Bakasyon

Posted: November 27, 2010 in Kwentong Disyerto
Tags: , ,

Nagpapanggap lang daw akong hiatus ayon kina Ginoong Kulisap at Sir Roland kaya heto isasalaysay ko na ang aking naging bakasyon noong  Hajj Holidays (Nobyembre 13-19) sa Al Kharj (Agricultural Zone ng Central Region). Halos isa’t-kalahating oras ang biyahe mula Batha, Riyadh papuntang Al Kharj. Mabilis ang biyahe dahil walang traffic at babagal lang ng kaunti sa may check-point palabas ng Riyadh at papasok naman ng Al Kharj.

Ang Al Kharj ay tinaguriang Agricultural Zone dahil dito nakalagak ang mga hekta-hektaryang farms (vegetables at fruit farms, dairy at poultry farms). Mapalad ako at may mga nag-aya sa aking magbakasyon sa SADCO/SPC (Saudi Poultry) at natunghayan ko kung paano nakakarating ang mga itlog na aming binibili sa mga groceries at bahkala (tindahan). 

Let the pictures do the talking (mula sa layer-house hanggang packaging). Models: Pong and Engr. Noel.

 

Iyan po ang dinadaanang proseso ng mga itlog dito bago mailuto. Bow!

Meron din silang liquid egg na tinatawag ito yung ibinebenta sa mga bakeries. Models: Pong, Engr. Noel, Engr. Roland and Vincent.

At ang pinaka-importanteng bahagi ng aking bakasyon ay ang makapag-Bible Study kasama sina Engr. Noel at Vincent. Pero bago naganap ang aming pag-aaral ay kumain muna kami. Yehey!

Ang napag-aralan nga pala namin ay nasa Revelations 2:17. Ito ay tungkol sa pangalan ng bawat isa. Ang pangalan ng isang tao ay sumasalamin sa kanyang karakter. Karakter na kilala ng mga taong nakakasalamuha sa araw-araw. At ang pangalang bigay sa atin ng Diyos ay mahalaga. 

Maraming salamat sa aking mga kaibigan na sina Engr. Noel at Vincent, dalangin ko na sumahod na din kayo. Hanggang sa muling pagkikita.

PS

Salamat din sa pag-aruga niyo sa akin sa dalawang araw na aking pagkakasakit. 

 

 

 

Comments
  1. WP says:

    Hindi ka nga Haitus Pongkie!

    Wow ang daming itlog. Alam mo bang masarap i-leche plan ang mga iyan ahihihi

    • Pong says:

      oo na hindi na ako hiatus sige, hihihihihi
      oo madaming itlog dun, kasi nga poultry hehehehe
      di ko alam kung angle-leche plan sila dun sir,
      be blessed po

  2. barrycyrus says:

    ang saya nyo lang🙂

  3. zeb says:

    “At ang pinaka-importanteng bahagi ng aking bakasyon ay ang makapag-Bible Study kasama sina Engr. Noel at Vincent. Pero bago naganap ang aming pag-aaral ay kumain muna kami. Yehey!”

    you never fail to honor God wherever you are, nice trip.. continue to be a blessing to others. God Bless you Pong!😀

  4. J. Kulisap says:

    May itlog din sa Saudi, kulay puti rin? Manok din naitlog niyan Pong? Ang saya ko lang ah.

    Hello sa mga models na kasama mo? Model ng ano? Bakit ang dami kong tanong?

    Hihihihi?

    Hiatus? Saang banda?

    Ilan ang tandang pananong? Ilan?

    • Pong says:

      kapag nawala ako mami-miss niyo din ako bwahahaha
      opo model po kami ng itlog sir hahahaha

      10 po ang mga tandang pananong at isa ang tuldok. bow!

  5. athena says:

    ang dami nmn ng itlog..pwed pahingi?hehehe

  6. Ernest Vincent Labung says:

    sige sa mga naghihingi ng itlog pila pang kayo!unlimited nmn mga itlog dito.,mahihinto lng ito kung mapepeste lahat ng mga manok,ah ha ha!joke lang”, marami nga ang nasasayang na itlog dito,tapon doon tapon dito,kung nasa pinas lng tyo niyan,ipunin mo lng mga tinatapon nila,ayy marami na tyong datong for sure!eh he!hindi kc sila marunong mgtipid no,ang dami ngan taong hindi nakakakain db.

  7. kikilabotz says:

    kuya pong mahilig ka pala s itlog anoh? hahahaha. penge naman ng spaghetti. ikaw na artistahin

    • Pong says:

      ubos na ang ispageti sir marvs, tsaka double lang ako ng tunay na artista hahaha

      nagpapanggap pa ito, kuha ka na ng isang kahong itlog, mahilig ka din naman, sige na wag ka ng mahiya.😄

  8. Len says:

    haha, saya ah.. pictorial?? hehehe

  9. hoshi says:

    3 bagay…

    1. ahhhh ganyan pala ang pagproseso ng mga itlog dyan. ayos din ah
    2. mukha ka namang walang sakit sa pix number 16. hehehe
    3. tama ka na ang pangalan ay mahalagang bagay s atao at pagkatao. kaya dapat hindi dapat basta makapangalan lang sa isang bata at magtawag ng kung anu-ano sa isang tao.
    (ay teka nabugok ata ako dito sa hli. nyahahaha)

    mabuhay!

  10. jec mendiola says:

    mukang mahabang proseso ang pagluluto ng itlog.
    bat po ba niluluto ng ganyan? pag hindi po niluto, anong mangyayari?
    ang mangmang ng tanong ko… pero seryosong tanong po yan🙂

  11. Joyo says:

    hong domeng eggs! at ang sarap ng pagkain mo ng spaghetti nakataas pa ang paa mo ehehehe… next year na ulit ang holiday na mahaba… ^^

    God bless you pong.

    • Pong says:

      hahaha opo ate joyo ko nagkasakit kasi ako diyan kaya todo kain ng ispageti.
      oo nga po next year pa ulit ang holidays na mahaba

      yehey! pauwi na si ate joyo. mabuhay!
      be blessed po!

  12. @ PONG..!
    wala parin ba si…
    SPHERE..?
    ang lungkot nang…
    nag iisa..!😥

  13. Yvar says:

    parang ang cool ng liquid egg.. hahaha!!! pede ba yun ilaga?…😀 hehehe…

  14. Mental Climax says:

    ang popogi naman ng mga pektyur mo.

  15. toni says:

    ayun naman pala at nakarating sa lugar ng mga itlog.
    ay dapat sabihin mo sa kanila don na kesa itapon sobra eh gawing itlog maalat at ung mga nababasag ilagay sa malinis na container para magawang leche flan.

    kung sakali at magbabasa dito ang ate Anne mo sana malaman nyang marami din naghihintay sa kanya.

    • Pong says:

      minsan po gumagawa po sila ng itlog na maalat
      pero protocol po nila yata na kapag may crack na yung egg ay itatapon na
      yung madudumi naman po na shell yun yung ginagawang liquid eggs yata, di po ako sure

      email niyo po si ate anne, babalik din po siya

  16. twistedisme says:

    wow..maitlog na bakasyon pala ahahaha!

    alam ko mas mahigpit sila pagdating sa ganyan, ang dami kasing pwedeng makuhang sakit sa farm..

    hello kuya!!nakapasyal din ako sa wakaaaaasss!!

  17. drake_kula says:

    Ikaw na ang long hair at nagfield trip sa SADCO, ikaw na talaga!

    Hahhaha!

    Ingat pre

  18. kayedee says:

    ang mga itlog bow!🙂
    db nag flu shot k bkt k nagkskit? sb q sau kuya e no epek ang flushot aktwali mgkkskit kpa lalo eheh

  19. Mental Climax says:

    hindi daw dapat pansinin yung isa jan.

  20. salbehe says:

    Alam mo POng, natatakot na akong makita ka baka basahan mo agad ako ng bible verse. Nakow po masasapak kita.

  21. davmel says:

    Ang ganda ng bakasyon mo, parang educational fieldtrip lang😀

    isang makabuluhang araw lalo na ang pagsasagawa ng bible study, mabuhay ka sir Pong!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s