PASALOVE Update: Rumaragasang Pagpapala

Posted: December 17, 2010 in Personal
Tags: , ,
Rumaragasang pagpapala ang aking naranasan
Di ako magtataka kung ba’t sa akin napupunta
Mula Hilaga, Kanluran, Timog, Silangan
Saan man magpunta
Rumaragasang pagpapala ay aking nakamtan na

 

Totoo ang kantang Rumaragasang Pagpapala sa buhay ng bawat isa, lalo na sa mga taong nagbabahagi ng kanilang pagpapala sa iba. Napakabuti ng Diyos sapagkat tunay ngang wala siyang katulad at kanyang tinugon ang dalangin ng Servolution Team – Pangasinan para sa kanilang Blessing the Children of Garbage Collectors.

Naalala ko parati ang turo ng aking guro sa misyon na, freely we receive, freely we give. Nakakatuwang isipin na ang mga taong nasa likod ng programang ito ay bukas lagi ang kanilang mga palad sa pagtulong at gumawa ng radical change. Sabi nga ng isang sikat na mangangaral, if we want to attract God, start a radical move.

At ang lubos na nakakamangha ay ang kabutihan ng Diyos sa mga taong nag-abot ng kanilang mga tulong na hindi na nagpapabanggit ng pangalan. Sila ang mga taong naniniwala na kung ano ang alam ng kanang kamay ay hindi na kailangan pang malaman ng kaliwang kamay.

Kapag ang Panginoon ang nagpaulan ng pagpapala paniguradong mauubusan tayo ng paglalagyan dahil ito ay rumaragasa mula  Hilaga, Silangan, Timog at Kanluran.

Isang mapagpalang Pasko po sa bawat isa at maraming salamat sa lahat ng mga tumulong para sa dakilang adhikain ng Diyos na magbahagi ng pagmamahal in and out of season.

***  To GOD be all the Glory ***

Personal:

I would like to thank PEBA, Inc. (Pinoy Expats/OFW Blog Awards) 2010 for making history in honoring the OFW’s workmanship through their blog and photo entries. The representation of OFWs thru PEBA is a great advocacy knowing that we Filipinos, both in and out of the country are world class! Salute to all OFWs, PEBA Team and the Filipino People who shared the vision of a better Philippines! (FB Status)

Salamat Waling Lee Mi at sa lahat ng sumuporta sa Perfect Picture.



Comments
  1. nhix says:

    Rumaragasang pasasalamat saiyo kuya Pong.. salamat sa prayers, salamat sa pagpopromote, salamat sa pagsuporta.. kasama namin kayo rito…. see you soon po.. God bless you..

    • jonathan says:

      Lubos ang aming pasasalamat sayo kuya pong sa walang sawang pagsuporta. Kasama namin kayo sa gawaing ito. Isa kayo sa aming inspirasyon upang magpatuloy kami sa aming mga ginagawa… Godbless you always…

  2. Jag says:

    Tiyak maraming bata ang matutuwa niyan…congratulations pla ser Pong sa PEBA award n’yo. Pagpalain kayo sir!

  3. twistedisme says:

    congrats kuya!!!marami pang blessings para sau at para sa lahat!

  4. shea says:

    congrats, kuya pong!

  5. YSAE says:

    marami akong gustong sabihin pero umaapaw ang aking kalooban sa iyong malasakit, kabaitan, at pagtulong sa amin! you’re every part of this! kulang ang aking salita sa pasasalamat!

    ikaw ang aming PBB – Pong, (our) Brother Blogger!

  6. Nortehanon says:

    Yehey! This is another victory of God! Ang galing-galing! Congratulations sa inyong lahat.

  7. WP says:

    Congratulations sa lahat ng involve sa project na ito lalong lalo na sa iyo Pong na nakatanggap ng award sa PEBA 2010.

  8. kikilabotz says:

    congrats kuya pong. hehhehe. sabi ko n nga nung nkita ko si ate romina siya yun. hahaha

  9. Jepoy says:

    Congratulations Kuya Pong, GF mo ba ung kumuha ng award mo?! Uuyy, ang landee!

  10. ARa says:

    Good Job!!!
    Amazing ,, WOW

  11. toni says:

    ano napanalunan ng perfect picture?

    congrats kapatid.

    • toni says:

      ala pa ata naglalagay ng complete list of winners pero nakita ko nanalo din sina Father Fiel, batang mangyan at animus.

      ano nga pala napanalunan nyo?
      nakikitsismis lang po.

  12. athena says:

    congrats.. cgurado malayo ang mararating ng mga regalong yan,,…

  13. topexpress says:

    Isang mapagpalang araw Puge!!!!

    Tunay nga na ang PASKO ay para sa lahat. Maaring sa iba ang pasko ay panahon ng masasarap na pagkain at magagarbong damit, pero may mga tao pa din na buhay ang diwa ng pagbibigay at pagtulong sa kapwa na salat sa yaman.

    Continue to inspire and make good deeds to our fellow kababayans, and congrats sa PEBA!

    Level up ka na puge!!!!!!

    Maligayang Pasko

  14. Yow says:

    Naks.. Congrats Sir Pong. God bless you.🙂

  15. davmel says:

    Hi Pong congrats pala sa Awards na natanggap mo! grabe galing mo… at maligayang pasko at manigong bagong taon…😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s