala ka Pong karapatang mamili dahil sa sitwasyon mo, kailangan mong tanggapin ang lahat ng may buong kapagpapakumbaban at hindi sa lahat ng panahon ay ganyan ang magiging eksena. Ang kapagsubukan bilang Kristiyano ay hindi  diyan nagsisimula at natatapos.”

Habang sinusulat ko ang blogpost na ito ay naalala ko ang punto sa function: Magbago at maging katulad ng isang bata. Ngayong gabi lalambingin ko ang aking Ama dahil alam ko kagaya ni King Hezekiah “I am entitled”. Maglalambing ako sa Ama, marahil katulad ng isang bata (na ang paghahari ng Diyos ay nasa sa kanila) hinihintay lang Niya akong maglambing sa Kanya.

Tanong 5: Ano ang ginamit nina Martin at Arlo bilang pananggalang sa pagsusugat/pagtutuklap ng kanilang mga labi tuwing taglamig sa disyerto? Ang makakakuha ng tumpak na kasagutan ay magkakamit ng mga hangers at wall clocks mula kay Sir Roland. hihihihihi

***

Nasaan ka o aking Diyos?

Bakit ako’y iniwan mo?

Ikaw na aking tanggulan

Tuluyan mo na ba akong iniwan o Diyos ika’y nasaan?

***

Nasaan ka o aking Diyos

Aking mga kaaway nagpupunyagi

Bulong nila’y, “sinasamba mong Diyos ika’y iwinaksi,

talikdan mo Siya ika’y ‘di magagapi.”

***

Nasaan ka o aking Diyos?

Alalahanin mo iyong lingkod

Pawiin mo yaring pagod at iahon sa kahihiyan

Lipulin mo sila’t igupo at ako’y muling ibangon mo!

— Psalm of Entitlement— pong

***

Ang posteng ito ay walang halong kalungkutan. Ako, bilang naniniwala sa Diyos, kagaya ng aklat ng Awit ay pwede tayong humiling sa Diyos sa paraang entitlement. Be blessed to all!

***

 







 

 

Comments
  1. YanaH says:

    pasasaan ba’t matatapos ang lahat ng paghihirap nyo, magkakaron din ng daan tungo sa liwanag.. makakauwi din kayo at makakasama ang pamilya nyo. sa ngayon ang tanging magagawa nyo lang ay kaunting tiis pa, kapit lang.. at patuloy na manalangin na magiging maayos ang lahat.
    nakatutuwang despite ng hirap na dinadanas mo, ay buong-buo ang pananampalataya mo sa DIyos. yan ang magsisilbing lakas mo para labanan ang kung anu mang dinadanas mo ngayon.
    ill include u in my prayer. ill be praying for your safety, ill be praying for more guidance from God to you, ill be praying for God to keep you stronger, wiser. Ill be praying for yur safe return back home (soon). I’ll be praying For God to grant you the wisdom u need in understanding why things happened the way they do. I’ll be praying for God to continue to bless you wherever you are right now kasama na ang mga kasamahan mo dyan.. just keep the faith and hang in there.. matatapos din ang lahat.

    unang tanong: no idea hahaha
    pangalawang tanong: sopas?
    pangatlong tanong: versatile award
    pang apat na tanong: petroleum jelly?

    God bless you…

    • Pong says:

      salamat po sa mga prayers ms. yanah.
      opo excited na din naman akong makauwi.
      salamat po sa mga panalangin na-touch po ako, isama niyo na din po ang pag-uwi ng iba pa naming mga kasamahan na patatlong buwan ng nakatengga.
      mabuhay po kayo!
      salamat po

      be blessed!

  2. J. Kulisap says:

    Mamaya ko babasahin ng marami.

    Bantay Bata 163

    • Pong says:

      sige lang po kuya, hihihihihi
      di ko alam kung ano magiging reaksyon ni sir roland dito kasi base sa new post niya wala na daw paglagyan yung mga kung anu-ano sa bahay niya kaya naisip ko kagabi na ipamigay kahit sa imagination lang hihihihi

      sige lang po kuya pag may time ka basahin mo po.

  3. Jag says:

    Ang saya naman may mga ganyang activities kayo…🙂

    • Pong says:

      oo nga sir jag masaya naman po, kaso di na matutuloy outdoor acitivity dahil wasak na ang sasakyan.

      ingat ka po diyan.
      be blessed po!

  4. J. Kulisap says:

    Martin at Arlo, petroleum jelly. Yong flavor di ko alam kung ano.

  5. Nortehanon says:

    Hi Pong, patuloy kitang ipinagdarasal, iho. Merong isang dating post ka dito na nang mabasa ko naipangako ko sa sarili ko na hindi maaaring mawala ka sa aking dasal.

    Kaunting tiis pa, kaunting pasensya. Alam kong ang paniniwala mo sa Kanya ay walang kasingtatag, ganoon din sana maging matatag ang iyong dibdib. I know that with the strength of your faith, nothing can break your spirit.

    Natutuwa akong sa kabila ng lahat ay nananatiling positibo ang pananaw mo sa buhay, at sa halip na magtampo ay mas ninanais mong maglambing sa Kanya. Ang maglambing (at mangulit) sa Kanya ay isa sa mga paborito kong gawain🙂

    • Pong says:

      salamat po sa mga dasal Ms. N, yehey! yipppee! hurrayyyyyyyyy!
      yung post po na Employee-Employer Blessings po dun niyo po nabanggit yun
      salamat po talaga.

      opo kaya pa po ito! go! go! go! lang po tayo!
      opo matagal na kasi din akong hindi nakapaglambing eh,
      ingat po ikaw diyan Ms. N. Sabi ko nga po, kailangan ko itong tanggapin at i-point out sa aking mga mata sa pananaw na nais ipaabot sa akin NIYA.

      Be blessed po!

  6. God won’t forsake you, Pong. Kaya mo yan. Just keep holding on. Pasasaan ba at matatapos din lahat. We are always with you. Isang text mo lang, alam mo naman, I will be there. Di man physically pero in spirit anjan lang ako, ang Ate mo🙂

    Ingat ka lagi…

    • Pong says:

      Amen po ate bell ko.
      Yehey oo nga po, touch nga po ako sa inyo palagi kayong nangangamusta
      sana makapasyal ka din dito pasyalan mo sina ate mo tapos kita tayo sa ospital para pwedeng mag-usap kasi pag sa labas di na pwede eh,

      salamat po talaga ate bell ko. ayiiiiiiiiiiiiiiiehhhh kumusta mo po ako kay manong.
      be blessed!

  7. J. Kulisap says:

    Nabasa ko nang lahat Pongkie.

    Napakatapang mo. kung sa akin mangyari ‘yan, malamang nasa kalye na ako at pagala-gala ng walang direksiyon.

    Ito ang mga sagot ko.
    Versatile blogger award
    Ang pagkakaiba ng date B ay, walang dahon? Ahahaha, may umiihi. Ewan
    Lugaw ang handa o sopas

    • Pong says:

      salamat sa pagbabasa sa maikli kong post kuya kulisap
      inaabangan ko si sir roland para sa mga papremyo hihihihihi
      tama ka sa Bantay Bata, Petroleum Jelly, Blog Award

      mali ka sa date B iclick mo ang date B at may makikita ka. wait palitan ko dapat ang tanong. Ano ang makikita sa Date B dapat pala?
      mali ka din sa handa nung may birthday pero malapit at sopas nga pero may kulang sa sagot mo hihihihi

      oh well salamat din sa iyo kuya, nagpapakatapang lang po kailangan po eh. Be blessed!

      • WP says:

        Sa akin galing ang pa-premyo? Ahahaha.

        Sa tanong no. 2: Ang hula ko Kabsa ang handa. Fav. ko rin kasi iyan wahahaha.

        Tanong 1: Ano ang kakaiba sa Date Tree B? Ang pagkakaalam ko ang date tree ay kailangan may ka pakner para mamunga.

        • Pong says:

          mali nga ang tanong ko eh, anong makikita sa Date Tree B? yan ang tamang tanong iclick mo sir makikita mo kung anong meron.

        • WP says:

          Alin ung ahas na maliit? Ahas nga ba iyon o lubid? ahahaha

        • Pong says:

          oist hindi ka pwedeng sumagot dahil ikaw ang nagpapremyo ha, kaya invalid ang sagot mo. siya nga pala andun kami sa bahay mo di mo kami nirereplyan ni kuya kulisap
          ampeyr talaga!

        • WP says:

          Di ako pwedeng sumali dito tapos ako pa ang ampeyr? Haist

        • Pong says:

          pwede ba yun na ang namimigay ng papremyo ay kasali? di ba nga from 2nd-3rd keen ay hindi pwedeng sumali hihihihi.
          sinong nagsabing ampeyr ka? di natin siya bati, hihihihi

  8. WP says:

    Khamsa Riyal? parang Riyalin ung tindahan na puro 5 SR ang lahat ng paninda? Hindi ako nang aasar dito ah lilinawin ko lang, nagtatanong po ako ahihihi. At kayo na Pong ang gala mode sa Hajj! Pongkie katulad ng parati nating napag uusapan, lahat ng ito ay may katapusan at pasaaan ba’t magiging ok na rin ang lahat. Gusto ko ung Pong na parating tumatawa at nangungulit. Miss ko na siya😦

    • Pong says:

      oo parang riyalin lang talaga sir. oo naman may katapusan din ito sir. Hindi nga matutuloy kasi naaksidente at wasak ang sasakyan di ba? Opo matatapos din po ito.
      wow ang inspirasyon ng post na ito ay nakadaan din, isang karangalan po, ipinamigay ko po yung mga gamit mo ng hindi mo alam hihihihi

      Basta ayokong mang-asar hihihihihi!
      salamat sa lahat sir, be blessed.
      ingat ka sa Petra ha alam mo naman na gusto kong puntahan iyon. Sana magkita tayo sa Pinas!
      Be blessed po!

  9. Chin chin says:

    Ah, sponsored post ba ito ng Ikea? Ang haba nga ng post…pero maikli lang masasabi ko…God is faithful, He always has, He always will. Keep the faith.

    • Pong says:

      ilang araw po kasi akong di nakapag-update kaya medyo mahaba. Pinipilit ko po ang Ikea hahaha, salamat po noong nakaraang araw Ms. Chin pakisabi din po kay Kuya M, and I agree po sa sinabi niyo, He is, indeed!

      be blessed po!

  10. Arnie says:

    hang haba ng post pero nabasa ko sya…yey!!!

    sagot sa unang tanong: parang merong isang mata…awoooo…

    nakakalungkot nman ung mga nakatenggang mga kapatid mo kuya pero tama ka mabuti at matyaga pa rin silang nagintay sa kanilang pagbabalik d2 sa pilipinas…

    sagot sa pangalawa: pansit canton with 7up…hahaha

    sagot sa pangatlo: Bantay Bata (163)..

    sagot sa pang-apat: Nasagot na ni Yanah…lol (the verstaile blogger)

    sa pang lima: petroleum jelly???

    Ingats kuya pong… God Bless!!

  11. lio loco says:

    o eh di mag-khamsa-khamsa rin tayo dito pag-uwi, pareng pong. hehe.

    hindi ko alam kung anong sagot sa question no. 1 dahil hindi ko alam kung anong klaseng puno ‘yan. puno ba ng buko ‘yan?

    sopas ang nasa kaserola.

    bantay bata 163.

    versatilie blogger award.

    petroleum jelly.

    ngayon, ang hindi ko maintindihan eh bakit sa lahat ng tanong mo eh si ser roland ang galanteng isponsor? humihingi rin ako sa kanya ng mga abubot niyang hindi na raw magkasya sa kwarto niya at alam mo kung ano ang gusto niyang ibigay sakin? ‘yung vanishing cabinet na ginamit ni draco malfoy para makapasok ang mga death eaters sa hogwarts.

    ako na. ako na ang hindi makapag-intay sa hp7.1. hihihi!

    • Pong says:

      wahhhhhhhhhhhhhh noo nga napansin ko sa mga comments mo kay kuya tarbs
      nag magic-magican ka dun hihihihihi
      hahahaha nisagutan mo talaga parekoi
      oo kasi hindi na magkasya sa kwarto ni sir roland kaya naman nagvolunteer akong ipamigay.

      sabik na din akong mapanood ang hp7.1 na yan
      hahaha ang paborito ko naman sa HP series yung building nagpofold tapos dun sila pumapasok at ang train station (pader) kung saan sila pumapasok. tatak HP yun para sa akin.

      • lio loco says:

        grimmauld place ‘yung building na nagfo-fold. dun ang naging pansamantalang kuta ng order of the phoenix bago namatay si dumbledore.

        platform 9 3/4 naman ‘yung lagusan sa train station papuntang hogwarts.

        ako na, ako na talaga ang adik sa harry potter.😄

  12. salbehe says:

    Natapos kong.. i-iskrol. =)

  13. {MENTAL CLIMAX} says:

    ang galing-galing mo naman.

  14. cheesecake says:

    ang haba ng random mo…

    di ko pa nababasa lahat😀

  15. Ka Loren says:

    paminsan-minsan man akong nagdadasal, e, gagawinko ito ngayon para sa inyo, sir pong…

  16. Leemi says:

    ang haba kuya.. sakit mata ko ngayon…

  17. katrinadanieles says:

    Kuya pooooooooooooooooooooooooong! pasensya na at ngayon lang ako nakabisitang muli, rumaraket kasi si kat sa paggawa ng mga paulit-ulit na articles sa net.🙂 Masaya naman ako dahil pinahintulan ako ng Diyos na mabigyan ng trabahong madali at kumikita naman ako.🙂

    Naniniwala ako na merong plano ang Diyos sa kung anuman ang nangyayari sa ating buhay. (‘Call to me and I will answer you and tell you great and unsearchable things you do not know.’ jeremiah 33:3)
    Naniniwala akong “He will never leave us nor forsake us”. Kuya pong, ipagdarasal ko kayo lagi, at ipagdarasal kong magtino na ang kompanya nyo. Kuya, alam kong may halo mang kalungkutan o wala ang post na ‘to; nananalig ka pa rin sa Diyos, at tayong mga Kristiyano, merong joy, o yung sayang hindi nakabase sa mga nangyayari sa paligid kundi nakabase sa ating pananalampataya sa Kanya.🙂

    kuya pong, magandang araw sa’yo!🙂

    P.S. gusto ko sanang mag-answer sa mga tanong pero baka magalit si Sir Roland?? heheh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s