Christmas 2009

Posted: December 11, 2010 in Kwentong Disyerto

Ito na ang ikalawang Pasko ko sa disyerto. Noong nakaraang taon ay may salu-salo ng mga kapatiran na aming hinahayagan ng Mabuting Balita. Nagkaroon din ng malaking salu-salo sa bahay-panambahan isang linggo pagkatapos ng Pasko.

Ang totoo, hindi ko alam kung paano ito maitatawid ng hindi nangungulila sa Paskong Pinoy ngayong taon. Akala ko sapat na ang nakaraang Pasko para makabisa ang ganitong pakiramdam: pangungulila at pananabik sa pamilya. Hindi pala. Hindi pala kayang tumbasan ng teknolohiya o ilang libong riyals ang ganitong pakiramdam.

 

 

Comments
  1. zeb says:

    “Hindi pala kayang tumbasan ng teknolohiya o ilang libong riyals ang ganitong pakiramdam.”

    tama ka dyan Pong, Merry Christmas. God Bless You always😀

  2. Nasa puso ang pasko, pong. As long as you know what its real meaning is, kahit nasan ka, mararamdaman mo ang pasko.

    Wag kang malungkot. Ako din wala sa piling ng pamilya ko ngayong pasko. Tawagan mo sila at cgurado, magiging masaya din ang pasko mo.

    Syangapala, THANK YOU. Nandun ka sa loob ng garapon ko:)

    • Pong says:

      belated happy birthday ulit ate bell ko.
      wala pong anuman at salamat po at idinagdag mo po ako sa garapon mo.

      malapit na din po matapos ito ate bell
      God bless po.
      Maligayang Pasko =)

  3. myfilthyroom says:

    oh cge, ikaw na ang may ilang libong riyals.. hahaha merry x-mas naman.. merry-galo ba ko? hahaha

    • Pong says:

      ikaw na ang gwaping sige hahaha
      may libong riyals ba ako? (pocket check) wala naman sir hahaha
      wala na din yata naman akong merry-galo sa iyo kaya quits lang boss.

      maligayang pasko sa iyo sir.
      be blessed =)

  4. WP says:

    Hindi talaga kayang tumbasan pongkie? Hindi nga? weh? O sia sia ikaw na ang maarte bwahahaha. Meri Xmas sa iyo at sa iyong buong pamilya bossing🙂

  5. toni says:

    minsan kahit kasama natin sila nakakaramdam pa rin tayo ng lungkot kapag iginala ang tingin sa kapaligiran.
    malungkot o masaya sana parating nasa puso ang pagmamahal at pasasalamat;

    maraming salamat kapatid.

    • Pong says:

      tama po kayo.
      sama-sama ngayong pasko lalo na sa mga kapiling ang mga pmilya.
      mabuhay po kayo ate toni.

      be blessed po diyan
      at maraming salamat po =)

  6. Sows says:

    maligayang pasko sa lahat!🙂

  7. J. Kulisap says:

    Awwww. Nothing beats AGFA.

    Pasko naman dito sa kuta mo, buti nga ikaw may nyebe sa kuta mo eh, eh ako ice tubig lang sa ref namin meron.

    Ahahaha.

    ay pong, ang sarap kumain ng puto at bibingka, may keso de bola at lechon pa, meron pang ham, at meron pang tinola at marami pang iba. Meron ding suman sa latik.

    ang dami pa Pong.🙂

  8. davmel says:

    Maligayang pasko po sir Pong! alam ko ang pangungulila at lungkot pag dating ng araw ng kapaskuhan lalo pat malayo tayo sa ating pamilya… pero kaya natin yan, dahil sila naman ang dahilan kung bakit tayo nasa ibayong bansa…

    homesick mode hehehe😀

    • Pong says:

      oo nga homesick mode ako ngayon sir
      pero kaya pa naman ito kailangan eh, ingats ka po diyan sir Davmel
      Maligayang Pasko po diyan sa Libya =)

  9. jec mendiola says:

    Lumilibo ang riyals ni kuya🙂

    Maligayang Pasko po ^^ Sana sa susunod ay magpapasko ka na walang pangungulila xD

  10. Leemi says:

    Nasa Pinas ako ngayong Pasko.. pero nasa malayo pa rin ang puso ko😦

  11. Ax says:

    Tiis tiis na lang muna Kuya Pong! Unting panahon na lang at makakauwi ka rin at makakasama ang pamilya mo!

    Maligayang araw sa Paskong darating!

    • Pong says:

      salamat po kuya ax
      binabati po kita bilang nominado sa Philippine Blog Awards

      malapit na nga po 4 na buwan na lang Hello Philippines na po ako

      Maligayang Pasko po sa iyo!

  12. lio loco says:

    okei lang ‘yan, pareng pong. pasasaan ba’t magkakaron din ng paskong muli kayong magkakasama-samang magkakapamilya. malapit na!

    p.s. ako lang ba o talagang muka kang hiyang sa disyerto? nananaba ka kasi. hahaha!

    • Pong says:

      salamat boss lio, malapit na nga, 4 na buwan na lang
      tama ka lumobo ako nasa 75 na ang timbang ko mula sa 65 kaya medyo nagbabawas na din ng taba, baka kasi dambuhala na ako pag-uwi.

      maligayang pasko sa iyo boss lio. =)

  13. meliza catedral says:

    merry christmas pongz! kahit malayo ka sa iyong pamilya kasama mo pa rin cla sa iyong isipan at puso.at hindi ka ngiisa andyan yung kafriends sa tabi mo..4months na lng uwi ka na.
    pero in fairness manyaman ka pagdating mo sa pinas.kasi riyal yung pera mo..pasalubong ha! lol

    • Pong says:

      hahahahahaha sana mayaman ako ate mels kapag yumaman ako mas makakatulong pa lalo
      opo 4 na buwan na lang yehey!
      Maligayang pasko po sa iyo ate mels =)

  14. arnie says:

    nakakalungkot pero sempre dapat paring tiisin dahil para sa kanila din nman ang mga pagtitiis at paghihirap mo kuya pong…malayo ka man maituturing pero sa puso nila nanay mo at kapatid mo ramdam na ramdam nila ang init ng yakap mo…

    Malapit na kuya Pong….Maligayang Pasko para Sau..Ingat ka palagi…😀

  15. Tubi says:

    yaan mo, tutulungan ka naming hilahin ng pabilis ang mga araw para ilang tulog na ulit at dito ka na (bitbit ang mga pasalubong namin)…magpapasko.

    maligayang pasko sa iyo pong!
    ekschens geyps tayo?!😉

  16. keatondrunk says:

    merry xmas! wla talagang katulad ang paskong pinoy, kaya yan!

  17. salbehe says:

    Kaya mo yan Pongski, malapit na at uuwi ka na. Sabi nga ng lagi kong sinasabi (ang gulo di ba?): This too shall pass. Atsaka mukhang masaya naman kayo sa pektyur.

    • Pong says:

      oo nga po ate salbe, homesick kasi ako yun ang totoo
      lapit na nga apat na buwan na lang.
      akala mo lang masaya, pero, pero, pero masaya naman talaga😄
      Maligayang Pasko Ate Salbe.

  18. Merry Christmas Pong!

    Nawa’y maitawid mo ‘yan muli gaya nung isang taon. hindi man kasing saya ng dito at least may kasama ka at magpapasko pa rin kayo.

    mabuhay!

  19. katy says:

    iba talaga ang paskong pinoy…kahit ako na nandito sa dubai, hindi ramdam ang pasko😦

    merry christmas po🙂

    • Pong says:

      sa dubai po pala kaya mam katy
      ni-add ko po kayo sa link ko di na po ako nakpagpaalam
      di bale po maitatawid din po natin ang mga paskong dadaan pa po.
      God bless
      salamat po sa pagdalaw.
      maligayang pasko po =)

  20. WP says:

    Pongkie pakibigay naman sa akin ang email add ng ITA diyan sa inyo, wala lang may ibubulong lang ako, pramis walang kinalaman sa iyo🙂

  21. duking says:

    woi! bagong theme na naman oh!

    lam mo pong, huwag kang masyadong malungkot. isipin mo na lang na ang mga ganyang sakripisyo ay matutumbasan din kapag nakauwi ka na.

    besides, bukod siguro sa mga mahal sa buhay na nami miss mo syempre araw araw, wala na rin akong nakikitang kaibahan sa pasko maliban sa masyado itong commercial sa point of view ko. siguro, nasa puso na lang talaga ng mga bata ang pasko.

    may nalalaglag pang snow!!! ang ginaw na!

    • Pong says:

      salamat sa paalala kuya duking
      lahat ng sinasabi mo sa akin sineseryoso ko
      pero tama ka naman commercialized nga ang pasko
      tama kayo ni ate bell, sa puso ang pasko
      homesick lang po siguro ako

      wag ka masyado maglaro sa snow, sisipunin ka lols

      maligayang pagbabalik at pasko sa iyo kuya duking

  22. katrinadanieles says:

    kuya pong!!! Huwag kang mag-alala, kasama mo naman ang totoong ipinagdiriwang ng Pasko, kasama mo si Bro, nasaan ka man… medyo nalulungkot ako sa post na ‘to kasi ramdam na ramdam ko ang pangungulila mo sa paskong Pinoy..
    ipagdarasal ko kuya na makabalik ka sa araw mismo na itinakda kung kailan ka makakabalik dapat sa Pilipinas.🙂 Maligayang Pasko kuya Pong!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s