Pong Was Shot And Murdered

Posted: November 9, 2010 in Kwentong Disyerto
Tags: , , , , ,

Taglamig na dito sa disyerto. Uso na naman ang sakit na homesickness at flu dahil sa pagpapalit ng panahon. Pero ang naunang sakit ay all-year-round present yan, kumbaga sa class record ay perfect attendance.

Kahapon ay schedule ng division namin ng flu shots. Pangontra siyempre sa flu at maging sa yellow fever. Tinurukan kaming lahat – one at a time. Kinuhanan pala ako ng larawan ni Ma’am Olive and na-murder ako, hindi ni Ms. Nurse from US of A o Ma’am Olive kundi ng picture (Ok, una hindi ako photogenic – in short pangit ako at pangalawa patakas o bawal kasi ang pagkuha ng larawan dito – nagulat nga si Ms. Nurse from US of A bakit kinuhanan ako ng larawan ni Ma’am Olive).

I was shot and murdered.

***

Heto nga pala ang mga sagot sa mga tanong sa post na Random.

  • Tanong 1: Ano ang kakaiba/makikita sa Date Tree B? Sagot: May ahas ang Date Tree B.
  • Tanong 2: Base sa malabong larawan ano sa tingin mo ang handa nung gabing iyon? Sagot: Sphagetti Noodles na i-sinopas.
  • Tanong 3: Kung si Uncle Sam ay may 911 para sa anumang sakuna o aksidente, ano naman ang 163 sa Pilipinas? Sagot: Bantay Bata
  • Tanong 4: Ano ang blog award na ibinigay ni Ms. Chin sa akin? Sagot: Versatile Blog Award
  • Tanong 5: Ano ang ginamit nina Martin at Arlo bilang pananggalang sa pagsusugat/pagtutuklap ng kanilang mga labi tuwing taglamig sa disyerto? Sagot: Petroleum Jelly

Salamat sa mga nagbigay ng mga sagot:

Bahala na si Sir Roland sa mga papremyo kasi hindi niya alam na ipinamigay ko ang mga gamit niyang nagpapasikip sa kanyang kwarto. Concern lang naman ako baka kasi di na siya makahinga sa kwarto niya o pamahayan ng surot o ahas kapag hindi nai-dispose ang mga iyon. Ok, salamat na lang kasi wala naman talagang papremyo hihihihi.

***

Moral Lesson

Napakabuti ng Diyos dahil naka-avail ako ng flu shot sa kabila ng hindi naman dapat dahil hindi ako empleyado mismo ng ospital. Ginamit Niya ang aming direktor para ako ay maka-avail.

When Ninoy Aquino appeared in 700 Club Asia to testify the goodness of our Lord Jesus Christ in his life I was deeply moved.

“The message is welcome your suffering because God will never give you a suffering that will break you. It’s only manifestation of His love. I think that He’ll make us suffer to really realize Him, because when we’re in glory we don’t know Him. But when we suffer we remember Him, I think that’s the message.” – Ninoy Aquino
 
Thank you Lord for my sufferings and let your glory shine on me, on us.
 

 

Comments
  1. WP says:

    Aray!

    So ibig sabihin bayani ka rin kasi ni-shot ka rin eh ahihihi.

    • Pong says:

      si Ninoy Bayani
      ikaw dahil OFW ka Bagong Bayani ka din
      Ako, sige na nga magpa-shot ka na din! hihihihihi

      bakit wala kang koment sir sa mga papremyo?

      • WP says:

        Anong papremyo? wala akong alam diyan ahaha. Ayokong magpa shot pongkie dahil kahit sa laki kong ito, isa ang injection sa pinaka iiwasan kong bagay ahihihi

        • Pong says:

          takot ka pala sa injection ako naman takot ako sa pampresyon dito
          basta nakakakita ako nun 3 trial bago magnormalized bp ko.

          premyo, prize, give aways, kung di mo pa gets ay ewan ko na lang. hihihihi

  2. Nortehanon says:

    Glad that you got the shot, Pong. Kami sa office natapos na rin about a few months ago. Para daw yun sa seasonal flu. Kailangan talaga ang dobleng pag-iingat sa kalusugan.

    Natutuwa ako sa iyo dahil you see blessings in the midst of simple things, at kahit na sa pagpapaturok ng flu😉

    God bless, Pong!

    • Pong says:

      Glory to God po, yearly po ang flu shots nila dito maging ng swine flu shots, last year din po naka-avail kami.

      madalas po kasi akong nakakalimot na it’s the simple things that God shows His majesty and goodness.

      God bless din po Ms. N. salamat po sa parating pagdaan dito, feeling ko po matagal na tayong magkakilala.

  3. Jag says:

    Sabi ko na nga ba tinurukan ka lang hehehe…halatang nanginginig ang kumukuha ng pic sayo ang labo eh hehehe…

    Knina ko lang nabasa sa kabilang post mo na may award pla ako sayo hehehe…gagawa ako about it next time hehehe…salamat! God bless!

  4. Len says:

    ditu din meju malamig ang klima, ang hirap tuloy gumising ng maaga.. hehe

    God Bless!🙂

  5. YanaH says:

    sa paaralan ng mga kidlets ko ay may free na influenza shot. tama naman. sa panahon ngayon napakahirap magkasakit lalo na kung mga bata.

    madamign pa ring dapat na ipagpasalamat despite ng kung anu-anong hindi magandang nangyayari. kahit papano..once in a while sumisilay ang araw para mapangiti ka at maging thankful.. ;))

    ingat lagi pong….

    • Pong says:

      yey mam yanah.
      tama po palaging may kislap ng liwanag.
      good po kung ganun kung nagpa-flu shots mga kulilits mo po, iwas sakit.
      be blessed po!

  6. nurseblublu says:

    as usual, i visit your blog and i get inspired.😀
    agree nga pala ako! BAWAL talagang magkasakit sa ngayon. Masakit sa bulsa eh, hehe.

  7. J. Kulisap says:

    Napakalalim ng faith mo Pong, at sa bawat nangyayari at nararanasan mo, lagi mong karamay ang Diyos.

    Alam ko na ang sagot mo Pong.

    Glory to God Kuya Kulisap.

    Ilan ang score ko?

    • Pong says:

      yan lang kasi ang meron at pinanghahawakan ko ngayon kuya at yan ang ayaw kong mawala ang Faith.
      wow na wow ang mga sagot mo kuya at Glory to God!

      yung iskor mo is 3 so kunin mo yung prizes mo kay sir Roland hihihihi

      be blessed po!

  8. athena says:

    so happy for you n nka avail po kau nun.. hello po ulit…

  9. Katt says:

    wow! meron din kami niyan, libre pa, kaso after one week nagkaroon din ako ng flu.wahaha musta na pala peba? di ako makabasa ng maayos kasi super busy saw work ngaun,God bless pong!

    • Pong says:

      wow nurse katt, salamat po sa muling pagdaan
      nakita po kita minsan sa specialized medical, biro lang hihihihi
      ayos po yan at least nakapagpa-flu shot na po kayo,
      ok lang naman po PEBA nurse katt, God bless po!

  10. kayedee says:

    kuya pong!!! ehehe..
    hmm. aq hnd nagpapa flu shot. at bkit??
    1. kc ang initial reaction ng flu shot ay its either sskit ulo u or magkakalagnat ka. in short ssma p pkramdam u.
    2. twing nagpapa flu shot aq nagkksakit p dn nman aq.
    3. un n nga titiisin q n nga sakit ng injection tpos magkksakit dn pla aq!
    4. so i tried not 2 have flushot last yr ayun hnd nman aq nagksakit
    5. sb ng isang customer na doctor eh. ang totoo in her opinion lalo k tatamaan ng sakit pagnagpa flu shot ka.. ung explanation nya nalimutan q na🙂 bsta filing q tama nman xa..

    kaya ayun! kaya hnd nko nagpapaflu shot🙂

    • Pong says:

      hahahaha
      o sige na na ikaw na si doctor kayedee
      in short takot ka lang sa injection hahahahahaha

      ingats diyan sa USA, winter na din niyan di ba? sige magslide slide ka sa snow hihihi

  11. jason says:

    baket naman murdered eh di ka naman na marder. wahahahahaha
    ok yan flu shot! di ka na tatablan ng kahit anong saket mabuhay ka!

    papa anti rabies nga ko mamaya e

    hohohoho

    • Pong says:

      hahahaha yung picture kasi namurder eh (term namin yan sa pampanga) pag pangit ang kuha hihihi

      mabuhay ka din!
      meron na akong anti rabies kasi nung grade 6 ako nikagat ako ng aso kaya yun hihihihi

  12. topexpress says:

    Wow! its nice to know na may flu shot ka na! Dito wala pa ako, pero nag pa appointment na ako sa doctor namin to have my flu shot. Nagsisimula nanaman kasi bumagsak ang mga makukulit na nyebe!😛

    Maasalama!

    • Pong says:

      Kef Sadik?
      Wow! kuya tops muli kang nadalaw, oo nga papalamig na dito maging diyan kaya kailangan na talagang magflu shot, hope you got yours.

      ingats. be blessed

  13. neil says:

    haha murdered talaga?!😀

  14. Vajarl says:

    Takot ako sa karayom. Either masasapak ko yung gusto mag shot saken or hihimatayin ako. Hihi.

    P.S. hindi ko na binasa mula dun sa ‘Moral Lesson’ part. Ako na ang masama ugale! Pero nadaanan ng mata ko ang “700 Club Asia”, yung palabas nila sa TV nakakainit ng ulo. Hmmkeitnxbye.

  15. busyok says:

    nakakagulat naman ang title ng post mo.hehe

  16. WildCat says:

    Kala ko totoong “murdered” kasi mangangahulugan lang na ghost mo ang nagsusulat sa iyong blog.🙂

    At bakit naman bawal kumuha ng larawan? pamahiin ba? Malabo nga ang pagkakakuha ng picture shot.

    • Pong says:

      strict po kasi ang ospital pagdating sa pagkuha ng pic
      hihihihihi sa pampanga po kasi kapag pangit kuha ng pic ang tawag namin ay namurder hihihihihi

      ingats po God bless

  17. carmine says:

    Sir, ang cute niyo sa picture. haha. :>

  18. myfilthyroom says:

    Nagbabalik ang original heartthrob ng blogosphere (ako yun!) hahaha…

  19. jec mendiola says:

    kuya Pong, ngayon lang ulit ako nakabisita🙂
    nakaka-inspire ka po ^^ sa lahat ng nangyayari parati ka pong grateful. lalo na yung faith nyo ^^

    anyway, yung rekwes mo po. eh sisimulan ko palang. pasensya na, tinablan na naman ako ng katamaran xD

  20. mangpoldo says:

    🙂 nadeceive din ako sa salitang murdered. hahaha

  21. katrinadanieles says:

    Sus, nakakagulat naman ang title kuya..tsk3

    God is good talaga kasi nilibre ka Niya ng vaccine.🙂 kuya,sa totoo lang, ayoko ng mga bakuna2 kasi takot ako sa needles..parang ang sakit magpa-injection eh, tsaka parang nagka-infection ako ng bata ako dahil dyan. heheh

    Kuya, may mga tama pala sana ako sa mga tanong mo.😉 heheh

    Gandang araw kuya pong!🙂 kamusta na yung bakuna mo?🙂

    P.S. ok naman ang picture ah.😄

    • Pong says:

      hahaha nakakagulat ba ang title kat,
      sorry naman ngayon lang ako nakapagreply

      ako naman sa pampresyon ako takot hihihihi

      be blessed kat!

  22. Dorm Boy says:

    Masakit sigru ang magpashot?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s